Sa Mansion ng mga Villa Asuncion
Hindi na sumama si Sandro sa Ama nitong pangunahan ang pagbubukas ng kanilang Casino.
Nakahiga lang ito at tinitignan ang mga picture ni Roseta na nakadikit sa kesame habang nagpapara-os ito na nakatingin sa picture ng dalaga.
Ilang araw na kasi ang nakalipas ay wala parin silang alam kung nasaan na si Roseta.
Napapapikit pa ito ng mata nang marating na nya rurok ng kaligayan. Nang biglang tumunog ang cellphone nya na nasa ibabaw ng mesa.
Bigla niyang kinuha ang Cellphone at sinagot ito.
Tinawagan pala sya ni Mrs. Del Mundo at sinabi na alam na nito kung nasaan na si Roseta.
Nang marinig nya ang sinabi ni Mrs. Del Mundo ay bigla siyang tumawa at nagkaroon ng lakas.
Napatalon pa ito sa sahig habang kausap si Mrs. Del Mundo.
" Okay, kapag nakita ko si Roseta, at napakasalan lahat ng utang nyo burado na." tumatawang sabi ni Sandro.
" Ibigay nyo sa'kin ang # nya at ako na ang bahala," sabi nya kay Mrs. Del Mundo.
Nang maibigay na ang Cellphone # ni Roseta ay napapangiti ng nakakaloko si Sandro.
Nang matapos na ang paguusap nila ni Mrs. Del Mundo, Ay kaagad na tinawagan ni Sandro ang mga tauhan nya. Para pag-usapan ang mga plano nila, kung papaano palalabasin sa lungga si Roseta.
--------------
Gabi na ng magising si Roseta pero di pa ito gumagalaw sa pagkakahiga sa kumot na nilatag nila sa buhangin at pinagmamasdan nya lang ang mag- amang Lance at Altea na masayang nagkakantahan.
Nasa malapit lang si Roseta sa bonfire at nakikita sa kabila na masayang nag- u-ukulele ang mga ito.
Nakatitig lang si Roseta kay Lance, di na nya alam kung matagal ba ang pagtitig nya dito.
Bigla na lang nya naramdam ang lakas ng t***k ng kanyang puso.
Habang tumatagal ang pagtitig nya ay may kung ano s'yang nararamdam.
Ito lang ang kauna- unahan nakaramdam sya ng ganito sa isang lalaki. Na para bang mayroon naglilipana na mga paru-paro sa loob ng kanyang tyan.
Naka ilan boyfriend na rin sya, ngunit lahat ay laro o di kaya'y fling- fling lang. Di seryoso kunbaga.
Pero ngayon di nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa ilang araw palang silang nagkasama ni Lance.
Kung di sya nagkakamali ay nahuhulog na sya kay Lance. Pero kailangan n'yang pigilan ang sarili na ma in love kay Lance, dahil aalis sya ng bansa at ayaw nyang masaktan sya o saktan ang lalaki.
Napakabait ni Lance, napakabuti nitong Ama kay Altea. At mahal parin nito ang namayapang asawa.
Kung di lang ganito ang sitwasyon nya ay baka sya mismo ang magliligaw dito.
Kaya lang nasa delikado ang buhay nya at may pinagtataguan sya. Baka mas lumala pa kung magkakagusto sya kay Lance, at masasaktan lang ito kapag kailangan na n'yang iwan ang lalaki.
Pero habang tumatagal at oras- oras silang magkasama ay di nya mapigilan ang sarili na mahulog kay Lance.
Binawi nya ang tingin sa mag- aama at pumikit.
Kailangan na n'yang maka- alis, dahil unti-unti na s'yang nahuhulog sa lalaking nagligtas sa buhay nya.
Tumigil na sa pagkanta ang mag- aama kaya napamulat si Roseta.
Nakita n'yang nakatulog na pala si Altea sa braso ni Lance kaya maingat na kinarga ni Lance ang anak.
Ipinasok na nito si Altea sa tent.
Kaya napatayo si Roseta at umupo habang nakatanaw sa malawak na dagat. Kahit gabi na ay naaninag nya parin ang ganda ng dagat dahil sa mga bituin sa langit.
Kaya pumasok na ito ng tent dahil di na lumabas si Lance at mukhang natulog din ito siguro.
Roseta POV....
Nang pumasok na ako sa tent, ay di ako kaagad nakatulog dahil nga sa haba ng tulog kanina.
Tinignan ko ang cellphone ko at mag- alas 10 na ng gabi.
Kaya pilit kung pinikit ang mga mata ng muli akong makatulog.
Ngunit nagising ako ng madaling araw dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.
Kaya lumabas ako ng tent, ngunit napako ang tingin ko kay Lance na nakaupo at nakaharap sa dagat habang umiinom ng alak.
“ Lance.” Mahina kong tawag sa kanya.
Ngunit di ito sumasagot kaya lumapit ako tabi nya.
Nakayuko na ito habang nakapikit ang mga mata, ngunit hawak parin nito ang alak nya.
Napatitig ako sa kanya ng biglang napa- angat sya ng mukha at nagtama ang aming mga mata.
Mukha itong nahihirapan na hindi ko maipaliwanag.
“ Lance..” Ulit ko pang sabi.
Ngunit nakatingin lang sya sa'kin.
Nang bigla n'yang hinawakan ang mukha ko, kaya nabigla ako sa ginawa nya.
“ L- Lance?..” Nauutal kong sabi.
Dahil unti-unti ng lumalapit ang mukha nya sa mukha ko. Naamoy ko na ang alak na iniinom nya.
Kaya napapikit ako sa ginawa ng marinig ko ang mahina n'yang sabi.
“ Carmela...”
Bigla akong nagising kahibangan ko ng marinig ko ang pagtawag nya sa asawa nya. Ngunit huli na ang lahat at dumampi na ang mga labi nya sa labi ko.
Napaluha na lang ako.
Nalalasahan ko ang alak mula sa bibig nya. Nang tumigil sya sa paghalik ay napamulat ako.
Unti-unti n'yang hunubad ang suot nitong t-shirt at pinahiga ako.
Ngunit bago pa muling lumapat ang mga labi namin ay muli kong narinig ang mahina nitong sambit.
“ Carmela!.. mahal na mahal kita!”
Bigla akong nabuhusan ng tubig kaya naitulak ko ng malakas ang dibdib nya kaya tumihaya ito sa buhangin.
Tumayo ako ng mabilis at iniwan ko na sya. At agad akong pumasok sa tent.
“ Sh-ts!..” Pagmumura ko habang sinasabunutan ko ang sarili ko.
Ang lakas ng t***k ng dibdib ko, kaya napapahawak na ako.
Nang muli kong tignan si Lance ay ganoon parin ang posisyon nito. Kaya lumabas ako at unti- unti akong lumapit sa kanya. Para tignan kung nakatulog na ito.
“ Lance!..Gising!” Marahan kong tinapik ang balikat nya. Di ko pwedeng iwan lang ito sa buhangin na nakatihaya at hubad ang pang- itaas.
Kaya pumasok ako sa tent nila para kumuha ng kumot at unan.
Binalikan ko si Lance para lagyan ng kumot at unan. Nang malagyan ko na ay napatitig ako sa gwapo nitong mukha.
Hinawi ko ng kaunti ang buhok nito at hinaplos ang mukha nya, papunta sa labi nya.
May kung anong humihila sa kin at unti-unting kong pinapalapit ang mukha ko sa mukha nya.
Hanggang sa dumampi na ang labi ko sa labi nya. Pero bigla ko din sya nilayuan dahil napamulat ito ng mata. Ngunit di rin nagtagal ay napapikit din ito ng mata.
Napangiti ako sa ginawa ko.
Kaya lang napawi ng lungkot at kaba itong saya ko. Dahil di pwede na mahulog ako sa kanya, dahil aalis ako dito at iiwan ko sila.
Masasaktan lang ako kapag hinayaan ko ang sarili ko na mahalin si Lance. Masakit man pero ina- amin ko nahuhulog na ako sa kanya.
Iniwan ko na ito na at di ako bumalik sa tent ko, kundi tumabi ako kay Altea.
Ngunit di ako makatulog dahil sa kakaisip sa ginawa ko.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito. Na minsan ay humalik ako kay Lance, at pinaramdam ang pag- ibig ko dito.
Ibabaon ko itong kahibangan ko sa limot. Para na rin sa aming kaligtasan.
Niyakap ko na lang ng mahigpit si Altea hanggang sa nakatulog na ako.