Nauna ng bumaba si Altea sa sasakyan at excited itong nakatingin sa dagat.
Bumaba na rin sina Roseta at Lance na tumatawa pa dahil sa nakikita n'yang excited ang kanyang anak na maligo sa dagat.
Tinulungan ni Roseta si Lance sa pagbaba ng mga gamit na s'yang gagamitin nila.
“ Wow!.... Ang ganda ng dagat!..” Pagmamanghang sabi ni Roseta habang nakatingin sa paligid.
Napakaganda kasi ng lugar, maraming puno ng niyog ang syang pumapalibot sa lugar at mapino ang dagat. Wala din mga bahay sa paligid. Walang tao na dumadayo. Para itong tinagong dagat.
Malapit lang ang sasakyan nila sa dalampasigan kaya pagbaba nila ng mga gamit ay nasa mapinong buhangin na ang tinatapakan nila.
“ Marunong ka ba mag- ayos ng tent?” Tanong ni Lance sa kanya.
“ Oo naman, marunong ako.” Sagot ni Roseta.
Kaya inilabas na nila ang dalawang tent at isa- isang inayos ito.
“ Lance, palagi ba kayong pumunta dito?" Mausisang tanong ni Roseta kay Lance.
“ Oo” Tipid na sagot ni Lance.
“ Uhmm, bakit di sumama si Nana Dolores?”
“ Ayaw ni Nana sumama.. Ewan ko din bat biglang nagpaiwan sina Nana.” Pagtatakang sabi ni Lance.
“ Ganoon ba..”
“ Tita Roseta.. tignan mo.” Sabay pakita ni Altea ng mga kabebe na napulot nya.
“ Wow.. ang gaganda ng mga kabebe..” Masayang sabi ni Roseta.
“ Tita.. samahan mo ako kumuha tayo ng kabebe..” Aya sa kanya ni Altea.
“ Teka ka lang.. Ale.. tatapusin ko lang ang pag- aayos ko ng tent ko.” Sabi ni Roseta.
“ Ako na lang ang magtatapos, sumama ka na." Utos ni Lance, kaya wala ng nagawa ang dalaga at sinamahan nya ang bata.
Iniwan nila si Lance na nag-aayos ng tent at pumunta sila sa kung saan tinuturo ni Altea ang pinagkuhaan nito ng kabebe.
Nang dumating sila ay kaagad sumalampak sa buhangin si Altea at nagkukuha na nang kabebe.
“ Tita!.. tignan mo ang gaganda nila..” Sabi ng bata na kinatango ni Roseta.
Nagtatawanan na sila habang nagtuturo na si Altea ng mga kabebe na magaganda.
Lance POV....
Natapos ko na ang isang tent ng naririnig ko ang tawanan ng dalawa kaya napatingin ako sa kanila.
Ang saya nilang dalawa, di ko napigilan isipin na sana buhay pa si Carmela at magkasama sila ni Altea na naghahanap ng mga kabebe.
Bigla ko nalang na miss ang asawa ko.
Kahit ilang taon na ang lumipas, sya parin ang nasa puso ko. Sya parin ang nagpapatibok ng puso kahit marami ng babae ang magpaparamdam sa kin.
Kaya bumalik na lang ako sa ginagawa ko at tatapusin ko na ang tent ni Roseta.
Pero di ko mapigilan ang sarili ko na tumingin sa kanilang dalawa. Ang saya-saya ng dalawang ito. Alam ko na di ito makakalimutan ni Altea.
Malapit na akong matapos ng bumalik ang dalawa at pinakita sa'kin ang mga nakuha nila.
“ Papa, ang gaganda di ba!” Masayang sabi ni Altea na kinatango ko.
“ Papa, maliligo na ako sa dagat... ” Aya na ni Altea.
“ Sandali at kukuha muna ako ng sunblock..” Sabi ko at hinanap ang sunblock para ipapahid ko sa katawan ni Altea.
“ Ako na.. ang maglalagay kay Altea.” Nakangiting sabi ni Roseta sabay lahad ng kanyang kamay kaya tumango ako at ibinigay ko na sa kanya ang kinuha kong sunblock.
Nilagyan na ni Riseta ang kamay nya ng kaunting sunblock at pinahid sa braso at mukha ng bata.
“ Tita, ganito pala ang pakiramdam kapag may Mama..” Nakangiting sabi ni Altea. Habang pinapahiran ito ni Roseta sa mukha ng Sunblock.
Napatingin ako sa bata at bigla akong naawa sa kanya.
Noon kasi kapag naglalaro ito sa Playground at may Nanay na nag-aalaga sa mga bata. Ay kaagad titingin si Altea at doon na ito mag titingin hanggang sa matapos na ang pagpapahid ng Nanay sa bata.
Alam ko ang pakiramdam ng wala ng mga magulang, kaya ang hirap isipin na nadadaanan ito ng anak ko.
“ Lance...”
Biglang niyuyog ako ni Altea.
“ Papa, kanina ka pa tinatawag ni Tita Roseta..Nakatulala ka naman.” Pag-alalang sabi ni Altea.
“ Ah!.…Sandali at kukunin ang salbabida mo..” Taranta kong sabi at pumunta sa sasakyan.
Di ko mapigilan ang maluha sa sinasabi ng anak ko.
Ewan ko ba at madali lang akong maiyak kapag anak ko ang nagsasalita.
Pilit kong pinapakalma ang sarili at kinuha ang salbabida na nasa likod ng sasakyan.
Nang maibigay ko na ang salbabida ay napatakbo silang dalawa sa dagat at nag- uunahan pa.
“ Tita Roseta ikaw ang taya!.... ” Naririnig kong sigaw ni Altea.
Tinapos ko na ang pag-aayos ng dalawang tent.
Nang marinig ko ang boses ni Manong Ben, Tanging sya lang ang nakatira dito. Matagal ko ng kilala si Mang Ben dahil nung naghahanap kami ni Carmela na matutuluyan ay nakita namin si Mang Ben at tinanong kung meron bang Beach Resort dito.
Ang sabi nya ay wala pero pwede kaming mag stay ng ilang gabi dito.
“ To... Mabuti at bumalik kayo dito..” Masayang sabi ni Mang Ben.
“ Mang Ben, kamusta po kayo..” Masaya kong bati dahil mahigit isang taon din di kami nagkita ni Mang Ben.
“ Ito.. mukhang aalis na ako dito.. Malungkot na sabi ni Mang Ben.
“ Bakit naman po.. Tanong ko kay Mang Ben..
“ Muhkang ibebenta na ng may-ari ang lugar na ito at gagawin daw Beach Resort.” Sabi ng Matanda.
“ Ganoon po ba..” Sabi ko.
“ Di na magiging tahimik ang lugar na ito kapag pinatayuan nila ng kung anu-ano..” Malungkot nitong sabi.
“ Hanggang limang buwan na lang ako dito..” Dagdag pa nito.
“ Ilang taon na po ba kayong nakatira dito...” Tanong ko sa kanya.
“ Mahigit 24 years na.. Matagal-tagal din na dito ako tumira..” Sabi ni Mang Ben.
Napahinto ako ang pag- uusap namin ng lumapit sina Altea at Roseta.
“ Hello po.. Mang Ben!” Masayang bati ni Altea ng lumapit na sya sa tabi ko.
“ Lalung gumagandang bata ang anak nyo To...” Nakangiting sabi ni Mang Ben sabay tingin kay Roseta.
“ Hello po.... ” Bati ni Roseta ng makalapit na ito sa'min na kinatango lang ni Mang Ben.
“ Papa, di ka ba maliligo?” Tanong ni Altea at umupo ito sa tabi ko.
“ Tatapusin ko lang ito at sasamahan na kitang maligo.” Nakangiti kong sabi sa anak ko.
“ Mang Ben, baka pwede nyo po akong tulungan sa pagbaba ng bangka.. ” Sabi ko kay Mang Ben.
Tinulungan nya ako na pababain ang maliit na bangka sa buhangin.
“ Salamat po Mang Ben.. ” Pasalamat ko sa Matanda.
At binigyan ko sya ng pera at pagkain na dala ko.
Marami kasi akong dalang pagkain dahil ang iba dito ay ibibigay ko talaga kay Mang Ben.
Nabubuhay lang kasi si Mang Ben sa mga tanim nito. Malayo na kasi itong lugar sa kabilang bayan kung saan may mabibili kang pagkain o kung anu-ano. At kung wala kang sasakyan ay mahihirapan ka talaga.