Prolonged
TUMATAMBOL ang puso ng isang babae habang tumatakas sa isang lumang bahay.
Kahit papadilim na ang paligid ay di nya alintana ang tanging nasa isip nya ay ang makalayo sa bahay na kanyang pinaggalingan.
Namumugto na ang mga mata nya dahil sa kakaiyak para pakawalan sya. Ngunit walang puso ang mga taong nakapalibot sa kanya.
Naririnig nya ang tawanan dahil nga nakuha na nila ito.
Lumakas pa ang kanyang kaba ng marinig n'yang papunta na ang taong nag pa kidnap sa kanya.
Kaya kailangan n'yang makawala sa lumang bahay at takasan ang mga taong kumidnap sa kanya.
Di maaari na maganap ang gusto ng lalaking nagpakidnap sa kanya. Di sya laruan para sila ang masunod sa bahay nya.
Ang pakasalan ang lalaking di nya mahal.
Malayo- layo na sya ngunit di parin tumitigil ang mga paa nya sa kakatakbo. Para takasana ang mga taong humahabol sa kanya.
Hindi na nya alam kung saan sya tutungo, kahit na magkasugat- sugat na ang mga kamay at binti. Dahil sa mga punong kanyang dinadaanan para lang makalayo sa mga taong nais s'yang gawan ng masama.
Patuloy lang ito sa pagtakbo hanggang sa naapakan na nya ang sementong daan at may sasakyan na paparating.
Sa subrang kaba ay nawalan na sya ng lakas at natumba na lang bigla.
Mabuti na lang at huminto kaagad ang sasakyan at hindi sya nabundol.
Lumabas ang isang lalaki at lumapit sa kanya.
Naririnig nya ang tawag ng lalaki.
“ Miss!.. ” tawag sa kanya.
Kahit na nag- aalingan itong lapitan sya, ngunit hinawakan nito ang kamay ng lalaki
“ Please.. Tulungan mo ako!... Please!” Umiiyak ito habang pilit na tumatayo mula sa pagkakahiga.
Hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay.