Trevor's POV:
Binato ko sa kama ko ang phone ko dahil sa inis. Hindi ko sya ma-contact. Bakit ba ilang beses ko syang tawagan ay hindi ko sya ma-contact? Nakakabadtrip na.
Isang linggo na din nya akong iniiwasan kahit nagpapatulong ako kay Zoe at Levi wala parin. Ang nakakainis pa ay palagi nyang kasama ang bombay na yun.
Porket ba nanliligaw sa kanya yun dapat palagi na nyang kasama at deadmahin nalang ako? Hindi naman ako tutol sa manliligaw nyang yun pero yung hindi na nya ako pansinin, yun yung nakakainis.
Napatakbo naman ako sa kinaroroonan ng phone ko ng bigla itong mag-ring. Malay mo si bestfriend na yung tumatawag.
Nanlumo naman ako ng hindi pangalan ni best friend ang nabasa ko. Walang gana kong sinagot ang tawag.
"Hi babe." Kung maka-babe naman to 'kala mo syota ko sya.
"What do you want?" Wala ako sa mood ngayon at wala akong gana.
"You want to go somewhere? " malandi nyang tanong.
Bakit ba ang landi-landi ng babaeng 'to? Buti pa si bestfriend hindi.
"I'm not in the mood."
"Why? Dahil ba hindi na ako ang gusto mo? Bakit? Mas magaling bang humalik sa akin ang Zara'ng yun? She's such a bitch."
Napantig naman ang tenga ko ng binanggit nya ang pangalan ng bestfriend ko. Bakit nya kilala si Zara? At anong b***h ang pinagsasabi nya?
"Paano mo nakilala si Zara?" I ask her with my cold voice.
"That b***h? Nagtext lang naman sya sayo. And he even calling you best? Like duh! I know her strategy. Pabest-best sya para unti-unti ka nyang maahas. That b***h—"
"Don't you call her b***h, slut!" may galit na sabi ko sa kanya. "You don't know her so you don't have a right para tawagin syang b***h. And beside Monica, malayong-malayo sya sa'yo. Slut."
Agad kong pinatay ang tawag nya. Kung nakikita ko lang sya ngayon, malamang nasaktan ko na ang babaeng yun. Ang kapal ng mukha nya para tawaging b***h ang bestfriend ko.
Sya pala ang tinutukoy nya na tinext sya na wag na akong itext. Sya ang dahilan kung bakit ako iniiwasan ngayon ni Zara. Sya ang dahilan kung bakit kami nag-aaway ngayon. That slut!
Napahawak naman ako sa dibdib ko ng bigla itong sumikip. A-Ang sakit. Hindi ako makahinga... Sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.
"M-Mama—"
Sigaw ko bago ako bumagsak sa sahig. Nakita ko namang bumukas ang pinto at pumasok ang mama kong natataranta.
"Ace anak, anong nangyayari sa'yo? Fred si Ace bilis."
Nakahiga na ako sa sahig habang namimilipit na ako sa sakit ng dibdib ko. Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko ang mukha ng bestfriend ko.
Zara....
°°°°°°
Naomi's POV:
Isang buwan na din ang nakakalipas simula ng huli kong makita si Trevor. Hindi ko na din sya nakikita sa campus, paano ko ba naman sya makikita eh iniiwasan ko din na magtagpo ang landas namin.
Nakaupo ako sa sofa habang nagbabasa ng libro ng biglang mag-ring ang phone ko na nasa mini table ng sala. Nabigla naman ako ng makita ko ang pangalan ng mama ni Trevor.
Baka naman si Trevor lang ito at nakitawag sa mama nya. Tsk! Galit parin ako sa kanya no. Pero hindi ko namalayan ang sarili ko na sinagot ko na pala ang tawag. Ay tanga!
Nagulat naman ako ng boses babae ang nagsalita sa kabilang linya.
"Hello?"
"Umm... H-Hello po."
"Is this Zara?"
"Ahh opo. Bakit po?" Bakit kaya ako hinahanap ng mama ni Trevor?
"Ah hi dear. Mama ito ni Ace. Pwede ka bang pumunta dito sa hospital ngayon?" Nagulat naman ako sa sinabi ng mama ni Trevor. Hospital? Bakit?
"Dito ko nalang sayo ipapaliwanag, Hija."
Bigla nalang akong kinabahan. Pero bakit? Agad akong nag-ayos para pumunta sa hospital na sinasabi ni Tita. Curiosity kills me.
"Hi, hija. I'm Divine, Ace's mom."
"Ahh hello po tita. Ako po si Zara."
Kahit awkward ay nakipagbeso parin ako sa kanya. Ginaya nya ako papasok. Huminto kami sa tapat ng isang kulay asul na pintuan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
Binuksan ni tita ang pintuan at tumambad sa akin ang bestfriend ko na nakahilata sa isang hospital bed habang naka-oxygen at may iba pang mga apparatus maliban sa dextrose.
Napaluha nalang ako sa nakikita ko. What happen? What happen to him? Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya.
"Ilang weeks na syang nakahiga dyan. Bigla kasing sumikip ang dibdib nya kaya sinugod agad namin sya dito. Ang sabi ng doctor ay kailangan na niyang maoperahan sa lalong madaling panahon, pero ayaw niya.”
Pagku-kwento ni tita habang umiiyak. Nakikinig lang ako sa kanya habang hindi maialis kay Trevor ang mga mata ko. Kaya pala isang buwan ko na siyang hindi nakikita dahil nandito pala siya. Pero bakit walang nakapagsabi sa akin? Alam ba ito ni Zoe o ni Levi?
"Minsan kapag natutulog sya, siguro napapanaginipan ka nya kasi nababanggit nya ang pangalan mo. Minsan sinabi ko sa kanya na sabihin sayo na nandito sya pero ayaw nya. Kanina ng matulog sya ay tinawagan kita. Nagbabakasakali na mapapayag mo siyang magpaopera.”
Napatingin naman ako sa sinabi ni Tita Divine. Tinatawag niya ang pangalan ko? Pero bakit?
"Matanong ko lang iha. Girlfriend ka ba nya?"
Nagulat naman ako sa tanong ni Tita. Umiling naman ako. "Hindi po Tita. Bestfriend nya po ako."
Nagulat naman si Tita sa sinagot ko kaya nginitian ko na lang siya. Gano’n ba kagulat para maging best friend niya ako? Sabagay, wala pa kasi akong nakikilalang kamag-anak niya.
Napatingin naman ulit ako sa gawi ni Trevor.
Nakakainis ka! Naglihim ka na naman sa akin. Binabawi ko na yung tanong ko na 'bakit hindi ka pa namatay'. Bakit ba ayaw mong magpaopera? Ayaw mo na ba talagang mabuhay? Ganun ka na ba kapagod?
Naalala ko ang tanong nya sa akin noon nong nasa rooftop kami dahilan para mag-away kami. 'Best anong gagawin mo kapag namatay ako?' Napaluha nalang ako.
Dati hindi ko sinasagot ang tanong mong yun dahil hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ko sayo noon. Pero ngayon alam ko na at ayaw ko na mawala ka sa akin. Ayoko mawala ang bestfriend ko. Iniisip ko pa lang na mawawala ka ay bumibigat na ang dibdib ko.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. Magpagaling ka best, wag mo akong iwan... Please.