Naomi's POV:
Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakatalukbo ng kumot. Hays! Hindi niya ba talaga ako titigilan? Kanina ko pa gustong matulog, pero hindi ako makatulog dahil tawag ng tawag si Ace sa akin. Isang linggo ko na kasi siyang hindi tine-text dahil naiinis ako sa kanya.
Palagi niya kasi akong iniinis na pangit daw ako dahil ayaw ko daw magpakita sa kanya o kaya naman ay stalker niya daw ako. Marami pa siyang mga tine-text sa akin na ikinaiinis ko, kaya ayan! Hindi ko siya sinasagot sa mga tawag at text niya.
Napaupo naman ako sa kama ng tumigil na sa pagtunog ang cellphone ko at may nag-text. Kinuha ko naman ang cellphone ko para basahin ang mensahe.
From: HAMBORGER!
Pwede mo bang sagutin ang tawag ko? Please. I just need someone to talk.
Ano namang kaemohan ang sinasabi nito? May problema kaya ito? Tungkol sa girlfriend niya? Nah! Imposible. Yon? Mamomoblema sa girlfriend? May playboy ba na namomoblema sa babae?
Napatingin naman ako sa cellphone ko ng tumunog ulit ito. Napabuntong hininga naman ako. Wala namang mawawala sa akin kung sasagutin ko ito, hindi ba? Huminga muna ako ng malalim bago ito sinagot.
"Hello?" Parang kinakabahan naman ako. Ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil ito ang unang pagkakataon na makakausap ko siya.
"Sorry kung naistorbo kita o kinukulit kita." Parang may kakaiba sa boses niya. Parang may lungkot? But I'm not sure.
"Okay lang. Ano bang kailangan mo?"
Rinig na rinig ko naman ang malakas niyang pagbuntong-hininga. May problema ata ‘to, eh. "Yong totoo. Gusto ko lang na may makausap. Yong tipong makakaramay ko." Aba! May namatay ba at kailangan niya ng karamay? "Pwede ba akong magtanong?"
Nagtatanong ka na nga, eh. Gusto kong sabihin ‘yan, gusto ko siyang barahin, pero parang seryoso kasi siya, kaya ‘wag na lang. Ramdam ko talaga sa tono ng boses niya na malungkot siya. "Ano ‘yon?"
"P-Pwede ba k-kita—" Rinig ko naman ang panginginig ng boses niya.
Ano? Manliligaw ba siya? Playboy siya pero bakit parang kinakabahan siya sa sasabihin niya? Lalaki nga naman. Pakaba-kaba effect pa para kapani-paniwala. Pwes! Hindi e-effect sa akin ‘yan, boy.
"Ano?" tanong ko. Ang tagal kasing sabihin. Naiinip na ako. Ano ba talaga ang itata—
"Maging best friend?" Ha? Ano daw? Nabingi ata ako doon ah.
"Ha?"
"Sabi ko, pwede ba kita maging best friend? Bingi!? " Aba't! Ako pa talaga ang bingi. Talaga namang nakakabingi ang sinabi niya, ah. Ako? Magiging best friend niya? Magiging best friend ng isang playboy? Oh, come on!
"Aba't—"
"Hep, hep! Huwag ka ng magalit. Biro lang," tumatawa nitong sabi. May sapi ang lalaking ito, ah. Kanina lang malungkot, tapos ngayon pinagtatawanan ako. O baka naman pakiramdam ko lang na malungkot sya.
"Ewan ko sa ‘yo," naiinis kong sabi.
"Ito naman. Binibiro ka lang, eh," natatawa niyang sabi. Maubusan ka sana ng hangin sa kakatawa dyan. Tumigil naman siya sa pagtawa ng hindi ako sumagot. "Pero seryoso, Zara. Pwede ba?"
"At bakit naman ako papayag? Aber!?" masungit kong tanong.
"Ang sungit mo talaga. Iyong totoo, maniwala ka man o sa hindi ay ikaw lang ang napili kong maging best friend ko sa lahat ng babae." Ha! So kailangan ko pang magpasalamat sa kanya dahil ako ang napili niya? Hanep! "Dahil ang sungit mo.” Biglang sumama ang mukha ko sa sinabi niya.
"Ah gano’n?” Iyong tono ko na may pagbabanta. Ako ang napili niya dahil masungit ako? Eh, di wow!
Rinig na rinig niya ang pagbungisngis nito. "Biro lang. Yong totoo, iba ka kasi sa kanila. Alam mo ‘yun?"
"Ano namang pinagkaiba ko sa kanila?" Hindi ko maiwasan na magpaikot ng mga mata kahit hindi naman niya nakikita.
"Kasi hindi mo ako gusto."
Parang nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi lang nalaglag, kung hindi napipi pa ako. Yon ang pinagkaiba ko sa kanila? Dahil lang sa hindi ko siya gusto? Bakit? Gano’n ba talaga siya kagwapo at parang ako lang ang hindi nagkakagusto sa kanya?
"Iyon ang totoo, maniwala ka man o sa hindi magaan talaga ‘yong loob ko sa ‘yo. At saka, hindi ka katulad ng ibang babae sa school na nagpapa-cute sa akin. "
"Eh, kasi naman po hindi pa kita nakikita," pilosopo kong sabi.
Paano ko naman gagawin ang sinasabi niya, eh, hindi ko pa naman siya nakikita kahit isang beses. At isa pa, kahit makita ko pa siya, hinding-hindi din ako magpapa-cute sa kanya no.
"Nakita mo na ako, hindi mo lang alam na ako."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakita ko na siya? Kailan pa? Napaisip naman ako kung nakita ko na ba talaga siya. Pero wala akong matandaan na nakita ko na siya. Tanga lang Naomi? Paano mo naman maalala, eh, hindi mo pa nga siya nakikita.
"Kahit na nakita mo na ako ay hindi man lang umepekteb ‘yong charm ko sa ‘yo.” Tumawa ito. “Ibang klasi ka talaga. "
Okay! Talagang nalilito na ako. "Sandali, sandali lang. Paano mo naman nasabi na nakita na kita?"
"Dahil alam ko na nakita mo na ako."
"Paano nga?" naiinis ko ng tanong.
Ang dami-dami pa kasi nitong paligoy-ligoy. Hindi na lang sagutin ang tanong ko.
"Dahil nakita na kita?"
Bigla kong pinutol ang tawag niya at napahawak sa magkabila kong pisngi. Ano daw? Nakita na niya ako!? Paano? Kailan? Saan? Nakita na niya ako? Ibig sabihin, kilala na niya ako?
Waaaahhh!! Paano!? Paano? Napatalukbong na lang ako ng kumot. Paano? Paano niya ako nakilala? Ang daya! Kilala at nakita na niya ako, pero ako hindi ko pa siya nakikita. Pero ang sabi niya ay nakita ko na daw siya, pero madaya pa rin dahil hindi ko alam na nakita ko na siya. At wala akong ideya kung sino siya sa mga nakita ko na.
Napaupo naman ako at kinuha ang phone ko ng marinig kong mag-beep ito.
From: HAMBORGER!
Goodnight Naomi Zara Yashita :)
Oma! Omo! Kilala na nga niya ako. Pero paano? Para akong bata na mangiyak-ngiyak sa nalaman. Ang daya! Pabalibag kong binalik sa table ang phone dahil sa inis. Wala akong pakialam kung masira pa ‘yon, sana nga masira na ng hindi na ako matawagan ng Ace na ‘yon!
** KINABUKASAN **
Napabuntong hininga naman ako ng malalim habang naglalakad papunta ng eskwelahan. Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip sa sinabi ni Ace. Napagulo naman ako sa buhok ko. Buti na lang at hindi ako nagmukhang zombie ngayon dahil lang sa kulang ang tulog ko.
"Para kang baliw."
"Ay zombie!" Napatalon naman ako sa gulat dahil ang lapit ng mukha niya sa akin. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Ho! Aatakihin ata ako sa puso dahil sa lalaking ito, eh, ang hilig sumulpot.
Tumayo naman siya ng matuwid saka tumawa. " Ako, zombie? Ang gwapo ko namang zombie," mayabang nitong sabi saka humalakhak na parang baliw.
Ang aga-aga may masamang hangin na namang nagparamdam sa akin. "Oo, para kang zombie dahil sumusulpot ka na lang bigla." Naglakad na ulit ako at iniwan siya.
"Ang aga-aga, masungit ka na naman." Hinabol naman niya ako at ngayon sabay na kami sa paglalakad.
"Dahil nakita ko na naman kasi ang mahangin mong mukha."
"Hindi naman kasi talaga ako mahangin, sadyang totoo lang ang sinasabi ko." Kahit kailan talaga ang hangin nitong Trevor na ito.
"Ewan ko sa ‘yo." Naglakad na ako ng mabilis papasok sa gate ng makita ko sina Andrei. "Pare." Bago pa ako makaalis ng tuluyan ay narinig ko pang nag-tsk si Trevor. Anong problema niya? Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Magandang umaga, Pare."
"Magandang umaga din," bati ko at nag-hand shake kami.
"Sa Opal kayo ngayon ‘di ba?" Nagtaka naman ako sa tanong ni Krys.
"Anong Opal?" nagtataka kong tanong dahil hindi ko ma-gets ang tanong niya.
"Haist! Lutang ka ata, Dude. NAT exam kaya natin ngayon," natatawang sabi ni Christian.
NAT exam? Oh my! Nakalimutan ko. Oo nga pala no? Ngayon nga pala ang NAT exam namin.
"Nakalimutan nga niya,” pang-iinis ni Krys. "Huwag kasi masyadong isipin si Rome ng hindi mo nakakalimutan,” pang-iinis niya sabay siko kay Rome. Tumawa naman silang lahat. Napailing na lang ako.
"Omi." Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Tara na sa room natin." Hinawakan naman niya ako ng braso.
"Kita na lang tayo mamaya sa tambayan,” sabi ni Rome.
"Okay. Bye. Good luck sa ating lahat,” sabi ni Zoe sabay hila sa akin.
"Goodluck din,” sabay sabi din nila. "Huwag masyadong isipin si Rome, baka siya ang maisagot mo,” pang-aasar ni Christian dahilan para tumawa sila.
"Baliw," pahabol kong sabi bago pa kami makalayo ng tuluyan.
MAY thirty minutes pa kami bago magsimula ang exam. Nakaub-ob ang mukha ko sa desk ko dahil sa naalala ko. Opal? Ito ang classroom nina Ace. Mamaya makita ko na lang siya bigla, hindi pala... Baka mamaya makita na lang niya ako bigla. Hays! Sana pala hindi ko na lang naisipan dati na i-text at kaibiganin siya, hindi sana ako magkakaganito. Umiiyak ako sa loob ko. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Nakaupo ako malapit sa pader ng classroom nila. Dito ko naisipan umupo dahil wala namang bintana ang room nila, katabi ko si Zoe, as usual, pero sa ngayon wala pa akong katabi dahil nakikipagchismisan pa siya sa iba naming classmate. Hindi niya kasi ako makausap ng matino dahil lutang na lutang ang isip ko kakaisip kung ano ba talagang itsura ng Ace na ‘yon. Ang sabi niya kasi ay nakita ko na siya.
Napatigil naman ako sa pag-iisip ng may biglang tumabi sa akin. Alam ko na si Zoe ‘yon dahil siya naman ‘yong katabi ko. Hindi ko pa rin inaangat ang ulo ko.
Hay! Buhay nga naman. Para akong pinagsukluban ng langit at lupa. Paano ba ako napasok sa sitwasyong ito? Aha! Ang mabuti pa ay iba-block ko na lang siya sa phone ko ng hindi na niya ako matawagan at ma-text. Tama! Yon na lang ang gagawin ko. Napabungisngis ako sa naisip ko.
Napatigil ulit ako sa pag-iisip ng may napansin ako. Parang naging tahimik ang room namin, kanina kasi ang ingay. Alam niyo naman basta ang mga babae ang nagsasama-sama sa iisang room ay ang ingay-ingay.
Separated kasi ang mga boys at girls sa pag-take ng exam ngayon. Napaangat naman ako ng ulo dahil nagtataka talaga ako kung bakit bigla silang naging tahimik, baka naman nandyan na ‘yong prof namin. Walangya talaga ‘to si Zoe, hindi man lang ako sinabihan.
Nang iniangat ko ang ulo ko ay napadikit ako bigla sa pader dahil sa gulat.
"Ohayou!" (Morning) masaya niyang sabi.
"A-Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong. Mas nagulat pa ako ng medyo lumapit pa siya ng kaunti sa akin.
Napatingin naman ako sa mga classmate ko na nakatingin sa amin na may gulat sa mga mukha nila. Kulang na lang ay lumabas ang mga mata at pasukan ng langaw ang mga bibig nila sa gulat. Napatingin ulit ako kay Trevor na medyo malapit na sa akin habang ako naman ay kulang na lang ay kainin ako ng pader para lang mapalayo ako sa kanya.
"Sabi ko, ohayou." Pinaningkitan naman niya ako ng mga mata. Kinakabahan naman ako sa isang ito. Ano bang trip nito?
"O-Ohayou," ani ko na lang. Sa wakas lumayo na din siya sa akin, dahil kung hindi pa baka sumabog na ang puso ko dahil sa kaba. "Naliligaw ka ba? Mga Amethyst ang nandito,” sabi ko. Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata ng makita siyang parang asong ulol na nakangiti at bumungisngis pa. "Ano bang nakakatawa?" masungit kong tanong.
"Ang sungit mo kasi," bungisngis niyang ani.
"Oh tapos?" Nakakainis talaga siya. Palagi niya na lang akong iniinis at pinagtatawanan sa tuwing nagkikita kami.
"Wala lang." Inirapan ko na lang siya.
Nagtaka naman ako na nakatingin sa mga classmate ko na gulat na gulat pa rin na nakatingin sa akin at kay Trevor. Ano bang nakakagulat? Baka naman nagulat din sila dahil naliligaw ang isang ito.
"Pwede bang umalis ka na dito?" inis kong sabi sa kanya.
"Bakit naman ako aalis?" Aba! Bakit daw siya aalis? Hindi ba niya nakikitang dito kami magta-take ng exam? At hindi niya ba nakikitang puro babae kami dito at siya lang ang lalaki.
"Eh, kasi dit—"
"Ace!" Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig na galing sa Alaska dahil sa narinig kong pangalan.
Galing sa labas ang boses na tumatawag sa pangalang iyon. Anak ng! Nandito siya? Dems! Napasubsob ako sa arm chair ko. Baka makita niya ako. Hindi pa ako ready na makita siya. Ano ba naman ‘yan? Bakit nag malas ko ngayon?
"Hoy!" Kinalabit naman ako ni Trevor sa balikat ko.
"Wag ka ngang maingay dyan, baka makita niya ako." Isa pa ito, eh. Nagtatago ako dito, eh, baka makita pa ako ng Ace na ‘yon.
"Nino?" Bumaling naman ako sa kaliwa at kita ko ang mukha niya na malapit sa akin dahil nilapit niya ang mukha niya sa akin saka bumulong. Nakakalito ba? Bahala na kayong umintindi sa pinagsasabi ko ngayon dahil kinakabahan talaga ako ngayon.
"Ni Ace,” bulong ko din. Para na tuloy kaming baliw dito. Bahala na! Basta ayaw kong makita niya ako.
"Bakit naman?" bulong niyang tanong.
"Basta! Huwag ka na lang maingay dyan." Ang kulit ng lahi ng isang ‘to.
"Ace tara na." Napapikit naman ako sa narinig ko.
Shete! Nandito siya sa classroom nila. Pagminamalas ka nga naman, oh. Umalis ka na. Tinatawag ka na ng kaibigan mo. Pero parang familiar ang boses ng tumatawag sa kanya.
Napatingin naman ako sa pares ng sapatos na huminto sa gilid ng inuupuan ni Trevor. Shete! Baka siya na ‘yan. Sana hindi niya ako mapansin. Para ng sasabog ang dibdib ko sa kaba ngayon. Ipapakalbo ko talaga si Trevor na nasa tabi ko ngayon kapag napansin ako ng Ace na 'to!
Naomi's POV:
Alam mo ‘yong parang nagmumukha kang TANGA? Yun! Yun ang nararamdaman ko simula pa kanina ng makita ko si Ace. Hanggang ngayon! Nakakainis ang hangin na yun.
Kaya pala sinasabi nyang nakita ko na sya, dahil nakita ko na nga talaga sya. Pero ang nakakainis ay nagmukha akong tanga sa harapan nya. Curse you Ace.
"Pare okay ka lang?" rinig kong tanong ni Andrei pero hindi ko ito pinansin.
Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa kanya dahil pinagmukha nya akong tanga. Arrrggh!
"Ano bang nangyayari sa kanya?"
Sana pala... Sana pala hindi ko nalang sya tinext noon... Sana pala hindi ko nalang sya kinaibigan.
"Hayaan nyo na yan—Oh, Omi... Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Zoe ng bigla akong tumayo.
"Magpapahangin lang."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at umalis na sa kubong tinatambayan namin. Kani-kanina lang natapos ang exam namin. Nakita at nakilala ko na din si Ace kanina at hindi ko talaga inaasahan yun.
Para tuloy akong baliw kanina na nagtatago pero wala rin pala dahil nahanap nya parin ako. Hanggang sa magsimula ang exam namin kanina ay dala-dala ko parin ang gulat dahil sa pagkakita ko sakanya. Muntik na nga akong hindi makafucos, buti nalang bumalik ako sakatinuan maya-maya, kung hindi baka bumagsak ako dun. Pagnangyari yun, titigbasin ko talaga ng itak si Ace.
Teka! Saan nga ba ako pupunta? Magpapahangin? Saan naman ako magpapahangin nito?
Para tuloy akong baliw na naglalakad dito ng walang patutunguhan. Saan ba magandang magpahangin? Napaisip naman ako. Umilaw naman bigla ang imaginary bulb ko. Hihi alam ko na.
Habang naglalakad ako naisip ko na naman ang nangyari kanina.
** FLASHBACK **
"Ace," tawag ulit ng kung sino man ang tumatawag sa kanya.
Hoy Ace! Tinatawag ka na ng kaibigan mo, kaya utang na loob lumayas ka na sa room na ito at wag na wag kang magpapakita sa akin.
Napatingin naman ako sa pares ng sapatos na huminto sa gilid ko. Walangjo ka talagang Ace! Bakit ba pumunta ka pa dito? Gusto mo tapagang masapak? Dahil sasapakin talaga kita.
"Ace, tara na."
Napaangat naman ako ng ulo ko ng wala sa oras dahil sa narinig ko. Kaya pala familiar ang tumatawag sa Ace na yun ay dahil si Levi ang tumatawag. Napatingin naman ako sa tinatawag nyang Ace.
"Oh Naomi, ikaw pala." ngumiti naman ako sa kanya kahit pilit. "Tara na Ace, baka malate pa tayo." Napatingin ulit ako sa tinatawag ni Levi na Ace.
At ang walanjo ay ngumiti lang ng malapad at nag-peace sign.
Nakatulala lang akong tinignan sya. Hindi ako makapaniwala na sya si Ace. Na sya yung katext ko. Na sya yung mahangin at mayabang.
Tulala pa rin ako hanggang sa makaalis sila...
** END OF FLASHBACK **
Oh di ba? Para akong timang na nagtatago para lang hindi ako makita ng Ace nayun... Pero ang hindi ko pala alam ay nasa tabi ko lang pala ang tukmol.
Kaya pala gulat na gulat ang mga kaklasi ko kanina ng tumabi sya sa akin dahil sya pala si Ace the Playboy. Tsk!
Arrggh! Ginawa nya akong parang tanga! Opo! Tama po kayo ng nabasa. Kahit wala naman akong sinabi. Pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na si Ace at si mahangin este si Trevor ay iisa. Anak nga naman ng tipaklong. Akalain mo yun? Nakita at nakilala ko na pala sya at hindi lang yun, nakausap ko pa.
Nakakabaliw lang.
Napasinghap naman ako at ninamnam ang simoy ng hangin.
Sarap...
Sarap sa pakiramdam. Medyo nawala tuloy ang inis ko. Parang tinatangay ng hangin. Sarap talaga magpahangin dito sa rooftop. Ang sarap ng simoy ng hangin...
Umupo naman ako sa kanan ng pinto dahil dito hindi mainit. Kinuha ko na ang libro na babasahin ko. Ilang minuto na ang nakakalipas ay may bigla akong narinig na hikbi.
Ha? Hikbi? Teka! Sino naman kaya yun? Wala naman akong nakita na kasama ko dito. Waaahhh! Wag mong sabihing may multo dito? Anak ng...
Huminga naman ako ng malalim. Relax lang Naomi, walang multo ang magpapakita kapag tirik na tirik ang araw. Nag-exhale inhale naman ako para pakalmahin ang sarili ko. Okay... Ho!
Tumayo naman ako at sinundan kung saan galing ang hikbi. Inangat ko naman ang hawak kong libro bilang self defence kung sakali. Napaisip naman ako, kung multo nga yung umiiyak, matatamaan kaya sya kapag binato ko ang libro sa kanya? O lalagpas lang? Hay! Ano ba yan?!
Napatigil naman ako sa pag-iisip ng medyo lumalakas ang hikbi na naririnig ko. Pigil hininga naman ako habang papalapit. Grabe! Parang lalabas na ata ang puso ko sa sobrang kaba.
Sisigaw na sana ako ng makita ko na kung sino ang umiiyak. Pero teka! Hindi naman sya multo. Lalaki sya, magkatulad kami ng uniform, umiiyak sya habang nakapatong ang ulo nya sa dalawa nyang tuhod. Nakataas parin ang librong hawak ko. Malay mo no, manyak pala yan o ang mas malala ay r****t. Nako, nako wag lang syang magbabalak dahil kakalbuhin ko talaga sya.
"S-Sino ka?" lakas loob kong tanong sa lalaking umiiyak.
"Holy s**t!" Napatalon naman sya sa gulat at agad na pinunasan ang mga luha na galing sa mga mata nya.
Sus! Pinunasan pa nya eh nakita ko na. Hindi ko parin nakikita ang mukha nya dahil nakayuko parin sya habang pinupunasan ang mga luha nya. Bigyan ko kaya sya ng panyo? Eh? Di ba lalaki ang nagbibigayng panyo sa babaeng umiiyak? Pero sa sitwasyon namin ngayon ay sya ang umiiyak.
Haist! Bahala na. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at ibibigay na sana sa kanya ng may kinuha naman syang panyo sa bulsa nya. Oh! May panyo naman pala sya, bakit hindi nya ginamit kanina? Shunga lang ang peg? Binalik ko nalang ang panyo sa bulsa ko. Sayang effort ko sa pagkuha.
Ako naman ang napatalon sa gulat ng umangat ang ulo nya para tignan ako. Bakit ba ang malas-malas ko ngayong araw na ito? Sinabi ba ng horoscope ko kanina na malas ako ngayong araw? Sana nalaman ko kanina para naman alam ko kung papaano iiwasan ang malas.
"Oh ikaw pala best friend." Ha! Best friend your face. Hindi pa kita tinatanggap na maging best friend ko no. "Anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko sya sinagot bagkus ay tiningnan ko pa sya ng mabuti. Tinignan ko ang mga mata nya kung umiyak talaga sya kanina o baka naman palabas lang. Alam nyo na... Pero umiiyak talaga sya. Masasabi kong umiyak talaga sya dahil namumula ang mga mata nya dahil sa pag-iyak.
Kung umiyak nga sya, bakit naman sya umiiyak? May naalala naman ako. Tama.Yung naramdaman ko sa tawag nya kagabi.Yung tono ng boses nya na may lungkot. So tama talaga yung nararamdaman ko kagabi base sa tono ng boses nya. Malungkot nga sya at may problema.
Napayuko naman sya at parang naiilang sa mga titig ko.
"Nakakahiya nakita mo pa akong umiiyak. Sorry."
Bakit naman sya nagso-sorry? Ang labo naman ng lalaking ito.Siguro kaya naging playboy ito ay dahil ang labo nya. Ang labo-labo nya. Hindi ko ulit sya pinansin at walang salita na umupo sa inuupuan nya at sumandal.
"Makikinig ako."
Nakita ko naman na nagulat sya sa sinabi ko.At muntanga! Ilang minuto nya ba balak na magulat? Dahil kanina pa ako naghihintay ng sasabihin nya, kung meron man. Habang ako ay naghihintay, sya naman itong gulat na gulat paring nakatingin sa akin. Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang sya ng naiinip. Talaga namang naiinip na ako. Natauhan naman sya sa mga titig ko. Buti naman.
"S-Sorry." napakamot naman sya sa batok nya.
Ano? Kamot-kamot nalang? Wala ba syang balak na sabihin kung ano ang dahilan kung bakit nakita ko syang umiiyak kanina? O tatayo nalang sya dyan.
Ilang saglit lang din ay umupo na sya sa tabi ko at bumuntong hininga. Tahimik lang ako at hinihintay na magsalita sya.
"Kanina—" panimula nya tapos bumuntong hininga. "Teka lang—" napatingin naman ako sa kanya ng humarap sya sa akin. "Di ba best friend na tayo?"
Ano nga ba dapat isagot ko? Hindi pa naman ako pumapayag kagabi na maging bestfriend nya. Tiningnan ko ulit sya sa mga mata nya. May lungkot talaga akong nakikita. Kahit pala playboy sya, may lungkot parin sa mga mata nya. Bakit kaya sya naging playboy? Ayan tuloy nacu-curious na ako.
Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong nya. Wala naman sigurong mawawala kung magiging bestfriend nya ako, isa pa... Ito nga ang dahilan kung bakit ko sya tenext diba? Para makipagkaibigan sa kanya. Ngumiti naman sya ng tumango ako.
“Salamat." Para naman akong natulala sa ngiti nya. Ang ganda— iling-iling. Napatingin ulit ako sa kanya ng bumuntong hininga sya. "Nag-away kasi kami ng mama ko kagabi kaya napatawag ako sayo kagabi," panimula nya.
Kaya pala. Hindi ko lang pala pakiramdam na malungkot sya dahil malungkot talaga sya. Bigla naman lumungkot ang mukha nya na nakangiti kanina.
"Tapos kanina, nung nakita mo akong umiiyak... Dahil nami-miss ko ang papa at kuya ko." bigla naman syang napaiyak ulit. "Pasensya na ha? Kung nakikita mo akong umiiyak, pagnami-miss ko talaga ang papa at kuya ko ay napapaiyak ako." pinunasan naman nya ang mga luha nya.
"Saan pala sila?"
Ngumiti naman siya ng mapait at napatingin sa langit. Napalunok naman ako. Mukhang alam ko na ang sagot ah.
"Nasa heaven na." lumingon naman sya sa akin ng nakangiti pero may luha namang nagsisihulugan galing sa mga mata nya.
Hindi ko alam kung bakit at ano ang nagtulak sa akin para gawin yun. Pero sa ngayon alam kung kailangan nya ngayon ito. Hinimas-himas ko ang likod nya dahilan para mapaiyak sya lalo. Napasinghap naman ako ng yakapin nya ako ng mahigpit. Crying shoulder ata ang peg ko ngayon...
Hindi ko maisip na ang isang Ace na Playboy sa campus namin. Na kilala dahil sa kagwapuhan nito at sa pagiging playboy, ngayon nakayakap sa akin at umiiyak.
Ang sabi nga nila, ang mga playboy daw ay may kanya-kanyang dahilan kung bakit sila naging ganun.Yung iba dahil nasaktan sa first love nila, yung iba iniwan at yung iba ay ginagawa itong pampalipas oras para takpan ang sakit...
This day, I can't believe my first ever best friend is a Playboy.