CHAPTER 15

1185 Words
SYLAS ALLEGRA POV "That's it." Pagtatapos niya sa report na ang kompanya namin ang hahawak ng seguridad ng mga delegado ng bansang Vietnam, Thailand, at South Korea para sa gaganaping 2026 summit dito sa Pilipinas sa susunod na buwan. "Great job." Sagot ko sa kapatid kong si Sylus na kakauwi lang galing Vietnam kagabi. Sinuri ko ang mga papeles na binigay niya. "By the way..." Napatingin ulit ako sa kanya. Normally our conversations always end after each report and other work related stuff. Humahaba lang ang pag-uusap namin when it's about the health of our father figure, Don Crisostomo. "Yeah?" Tanong ko. "Are you seeing anyone lately?" Kita ko sa mga mata niya na kuryoso siya sa itinatanong. "Kailan ka pa naging interesado sa buhay ko?" Ibinalik ko ang atensyon sa mga papeles. Akala ko kung anong importanteng bagay ang sasabihin niya. "Well something interesting happened at the mansion today. Dumating ang apo ni gramps. What's her name again? Daphne?" Nang marinig ko ang sinabi ni Sylus ay dumiin ang hawak ko sa papeles at nagusot ang gilid nito. "What's interesting about that? It's bound to happen. Apo sya ni gramps. Matagal na nyang gustong makita ang mga apo nya. He must be so happy." Sagot ko. "Ngayon pa sila magkakainteres na bisitahin ang lolo nila? After all the attempts gramps made all this years? Now her, what's next? The other two ungrateful bastards? Para saan pa?" Halatang mainit ang ulo nito. "Kung sakali mang magreach out sila kay Don Crisostomo, wala tayong karapatan na panghimasukan pa yun. Ang masusunod pa rin ay si gramps. And his wishes is what matters." Nang marinig kong pumunta si Daphne para bisitahin ang lolo niya ay parang gusto kong umuwi na. I'm sure gramps was over the moon. Siguradong sa pagkakataong ito ay papayag na siya sa heart transplant na matagal na niyang dinedelay. "Tsk." Sylus clicked his tongue in disapproval at naglakad na sa may pinto para lumabas. Galit ito sa mga apo ni Don Crisostomo dahil nga sa maraming taon ng pagpapabaya nila sa matanda. I have to admit that I felt the same way, lalo na sa mga apo nitong lalaki. But there's something off with gramp's youngest grandchild. Na para bang wala itong alam sa mga nangyayari sa mundo. But it was hard to approach her dahil sa mga body guards nitong lihim na nakabuntot sa kanya. Pero nitong mga nagdaang buwan, her security became fewer, and fewer hanggang sa isa nalang ang natira sa mga body guards nito. And according to the body guards I hired to follow her, most of Daphne's body guards are reassigned to guard someone else. Isang babaeng hindi na ako interesadong malaman kung sino. "Nga pala, that woman... she accused me of something." Palabas na siya when he looked back. Nag-angat nalang ako ng tingin sa kanya dahil parang biglang wala na akong maintindihan sa documents na binigay niya. "She said I stole her underwear." He gave me a look before he closed the door and left. Mga tingin na may pagbabanta. Na para bang sinasabi niya na kung ano man ang ginagawa ko ay itigil ko na. "Dami pang sinabi, yung panghuli lang naman talaga ang gusto nyang ipunto." Napasandal ako sa swivel chair dahil tuluyan ng nawala ang focus ko sa pagreview ng mga papeles na binigay ni Sylus. Naalala ko nanaman ang gabing yun sa bar. Kahit ako ay alam na hindi ko dapat iyon ginawa, pero may mga bagay na kapag nalasahan mo na, mahirap ng alisin sa sistema, and that's what Daphne did to me. Ang plano ko lang naman dapat ng gabing iyon ay pag-aralan ito. At kung may pagkakataon ay lalapitan para makausap tungkol sa kalagayan ni gramps. Pero ang simpleng pagmamasid na iyon ay nauwi sa paglilikot ng mga mata ko sa bawat detalye ng hubog ni Daphne. Her pretty face is hard not to admire, so is her body. At sa tuwing umaangat ang maiksi niyang damit sa tuwing itinataas niya ang kamay habang sumasayaw at kumekembot sa salin ng musika ay parang may kung anong dulot iyon sa katawan ko. Sinaway ko naman ang sarili, na hindi tamang maarouse ako sa apo ng taong nag-aruga sa amin ni Sylus, but all the control I have snapped nang si Daphne ang mismong lumapit at umupo sa parteng kanina pa nag-iinit sa kanya, at pagkatapos ay hinalikan ako. "f**k!" Mura ko. Napatingin ako sa pantalon ko at unti-unting nabubuhay ang nasa loob nito. "Tang-na mo, Sylas! Ang libog mo!" Inis kong saway sa sarili. Para maalis doon ang isipan ko ay kinuha ko nalang ang cellphone ko and open the security app na nakakonekta sa lahat ng CCTV na nakainstall sa mansion ni gramps. Matapos mahanap ang footage ay agad ko iyong pinanood. I skipped a few parts at huminto sa parte ng pagbaba ni Sylus sa hagdan. "Ikaw?" Hindi ko napigilang matawa ng makita ang reaksyon ni Daphne. "Who are you?" Nagtataka naman ang mukha ng kakambal ko ng ituro pa siya ni Daphne. "Anong who are you? Wow, amnesia yarn? Matapos mo akong iprincipessa-principessa habang naka kandong sayo, and you even stole my panty you perverted thief!" Nang marinig ko iyon ay lalong lumakas ang tawa ko. It's like I'm watching a comedy show. So she wants her undies back huh? "Stole your panty? I don't know what you're talking about." "Yeah, I'm not buying that! Give me back my panty you, thief!" "Miss, I think you've got the wrong person. I've never met you before." "Whatever, just give it back at magkalimutan na tayo!" Mukhang hindi ko ata kayang gawin yan, Daphne. "Miss, like I said, that's not me..." Kumunot ang noo ko ng makita ang ginawang pagyuko ni Sylus at bumulong kay Daphne. Hindi ko na narinig ang karugtong ng sinabi niya. At ang mas nagpapainit ng ulo ko ay ang mga titig na ginagawa ni Sylus kay Daphne. And he said he hates her. Ganyan ba ang tingin ng taong may galit? Yeah right… who are you trying to fool, Sylus? "Hindi ka pa talaga nakontento sa isa ha!" Pero dahil sa naging sagot ni Daphne ay parang may ideya na ako sa kung ano ang sinabi ng kakambal ko. Nakadama nanaman ako ng inis, pero muli nanamang napatawa ng malakas when she started hitting Sylus with the bouquet. Bawat hampas ay unti-unting nakakalbo ang mga bulaklak na hawak ni Daphne. "Hey! Stop that! Are you crazy?" Sigaw ng kakambal ko. "No! A manlolokong panty thief like you deserves some beating!" That's right, Principessa. Beat him! Kahit ako naman talaga ang kumuha ng panty mo. "Anong manlolokong─" The footage paused dahil sa incoming call na nakaflash sa screen ang cellphone ko. It's been a while since the last time Anthony and I talked. Hindi ko sana papansinin ang tawag dahil baka inutusan lang ito ng mga dati naming kaklase na madalas magyaya ng inuman. Pero isa si Anthony sa mga totoong kaibigan na nakilala ko sa University. Ignoring his call feels like turning my back on a friend. I swipped up and answer his call.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD