"Hahaha nerd, nerd, nerd."
Naririnig kong sigaw ng mga batang nagkukumpulan. Sa tingin ko may inaaway na naman sila. Yung ibang bata ay tumatalon-talon pa habang sinisigaw ang 'nerd'. Bakit ba masyado silang palaaway?
"HOY! ANO YAN?"
Lumapit naman ako sa mga batang lalaki na nagkukumpulan. Matapang ako eh. Napatingin naman sila sa akin. Aba! Ang angas.
"Bakit? Sino ka ba?" maangas na tanong sa akin ng pinakamalaki sa kanila.
Actually, lahat sila ay maliit sya lang talaga yung medyo malaki.
"Bakit nyo sya inaaway? Ha?" maangas ko ding tanong.
Maangas sya eh, kaya maangas din ako. Ha! 'Kala nya. 'Kala nya sya lang ang marunong maging maangas? Ako din uy.
"M-Miss, umalis ka na. Baka madamay ka pa."
Napalingon naman ako sa inaaway at tinatawag nilang nerd. Wow! How thoughtful naman. Sya na nga tong inaaway pero ako pa itong inaalala nya.
Kung titignan mo talaga sya ay masasabi mong nerd talaga sya. Kulot ang buhok nya at may glasses syang suot. But his eyes caught my attention. He have this hazel brown eyes.
Nabalik nalang ako sa ulirat ng bigla akong itinulak ng isa sa kanila sa balikat ko, pero mahina lang naman. Hindi ko alam na nakatulala na pala ako sa tinatawag nilang nerd at ganun din sya sa akin.
"Pwede ba bata! Umalis ka na dito," naiinis na sabi sa akin ng isa sa kanila.
Kung makabata nanan 'to, 'kala mo hindi din sya bata.
"Eh kung kayo kaya ang umalis. Hindi ba kayo nahihiya? Ang dami niyo tapos nag-iisa lang siya.”
"Eh anong pakialam mo? Gusto mo isali ka namin para dalawa na kayo?” Tumawa ang mga ito.
Aba! Pilosopo. Tiningnan ko sila isa-isa ng masama. Kailangan kong makaisip kung paano ko maiiligtas ang nerd—este ang lalaking 'to sa mga maangas na batang 'to.
Hindi kasi ako o kami makahingi ng tulong dahil nasa likod kami ng room, walang masyadong dumadaan dito kaya kawawa ka talaga kapag dito ka nila dinala.
Uwian na rin kasi kaya wala ng mga studyante na nagpalaboy-laboy dito o mga teacher sa mga classroom. Habang nag-iisip ako ay parang may bumabang anghel sa langit. Haha echos lang. May nakita kasi akong guard sa hindi malayo sa amin kaya napangiti ako ng malapad. Huminga ako ng malalim, as in yung sobrang lalim...
"KUYA GUARD!! MAY MGA BULLY DITO!" malakas na sigaw ko habang turo-turo ko ang mga lalaki.
"Hoy! Wag ka ngang maingay dyan." Tinakpan naman nila ang bibig ko pero kumawala ako sa pagkakahawak nila at patuloy parin sa pagsigaw.
"KUYA GUARD! MAY MGA BULLY DITO! KUYA GUARD! INAAWAY NILA AKO OH!"
Napalingon naman si kuyang guard sa kinaroroonan namin at patakbong pumunta sa amin.
"Hoy! Kayo!” Agad naman nila akong binitawan ng malapit na si kuya guard sa amin at tumakbo.
"Kuya habulin mo sila. Bilis!" Agad namang hinabol ni kuya guard ang mga bully. Nilapitan ko naman ang lalaking inaaway nila na nasa sahig, nakaupo. "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Tiningala naman nya ako at marahang tumayo. "Oo. Thank you for saving me." Ngumiti naman sya kaya ngumiti na din ako.
"I'm Zara. And you are?" Inilahad ko sa kanya ang kamay ko para makipag-shake hands sa kanya.
"Rome." Inilahad naman nya ang kamay nya para makipag-shake hands din sa akin.
Kinuha ko naman ang kamay nya at nilapit sa akin. Alam kong nagulat sya sa ginawa ko pero parang may nakita kasi akong—
"May sugat ka."
May sugat kasi sya sa may siko, hindi naman masyadong malaki yung sugat nya pero may dugo kasi sya.
"Sandali lang."
"O-Okay lang ako. Gasgas lang naman ito eh."
Hindi ko pinansin ang sinabi nya at agad na may kinuha sa bag ko. Kinuha ko ang first aid kit sa bag ko para gamutin ang sugat nya. Parati kasi akong may dalang first aid kit for emergency.
"Medyo mahapdi to ha?" Kinuha ko ang alcohol at nilinis ang sugat nya. Tapos nilagyan ko din ng betdine at band aid. "Ayan. Okay na," masaya kong sabi sa kanya.
"Salamat," nakangiti nyang sabi.
"Walang anuman."
°°°°°°°
Yun ang unang araw na nakilala ko si Rome. Yun na din ang huli kong kita sa kanya dahil hindi naman kasi ako doon nag-aaral. Dinalaw ko kasi ang tita ko that time at nagkataon naman na nakita ko na may binu-bully yung lima.
Gulat parin akong nakatingin kay Rome na gayang-gaya ang Rome na tinilungan ko noon. Hindi ko talaga lubos akalain na iisa lang sila. Ibang-iba kasi ang Rome na kilala ko sa noon, sa ngayon. I mean... Mas gumwapo sya.
"I-Ikaw yung—"
Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa nalaman ko ngayon. He changed. A lot.
"Ikaw yung?" This time tumango na sya bilang sagot. "Oh my!" Napatakip naman ako sa bibig ko dahil sa gulat. I really can't believe this. "Weeh?"
Natawa naman sya sa naging reaction ko. Hindi ko parin talaga kasi maisip na sya yung Rome na tinulungan ko noon.
"Ako nga," natatawa nyang sagot.
"P-Paano? Bakit? I mean, bakit ngayon mo lang sinabi?" nalilito kong tanong.
Ang daya kasi. Kilala na pala nya ako matagal na tapos hindi nya sinabi sa akin.
"Nahihiya kasi ako eh." namumula nyang sabi.
Ang cute talaga nya mag-blush. Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko ng ngumiti sya. Napatingin ulit ako sa mga mata nya na nakapagbigay sa akin ng atensyon dati.
Kaya pala familiar ng mga mata nya. Hihi kaya naging crush ko sya eh. But I really didn't expect na sya pala yun.
"P-Pero... Pero ngayon, ito sinasabi ko na dahil gusto kong ligawan ka. I want to risk. Ayokong hanggang ligaw tingin nalang ako sayo." Akala ko, yun na ang nakakagulat. Hindi pa pala. Huminga naman sya ng malalim. "So please..." Lumapit naman sya sa akin at hinawakan ang magkabila kong kamay. "Let me court you."
May ikakabigla pa pala kaysa sa nalaman ko. Gusto nya akong ligawan? Gusto akong ligawan ng crush ko? I-I mean... Ho! Hindi ko alam pero kinakabahan ako, ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko.
I-Is this what they call...
LOVE?
This is the first time that I felt this. Pati yung mga bolate sa tyan ko nagwawala. Bolate ba o ito ang tinatawag nilang paru-paro?
Ano bang dapat kong isagot? Masaya ako. Masaya ako dahil nalaman kong gusto nya ako. Gusto ko din sya. Gusto kong bigyan sya ng chance.
"Okay," kibit balikat kong sagot.
"T-Talaga?" hindi makapaniwalang tanong nya.
Ay? Ayaw maniwala? Mukha ba akong nagjo-joke?
"Ay hindi. Hindi ako payag." Napasimangot naman sya sa sinabi ko kaya natawa ako sa naging reaction nya. "Oo nga di ba? Mukha ba akong nagbibiro?"
Bigla naman syang ngumiti ng malapad. Napasinghap naman ako ng bigla nya akong yakapin at kinarga bago inikot. My Gosh!
"Thank you. Thank you." Binaba na nya ako at niyakap ulit. "You made me happy."
Hearing from him that I made him happy... It made me happy too. Niyakap ko sya pabalik...
So this is the feeling when a person is in love... I can't believe that I felt this. It made me happy...