"Baby, nakagayak ka na ba? Alis na tayo ng six." "Teka lang, dy!" nagmamadali kong sigaw habang nagkukulot ng buhok ko. Binaba ko ang pangkulot saka ako pumili ng hikaw na susuotin. "Bakit ang tagal mo diyan? Ikaw pa 'tong unang gumayak kanina." "Ayan na nga!" Stress kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin. Ako ang namili ngayon ng susuotin ko. Hindi naman bongga ang pinili ko. Gusto ko lang ay magiging disente akong tingnan para sa dinner namin kasama sina Vanessa at Ruru. Nandoon din kasi ang parents ni Ruru, alam kong iba pa rin ang tingin nila sa akin kaya naman nag-ayos ako. Saka wala namang magagawa si Sebastian since umalis siya kanina. Susunod na lang daw siya sa restaurant. Sina Dice at Leonardo, ang tanging makakasama ko papunta doon. "Anong sa tingin niyo?" kabado kong t

