Naomi's POV:
Days, weeks, months passed. Ganun na katagal ang lumipas. Well, everything goes well. It's been 3 months simula ng manligaw sa akin si Rome, syempre sinabi ko kina mommy ang tungkol sa kanya.
It's okay with them daw basta wag pabayaan ang pag-aaral and of course I know that. Everyday kinikilig ako sa mga pinaggagawa ni Rome, he gives me flowers, chocolate at iba pa. Grabe yung tilian ng mga kaklasi ko everyday dahil sa panliligaw ni Rome sa akin.
We're like a perfect couple daw. At syempre araw-araw nya akong hinaharanahan sa room namin kaya ayun makabasag eardrums ang mga tili ng mga classmates ko.
"Good morning," bati ko kay Zoe na busy sa kate-text at umupo sa tabi nya.
And speaking of Zoe, one month na sila ni Levi. Sinagot na nya, mahal nya daw eh kaya support nalang ako sa mag-pumpkin.
Yeah, pumpkin talaga ang tawagan nila.
"Good morning din."
"Aga-aga ka-text mo si Levi." Umayos ako ng upo at tinignan sya na busy parin sa kaka-text.
"Hindi naman kasi si Pumpkin ka-text ko."
Nagtaka naman ako sa sinabi nya. "Eh sino?"
"Si Ace." Nagulat naman ako sa sinagot nya. Si Ace? Bakit naman nya katext si Ace? Huminto naman sya sa pagta-type nya at humarap sa akin. "Alam mo bang tinanong nya ako kagabi kung bakit hindi ka daw nagte-text."
Kagabi? Naalala ko naman kung bakit hindi ako nakapagreply sa kanya. Nagtext kasi sya sa akin kagabi pero hindi ako nakareply kasi offline yung sim ko. Ewan ko ba kung bakit biglang na-offline ang sim ko.
"Offline kasi sim ko kagabi kaya hindi ko sya na-reply-an."
"Ah ganun ba. Alam mo bang may problema sya kagabi? Sa akin nalang nya sinabi kasi hindi ka daw nagre-reply sa mga text nya."
May problema si Trevor? Bigla naman akong nakaramdam ng guilt. May problema sya kahapon pero hindi ko sya nadamayan.
Eh kasalanan naman ng network kagabi kung bakit hindi ako nakapag-reply sa kanya. Aish! Kinuha ko nalang ang phone ko sa bag at nag-type.
To: best Trevor
Good morning best.
- message sent
Hay! Buti nalang at na-sent na. Ilang segundo lang ay nagvibrate ang phone ko kaya agad kong kinuha ito at binasa ang text. Bilis maka-reply ni best ah. Hinihintay siguro text ko. Haha char lang.
Trevor:
Who you?
Hala! Galit ba sya sa akin?
Me:
Best sorry na. Offline kasi sim ko kagabi kaya hindi ako nakapag-reply agad sayo.
Who are you calling best b***h?
Trev? Is this you?
No. This is Monica. Ace's girlfriend. And who are you calling Trev? And stop texting my boyfriend you b***h!
-------
Napanganga naman ako sa tinext nya. Watda! Girlfriend daw sya ni Ace? Ni hindi ko nga alam na may girlfriend sya eh. Bakit hindi ko alam?
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis. Bakit hindi nya sinabi sa akin na may girlfriend na pala sya.
Dumaan ang oras at wala akong kinakausap ni isa. Kahit si Rome. Hindi ko alam pero bigla akong nabadtrip dahil sa text ng girlfriend ng playboy nayun.
Sa sobrang pagka-badtrip ko ay hindi ko namalayan na uwian na pala at ako nalang ang nag-iisa sa classroom namin. Haist! Ano bang nangyayari sayo Zara? Sa sobrang lutang mo ayan oh! Nag-iisa ka nalang.
Inis akong tumayo sa inuupuan ko at kinuha ang bag ko. Naglalakad ako sa hallway ng may humarang sa dinadaan ko. Hindi ko sya makita dahil para akong zombie na naglalakad habag nakayuko.
Wala akong gana. Wala akong ganang maglakad o kumilos ang gusto ko lang ay makauwi na at matulog. Ano bang nangyayari sa akin?
Ginulo ko nalang ang buhok ko. Ewan ko. Tumabi nalang ako at nilagpasan ang nakabangga ko. Pasensya sya, wala akong balak mag-sorry sa kanya dahil kahit magsalita ay wala akong gana.
Hindi pa ako nakakalayo ay may biglang humablot ng braso ko, at dahil nga sa wala akong ganang maglakad ay nabangga ako sa dibdib ng humablot sa braso ko. Ano bang problema nito?
"Iniiwasan mo ba ako?"
Natameme naman ako ng marinig ko ang malamig nyang boses. Kahit hindi ko makita ang mukha nya ay alam ko na kilala ko sya.
Agad kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak nya. Ang kapal ng mukha nya para hawakan ako. Galit kaya ako sa kanya.
Bestfriend pala tapos nilihim nya sa akin na may girlfriend na pala sya. Tsk! Bestfriend nya mukha nya!
"Hindi. Bakit naman kita iiwasan? May dahilan ba para iwasan kita?" Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Wala."
"Oh yun naman pala eh. Sige na, uuwi na ako."
Tinalikoran ko na sya at naglakad na ulit. Wala na din masyadong katao-tao dito dahil nga sa kanina pa ang uwian. Nagtataka nga ako eh kung bakit nandito pa ang playboy na 'to eh. Siguro naghahanap ng idadagdag sa collection nya.
"Bakit ba ang sungit-sungit mo?"
Napahinto naman ako sa tanong nya. Bakit nga ba ang sungit-sungit ko? Tingnan mo? Napatanong din ako sa sarili ko. Hmm dahil... Dahil sa hindi nya sinabi sa akin na may girlfriend na sya. Tama! Yun yung dahilan. Tsk!
"Bakit ba mukha kang galit sa akin? Dapat nga ako yung magalit sayo eh dahil hindi ka nag-text kahapon."
Eh sa offline nga ang sim ko, ano magagawa ko? Alangan naman sunugin ko ang kompanya ng network dahil lang sa offline ako. Huminga naman ako ng malalim at hinarap sya ng nakapamewang.
"Eh sa offline ako eh. Ano magagawa ko? At isa pa nagtext ako sayo kaninang umaga. Kaso girlfriend mo ang nag-reply at sinabihan pa ako na wag na daw ako mag-text sayo!" Napataas naman ako ng kilay ng tiningnan nya ako ng nagtataka.
"Girlfriend? Wala akong girlfriend."
Aba! Aba! Magde-deny pa sya eh nahuli ko na, nakatext ko pa. Ano pinapalabas nya ngayon? Na sinuwaling ako? Na gumagawa ako ng kwento?
Aba! Aba! Wag nya akong pagbibintangan ng ganyan dahil masasapak ko talaga sya.
"H-Ha?" Nagtataka nyang tanong. Playing innocent? Well not me. Dahil hindi nya ako maloloko sa mga ganyan-ganyan nya.
"Ha?" I said while mocking him. "Ha mo mukha mo! Ulol!"
Agad akong tumakbo at iniwan sya doon. Ha nya mukha nya! Magde-deny pa sya. Arrggh! I hate him. His such a liar. Sa tagal-tagal na naming mag-bestfriend ngayon pa sya nagsinuwaling.
Bakit ba sya naglihim sa akin? Bakit nya nilihim sa akin na may girlfriend na pala sya? Hindi naman ako magagalit ah.
Nakakainis sya! Sya pa 'tong may pasabi-sabi na walang lihiman. Na kapag naglihim, mamatay. Bakit hindi pa sya namatay? Sinuwaling sya!
Ayoko na sa kanya. I hate him...