Episode 5

1362 Words
Naomi's POV:   Naglalakad ako papunta sa kubo na tinatambayan namin magbabarkada. Lunch time kasi ngayon kaya tambay muna sa kubo, papunta palang ako doon dahil nanggaling pa ako sa library at may hiniram na libro. Nasa pathway na ako papunta ng kubo ng mabangga ako ng isang lalaki na naglalakad patalikod na parang may sinasalo.   "Aray!" daing ko dahil ang sakit ng pwet ko. Sobrang lakas kasi ng pagkakabangga sa akin eh, kaya napapikit ako.   "Hala! Sorry miss, hindi ko sinasadya." Rinig kong sabi ng isang boses ng lalaki. Nang pagdilat ko ay nakakita ako ng pares ng sapatos na nasa harap ko at nang iangat ko ang ulo ko ay nakita ko isang lalaki na nakalahad ang kamay. "Here, let me help you."   "Tsk!" tumayo ako ng hindi tinatanggap ang kamay nya. Pinagpagan ko naman ang skirt ko at kinuha ang librong nahulog at hinarap sya. "Sa susunod kasi, humarap ka sa dadaanan mo ng hindi ka nakakasakit." masungit kong sabi at tinalikuran sya. Aalis na sana ako ng tinawag nya ako.   "Wait miss." hinarap ko naman sya at tinaasan ng kilay. Lumapit naman sya sa akin. "May I know your name?"   "And why is that?" masungit kong tanong.   "Ang sungit mo naman."   "So?" inirapan ko naman sya at napatingin ulit sa kanya ng tumawa sya ng mahina. "What's so funny?"   “Well let just tell that you're lucky that I talked to you. Do you know that?" What? Ako? Lucky kasi kinausap nya. Aba! Ang kapal naman ng apog ng kumag nato. Hindi ko sya sinagot at tiningnan lang sya. "Do you know me?" nagtaka naman ako sa tanong nya. Aba malay ko ba kung sino sya.   "No and I don't effin care."   "Really?" gulat na tanong nya, tinaasan ko lang sya ng kilay. Ano namang nakakagulat sa sagot ko? "Nakakapagtaka lang kasi. Lahat kasi ng studyante dito ay kilala ako, lalo na ang mga babae." may bagyo ba ngayon? Kahit hindi pa nya sabihin na gwapo sya, halata naman na yun ang ipinararating nya.   "No." walang ganang sambit ko.   "That's impossible." pailing-iling nyang sagot. "And why is that?" mataray kong tanong at pinamewangan na sya. " Anak ka ba ng artista? " "No." "Eh nang senator?" "Hindi din." "Eh nang Presedente?" "Hindi." "Oh eh kung hindi ka pala anak ng isa sa mga nabanggit ko ay hindi talaga kita kilala." tinalikuran ko na sya at aalis na sana ng pigilan nya ulit ako. Anak ng... Kanina pa ako pinipigilan nito ah, masasapak ko talaga ito. "Sandali lang." Hinarap ko naman sya ng may pagkairita sa mukha. "Ano na naman ba!?" "I'm Trevor, and you are?" "Not interested." at tuluyan na akong umalis. Tinawag pa nya ako pero hindi ko na sya pinansin. Pagkapasok ko ng kubo ay naabutan ko ang barkada na nag-aaral, malapit na kasi ang NAT exam namin kaya todo aral kami. Matatalino naman sila eh, kaya easy lang ito sa kanila. Umupo naman ako sa tabi ni Zoe. "Ba't ang tagal mo Omi?" takang tanong nya. "May nakabangga kasi akong weird eh." walang gana kong sagot sa tanong nya. "Weird?" nagtataka nyang tanong. "Yeah." binuklat ko na ang librong hawak ko at nagsimula ng magbasa. "Bakit naman weird?" tumigil naman sya sa pagta-take note nya at hinarap ako. "Tinanong nya kasi kung kilala ko ba daw sya tapos sabi ko hindi, tapos sabi nya imposible daw na hindi ko sya kilala." pagkukwento ko sa kanya habang nasa libro parin ang paningin ko. Napatingin naman ako sa kanya ng napatili sya ng mahina, mahina lang kasi yung mga kasama namin ay busy sa pag-aaral baka madisturbo nya.   "Bakit?" kunot noo kong tanong.   "Baka si Ace yung nakausap mo. Oh my! Nakausap mo sya." hinila hila naman nya ang kwelyo ng uniform ko na animo'y kinikilig.   Hinawi ko naman ang kamay nya, may balak ata sya sakalin ako ah. " Hindi din. "   "Ha? Paano mo naman nasabi?” nagtataka nyang tanong. "Eh ang sabi nya imposible na hindi mo sya kilala eh ikaw lang naman ang hindi nakakakilala sa kanya. Baka si Ace talaga yun. Omi!"   "Trevor pangalan nya."   "Ha?" Bingi?   "Ang sabi ko Trevor daw ang pangalan nya kaya imposibleng si Ace yun."   Nakita ko naman sa mukha nya na parang nadismaya sya. "Ay akala ko."   Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa.       NAGBABASA ako ng libro ngayon dahil wala na naman kaming guro, may meeting daw. Dapat nga palagi kaming magka-klasi kasi malapit na ang exam namin pero mukhang baliktad ata ang nangyayari ngayon. Napatingin naman ako sa katabi ko na animo'y uod na namimilipit sa kilig habang may ka-text. Hmm speaking of text, linggo na ang dumain pero hindi ko pa din nate-text si Ace. Nakakalimutan ko, eh.   "Omi." Napalingon naman ako kay Zoe.   Itinigil ko naman ang pagbabasa at tiningnan sya " Bakit? "   "Hmm, may sasabihin kasi ako sa ‘yo, eh."   "Ano naman yun?"   "Hmm..." Animo'y nag-iisip pa sya kung paano sasabihin sa akin ang gusto nyang sabihin. "Nanliligaw na kasi sa akin si Levi." Nakikita ko naman na namumula ang mukha nya habang sinasabi yun.   "Ahh…” Tangging sagot ko at binalik ulit ang paningin sa libro.   "Ano!?" Napatingin naman ulit ako sa kanya. "Yun na lang yun?"   "Ha?" kunot noong tanong ko. Ano bang pinagsasabi nito?   "Yun nalang yun?" pag-uulit nya. "No violence reaction or so what ever reaction?"   "Ano bang gusto mong magiging reaction ko?" Ngumuso naman sya, ibinalik ko ulit ang paningin ko sa librong binabasa ko at nakita ko naman sa gilid ng mata ko na mas lalo syang napanguso, ang cute nya talaga magtampo. "Bagay kayo," sabi ko na sa libro parin nakatingin.   "T-Talaga, Omi?" masaya nyang tanong.   "Hmm." Tumango naman ako at narinig ko na tumili naman sya sa kilig. "Pareho kasi kayong chismoso at madaldal at—"   Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang syang nagalit. "Thank you ha?" madiin nyang sabi. "Ang bait at napaka-suportive mong kaibigan. Hmp!" Inirapan naman nya ako.   "Welcome," sagot ko na mas lalo pa nyang ikinainis.   "Arrghh! Makakainis ka Omi."   Bigla akong natawa sa kanya. "Ito naman nagbibiro lang." Tinapik ko naman ang braso nya. Ang cute nya kasing asarin kasi namumula ang mukha at tenga nya gaya ng kay tinker bell. "Happy ako para sa ‘yo."   "Talaga?" nakanguso nyang tanong. Para talaga syang bata.   "Oo naman." masayang sabi ko.   Totoong masaya ako para sa kanya at para kay Levi. I know Levi will be a good man for her, mabait at palagi nyang napapasaya si Zoe sa twing nagkikita sila. Basta masaya ang kaibigan ko ay masaya na din ako at isa pa halata naman na nanliligaw na si Levi sa kanya kasi nung nagkita sila ay nakita ko na inabutan sya ni Levi ng chocolate at naglalambingan pa, kaya hindi na nila ako napansin.     UWIAN na naman. Kasama ko ang barkada habang naglalakad palabas ng campus habang nagtatawanan, nakaharap sa amin si Krys habang nagku-kwento sa nangyari kanina noong Filipino time namin.   “Grabe! Dami kong tawa doon kay Ma'am, ah. Akalain mo ba namang gagawin nya talaga ang walk like a penguin," natatawang sabi ni Krys.   "Oo nga, eh. Para talaga syang penguin," sabi naman ni Christian na hindi mapigilan ang pagtawa.   Nakisabay naman kami sa pagtawa, grabeng pagpipigil ko sa tawa ko kanina habang ang mga kaklase ko ay tumatawa ng gawin ni ma'am ang walk like a Penguin. Penguin kasi ang tawag nila kay ma'am dahil pandak sya at medyo mataba at para daw syang penguin. Diniscuss kasi nya sa amin kanina ay kung paano maglakad ang mga hayop, sa aso lang ang inexample nya pero itong mga baliw kong kaklasi ay tinanong sya kung paano daw maglakad ang mga penguin, eh ito namang si ma'an eh naglakad talaga na parang penguin kaya ayun! Sobrang tawa ng mga klasmate ko. Ang bad nila.   Tawanan lang kami ng tawanan habang naglalakad. Habang naglalakad kami sa pathway ay nakita ko naman si Mr Weird na nakatayo sa pinto ng classroom guro nya habang nakasandal at nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko alam kung nakatingin ba talaga sya sa akin o sa likod ko lang...   You're really weird Trevor.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD