"Pwede bang dito na lang tayo sa labas? Nakakakilabot tingnan, eh. And 'yung air, para tayong nasa horror movie," maarteng sabi ni Vanessa habang nakayakap sa sarili. "'Wag kang umarte. Dahil 'yung mga gumaganyan ang unang namamatay sa horror movies," sabi ni Ruru. Hindi ko alam kung paano ako magre-react do'n dahil 'yung way ng pagkakasabi niya no'n kay Vanessa ay parang siya 'yung killer sa horror movie. Nauna si Ruru sa paglalakad na sinundan namin. "Ru, pwede ba talagang pumasok dito? Hindi ba tayo trespassing?" alangan kong tanong. "Aray!" sigaw ni Vanessa na kumapit agad kay Sebastian pagkatapilok niya sa isang bato. "Hindi 'yan, bukas naman, oh," sagot naman sa akin ni Ruru. "Kung ayaw nilang magpapasok. Edi dapat ni-lock nila 'to." Tinignan-tingnan ko si Sebastian na siyan

