Ilang araw ang lumipas ngunit wala akong nareceive na text o tawag. Baka napagtripan lang ako. Napakagullible ko naman. Hindi naman sa hinihintay ko magtext yung tropa niya. Nacurious lang ako. It’s only a week before the start of class. Kailangan ko bumili ng school supplies at saka mga libro na kakailanganin ko sa pasukan. I have already my list of subjects and mostly dun ay Mathematics. Bukod sa libreng tuition sakop din ng scholarship ko ang book allowance.
“Nay, alis na po ako. Bibili lng po ng gamit para sa school.”
“Sige, anak. Mag-iingat ka.”
7:45 am pa lang. Ang aking ina ay nagtatrabaho sa isang convenience store sa bayan. At a very young age of nine years old ay iniwan kami ng tatay ko at sumama sa ibang babae. Wala na akong balita mula sa kanya magbuhat pa noon. Itinaguyod ako ng aking ina mula elementary hanggang high school. Tuwing Sabado at Linggo, nag pa part time job ako sa restaurant na pagmamay ari naman ninang ko sa kabilang bayan. Pati summer break ay itinuon ko rin sa pagwowork para mabawasan ang gastusin namin. Nagsikap akong makakuha ng mataas na grado upang makakuha ng scholarship dahil alam kong hindi sapat ang kinikita ni nanay upang ipagpatuloy ko ang pag aaral sa college.
ABC Bookstore
Ito ang pinakamalaking bookstore dito sa amin. Nagsimula akon maglagay ng mga bagay na kakailanganin ko, notebook, ballpens, ruler, triangle at iba pa. Nang magawi ako sa book section ay hindi ko inaasahang makikita ko ang lalaking humingi ng number ko. Iiwas na sana ako at babalik na lang nang makita niya ako. Nagkunwari na lang ako na nag iiscan ng mga libro at kumuha ng isang kung ano man ang malapit. Lumapit siya sa akin at hindi napigilan ang ngiti niya ngunit di ko siya pinansin.
“Di ko alam na mahilig ka pala sa ganyan?” Sabay turo sa librong hawak ko.
Pagkakita ko ng title ay agad ko iyong binalik sa shelf. Bakit Fifty Shades pa yung nakuha ko sa dinami dami ng libro? Agad na naginit ang mukha at namula. Pagkatingin ko sa kanya ay nakatulala siya sa harap ko. Parang nafroze siyang nakatitig sa pisngi ko kaya kinaway ko ang kamay ko sa harap niya. Naulian din.
Tumikhim ako saka itinanong na lang sa kanya ang bumabagabag sa akin.
“Binigay mo ba ‘yong number ko sa..tropa mo?” Nahihiya kong tanong.
“Oo. Hindi ba nagtext sa’yo?” Napakamot naman siya sa ulo
“Hindi eh” banggit ko habang naghahanap ng libro sa Mathematics section. Alin naman kaya an kukunin ko e andami daming libro dito.
“You should get that book”, sabi niya sa likuran ko.
“Alin?” Tanong ko,hindi tumitingin sa kanya. nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina.
“This one”, Lumapit siya sa akin kasi inabot niya sa itaas na shelf yung libro saktong pagharap ko sa kanya. I could smell his perfume from this close. He’s wearing a simple white tee and a grey jogging pants pero ang lakas ng dating. He smells like baby powder. My forehead reaches his shoulders that’s how tall he is. Nagulat din siya sa bigla kong pagharap kaya lumayo siya nang bahagya. Kita ko ang pamumula ng tenga niya. Iniabot niya sa akin ang libro at kinuha ko naman iyon. 1001 Problems in Engineering Mathematics.
Napansin ko naman ay may Calculus siyang libro sa cart niya. Engineering din kaya siya?
“Are you done shopping? Or may bibilhin ka pa?” Tanon niya sa akin
“Wala naman na”
“Okay. Magbayad na tayo” yaya niya sakin.
Magkasabay kaming tumungo sa cashier ang nagiisang libro niya ay nilagay niya na lang sa cart ko at siya na ang nagtulak papuntang kahera. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaiba. Parang naghahabulan ang pintig ng puso ko ngunit hindi ko ‘yon ipinahalata. Inisip ko na lang na gentleman lang talaga siya. Pagdating sa cashier ay kumuha siya ng CASIO Scientific Calculator, dalawang piraso. Baka may nagpapabili sa kanya. Inilagay na niya ang mga pinamili ngunit isinama niya ang sa akin. Babayaran ko na lang siya mamaya.
Paglabas ng book store ay kinuha ko na ang mga items na pinamili ko at babayaran na sana siya ngunit hindi niya ibinigay sa akin.
“Kain muna tayo? Nagugutom na ako eh. Doon na lang natin ‘to isegregate”, aya niya. Hindi na ako nakatanggi dahil tanghali na din at kumakalam na ang sikmura ko. Hindi na kasi ako nagbreakfast kasi tinanghali ng gising. Akala ko ay dito lang kami sa Carinderia malapit kakain ngunit nagkamali ako.
Pumunta kami sa parking lot ng bookstore at naroon ang kaniyang kotse. Isang convertible. Holy s**t. Is he rich?
Nahiya naman ako biglang sumama.
“Get in”, he said.
He saw me frozen in my spot so he guide me to his car and opened the car door on the passenger seat. Dahil nga kailangan ko ang school supplies na nasa kanya ay sumama na rin ako. Inilagay niya ang gamit sa likuran at nagtungo na sa driver’s seat. He wears his seatbelt and starts the engine when he noticed me. He gesture something pero di ko nagets ‘yon kaya napatawa siya. tinanggal niya ang seatbelt niya at lumapit sa akin. There goes my heart again, skipping its beat. Inilagay niya ang seatbelt ko at hindi pa siya nakontento at ginulo ang buhok ko.
“Ang cute mo”, mahina niyang sabi. Napatungo na lang ako at kung makikita ko man ang sarili ko ngayon ay mahihiya ang kamatis sa pagkapula nito.
Nang makarating sa restaurant ay agad kong tinanggal ang seatbelt. Mahirap na baka atakehin na ako sa puso isang lapit niya pa. Nauna ulit siyang lumabas at nagtungo sa side ko upang pagbuksan ako ng pinto.
Nauna siya patungo sa restaurant at nang mapansing malayo ang agwat namin ay nagbagal siya sa paglalakad. Kinuha niya ang kamay ko at hinila iyon papasok ng resto. I can feel the roughness in his hands again but it’s so warm which makes the inside of me melt. It’s so comforting. Kinuha niya ang isang bangko at pinaupo niya ako doon. Siya naman ay pumwesto sa harapan ko.
Agad naman kaming pinuntahan ng waiter at ibinigay ang menu. Nagpasalamat ang binata dito. Wari ko’y madalas siya dito dahil mukhang kilala na siya ng mga staff dito.
“Girlfriend mo sir?” Bulong ng waiter sa kanya pero nadinig ko ‘yon. Ngiti lang ang isinagot ng lalaki. Maybe I heard it wrong.
Maganda ang ambience sa loob. Everything has a touch of wood sa design at napapaligiran din ng mga indoor plants. The lights were yellow and it’s not too bright. He looks so calm and handsome while browsing the menu. Nagpakabusy na lang ako sa pagtingin ng menu kesa mahuli pa akong nakatitig sa kanya. Ang mamahal naman nito. Pang isang linggo ko na atang baon ang isang meal!
Pinili ko na lang ‘yong pinakamura ngunit dinagdagan pa niya ‘yon.
Tahimik kaming kumain at walang nagtangkang basagin ang katahimikan. Matapos kumain ay nagpresenta pa ang lalaki na ihatid ako pauwi ngunit tinanggihan ko ‘yon. Malapit naman kasi ang restaurant sa sakayan papunta sa bahay.
Iniabot niya sa akin ang paper bag ng pinamili kanina. Ibinigay ko naman ang bayad ko ngunit hindi niya ‘yon tinanggap.
“Bakit?”, tanong ko sa pagtanggi niya sa bayad.
“It’s on me. Just think of it as a welcome gift ko sa’yo sa pagpasok sa engineering.”
How did he know my course. He left without waiting for my reply kaya hindi ako nakapagpasalamat. Sa school na lang siguro, kung makita ko man siya ulit.
Kinagabihan, may nagtext sa akin na unknown number.
From: 09**********
Thank you for your company. I enjoyed it. - Mike :)
Agad ko siyang nireplyan;
Me: Thank you din po, Kuya sa libre :D Nakakahiya po.
Him: Wala yun. Just buy me ice cream next time if you want para di ka na mahiya.
P.S. Please don’t call me Kuya :(
Me: Okay po.
Him: Pwedeng wala na ring “po” ? Orz
Me: Okay :))
Iniayos ko na ang pinamili ko at inilagay iyon sa backpack. Napansin ko ang isang casio sci cal. Ito ata 'yong binili ni Mike. Isosoli ko na lang sa pasukan.
*Pop
1 txt message from Mike.
I noticed na hindi ka bumili ng sci cal so I bought you one. You're gonna need it. A lot. It's yours
"Thank you ♥️" I replied without thinking kasi sobrang saya ko this day. Nang mapansin ko na ang message ay naisend ko na 'yon. Shet!
I tatype ko pa lang ang *:) nang mag reply siya.
"You're welcome, baby 😘"