"Hanon, naikot ko na 'yung buong bar. Bakit hindi ko makita si Sebastian?" kunot nuo kong tanong kasabay ng pagpamewang. Kumuha ko ng isang beer saka in-straight 'yon dahil sa sobrang pagod. Kanina ko pa hinahanap si Sebastian para itanong sina Daddy at Dice pero pati siya, hindi ko makita. Imposible namang hindi niya imbitahan ang future father-in-law niya saka kapatid sa mismong engagement party namin. Imposible ring nakalimutan niya o nakalimutan nina Daddy at Dice na um-attend. "Try kong hanapin din siya. Baka nakaladkad lang 'yon ng mga kabarkada niya. Alam mo na, Ate Ariel, happy-happy, eh. Siguradong lasing na rin 'yon." "Ariel." Napalingon ako kay Dan nang kalabitin niya ko. Isang sulyap ko lang kay Dan, pagbalik ng tingin ko kay Hanon, wala na siya, ang bilis. Mas mabilis pa

