"Teka, kukuha pa ko ng juice," paalam ni Leonardo habang nakatingin pa rin sa pinapanuod namin at dahan-dahang tumatayo. "Pwede ba tayong mag-usap?" Humarang si Dice sa TV kaya nakuha niya ang atensyon ko. "Sige, mamaya," sagot ko. Humalukipkip siya at nanatili doon kaya napabuntong hininga na ko. "Fine, umalis ka muna diyan. Ihihinto ko sandali." "'Wag mong ipe-play nang wala pa ko," nagmamadaling sabi naman ni Leonardo sa akin. "Hindi sila magkakatuluyang dalawa. Mamamatay 'yung lalaki sa dulo. Makakagat din siya ng zombie," kwento ni Dice na ikinatingin namin nang masama sa kanya. "'Wag mo kong tingnan nang ganyan. Sumunod ka na sa akin." "Hay, dapat pumunta na ko agad sa kusina, eh," reklamo ni Leonardo, lumalakad na paalis. Tumayo naman ako at sumunod kay Dice sa mini garden.

