"So.. Lalabas kayo mamaya? Pwede ba kaming sumama? Mag-double date tayo," masayang tanong ni Vanessa habang na kay Sebastian lang ang pagtingin kanina pa. "Please, Seb? Masaya 'yon." Ngumuso pa siya. Naiinis na ko. Gusto kong paluin ng tsinelas 'yang nguso niya ngayon. Tingnan lang natin kung hindi siya magmukhang si Donald Duck. Seryosong tumingin si Sebastian kay Ruru na patuloy sa pagkain ngayon. Nagluto nang maaga si Leonardo dahil sa dalawang bisita ngayon. Ewan ko ba kung bisitang maiituring si Vanessa o bwisita. "Sa akin ayos lang," biglang kibo ni Ruru nang makita niya ang pagtingin sa kanya ni Sebastian. "Lalabas din naman kami mamaya." "Lalabas kayo? Para saan?" mahina pero maangas na tanong ni Sebastian. Bahagya siyang ngumisi habang bumabaling ng tingin sa plato niya. "May

