"Seriously, bro! Bakit ka umiiyak?" suyang tanong ni Dice kay daddy na ikinatingin ko sa kanila. Magkakatabi kami ngayon sa mini theater ni Sebastian, nanunuod ng gusto niyang movie at itong si Daddy kanina pa umiiyak. "Anong nakakaiyak kung hindi sila ang nagkatuluyan sa dulo?" Bumalik na sa pagsandal si Dice. "Mas maganda nga kung nagpakamatay na lang din 'yung babae." "Paano mo 'yan nasasabi? Wala kang puso," madramang reklamo ni Daddy na inilingan ko na lang habang bumabalik ng tingin sa screen. "Wow, coming from you." Tinignan siya ng masama ni Daddy. "Kumakain ka ng mga kauri natin tapos nasasabi mo 'yan?" "Alam na ba ni Elaine na halimaw ka?" "Tigilan niyo nga 'yan," bawal ko na sa kanila pero hindi sila tumigil. Nagtitigan silang dalawa habang naniningkit pa ang mga mata.

