Episode 4

1070 Words
Zoe's POV: Ako nga pala si Phoebe Zoe Chua. 16 years old. Ako lang naman ang pinakamagandang kaibigan ni Omi. Speaking of Omi, here she come. Umupo si Omi sa tabi ni Rome. Oh my! Rhyme na rhyme ang pangalan nila OMI, roME. Yiieehh! Meant to be. Kinikilig talaga ako para sa kanila. "Pwede magtanong Naomi?" tanong ni Krys kay Naomi. "Nagtatanong ka na nga eh haha." Nagtawanan naman kami sa pambabara nya sa kanya. Kahit kailan talagang babae to. Pero love ko parin sya kahit minsan masungit sya. "Seryoso nga," tumatawa nitong sabi. "Ano ba 'yun?" "Hmm kung manliligaw sayo si Rome, may chance ba?" Yiieeh! Kinikilig ako. Kung sakali na maging sila, first nila ang isa't-isa. Oh my Gee!! "Yiiieehh!" tukso namin sa kanya. "Haha ano ba kayo. Wag kayong ganyan." natatawang sabi nya. "Uyy. Putcha pare, namula si Rome haha." napatingin naman kami kay Rome ng sabihin ni Christian yun. At oo nga namula nga si Rome. Oh my! yiiieeh! Kilikilig ako sa kanila. "So ano na nga Naomi? May chance ba?" tanong ulit ni Krys. haha di talaga nya tatan tanan si Naomi. "Ewan ko." nakangiting sagot nya. Yiiieehh! Nashare kasi sa akin ni Omi na may crush daw sya kay Rome, pero crush lang daw. Pero Omi, pwede pa yang lumala. hahaha "Oo o hindi lang dapat ang sagot pare." nanunuksong tanong ni Andrei. "haha siguro. Ewan ko nga." natatawang sagot nya. "Uyy. Siguro? may chance nga. 50/50 eh. yiieeh!" panunuksong sabi ko kay Omi, habang sinisindot ang tagiliran nya. "Haha Ewan ko sa inyo." Natapos ang maghapon na masaya at tinutukso si Omi at Rome. Nakakatuwa silang tignan, si Rome naiilang at nahihiya, samantalang si Omi, normal lang. Haha sanay na ako kay Omi, kahit kailan hindi ko nakita sa kanya na naiilang syang kasama ang ibang lalaki. Komportable syang makasama ang mga lalaki, kahit crush nya. Kaya hindi mo talaga masasabi na may gusto sya sa isang lalaki kasi nakakagalaw sya ng normal lang. Akala ko nga abnormal sya kasi wala syang crush, yun pala ay meron pero hindi daw sya naiilang. Kung tayong mga babae ay naiilang pagnakita o nakausap si crush, iba si Omi. Kahit may gusto sya sa lalaki nakakagalaw parin sya ng normal. Nandito na ako sa kwarto ko at nakahiga nang biglang magvibrate ang cellphone ko. From: Levi Hi beautiful. --- Yiiieeh! Nag-text si crush. Opo. Crush ko si Levi. Sino naman kasi ang hindi magkakagusto sa kanya gwapo, mabait, matalino at masayang kasama. All in one package na.. Nagvibrate ulit ang cellphone ko.. From: Levi Busy ka? Yiieehh! Hindi makapaghintay? Parang hinihintay talaga ang reply ko, ah. To: Levi  Hello. No, I'm not busy. Sorry. Si Flash ba ang ka-text ko? Bilis makapag-reply, ah! May ngiti na binasa ko ang text niya. From: Levi It's okay. Kumain ka na? To: Levi Yup. Ikaw? From: Levi  Tapos na rin. Pwede bang tumawag? Oh my Gee!! Gusto daw niya tumawag. Kyaaahh! Baka maihi ako sa sobrang kilig. Jeeez! Tatawag si crush. To: Levi Okay. Nag-ring ang phone ko at napangiti ng mabasa ang pangalan ni Levi. Ang bilis naman tumawag nito. Wala pa ngang isang minuto ang lumipas ng mag-reply ako, ito na siya ngayon, tumatawag. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag niya. "Hi." Oh my!! Ang husky ng voice nya. Jeeezz! Napakagat-labi ako para pigilan ang mapatili. "Hello. Napatawag ka?" maang-maangan ang peg te? "Wala lang. Nakakatamad kasi mag-type," natatawang sabi nya. Ayy ang bad nya. Akala ko pa naman tumawag sya para marinig ang boses ko. Kainis! "Ah ganun ba!? Matutulog na ako kung wala ka namang sasabihin," masungit na sabi ko. Nakakainis ang lalaking to ah! "W-wait lang naman," agad na sabi nito. "May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na matutulog na ako kas—" "Can I court you?" Bigla akong nasamid sa sarili kong laway dahil sa narinig ko. Wait! Totoo ba 'yung narinig ko? I mean, seryoso ba siya sa sinabi nito? Bigla ay parang umurong ang dila ko at hindi makasagot. "Hey? Still there?" tanong nya dahilan para mabalik ako sa ulirat. "H-ha? Y-Yeah," utal-utal na sagot ko. Waahh! Nauutal na ako. Nakakahiya. "Hindi mo pa ako sinasagot." "Ha? S-Sagot agad? Hindi ka pa nga nanliligaw, gusto mo agad ng sagot? Si Flash ka ba? Ang bilis mo ah" dire-diretsong sabi ko. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang tawa niya sa kabilang linya. Bakit naman siya tumatawa? May nakakatawa ba akong sinabi? "A-anong nakakatawa?" takang tanong ko. "Nakakatawa ka talaga." Hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa dahilan para makaramdam na ako ng inis. "Tsk! Kung gano'n, pinagtitripan mo lang pala ako!?" sigaw ko sa kanya. Nanti-trip lang pala ang gagong to! At ako pa talaga ang napili niyang pagtripan. "H-hindi ah!" tumigil na sya sa pagtawa. "Seryoso kasi ako." "Kung seryoso ka, bakit mo 'ko tinawanan?" inis na tanong ko sa kanya. Nagsimula na naman itong tumawa. "Nakakatawa ka kasi. Ang dami-dami mong sinasabi, eh, isa lang naman ang tanong ko." "E-Eh, nakakainis ka naman kasi, sabi mo sagutin na kita. Agad-agad? Di ba pwedeng ligaw muna?" nakangusong tanong ko. "Ikaw talaga. Ang ibig kong sabihin, sagutin mo yung tanong ko na pwede ba kitang ligawan? Hindi yung sagot na sasagutin muna ako." Nahiya naman ako bigla kahit hindi nya nakikita. Mabuti na lang talaga at hindi niya ako nakikita dahil baka tumakbo na ako sa sobrang hiya. "Y-Yun ba yung s-sagutin ko?" nahihiyang tanong ko. "Hahaha Oo. May iba pa ba akong tanong." Tumatawa na naman sya. Nakakahiya.  Ang OA mo kasi Zoe, nakakahiya ka.  Sorry naman. "Ahh o-okay." "Anong okay? You mean payag ka ng ligawan kita?" naninigurado nyang tanong. "Oo nga." Bahagya naman akong napabungisngis. "Sino ba naman ako para tumangi sa isang gwapong nilalang na kagaya mo?" "T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong nya. "Oo nga. Kulet." "Yes! Thank You." Napatawa na lang ako dahil wala na akong masabi. "Sige, kita na lang tayo bukas. Goodnight, beautiful." "Okay. Goodnight, handsome." Tinapos na nito ang tawag. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwal sa nangyari. Bahagya kong kinurot ang braso ko at napatunayan na hindi nga ito panaginip ng maramdaman ko na masakit ang kurot na ginawa ko. Yiiieeehh!!! Liligawan na ako ni crush. Oh my Gee!! Oh my Gee talaga. Can't wait for tomorrow.. Pabagsak akong humiga sa kama saka tinakpan ng unan ang mukha ko at doon sumigaw... "KYAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD