Naomi's POV:
Hmm ano ba pwede gawin? Nakakabored naman. Nandito na ako sa kama ko habang nakasandal sa headboard, gabi na pero hindi parin ako makatulog. Arrrgghh! Being bored is killing me. Napatigil naman ako sa pag-iisip ng maalala ko ang number ni Ace. Ang tagal na ng number nya sa akin pero ngayon ko lang naalala.
Kinuha ko ang phone ko sa side table at hinanap ang number nya. Hmm ano namang ite-text ko? Magreply kaya yun? Syempre Naomi, lalo na pagnalaman nya na babae ka,kasi nga playboy sya. Haist! Napabugtong hininga nalang ako. Bahala na si batman.
To: Ace
Hi.
Inilagay ko na ulit sa side table ang phone at pumasok sa banyo para mag-shower. Nang natapos na ako sa lahat ng dapat kong gawin sa banyo ay nagbihis na ako ng pantulog. Habang bino-blower ko ang buhok ko ay napatingin naman ako sa phone.
Walang text. Hindi sya nagreply. Kaya binalik ko nalang sa side table ang phone ko at tinapos ang pag-blower ng buhok ko. Nang matapos na ako ay humiga na ako at ipinikit ko na ang mga mata ko. Napamulay ulit ako ng marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Hay! Sino na naman ba to? Si Zoe na naman siguro ito dahil kanina pa sya text ng text tungkol kay Levi. Simula ng nanligaw sa kanya si Levi ay yun nalang palagi ang bukam-bibig nya. Halatang me tama! Kinuha ko nalang ito at binasa kung sino ang nagtext pero napakunot ang noo ko ng unregister number ang nagtext.
From: Unknown
Hello. Sorry ngayon lang ako nakapagreply. Sino ka? Nagtext ka kasi sa number ko na 09505678667.
Ha? nagtext daw ako sa kanya? Babalewalain ko na sana ang text ng maalala ko na tenext ko si Ace kanina. Kaya tiningnan ko ang number ni Ace na naka-phonebook sa phone ko at sya nga. Sa kanya nga ang number. Pero kanino namang number ang gamit nya?
To: Ace
I'm Zara. Are you Ace?
Nilagay ko na ulit sa side table ang phone at humiga. Kinuha ko na naman ang cellphone ko ng mag-vibrate ulit. Bilis makareply ah! Sumandal ako sa headboard at kinuha ang phone.
From: Unknown
Yeah. Where did you get my number anyway?
Magre-reply na sana ako sa number nya ng biglang magtext sya ulit.
From: Unknown
Dito ka nalang magreply. Wala kasi akong load.
Me: Ah... Kanino bang number ito?
Unknown: Sa mama ko. Hiniram ko kasi.
Napanganga naman ako sa nireply nya. Sa mama nya yung number? Ayoko na nga magreply baka mamaya mabasa pa ng mama nya. Sinilent ko na ang phone ko at natulog.
PABABA na ako ng kusina para kumain ng breakfast at para makapunta na ng school. Habang papunta ako ng kusina ay kinuha ko sa bulsa ang phone ko and to my surprise there was 10 unread messages and 5 missed call. What the heck! Tiningnan ko kung sino ang tumawag kagabi at nagtext and to my surprice again... It was Ace, gamit ang number ng mama nya. Binasa ko naman kung ano ang mga tenext nya.
From: Ace's Mother
Okay lang naman na dito ka magtext, my mom already sleeping.
Saan mo nga pala nakuha number ko?
Zara?
Hey?
Bakit hindi ka na nagrereply?
Are you sleeping already?
At paulit-ulit na lang ‘yung iba pa nyang text. Pero napanganga ako sa huling text nya.
Okay I guess you're sleeping. Goodnight. Dream of me.
What the! Dream of me mukha nya! Sabagay playboy sya. What do I expect. Nilagay ko nalang ulit sa bulsa ko ang phone at nagluto na.
HAY BORING... Naglalakad ako papunta ng school ngayon, hindi na ako nagcommute, hindi din naman kasi kalayuan ang bahay ko sa school at para narin mag-exercise. Napabuntong hininga naman ako, Next week na ang NAT namin. Napahinto naman ako sa pag-iisip ng may lalaking tumabi sa akin. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad, nakikisabay na din sya sa akin.
"Good morning," masayang bati nya.
"Hmm, morning," walang gana kong bati.
"Amm... Ano nga pala section mo? " tanong nya pero hindi ko sinagot. "Hoy?"
"I don't talk to strangers," masungit kong sabi
"Asus! Stranger ka dyan. Eh, nagpakilala na ako sayo kahapon ah."
"I don't remember."
"Asus! Wag ka nalang kasi mahiya. Crush mo ako no?" Napahinto naman ako sa paglalakad ganun din sya, hinarap ko sya habang pinamewangan at tinaasan ng kilay.
"Excuse me, Mr. Trevor. Mukhang ang hangin na mula sa ipo-ipo ay napasok dyan sa ulo mo. Tingnan mo yan oh!" Turo ko sa ulo nya na ikinagulat nya. "Ang laki-laki na ng ulo mo. Hmp!" Inirapan ko sya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Bakit ba? Ang gwapo ko kaya."
Kumapit naman ako sa puno na nadaanan naman. "Wooah! Grabe! Kumapit kayo, dali! Ang lakas ng hangin dito. May bagyong Trevor."
“You're funny." Tumawa naman sya ng tumawa. Aba'y!
"And you're not!" Inayos ko na ang uniform ko at nagmamadaling umalis.
Aba! Aba! Pinagtawanan ako ng kumag. Kung kanina ay nabo-bored ako ngayon ay naiinis na ako. Ang lakas din ng apog nya ng sabihin nya na crush ko sya! Ohoy! Para sabihin ko sa kanya na mas gwapo at mas mabait pa si Rome sa kanya at isa pa mas humble yun. Kahit gwapo sya, hindi nya ipinagyayabang hindi katulad ng isang yun.
"Oh? Anong nangyari dyan sa mukha mo?" bungad sa akin ni Zoe ng makaupo ako. "Ang aga-aga nakabusangot ka."
“Wala. May masamang hangin kasing dumaan kaya naging masama na din ang mood ko.”
“Okay," sagot nya at bumalik na sa pakikipagtext.
Kinuha ko nalang ang phone ko para makapag-soundtrip, nang makuha ko ito ay may 2 unread messages ako. Binuksan ko nalang ito para malamam kung kanino galing.
From: Ace
Good morning.
Hi, Zara.
Oh? Himala at may load na sya. Maka-reply nga, total wala naman akong magawa.
To: Ace
Hello.
Ilang minuto lang ay naka-reply agad sya. Ang bilis mag-reply ah. Iba talaga kapag babae ang ka-text ng playboy, mabilis mag-reply.
======
From: Ace
Bakit hindi ka na nagreply sa akin kagabi?
Me: Nakatulog ako eh.
Well half true, half lie. Haha
Ace: Okay. Saan mo pala nakuha ang number ko?
Me: Sa classmate ko.
Ace: Saan ka pala nag-aaral?
Me: Same school lang tayo.
Ace: Really? What year are you?
Me: Same parin.
Ace: What section?
Me: Secret.
Ayaw ko sabihin sa kanya kung nong section ako no, baka hanapin ako nun. Wala naman talaga akong balak na magpakita sa kanya, ang akin lang ay gusto ko lang sya damayan.
Ace: Hmm bakit ayaw mo sabihin? Ang daya!
Hala! Nagmaktol ang playboy sa text. Hmm I wonder kung ganito din sya sa personal at sa mga naging girlfriend nya.
Me: Basta.
Ace: Siguro pangit ka no? Kaya ayaw mo sabihin sa akin.
Aba! Aba! Tinawag ba naman akong pangit. Hindi kaya ako pangit. Uso ata ang mahangin ngayon, sabagay Playboy sya Naomi, wag mong kalimutan. Lahat ng playboy ay mahangin. Aish! Bahala sya! Nakadagdag lang sya sa mga inis ko.
Ibinalik ko nalang ang phone ko sa bag. Dumaan ang oras at TLE time na namin kaya ito kami ni Zoe, papunta na ng room namin. Hahay! OP na naman ako nito. Bakit OP? Kasi po wala akong makakausap nito. Kasi itong si Zoe ay si Levi nalang ang palaging inaatupag. Akalain mo yun? Pinagpalit ako.
"Hi, Omi," bati nya sabay kaway. "Hi, pumpkin," malambing nyang bati kay Zoe.
Ngayon ko lang nalaman na malandi pala si Levi pagdating kay Zoe. And what with the pumpkin? Kalabasa? Mukha bang kalabasa si Zoe? Haha Okay, I wanna laugh damn hard, but don't wanna. Baka ma-offend ko itong dalawa at delikado na.
"Good morning class," bati ni Sir pagkapasok ng room.
"Good morning, Sir."
"Miss Aguilar, please write this," sabi ni sir kaya tumayo na si Aguilar, kinuha ang libro at nagsulat.
Araw-araw nagpapasulat si sir ng mahaba para kinabukasan ay idi-discuss nya. Ayaw nya ng magpa-photocopy dahil para lang daw yun sa mga tamad. At mabuti na daw yung nagsusulat para ma-exersice din daw yung mga kamay namin. Ang cool ni sir sa twing nagpapa-quest sya kasi pwede mong buksan ang note mo. Open note quest kami. Astig no? Pero kung wala kang note, bawal makihiram sa katabi dapat may sarili kang note. You can open your note while taking the quest but only yours. Astig ng sir namin no? May ganyan ba kayo?
Nasa kalagitnaan na kami ng pagsusulat ng makaramdam ako ng tawag ng tanghalan este ng kalikasan kaya tumayo ako at nagpaalam kay sir. Naglalakad na ako papuntang banyo at agad na pumasok ng makarating ako, habang umiihi ako ay may pumasok na mga babae sa CR. Malamang Naomi babae, Girl Comfort Room nga di ba? Sabi ko nga.
"Oh my! Nakita nyo ba si Ace kanina guys?" sabi ng isang malanding babae.
“Hindi, eh. Pero dumaan tayo sa civil para makita natin siya at malay mo mapansin niya tayo,” impit na sabi ng isa na animo’y kinikilig.
"Kanina nakita ko sya, ang gwapo nya talaga. Yiiieeh!!" Girl 3.
Nakakapagod. Haha nauubusan na ako ng pang-describe sa kanila lalo na't hindi ko sila nakikita. Gaano ba talaga yan kagwapo at parang naiihi sila sa kilig? Mas gwapo ba yan sa crush kong si Grayson Chance? Oh my! Yun mas kakabaliwan ko pa yun. Hehe adik kay Grayson.
“Mabuti naman at break na sila ni Mandy. Para ako naman ang mapansin niya,” tumatawa nitong sabi.
"Oy alam nyo na ba kung bakit sila naghiwalay?" girl 2. Dahil sa mababang rason. Bulong ko sa sarili ko.
"Ewan, walang nakakaalam. But who cares. Knowing Ace, wala ng tanong tanong." girl 1.
"Tama," agree naman ni girl 3.
Nang makalabas ako ay nagtsi-tsismisan pa sila, naghugas nalang ako ng kamay sa sink at lumabas. Nakakarindi ang boses nila kung kiligin, nakakasira ng eardrum. Hmm civil pala sya, mean classmate sila nina pareng Andrei, Civil din kasi ang mga barkada naming boys. Naglalakad na ako pabalik ng room ng may malakas na hangin na naman ang dumaan. Ngayong araw nato, ilang hangin ba ang dadaan? Or should I say, bagyo?
"Hi, Miss sungit," mapang-asar nyang bati. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hangin siya, hindi ba? Kaya de-deadmahin ko lang siya. Baka kasi lalong lumakas kapag pinansin. “Sungit talaga,” pabulong niyang sabi na rinig ko naman. “Ahhh, kaya ka siguro masungit kasi may redtide ka, ano?”
Namula naman ako sa sinabi nya. Anong sabi nya? Ako? May redtide? Ano ako? Dagat? Huminto ako sa paglalakad at hinarap sya.
"Bastos!" sigaw ko sa kanya na medyo nag-tip toe pa ako dahil mas matangkad sya sa akin, actually taga-balikat nya lang ako.
"Biro lang." natatawa nyang sabi. Biro his face! p*****t!
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad . Akala ko hangin lang ang dala niya, may dala din pala siyang kabastusan. Ha!
"Ito naman nagbibiro lang." Hindi ko aakalain na hahabulin pa ako nito.
Sa ikalawang pagkakataon ay huminto ulit ako at hinarap sya. " Pwede ba Mr. Hangin? Tigil-tigilan mo ako at baka hindi kita matyansa at maihagis kita sa ilog pasig,” inis kong sabi na tinawanan niya lang. Aba! Namumuro na ‘to, ah!
"Wag ganun sungit, marami ang iiyak," sabi nya habang hinihimas ang chin nya.
Kita nyo? Di ba sabi ko huwag pansinin baka lumakas lang ang hangin at nagkatotoo nga. Nagsimula ng lumakas ang hangin na dala niya.
"Gwapo ka nga, mahangin naman."
"Oh, ’di ba?" biglang sabi nya na ikinagulat ko habang nakaturo sa akin ang daliri niya. “Inamin mo rin na gwapo ako, Sabi ko na nga ba at crush mo ako, eh.” Akmang susundutin niya nag braso ko pero agad akong lumayo.
Hindi lang pala sya mahangin at bastos. Makapal din ang mukha nya! Oo, gwapo nga sya mahangin nga lang. Siguro noong pinagbubuntis sya ng mama nya ay maraming hangin ang nakapasok sa tyan at lahat yun ay pumasok sa ulo nya.
"Gwapo ka nga, mahangin at mayabang naman. Hmp!" Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Pero bago pa ako makalayo ay may isinigaw siya na ikinagulat ko.
"Hindi rin magtatagal at magugustuhan mo rin ako Miss sungit."
As if naman. Ayoko sa mahangin at baka di magtagal ay matangay ako, lalo na ang lakas ng hangin na dala ni Trevor, hindi kaya ng powers ko... Kahit kailan ang lakas ng hangin na dala ni Bagyong Trevor...