"Miss Daphne, mga isa o dalawang oras lang ay mawawala na rin ang bisa ng gamot kay Don Crisostomo. Do you want me to show you around habang hinihintay na magising ang lolo mo?" Pag-aasikaso sa akin ng butler.
"Or better yet, leave. You've cause enough trouble here." Pagtataboy sa akin ni Sylus.
Sinamaan ko siya ng tingin, but didn't say a word. I don't want to cause trouble that might stress grandpa. "Lagi bang ganito si grandpa?" Muling baling ko sa butler.
"Inatake sa puso si Don Crisostomo nang mamatay si ma'am Dara six years ago. Unable to go to her wake and funeral took a toll on his health and it deteriorated rapidly. His heart is failing and the doctor urges him to have a heart transplant. Naiayos na nila sir Sylus ang operasyon para rito sa ibang bansa. May doktor na pumayag despite your grandfather's old age, pero tumanggi si Don Crisostomo." Paliwanag ng butler.
Nanginginig ang mga kamay ko, at natatakot ako. I have no idea that grandpa is in this serious condition. So ibig sabihin, napakalaki ng posibilidad na hindi na kami magkita kung hindi ko nakita yung sulat ni mama sa likod ng picture?
At ang ipinagtataka ko sa lahat, why is there two versions of the story here? Ang alam ko si grandpa ang ayaw pumunta nung namatay si mama. Even when she was sick in the hospital. Tapos ngayon naman ang maririnig ko ay hindi siya pinayagang makapunta when mama died. Sino ang nagsasabi ng totoo? I need to find the truth.
"Bakit ayaw niyang magpaopera?" Patuloy kong tanong. It looks like hindi naman issue ang pera. So why?
"Nakakatakot si Don Crisostomo na baka hindi magtagumpay ang operasyon. Gusto nyang makita ka pa. Kaya ilang ulit itong tumanggi na magpaheart transplant." Nang marinig ko ang sinabi ng butler ay hindi ko na napigilang umiyak.
"Stop pretending, woman. If you really care, you should have visited a long time ago." Nagsalita nanaman yung gwapong kontrabida.
"Why are you so mean? If I know about grandpa's condition, I would have come matagal na! You don't have to tell me that! Salbahe ka! Akala mo kung sino, magnanakaw ka naman ng panty!" Sigaw ko.
Narinig kong napasinghap sa gulat ang butler sa sinabi ko. Sylus tried to defend himself, pero hindi ko na pinakinggan ang sinasabi niya at tumakbo sa may pinto palabas. Hindi ko na kasi mapigilan ang pag-iyak ko, and I don't want to ugly cry sa harapan nila. I also need some fresh air to breath and process all the information na nalaman ko.
Pero pagkalabas ko ay biglang nag-ring ang cellphone ko at nang icheck ko ay tumatawag si kuya Anthony. Kaibigan siya nila kuya Nate at kuya Harvey, and he's also the Chief Marketing Officer of Castellano Realty.
"Hello, sir Anthony." Bati ko ng sagutin ang tawag niya. It must be about my OJT. In my past life, sa kanya ako unang naassign nang mag-OJT ako.
"Anong sir ka jan! It's kuya Anthony for you." Saway nito. Agad akong napangiti. Even though he's friends with my brothers never na nagbago ang pakikitungo nito sa akin kahit nagbago na sila kuya.
"Bakit ka nga pala napatawag kuya? May problema ba?" Tanong ko.
"Teka, bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba?" Usisa nito.
Lagot, sinikap ko na nga na hindi ipahalata sa boses ko, but he still catches it.
"Don't tell me may ibinintang nanaman si Celline sayo?" Sa kanilang lahat, si kuya Anthony lang ang naniniwala na wala naman akong ginagawa kay Celline. Ewan ko ba, parang siya pa yung tunay kong kapatid kaysa dun sa dalawang kasama kong lumaki.
"No. Hindi na niya ako maaaway pa kuya. Lalaban na to." Sagot ko.
"That's my brave girl." Puri nito.
"Eh pero kuya, hindi mo pa nasasabi kung bakit ka tumawag." Pagbabalik ko sa tanong ko kanina.
"Oh, that... I want to give you a heads up." Problemado nitong sabi and I could imagine him shaking his head in disappointment.
"Tungkol saan?" Bigla akong nakadama ng kaba.
"I overheard Harvey earlier. Kausap niya ang HR Head. May ibinigay itong mga listahan ng mga kompanya at pinapablacklist ka. What the hell is happening. Do you know what's this about?" Tanong ni kuya Anthony.
Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko. So he really did it? My own brother? For Celline's sake?
"K-Kuya ayokong mag-OJT sa kompanya ni papa. I over heard kuya Nate last night, ang sabi niya kaya nila gustong sa Castellano ako mag-OJT ay para may mag-assist kay Celline dahil nga buntis ito. I don't feel good about it, lalo pa dahil sa ginawa ko nung gabi sa restaurant. Tulungan mo naman ako oh." Umiiyak na pakiusap ko rito.
Kung pwede ko lang sanang sabihin rito ang totoo. Kaso hindi naman pwede dahil baka isipin nito na gumagawa lang ako ng kwento o di kaya may maluwag na screw sa ulo.
"Hey, hey! Calm down." Pagpapatahan nito sa akin. Ilang sandali pa he clicked his tongue at halatang namroblema na rin. "You know my connections aren't that big, but I'll try. Okay?" Nang sabihin niya iyon ay nakahinga ako ng maluwag. At least someone is willing to help me. "Hindi ko na talaga alam kung ano bang pumasok sa isipan ng mga mokong mong kapatid. I understand na gusto lang nilang mapabuti si Celline at makabawi rito, kahit ako iyon rin ang gagawin kung ako ang nasa lagay nila, but I will not do it in the expense of my sister." Saad ni kuya Anthony na mas lalong nagpaiyak sa akin.
"I wish you're my big brother instead." Iyak ko.
"I'll always be your big brother kahit hindi tayo magkadugo. Now stop crying, I promise I'll try my best to help you. Okay? Tawagan kita if I have a good news." Matapos sabihin ni kuya Anthony iyon ay nagpaalam na ito at may meeting pa daw siya with the advertising team.
Matapos kong marinig ang assurance ni kuya Anthony ay parang gumaan ang nararamdaman kong bigat sa dibdib ko, na para bang may magandang mangyayari.
Huminga ako ng malalim, at pinunasan ang mga luha ko. I should go back inside. What if nagising na si grandpa kahit wala pang isang oras at hinanap ako? Hindi nito pwedeng makita na umiyak ako. Baka mag-alala ito at manikip ulit ang dibdib.
Pero nang humarap ako ulit sa may pinto ay laking gulat ko ng makita si Sylus na nasa may pinto at nakasandal. Did he heard all that? By the look on his face, mukhang narinig nga niya lahat.
Oh my god, umiyak pa man din ako na parang kinakatay!
"Kung aawayin mo nanaman ako, pwede ba, I'm not in the mood. I already have enough on my plate." Irap ko rito at muli na sanang papasok sa loob, pero iniharang niya ang paa nya.
"Kung bibigyan mo lang ng sakit sa ulo si gramps, you better not show your face here again." May pagbabanta sa boses nito, sabay umalis na ito.
Habang papalayo ito ay parang gusto kong ihagis ang cellphone ko sa ulo niya. Hindi talaga ako makapaniwalang siya yung lalaking nakilala ko nung nakaraan.