CHAPTER 12

1153 Words
"Pasensya ka na apo. That must have shocked you." Nagising na ulit si grandpa after 50 minutes. Dumating rin ang doctor na pinatawag ni Sylus kanina. We're in his room as his condition is being monitored pa. "It's okay, grandpa. Ako nga po ang dapat na mag-apologize. I didn't know you're sick, but your butler already explained everything to me kaya I'll be more careful from now on." Sagot ko. "I'm glad you didn't leave. Pero siguradong nabagot ka sa paghihintay." Kanina ng magising si grandpa, kita ko sa mukha niya on how relieved he is na nandito pa din ako. "Hindi naman po. But that Sylus guy is annoying. Single pa po ba yun?" Tanong ko. "He is..." Halatang nagtataka ito sa tinanong ko. "Ah, kaya po pala masungit. Kulang sa aruga." Kung makapagsungit, akala mo naman hindi nasarapan sa labi ko. "Ilang taon na po ba yun, grandpa?" Dagdag kong tanong. "He's 45, apo." Sagot nito. "45?" Gulat kong ulit. Well, I kinda know he's older, but I was thinking like he's 35. Gosh, what a good genes he got there. "Are you interested in him, Daphne?" Tanong ni grandpa. "What? No! He's so mean, grandpa." Mabilis kong sagot. "Sylus is a good person, hija. Siguradong pagod lang yun kaya ganun. Kung ano man ang nasabi niya sayo kanina, I apologize in his behalf." Pagtatanggol nito rito. "Okay, then he's forgiven." Hindi na ako nakipagtalo dahil ayokong sumama ang loob ni grandpa. But no! That Sylus guy is not yet forgiven. Hangga't hindi nya ibinabalik sa akin ang kinuha nya, walang kapatawaran na mangyayari. "But grandpa, what's your relationship po with him?" Now that you think about it, hindi ko naman siguro kamag-anak yung lalaking yun no? I almost got freaky with him the other night. Pero kasi sobrang coincidence naman nito na magkakilala silang dalawa ni grandpa. "Anak siya ng matalik kong kaibigan na namatay na. When your mother died, and my health got worst, they told me stay with them." Paliwanag nito. Nakahinga ako ng maluwag na hindi ko kamag-anak ang lalaking yun. "They?" Nagtatakang tanong ko. "Yes, Sylus and his─" "Don Crisostomo, nakahanda na po ang lunch. Gusto nyo po bang dalhan ko kayo ni miss Daphne ng makakain rito?" The butler interrupted. Oh, it's lunch time na pala. Kaya pala my stomach is rumbling na. "We'll eat at the dining room. My room smells of meds and hospital. Baka mawalan ng ganang kumain ang apo ko." Sagot ni grandpa. His room has equipment ready, oxygen tank, and even IV if needed. "I'm okay lang naman po kahit rito tayo kumain." Ayokong mapagod ito just to accommodate me. But grandpa insisted, mayroon pala itong wheel chair at sariling ramp stairs kaya hindi na ito mapapagod na bumaba. The table was packed with foods, pero kami lang naman ni grandpa ang nandito. I wonder if kasama naming kakain yung masungit na Sylus na yun? Pero mukhang hindi, since grandpa already told me to eat. Habang kumakain ay gustong gusto kong balikan yung pag-uusap namin kanina tungkol kay mama, kaso kabilin-bilinan ng doktor bago ito umalis na iwasan muna ang mga stressful conversations at iba pang pwedeng magtrigger dito ng matinding emosyon. "Kamusta na nga pala ang papa mo, Daphne? Your brothers? How are they? Maayos ba ang pagtrato nila sayo?" Grandpa started the conversation. "Well, of course they are your family. Sigurado namang maayos ang trato nila sayo. What Am I even asking." Pahabol nito. I immediately forced a smile. "Okay naman po sila. And I am well treated po." Pagsisinungaling ko. Syempre hindi ko pwedeng sabihin dito that my life has been hellish since Celline arrived. Na pinapabayaan ako ng sarili kong ama at mga kapatid in favor of our cousin. At mas lalong hindi ko pwedeng sabihin rito ang iba ko pang karanasan in my first life sa kamay nila papa at mga kuya ko. That would surely give grandpa another heart attack. Marami pang tinanong si grandpa patungkol sa akin at sa mga kuya ko. It looks like he's really enjoying listening to my stories, na medyo inudjust ko lang sa mga times na masaya pa kami. I put my curiosity aside muna and didn't ask anything about him and his relationship with mama at kung bakit nagkaroon sila ng tampuhan. Ang tanging nalaman ko lang ay nasa elementary pa ang mama ko ng mamatay si grandma, so si grandpa ang tanging parent figure ng mama ko growing up. I stayed the whole afternoon, hanggang sa nakatanggap ako ng chat mula kay kuya Anthony to meet him at a bar this evening at may nahanap na raw siyang makakatulong sa akin. My eyes lit up nang mabasa ko iyon, ilang araw nalang kasi at mag-uumpisa na ang OJT namin. Around 5:30 PM ay nagpaalam na ako na uuwi. Grandpa invited me to stay for dinner, pero kailangan kong magsinungaling that I have a prior commitment na with kuya Nate. Medyo naguilty ako sa ginawa kong pagsisinungaling, pero kailangan ko munang unahin itong tungkol sa OJT ko dahil malaki ang magiging epekto nito sa buhay ko kapag hindi ko nagawan ng paraan. Baka tumalon nalang ulit ako sa 3rd floor ng mansion if I was given a second chance tapos hindi nagawang baguhin ang buhay ko. Pero nawala ang lungkot ni grandpa when I promised na bibisitahin ko ulit siya bukas, at dito na ako kakain ng dinner para makabawi. Tama lang na umalis ako ng maaga kanila grandpa kasi naipit ako sa traffic. 8 PM ang usapan namin ni kuya Anthony na magkikita sa bar na minention niya sa chat and it's now 7:45 PM. Luckily malapit na ako, and at exactly 8 PM ay nasa parking lot na ako ng bar kung saan kami magkikita. Sino kaya ang nakausap ni kuya Anthony at bakit dito kami magkikita? A restaurant would be a more formal place to talk about my intent to train in their company right? But whatever, hindi ito ang tamang oras para maging choosy. I trust kuya Anthony naman eh. Hindi ko alam kung swerte ba o malas ako. I'm lucky kasi may irereco na si kuya Anthony sa akin, malas kasi walang signal yung phone ko dito sa loob ng bar at hindi ko ito macontact kung nasaan siya ngayon. There's a lot of people here, paano ko makikita si kuya nito? It's already 8:05. I'm late na! Nagpatuloy ako sa paglalakad, lingon rito, lingon roon, tapos chinicheck din ang phone kung may signal na. Hay nako, dapat kasi nagchat na ako habang nasa labas kanina! Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si kuya Anthony dito. Ang daming open tables, ang daming private lounge, tapos may mga VIP rooms din. Lalabas nalang sana ako ulit para makakalap ng signal ng bigla nalang may humagit sa bewang ko at niyakap ako mula sa likuran. "Found you, Principessa." Bulong nito sa tainga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD