Chapter Six

1198 Words
Seven years ago. Habol hiningang nilakad-takbo ko ang daan patungo sa room na pagkukunan ng entance exam. Civil engineering. Sakto namang mag aalas otso nang ako ay dumating. Magsisimula na ang pagsusulit. This is it! Sa may ikaapat na hanay ako naupo base sa seating arrangement namin. Alphabetical Order ng mga aming mga surnames ang bashan kaya sa ikaapat na row ako naupo. May isang row pa naman sa likuran ko. Nagpakilala muna ang proctor sa amin bago binuksan ang test papers kasama ang answer sheet at saka ipinamigay iyon sa amin mula sa unahan. Pagkatapos makakuha ng test papers ang lahat ng estudyante ay isinulat na ng proctor ang duration ng test sa unahan. 2 HOURS, isinulat niya sa white board. “May I remind you to not write anything on the test papers. You may use another writing sheet for your computations. Good luck. Your time starts now!” Naku! Sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko pala ang magdala ng kahit na anong papel. Luminga ako sa katabi ko ngunit nakayuko ito at hindi ako mapansin dahil busy na siyang magsagot. Ganun din sa nasa unahan. Bahala na! Habang nagsasagot ako ay may tumapik mula sa likod ko. Isang yellow paper ang nakaambang sa akin mula sa isang babae. "Sa'yo na lang ito", Wika niya sa akin nang may malambing na boses. Kinuha ko sa kanya iyon at nagpasalamat. Ang bait naman niya! Pinagbuti ko ang pagsasagot. Ang unang parte ng exam ay about sa sarili lang naman. Nahahati sa tatlong categories ang exam. Sa English lang ako medyo nahirapan ngunit sa Math ay kampante ako. Kapag may nauunang matapos sa mga kasama ko sa room ay kinakabahan ako kasi madami pa akong hindi nasasagutan. Thirty minutes na lang at halos 70% ng applicants ay nakalabas na. Nakita ko rin na nakalabas na si Miss Mabait na Short Hair na nagbigay sa akin ng scratch paper. She’s an angel. Lahat ng kasama ko ay hindi ko alam kung civil engineering din ang course kasi para sa lahat ng engineering courses ang exam na binigay sa amin. Kailangan ko lng maka 80% upang maaccept sa kursong gusto ko. Pagkatapos ng exam ay umuwi na rin ako. Hindi ko na nakita iyong babaeng nagbigay sa akin ng papel. Hindi ko pala nakuha kahit pangalan niya. 1 week after, bumalik ako sa university upang makuha ang test result. 85% ang rating ko kaya sobrang pasasalamat ko at sobrang saya ko rin nang araw na yun. After ng exam is interview naman kaya naman pinagsabay ko na ito at pumunta na sa engineering building. Kaharap ko ngayon ang head ng civil engineering department. She looked young siguro nasa early 30s ang edad niya kung titingnan. “Bakit Civil Engineering?”, ito ang bungad niya sa akin. Ang tanong na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang sagot. Kung meron sanang accountancy ay ‘yon na ang pinili ko. Ngunit sa scholarship ko ay isa ang engineering doon na pwedeng kuhain. No choice ako ngunit hindi ko naman 'yon pwedeng sabihin. “Gusto ko pong matulungan ang pamilya ko at sa tingin ko po ay ang course na ito ang pinakamagandang course na maiioffer ng ating university.”, sagot ko ng walang pag aalinlangan. The rest is history ika nga. Inorient niya ako sa mga expectations ko sa course na iyon. She also motivated me and hindi niya ako diniscourage sa aking desisyon. Sa totoo lang, kung walang scholarship ay hindi ako makakapag aral. Full scholar ako kaya wala nang iisipin kung saan kukuha nang pambayad sa tuition at saka may allowance pa. Kailangan lang ay mamentain ko ang grades ko. After that short and meaningful interview, hindi ko na pinalipas ang oras at nagtungo na registar upang mag enrol. Medyo may kahabaan na ang pila kaya nagpasya na akong pumunta sa pinakahuli ng linya. Mga ilang minuto na akong nakatayo doon nang may mapansin akong presensiya. Isang lalaki ang nakatitig sa akin mula sa harapan ng kabilang pila. Problema nito? Tanong ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya. Hindi niya pa rin pinutol ang tingin sa akin kaya naka eye to eye contact kami, Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay bigla siyang ngumiti. I just looked the other way kasi hindi ko na kaya makipagtitigan sa kanya. To be fair, mahitsura naman siya. Mapungay ang kanyang mata, mahaba ang pilikmata at Maganda ang arko ng kanyang kilay. Hmp. He has thin lips pero mapula iyon. And he so damn tall, yung mga kasama niya nagmukhang mababa. Sumulyap ulit ako sa gawi niya ngunit di na siya nakatingin. Nakikipagkwentuhan siya sa mga kasamahan. I wonder kung anong kurso niya? By the looks of it, mukha siyang babaero! Palagay ko is 1 year or kung hindi ay 2 years ang tanda nito sa akin. Iba kasi ang pila ng mga freshmen at saka ng mga old students. Inabala ko na lng ang sarili ko sa pagenroll. Hapon na nang matapos ang enrolment ko. Makauwi na nga. Sa pathway palabas nakita ko ulit ‘yong lalaki kanina. Nakatayo siya malapit sa isang poste ng pathway at nakapamulsa habang nakatitig sa kanyang cellphone. Lalampasan ko na sana siya nang bigla niyang iharang ang kamay niya sa daraanan ko. Tinitigan ko ‘yon pati ang cellphone niyang latest model pa ata ng iphone. Namimigay ba siya ng cellphone? “Ano po yun?”, tanong ko sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin wari’y nahihiya. Pagbaling niya sa akin “Number mo?” tanong niya. I was shocked at hindi agad nakapagsalita. It’s not the first time na may humingi ng number ko pero sa lahat ay siya na ata yung pinakagwapo. Parang kinikiliti naman ang tiyan ko sa kanyang gesture. “Pinapahingi ng.. tropa ko”, dagdag nito. Hindi ko alam kung bakit parang nadismaya ako nang malamang hindi siya mismo ung humingi kundi yong tropa niya. Part of me wished it was him. Sino namang tropa kaya? Kaya siguro siya nakatitig sa akin kanina? Kinuha ko na lamang ang cellphone niya at itinipa ang numero ko. Wala din naman akong load kaya di ko rin naman yon matetext kung sino man siya. Inilagay ko na rin ang name ko. Jade Austin Ramos. Ibinalik ko ito sa kanya at nang makuha niya iyon ay pansin ko ang pagkislap ng mata niya. “Pakisabi na lng po kuya na magpakilala po sa akin”, Hindi naman ‘yon pinansin ng lalaki at ngumiti lang ng matipid. Paalis na sana ako kasi mukhang tapos na rin naman ang usapan namin. “It was nice meeting you, Austine”, sabi nito, “My name’s Mike. Shaun Mike Lim.” Inilahad nito ang kamay sa akin, kinuha ko na lang iyon at nakipag hand shake. Ganito ba talaga sa college? Masyadong friendly ang mga tao? Well, hindi naman na siguro masama ang magkaron ng kaibigan dito sa campus. His hands were big and rough. Hindi ko na napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Or ako lng ba 'yon? “Una na po ako”, sabi ko na lang sa kanya at iniwan siya doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD