Panimula
PAGKALAKAS-LAKAS ko siyang sinampal. Sa sobrang lakas dinig ang pagkakasampal ko sa kanya dito sa buong cafeteria. Lahat ay nabigla sa ginawa ko. Sorry for them but I don't care what ever they thinking now, or what ever they saying. All I want is give him a perfect slap that he never forget on he's whole life.
Tumagilid ang pisnge niya sa pagsampal ko. Napangisi ako ng makita kong pumula na parang kamatis ang mukha niya.
"I'm now satisfied." I said.
He looked at me with her poker face.
I don't scared of you, President.
After what I did. Now, me and the President of this University have a f*cking rumours. The simple misunderstanding is now a damn complicated conversation with too of us. Lahat ng nadadaanan kong mga kapwa ko studyante ay pasimpleng nagchichikahan. They talking to me and the SSG President.
Tsk. Kainis...
Sa pagbukas ko ng pinto ng room namin hindi mabilang na papel, itlog ang binato nila sa akin.
Damn!
Sa nangyari sa akin kanina ngayon ay nagbibihis na ako. Pagkalabas ko ng cr matapos magbihis bumungad sa akin ang mukha ng lima. Sinuyod nila ako mula ulo hanggang paa. Nang makita nilang wala naman masamang nangyari sa akin napabuntong ang tatlo habang yung dalawa kunot noong nakatingin sa akin. Hinintay kong isa sa kanila ang magsalita pero mukhang wala naman silang balak magtanong manlang.
Hinatid nila ako sa room ko. Kainis lang. Bata pa ba ako para ihatid? Nakakawalang ganang kasama ang lima kapag masyado silang umaktong mga ate ko. Dalawang taon lang naman ang lamang nila sa akin.
Pero kung tratuhin nila ako ay parang bata.
Hindi naman na ako bata para kailangan ng magtatanggol sa akin. They are a such annoying.
NAPATIGIL kami sa paglalakad ng may mga sumulpot sa dinadaan namin. Kaunting distansiya ang layo nila sa amin. Nang makarating sila sa tapat namin na alerto kami sa kung ano ang magiging kilos nila.
Hinatak ako ni Ezra papunta sa likod niya, habang sa gilid ko naman si Orriana na nakikiramdam sa mga mangyayari.
"Anong kailangan ninyo?" Tanong ni Ezra.
Hindi manlang niya tinapunan ng tingin si Ezra dahil sa akin siya nakatingin.
Tusukin ko kaya ang mata mo? Ewan kung hindi kana makakita.
Tinaasan ko nalang siya ng kilay.
"I want to talk your friend." Sagot niya. "Nang kaming dalawa lang."
Bumuntong hininga nalang ako. Ano bang trip ng taong to? Bakit ako? Wala naman akong ginawa. Wala kahit isa—maliban nalang sa sinagot-sagot ko siya. Syempre ayaw kong minamaliit ng kahit na sino.
"Nagpapatawa ka ba? Ikaw? Gusto mong kausapin ang kaibigan namin. Sira lang ang papayag sa gusto mo." Seryosong sabi ni Ezra.
"Makakadaan lang kayo kapag tapos ko ng nakausap ang kaibigan ninyo." Seryosong sabi niya at walang bakas na emosyon ang mukha.
"Hindi namin gusto ng gulo. Kaya pwede, padaanin na ninyo kami." Pakiusap ni Ezra.
Napatakip nalang kami ng mata dahil sa nakakasilaw na ilaw nagmumula sa mga sasakyan na nasa likuran ng Mukong. Plano ata niyang bulagin kami.
"Putik! Ang sakit sa mata." Angal ni Xylyn.
"Anak ng...pating na yan!" Saad naman ni Myrain.
Pagkawala ng mga ilaw tinanggal ko ang braso na siyang iniharang ko sa mga mata para hindi masilaw. Hindi pa man ako nakakarecover sa pagkasilaw ng mata ng may biglang bumuhat sa akin na parang sako. Nang makilala ko kung sino ang bumuhat sa akin agad akong nagprotesta para ibaba niya ako.
"Pwede ba ibaba mo ako!" Sabi ko sa kanya pero parang bingi ang mukong.
Dahil sa pagbaliwala niya sa sinabi ko kinagat ko ang likod niya dahilan para matigilan siya sa paglalakad. Mahina siyang nagpakawala ng hininga.
"You don't have a right to hurt me. Baka pagsisihan mo ang ginawa mo." Sabi niya saka siya nagpatuloy sa paglalakad.
"Kung sabi mong kakausapin mo lang ako. Eh! ano tong ginagawa mo huh?" Singhal ko sa kanya. Sabi niya kakausapin lang ako pero heto ako at buhat buhat niya na parang sako.
"Manahimik ka nalang."
Tumigil siya sa paglalakad saka niya ako ibinababa sa tapat ng sasakyan niya. Pasimple sana akong aalis ng bigla niyang nahila yung bag ko kaya napabalik ako.
"Where do you think your going? Nah. Just get in." Binuksan niya ako ng pinto. Nagdadalawang pa ako kung sasakay ba ako o hindi. Hindi ko manlang kasi nakita yung lima baka hinahanap na nila ako.
"Yung mga kaibigan ko." Binalingan ko kung na saan yung lima. Kasalukuyan silang kinakausap ng mga kasama nitong lalaking 'to.
"Nothing happened to them if you're gonna be a good girl." Natuon ang tingin ko sa lalaking to dahil sa sinabi niya.
"Kung dahil sa sinabi ko, Okay. Humihingi na ako ng pasensya. Patawad, sorry, pasensya—" Tumaas ang kilay niya.
"Totoo nga na humingi na ako ng pasensya. Bakit ganyan ka makatingin?" Bigla nalang nagsalubong ang mga kilay niya.
Ano bang problema ng lalaki to? Humihingi na nga ako ng pasensya tapos hindi niya paniniwalaan. Sira na talaga siya.
"Hindi ko kailangan ng paghingi mo ng pasensya. Gumawa ka ng paraan para mapatawad kita." He said.
Napamaang ako sa sinabi niya.
Like what? Ay lintik na yan!
"Hindi ba sapat yung salitang sorry para hindi mo na ako guluhin?" Tanong ko.
Sinamaan niya ako bigla ng tingin. Ano bang gusto ng taong to? Bakit ako pa ang ginugulo niya bakit hindi yung iba. Malas ata ang mapadaan sa lugar na'to.
"Sumakay ka na baka sa sobrang inip ko sapilitan kitang pasakayin sa sasakyan ko. Huwag mo nang hintayin na maubos ang pasensya ko baka ano pang magawa ko na hindi mo gusto." Pagbabanta niya sa akin.
"Huy! ako ba pinagbabantaan mo? Huy! Para sabihin ko sa'yo hindi ako natatakot sayo kahit sino ka pa. Ano ka President ng bansa para katakutan ko. Huy, para sabihin ko sayo kahit sino ka hindi ikaw ang taong magpapasunod sa akin. Tandaan mo yan." Galit kong sabi bago pumasok sa sasakyan niya.
Pagkasakay niya sa driverset agad niyang pinatakbo ang sasakyan niya sa lugar na hindi ko alam. Wala e, bago lang ako dito sa lugar na'to kaya hindi ko alam ang pasikot sikot.
Huminto ang sinasakyan namin sa abandonadong lugar.
May sumulpot na lalaki para magbukas ng kinakalawang na gate para makadaan ang sasakyan. Pagkahinto ng sasakyan agad na siyang bumaba kaya bumaba na rin ako.
Pagkababa ko agad kong inilibot ang tingin sa paligid. Malawak pero hindi maayos ang mga nakikita ko. Katulad nalang nung gate. Pati mga halaman ay patay na rin. Dumako ang tingin ko sa mga paparating na sasakyan, mga labindalawa na kotse ang paparating.
Pagkababa ng mga sakay 'non agad akong naglakad. Pero ilang hakbang lang ang nagawa ko dahil bigla nalang may humila ng bag ko.
"Stay here." Matapos niyang sabihin yun bigla nalang niya akong hinila papasok ng lumang gusali.
"Bakit ba kailangan mo akong diktahan sa kailangan kong gawin. Ano ka Tatay ko para sundin ko, asa ka kung gano'n." Inis kong binawi ang braso ko.
Na-una siya naglakad papasok habang ako naman ay nanatili lang sa kinatatayuan.
Ang suplado talaga ng lalaking yon. Akala niya kung sino siyang tao para sundin ang gusto niya.
Lumingon ako sa likod ko. Kinawayan ako ng lima ng makita nila ako. Hinintay ko silang makarating sa kinaroroonan ko.
"May ginawa ba siya sayo?"
"Anong pinagusapan niyo?"
"Bakit daw tayo nandito?"
"Kaninong lugar to?"
"Anong kailangan daw nila?"
Sunod-sunod na tanong nilang lima habang pinapalibutan ako.
"Ewan ko. Hindi ko alam. Malay ko at Wala akong alam." Sagot ko.
Plano sanang batukan ako ni Xylyn buti nalang at may umeksena tukmol.
"Wala sa kanya ang sagot. Pumasok na kayo para masagot na ang mga ka-tanungan n'nyo." Sabi ni tukmol.
Nakatingin lang kami sa kanya yung bang sinuri namin kung luko ang isang to. Luko kasi yung mga kasama niya pero hindi halata dahil sa may hitsura sila.
"A-anong klaseng tingin yan?" Tanong niya.
Tinalikuran nalang namin siya tsaka pumasok ng tahimik. Wala ng nagtanong o nagsalita. Baka sagutin din nila ang mga katanungan namin.
Binuksan ni Myrien yung pinto. Bumungad sa amin ang mga tingin na may panunuri.
May narinig kaming sipol dun sa bandang taas. Kumunot ang noo ko ng makita kong ilang lalaki ang naroon. Mga lalaking nakamaskara pero halatang lalaki dahil sa porma at tikas ng pangangatawan.
Dinig ko ang mahinang bulong ni Chloe.
"Taena. May brotherhood dito. Mali tayo ng napuntahan ata."
May lumapit sa akin na babae. Matangkad, maputi. Lahat ng suot niya ay blue. Inabot niya sa akin ang papel, ballpen at isang itim na kahon. Hindi ko sana tatanggapin 'yon kung hindi nagsalita ang dahilan kaya kami narito.
"Kapag 'yan hindi mo kinuha simulan mo ng mangamba habang may oras ka pa." Pagbabanta niya.
"Ano bang trip mo?" Bored kong tanong. Bahala na kung magalit siya basta kailangan ko lang malaman bakit nga ba kami nandito.
"Masasagot ang tanong mo at makakaalis kayo ng walang problema kung matatapos mo ang ipapagawa sayo. Kapag hindi mo nagawa matutulad kayo sa mga taong dumadaan sa kanto."
Kalat sa buong Purok Tres ang mga nangyayari sa mga taong dadaan dun sa kanto na 'yon. Kami palang ata ang hindi pa napagtitripan ng mga grupo ng kung sino dun dahil may nagbawal sa kanila at kilala kung sino 'yon. Si Inuyasha.
"Paano ko masisiguro na tutupad ka?" Tanong ko. "Gusto ko lang manigurado."
Pinagsaklop niya ang dalawang palad niya saka niya ako tinignan ng seryoso.
"I have a one word. My word is like a law. I didn't break under my rules." Walang emosyon niyang sabi.
Bahala na. Ang mahalaga ay makaalis na kami dito at makauwi ng hindi lumalagpas sa oras na ibinibigay sa amin.
"What I need to do?" Matapang kong tanong na siyang ikinangisi niyang mag-isa.
May lintik na ang mukong. May pangisi ngisi pa siyang nalalaman.
"I like the way you think and how suck you brave." Ngising sabi niya habang ako heto napangiwi sa sinabi niya.
"Bakit hindi mo nalang sabihin ang dapat kong gawin para matapos na." Iritang sabi ko.
Lumapit sa kanya yung babaeng lumapit din sa akin kanina. Inilapag niya sa mesa ang isang hourglass.
He look at me. "This is hourglass usually sand runs in an hour. It means you have a one hour to finish the task give it to you."
Agad na umepal si Ezra para magprotesta.
"Ano?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "One hour lang ang oras para matapos niya yung task na binigay niyo?! Nagpapatawa ba kayo? Alam niyo ba yung oras namin masasayang lang dahil sa mga kabaliwan ninyo!"
Ako nga din gustong magprotesta dahil hindi kami pwedeng magpagabi. Ano ba kasing naisipan ng mga taong to at kami pa yung napagtripan.
"Ez..." Tawag ko sa kanya.
Inis niya akong binalingan. "Ano na naman!"
"Tumahimik kana." May pagbabantang sabi ko. Ipinakita ko ang ibinigay sa akin. "Para saan naman to?" Tanong ko.
"Kailangan mong pirmahan yang papel na yan paglabas mo ng pintong 'yun." Tinuro nung babae yung pintong nakasara.
"Pagkapasok mo sa pintong yun sari saring task ang tatapusin mo sa loob ng isang oras. Habang ang mga kaibigan mo naman ay mananatili reto." Kita ko ang inis sa mukha ni Ezra dahil sa sinabi ng babae, mukhang hindi niya nagustuhan ang narinig niya.
"Ikaw lang ang pwedeng pumasok at ikaw lang ang pwedeng gumawa ng mga task." Dagdag ng babae bago naglakad papunta sa pinto sumunod na rin ako. Pagkarating namin sa pinto agad siyang umusod para padaanin ako. Bago ko pa man bukasan ang pinto binalingan ko muna yung lima saka tinapunan ng masamang tingin si Inuyasha pero ngumisi lang siya.
Kapag natapos ang gabeng to. Yari ka bukas kapag nakita ka! Makikita mo ang ganti ng api.
Pinihit ko ang doorknob bago pumasok. Pagkasara ko ng pinto agad na may lumipad na bagay sa kinatatayuan ko, buti nalang at nakailag ako kundi baka tinamaan ako sa mukha. Pinulot ko kung ano mang bagay ang muntik ng tumama sa akin kanina. Pagkakita ko sa bagay na yun agad kong sinapat ang kabuuan ng lugar na kinaroroonan ko.
Sa hindi ko pagkilos agad may biglang lumipad ulit na bagay papunta sa akin.
"Anak ng pating! Muntik na ako don ah?!" Agad na akong umalis saka kinakatayuan ko at pinakiramdaman ang paligid kung may lilipad na naman ulit na kung anong bagay sa akin.
Mahirap pa naman matamaan ng kunai. Lalo't yun ang kadalasang gamit ng mga ninja tulad nang mga napapanood na anime. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tumitingin sa pader, sahig at sa ibang sulok ng lugar na'to. Nahirapan akong alamin kung saan pwedeng sumulpot yung lintik na kunai na yun.
Agad akong napahinto sa paglalakad nang may mga sumulpot na nakaitim na tao. Sila ay nakasuot ng-kimono?
Seryuso. Kimono ang suot nila? Nasa Japan na ba ako? O may problema tong mga to sa pag-iisip.
Sinuri kong maigi ang suot nilang itim na kimono pati ang hawak nilang mga samurai.
Mga lahing Japanese ata tong mga to. Sayang naman at hindi ko dala yung selpon ko. Magpapapicture sana ako. Sayang talaga.
"Anong meron?" Takang tanong ko sa mga naka itim na kimono. Kaso hindi sila sumagot bagkus sinugod nila ako kaya napaatras ako para hindi masamurai.
"Time out muna!" Hingal kong sabi. Hindi manlang nila ako sinabihan o tinanong kung ready na ako, mga bastos na tao.
"Bakit niyo ako inaatake e wala naman akong ginagawa. Saka, madaya kayo." Nagkatinginan sila at naguusap sa pamamagitan ng pakikipag titigan.
"Bakit hindi kayo makipaglaro ng patas. Dapat walang ganyanan." Tukoy ko sa hawak nilang samurai. "Kayo may samurai samantalang ako wala ni kahit isang armas. Mga duwag kayo e. Saka dapat one o one ang laro hindi yung pagkakaisahan ninyo ako. Mga abusado kayo."
Nagkatinginan muli sila. Ewan ko lang kung naiintindihan nila ako o hindi. Napakamot nalang sa sariling batok yung isang lalaki habang kausap niya yung mga kasama niya.
Sumabat na ako sa kanila. "Ay nasa Pilipinas tayo. Kaya magtagalog kayo para maiintindihan ko kayo. Hindi yung kayo kayo lang yung nagkakaintindihan."
"Ikaw ay nasa ilalim ng pagsusuri. Kaya kailangan mong harapin ang lahat ng meron sa pagsusuring ito." Malalim na nagtatagalog ng isa sa kanila.
Tumango nalang ako dahil naintindihan ko naman ang sinabi niya at yun din ang sabi kanina bago ako pumasok dito.
"E bakit may samurai pa?" Turo ko sa hawak nila.
"Hindi lamang ang bagay na ito ang makakaharap mo. Tulad nalang ng kunai na siyang sumalubong sa iyo." Tama siya. Baka higit sa kunai at samurai ang makasalubong ko.
"Pakiusap naman. Alam kong medyo takaw gulo ako pero wala naman sa vocabulary ko ang makipagpatayan. Malala na yan." Angal ko. Alam kong bumabasag ako ng mukha pero hindi ang pagpatay.
"Heto ang utos sa amin. Utos ay utos. Hindi maaaring sumuway sa batas ng nakakataas." Pagkasabi niya yun agad silang isa isang sumugod sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi umiwas at lumaban.
Hindi ko na malayang dumadami na silang sumugod sa akin. Kung kanina ay mga bente lang sila ngayon ay higit singkwenta na sila.
"Itim pating!" Naibulalas ko ng tamaan ang kaliwang braso ko.
Dahil sa tinamaan na ako agad kong pinulot sa sahig ang isang samurai. Sabi nga nila lintik lang ang walang ganti.
Ako kasi yung taong hindi pumapayag ng hindi nakakaganti ng matindi.
Inayos ko ang posesyon ko. Ayaw ko sa lahat yung nakakahawak o nasasaktan gamit ang weapon. Dahil baka kung ano ang magawa ko na malala sa iba.
Pinilig ko ang ulo para maiwaksi sa isipan na makagawa ng malala.
Limitation.
Napabuga ako ng hininga bago lumaban. Matapos ang ilang segundo bago ako nakaalis dun. Buti at walang napuruhan sa kanila nila na malala. Napatingin ako sa relo ko bago naglakad ng paika-ika.
Huminto muna ako para pumunit ng kapirasong tela sa white tshirt ko. Tinalian ko ang kanang bente ko para hindi ako maubusan ng dugo.
"Buhay pa kaya akong makakauwi?" Wala sa sarili kong sabi.
Kung kanina na hirapan na ako paano kaya ang mga susunod na task. Inis kong tinignan ang pintong nakasara. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto bumungad sa akin ang makapal na puting usok. Hirap akong tumingin dahil sa usok. Hindi muna ko gumalaw sa kinatatayuan ko hindi ko kasi masisiguro kung ano ang susulpot bigla sa harap ko.
Palingon ako kung saan ko narinig ang tunog ng katana. Alam ko ang tunog ng katana at samurai, kaya sigurado akong katana ang narinig ko. Ilang tunog nang katana ang narinig ko. Magkaiba din ng direksyon nang galing ang tunog ng mga katana.
Mukhang sense of hearing at sense of touch ang makakagamit ko sa oras na'to. Ilang minuto at naramdaman kong may yapag ng sapatos ang narinig ko napapalapit sa akin. Inambaan ko ng samurai kung sinong tao man siya saka ako yumuko para hindi matamaan. Dinig ko ang mahinang daing niya. Umatras ako saka pinakiramdaman ulit ang paligid.
Naalerto ako ng mawala ang usok sa paligid. Laking pasasalamat ko ng makita ko ang lalaki na hindi siya napuruhan tulad ng inaasahan ko. Laking gulat ko ng bigla akong nalaglag sa kinatatayuan ko at naramdaman ko ang pagtama ng tubig sa buong katawan ko. Pagmulat ko ng mata, may nakita akong papalapit na pana sa akin kaya lumusong ako palalim sa tubig.
Biglang namanhid ang likod ko ng makaramdam ako ng sakit na pagbaon ng kung anong bagay. Lumusong muli ako palalim para hindi matamaan ng pana. Kita ko ang dugo kong humahalo sa tubig.
Mauubusan na ata ako ng dugo. Malapit na akong mamatay.
Naningkit ang mata ko ng may nakita akong maliit na butas. Bigla kong naalala yung ibinigay sa akin nung babae na susi. Gusto sanang umahon muna para kumuha ng hangin dahil kinakapos na talaga ako ng hininga, pero baka matamaan ako ng pana kaya sinusian ko nalang yung susian. May panigurado akong tama yung hula ko. At tama nga ako. Unti unting nauubos ang tubig at pagtigil ng pana.
Pero halos gusto kung magmura ng makita kong wala lang hagdan paakyat. Ngayon gusto ko ng magsisi pero huli na.
"Papatayin kita Inuyasha pag nakaalis ako dito!" Sigaw ko habang nakasalampak sa sahig na parang bata na nagmamaktol dahil hindi nakuha ang gusto.
Nang tingin kong tapos ko na ang task agad kong binuksan ang huling pinto. Bigla akong nakaramdam ng pamamanhid ng buong katawan ko nang didilim na rin ang paningin ko.
Huling buhay ko na ata to?!
Pabagsak nasa ako dahil sa sari-saring nararamdaman ng biglang may sumalo sa akin, hindi ko nagawang tinignan manlang kung sino ang sumalo sa akin dahil na walan ako ng lakas.
"Take a rest..." I heard before everything went black.