CHAPTER 13

1144 Words
Napalingon ako sa yumakap sa akin at nagulat ako ng makita ko ang pamilyar na mukha. Sinungitan nya ako buong sandaling nagkita kami kanina nang bisitahin ko si grandpa, and now he's calling me princess again? Tapos ang amo pa ng mga tingin niya. "Excuse me? May Dissociative Identity Disorder ka ba? Kanina woman? Now Princess? Tigilan mo ko!" Winaksi ko ang kamay niya at humarap sa kanya. He's wearing a black 3 piece suit, and his hair was slicked back to perfection, not a single strand out of place, giving him a commanding and disciplined look. Hindi tulad kaninang umaga ng magkita kami, magulo ang buhok. Mas gusto ko itong ayos niya ngayon. What made him even more captivating is the faint, expensive perfume that lingered around him. "I've been thinking about you a lot, and I thought you did too. Why so cold, Principessa?" He reached for my hair and tugged it behind my ear, pagkatapos ay inilandas niya ang daliri sa pisngi ko. A simple gesture pero parang kinikiti ako, muntik ko tuloy siyang mapatawad ng wala sa oras. "Mr. Sylus, tigilan mo ko! You're so mean to me earlier. Hindi mo na ako madadala ng sweet talk mong yan! I. Hate. You." Irap ko and crossed my arms. That's right, girl! Huwag kang marupok! At ano to? Dahil wala si grandpa at ang butler ngayon niya ako lalandiin? I saw how his eyes darkened at nagulat nalang ako nang bigla nya akong ikulong sa mga bisig niya. Kahit nagpumiglas ako, I can't escape his tight embrace. "I'm quite hurt you can't differentiate me from someone else, Principessa. I thought we had something special that night." Bumaba ang isang kamay niya sa bandang pang-upo ko and he squeezed my bûttcheek na para bang duon niya ibinubton ang inis niya. "Just a little warning, mahirap akong suyuin." Ramdam ko ang pagbabanta sa boses niya. "What are you talking about? Let me—" Hindi ko natapos ang sasabihin when my phone suddenly rings. Nanlaki ang mga mata ko when I saw kuya Anthony's name on the screen. Finally, there's a faint signal now. "Where on earth are you?" Sa boses palang ni kuya ay halatang gusto na niya akong sermonan. "Nandito na ako. Wala kasing masyadong signal. I'm about to call you kung nasaan ka na." Paliwanag ko. "I'm at the VIP room, Room 45. Hurry up." Pagpapamadali nito sa akin. "Okay. Coming na." Pagkasabi ko nun ay inend na ni kuya Anthony ang call. "You're with someone else?" Usisa ng lalaking hindi pa din ako pinapakawalan. "Yeah, so please let me go! Stop squeezing my bútt!" Pinandilatan ko siya. "Boyfriend?" He asked, ignoring what I said, a hint of possessiveness in his voice. "None of your business." Irap ko nanaman. "And let me go! Malelate ako sa ginagawa mo!" After a few tries of breaking away from him ay pinakawalan na niya ako. Hindi ko na siya inasikaso pa at dali-dali na akong pumunta sa area kung saan may VIP signage na nakalagay at tinanong kung nasaan ang room 45. Someone escorted me, at nang marating ang room 45 ay agad akong pumasok sa loob. Kuya Anthony is there at halatang balisa na sa sobrang tagal ko. "What took you so long?" He poked my forehead. "Sorry na." Paglalambing ko at niyakap ito. "Thank you talaga, kuya Anthony! You're the best!" Hinalikan ko ito sa pisngi. "Don't thank me yet. Mamaya na kapag sigurado na tayo." Sagot ni kuya. "May tiwala naman ako sayo eh." Hindi ko mapigilan ang excitement ko. "Ayusin mo muna ang suot mo. Bakit gusot-gusot yan?" Puna ni kuya Anthony. Ugh, nakakainis! Rumolyo pala ng kaunti ang dress ko. Ang higpit kasi ng yakap sa akin ng lalaking yun. "How about my make up?" Pinakita ko ang magkabila kong pisngi kay kuya Anthony, tapos inginuso ang mga labi to show him my lipstick. Habang ginagawa ko iyon ay sakto namang bumukas ulit ang pinto ng VIP room. Napatingin ako doon at laking gulat ko nang makitang si Sylus ang nasa may pinto. What the hell, sinundan ba niya ako rito? "What are—" "Sylas! Long time no see!" Paaalisin ko sana ito pero inunahan ako ni kuya Anthony na magsalita. Sinalubong niya ang lalaki sa may pinto at nakipagkamay siya rito. Wait—what did he call him? Sylas? Naestatwa ako sa kinatatayuan ng lumingon ulit si kuya Anthony sa akin, at si Sylus—no wait, Sylas? Tumingin din siya sa akin. Eyes cold and intimidating. "By the way, the one I mentioned in the call this afternoon. Kaibigan ko, si Daphne." Lumapit sila sa akin. "Daph, this is Sylas Allegra." Pagpapakilala ni kuya Anthony. "N-Nice to meet you, mr. Sylas. I-I'm Daphne. Daphne Castellano." Nauutal kong pagpapakilala at nilahad ang kamay. What in the teledrama eksena is this? Kailangan ko na bang sabihin ang cringed line na 'kainin nalang sana ako ng soil?'. "How long has it been since the last time we saw each other?" Hindi ako pinansin ni Sylas at binalik niya ang atensyon kay kuya Anthony. "During the alumni party. Napakaworkaholic mo kasi. When was the last time pinaunlakan mo ang mga invitations namin to meet up?" Sagot ni kuya Anthony at inaya si Sylas na umupo. Nilingon niya ako sandali at sinenyasan na sumunod agad. They sat together, at umupo naman ako sa kaharap nilang sofa. Oh no! I'm dead! Of all the people ay bakit naman yung lalaking ito pa ang kakilala ni kuya Anthony? No, wait! Isn't this a good thing? Just moments ago ay niyakap niya ako. And he said he was thinking about me, so he missed me right? I missed you too, daddy! Yey! My OJT is now secured! Nagcecelebrate na ako sa isipan ko nang mapansin ko ang matalim na tingin sa akin ni Sylas. 'Just a little warning, mahirap akong suyuin.' Bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin kanina. Oh my gosh! Goodbye OJT pa ata! Sinungitan ko pa man din siya kanina. I even said I hate him. Pero kasi ang akala ko siya si Sylus eh. 'Anak siya ng matalik kong kaibigan na namatay na. When your mother died, and my health got worst, they told me stay with them.' Sunod kong naalala ang sinabi ni grandpa kanina. He did mentioned na may kapatid si Sylus, at mukhang kakambal pa ata! Kung hindi lang sana dumating ang butler and interrupted my conversation with grandpa ay baka nalaman ko agad. Oh my goodness, bakit ngayon ko lang narealize? That explains why hindi alam ni Sylus ang tungkol sa panty na sinasabi ko kahit anong pilit ko rito. It's because it was never him that night. The man I called daddy that night is the man sitting in front of me now. 'Pano mo ngayon susuyuin yan, Daphne?' Sermon ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD