CHAPTER 14

1326 Words
I think I'm being punished right now. Hindi ako pinapansin ni Sylas. Kanina pa sila nag-uusap ni kuya Anthony, and they started drinking na nga eh. At kapag inoopen ni kuya ang usapan tungkol sa OJT ko, Sylas would change the topic. "Miss Castellano, correct? I heard you're looking for a company where you can complete your OJT for your university requirements." Finally, after 30 minutes, pinansin din niya ako. Pero OA naman sa formal yung approach nya sa akin. Daddy! Ako to, ang princesa mo! Kapag ganyan sya, lalo lang tuloy akong kinabahan. "Yes, Mr. Allegra." Sweet, but pormal kong sagot. Naka-sit straight, and hands on my lap pa ako. Good girl na good girl ang atake ko. But instead of soothing his temper, parang lalo pa itong nagalit. Is it because I called him Mr. Allegra? But my kuya Anthony is here. Hindi ako pwedeng sumagot ng napakalanding 'yes, daddy'. Baka sinturunin ako ni kuya Anthony dito. "Then tell me, why would I give you a chance to be part of A.V Prime Security?" Bigla pang naging instant interview ang tagpo namin. Napatingin ako kay kuya Anthony, and he gave me a signal to just answer him honestly. "Because I'm dedicated and hardworking, sir. I'm fast to adapt, and I always give my best in everything I do. I'm confident I can be an asset to your company." Pak, generic answer, pero sabi ni prof confidence is the key. "Dedication isn't a rare thing, miss Castellano. And hardworking people are everywhere. I already have both of that. So tell me... what exactly makes you worth hiring?" Pangbabara nito sa akin. 'Daddy, sobra ka na ha!' Sa isipan ko ay isinigaw ko iyon sa kanya. Napapikit nalang si kuya Anthony, at kung hindi nya lang siguro katabi si Sylas ay napasapo na siya ng noo. Yung mga ganung kataga kasi obviously means no. Pero kahit binara niya ako ay hindi ko inalis ang mga ngiti ko. "Well if everyone is already dedicated and hardworking, then hiring me wouldn't be a risk, Mr. Allegra. It would be an upgrade." Daddy naman, confidence level 100 na to oh. Susuyuin naman kita mamaya eh, wag ka na mang-away! Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagkaroon ng nakakabinging katahimikan. Is he not impress? Don't tell me narinig nya na din ang ganung banat? Buti nalang at tumunog ang cellphone ni kuya Anthony, kaya nagkaroon ako ng moment para umiwas ng tingin kay Sylas nang magpaalam ito na sasagutin muna ang call. Nang tumayo si kuya Anthony ay bahagya nyang ipinakita sa akin ang screen ng cellphone nya and I saw na si kuya Nate ang tumatawag sa kanya. Lagot! Siguro ay hinahanap na nila ako. I have to get this OJT spot no matter what. "Daddy, I'm sorry na!" Agad akong tumayo at tumabi sa kanya ng makalabas na si kuya Anthony. "Hindi ko naman alam na may kakambal ka pala eh. I just realized it when kuya Anthony introduced you. Please, sorry na. Don't be mad na. I didn't mean what I said earlier. Hindi yun para sayo." I pouted my lips, begging cutely to be forgiven. Pero sa halip na pansinin ako ay nagsalin lang siya ng alak sa baso at uminom, still ignoring me. "Sorry na, mainit kasi ang ulo ko kanina. If you're going to be mad, sisihin mo yung kapatid mo. He's so mean, daddy. Please?" Nagmamadali kong sabi kasi baka bumalik na si kuya Anthony. "What's your relationship with Anthony?" Sa dami ng sinabi ko ay iyon talaga ang gusto niyang malaman? "Si kuya Anthony? Kaibigan sya ng mga kapatid ko, so he's like a brother to me too." Sagot ko. Nagulat ako when he cupped my face, and his thumb pressed to my lips. Kapag nakita talaga ni kuya Anthony to lagot ako. "Then why are you trying to kiss him earlier?" Tanong niya na para akong kakainin ng buhay. When the hell did I do that? Kuya Anthony and I have always been platonic. Isa pa, believer yun ng true love. Hindi yun basta basta makikipagflirt kung kani-kanino, lalo na sa babaeng itinuturing nyang kapatid! Bigla kong naalala ang tagpo kanina nang dumating siya, ipinapakita ko kay kuya Anthony ang make up ko, and I puckered my lips para ipacheck rito kung may lampas ba ang lipstick ko. "I wasn't trying to kiss him! Ikaw ha, kaya ka pala ganyan, nagseselos ka no?" I teased, and moved closer to him at halos magdikit na ang dibdib ko sa kanya. "And if I am? What are you going to do, Principessa?" His hand slid at the back of my head and he pulled me closer, we almost kissed. "S-Sylas, please..." Itinulak ko siya palayo ng kaunti. "Kapag nahuli tayo ni kuya Anthony─" Napatingin ako sa may pinto. Yung heartbeat ko sobrang bilis na. "What? You're the one who started it." Our face is so close, I could smell the intoxicating scent of alcohol coming from him. Mukhang wala itong balak na pakinggan ako dahil mas lalo nitong inilalapit ang mga labi niya sa akin, like he's teasing me to give in. Naalala ko ang halik na pinagsaluhan namin noong nakaraan, and now I'm just millimeters away from experiencing it again. My body feels hot from excitement na hindi ko napigilang ipikit ang mga mata ko, waiting for him to devour me. "Meet me at the parking lot, Principessa." Bulong niya, his breath was so close I could feel it on my lips. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binitiwan na niya ako. Dahil nabitin sa ginawa niya ay para akong hindi mapakali. It was so close, and he just left me hanging like that. Pero hindi din naman ako nagkaroon ng pagkakataon para umangal sa ginawa niya dahil nakita ko na may anino sa frosted glass ng pinto, kaya dali-dali akong bumalik sa kinauupuan ko, at saktong pag-upo ko ay siyang pagbukas ni kuya Anthony ng pinto. Tumayo naman si Sylas pagkatapos nun, at sinalubong ang kuya Anthony ko. "I'll go ahead, Anthony." Paalam niya rito. "Oh, and your friend can start on Monday." He added at lumingon sa akin. "Really? Thanks, Sylas. If you need anything, just tell me. Para makabawi man lang." Masayang sagot ni kuya Anthony rito. Masayang tumingin sa akin si kuya Anthony ng makaalis na ng VIP room si Sylas, pero halatang nagtataka din ito kasi kanina pag-alis niya ay tensyonado ang silid. "What happened?" Usisa nito. "H-He just asked more questions. Parang interview, ganun. I think he likes that I'm frank and determined." Pagsisinungaling ko. "By the way, bakit tumawag si kuya Nate sayo?" Pag-iiba ko ng usapan. "Yeah, about that... hinahanap ka nila. You weren't answering their calls daw. Tinawagan nila yung best friend mong si Paul pero hindi daw kayo magkasama." Nilagay ko nga pala sa silent mode yung phone ko after ng tawag ni kuya Anthony kanina. "Then I'll go home nalang. Babawi nalang ako sayo sa susunod na araw kuya. Thank you talaga sa pagtulong mo sa akin." Niyakap ko ulit ng mahigpit si kuya Anthony. We parted ways na pagkatapos nun. Pinapamadali na rin kasi niya akong umuwi, so I also acted like I'm in hurry to go home, pero ang totoo ay kikitain ko pa si Sylas. Nang makita kong tuluyan ng nakaalis ang sasakyan ni kuya Anthony ay muli kong pinatay ang engine ng sasakyan ko at lumabas. Nilibot ko ng tingin ang paligid at may nakita akong itim na sasakyan na bahagyang nakabukas ang bintana. I saw Sylas inside, and he rolled the glass up para tuluyang isara ang bintana ng sasakyan. Lumapit ako roon at binuksan ang pinto, pero pagkabukas na pagkabukas ko ay agad na may humila sa akin papasok sa loob. Nang makabawi sa pagkagulat ay natagpuan ko nalang ang sarili na nakaupo sa mga hita niya. "You know you're not yet forgiven right, Principessa?" Nawala na ang kaninang maamo niyang boses habang nagpapaalam na aalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD