Chapter III
*Ivan's POV*
*A Flashback*
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Alliah sa batang pulubi na nakita niya sa kalsada, nakahiga sa maruming karton at nanginginig na dahil ata sa gutom.
"Heto sa'yo na lang." binigay ni Alliah ang burger na binili ko para sakanya. Agad naman itong kinuha ng batang lalaki at mabilis na kinain.
"Inom ka rin ng tubig pagkatapos mo niyan." dagdag niya pa habang nakabukas na ang botelya ng tubig, nakahanda upang mapainom niya sa batang mukhang 5 years old pa lamang.
Kita ko sa mga bughaw na mata ni Alliah ang awa sa marungis na bata. Mukhang mag-isa na lang siya at walang kasama.
" Tara na, Alliah late na tayo sa pangalawang subject natin." gusto kong hawakan ang kanyang kamay, gusto ko siyang akbayan. Pero hindi ko magawa sapagkat alam kung iisipin niya na babaero ako, at hindi ako karapat dapat sakanya. Kahit alam kong lagi akong nagbibiro ng totoong naramdaman ko, hindi ko pa rin masabi ng harap harapan na mahal ko siya.
"Babalikan ka naman dito ah." tumayo na si Alliah at habang kami ay naglalakad na papalayo ay nakatingin pa rin siya sa bata.
Sa bawat araw na magkasama kami lagi siyang may tinutulungan kahit hindi niya kilala, kaya nga nagtataka ako kung bakit wala siyang ibang kaibigan.
***
" Babalikan ko lang 'yong bata Ivan, baka samin ko na siya patirahin kapag walang kumukupkop sa kanya." saad ni Alliah nong pagkatapos ng aming huling subject "Pwede ka ng mauna Ivan, baka marami ka pang gagawin."
Naglalakad na siya pa palabas ng room..
"Wait, samahan na kita 3pm pa lang naman." sabi ko habang tumatakbo papunta sa kanya.
Bumalik kami at nakita namin na medyo maayos na ang kalagayan nong bata, hindi na siya nanginginig.
"Bata anong pangalan mo?" nakaupo si Alliah sa isang kahoy na upuan dito sa Park katabi nong pulubing tinulungan niya kanina.
"Sky, maraming salamat po ate." at niyakap siya nong bata. Wala akong nakitang pandidiri sa mukha ni Alliah Kahit sobrang dungis ni Sky.
"Ang ganda naman ng pangalan mo, Sky. Nasan na pala mga magulang mo?" nakayakap pa rin kay Alliah ang bata, parang gusto ko na rin tuloy makiyakap. Ang swerte naman ni Sky.
"Wala na po sila. Mag-isa na lang po akong palaboy dito sa kalsada nanlilimos, hindi po ako magnanakaw ah." at niyakap na nga rin siya ni Alliah pabalik.
"Gusto mo samin ka na lang tumira?"
"Ayoko po ate nakakahiya po." ramdam ko na isa siyang mabait na bata.
"Hindi, wag ka mag-alala. Wala naman akong kapatid tsaka mabait mga parents ko." sabi ni Alliah sabay bigay ng kanyang matamis na ngiti. At sa tuwing nakikita ko ang kanyang ngiti ay natutunaw ang puso ko.
"Sige po, tulong po ako sa gawaing bahay para di po ako pabigat sainyo." tugon ng matalinong batang lalaki.
"Tara Sky, punta na tayo sa bahay at bibigyan kita ng laruan at pagkain." tumayo na si Alliah at ang mapayat na bata.
Nong tumayo ang bata ay abot hita ko lang siya.
"Anong pangalan po ni kuya?" Tanong nong bata kay Alliah.
"Siya si kuya Ivan, wag Ka mag-alala di siya kumakain ng tao." biro ni Alliah na medyo nagpangiti naman sa bata.
"Gusto mo kargahin kita?" Tanong ko sa bata na agad na rin namang ngumiti at sumagot ng oo kaya kinarga ko na.
"Wait po.." tumakbo si Alliah nong makakita siya ng isang matandang babae na tumatawid sa daan at may bitbit na mabigat na bagay. Kita niya na halos hindi ito makagalaw dahil sa bigat ng gamit na dala-dala niya.
Tinulungan ni Alliah ang matanda hanggang sa makatawid ito sa daan at makasakay ng jeep.
"Kuya, bakit po ang bait ni ate. Anghel po ba siya?" natawa ako sa tanong ni Sky, di ko rin siya masisi dahil ganun din 'yong iniisip ko na Anghel siyang bumaba sa lupa.
"Siguro, di ko rin alam Sky. Basta ang Alam ko mabait talaga siya." tugon ko sa bata habang ako' y tumatawid na rin ng kalsada.
"Sama ka na rin Ivan para alam mo bahay namin at makapunta ka kung sakaling gusto mo bisitahin si Sky." sabi ni Alliah sakin at nag para na siya ng isang taxi.
****
Namangha ako sa aking nakita, hindi ko alam na ganito pala kalaki ang bahay nila.
"Magandang hapon Lea!" wika ng isang babae at masasabi kong parang katulong siya dahil sa kanyang suot.
"Magandang hapon rin po aling Ana." magalang na tugon ni Lea at pumasok na kami ng gate.
"Ate ang ganda po ng bahay niyo, parang palasyo." sambit ni Sky.
"Hahahaha, nakakatuwa ka naman Sky. Paligo ka muna ah. Tapos kain, tapos maglalaro tayo kasama si Kuya Ivan mo."
Sumama na si Sky kay Ana upang maligo. Masunurin naman siyang bata.
"Honey, andito ka na pala." masayang wika ng isang matandang babae puti na ang buhok nito, pero handa halata ang kanyang edad dahil sa eleganteng damit niya.
"Siya ba si Ivan, yung lagi mong kinukwento samin?" Tanong din nong kasama niyang lalaki at naglalakad na sila papalapit samin.
"Opo dad, may pa pakilala rin po ako sainyo mamaya." masiglang tugon ni Alliah. Mga magulang niya pala ang nasa harap ko ngayon nakakahiya.
Pinunas ko muna sa uniform na suot ko ang aking kamay bago nakipag shake hands sa kanila.
"Ivan po. Nice to meet you po." medyo nanginginig pa ang boses ko dahil sa kaba. Masyado kasing intimidating ang mga itsura nila.
"Mom and dad, punta lang ako sa taas ha, maghahanap ako ng mga laruan at gamit. Kayo na po muna bahala kay Ivan." wika ni Alliah, nag madali na siyang umalis. At sobrang excited niya.
"Nagmeryenda ka na ba iho?" Tanong saken ng nanay niya.
"Opo, Nagmeryenda po muna kami ni Alliah bago kami pumunta rito."
Naupo kami sa isang malaking kulay gintong sofa, at sa harap nito ay may mga life-sized statue ng mga Disney princesses.
"Alam mo ba iho tuwang-tuwa kami na nakilala ka niya, araw-araw ka niyang masayang kinukwento samin." sambit ng daddy niya na nagpapula sa aking pisngi. Hindi ko alam na ako pala ang bukambibig niya sa kanyang mga magulang.
"Lagi mo sana siyang papasiyahin iho. Ayokong iniisip niya lagi ang kanyang sakit. Ayokong isipin niya lagi yung araw kung kailan siya mamamatay." sa sinabing iyon ng kanyang daddy ay parang naging bato ako, may sakit pala siya? Bat hindi niya sakin sinasabi?
" Ano pong sakit niya? " Tanong ko, nagtinginan muna ang mag-asawa.
" Mayroon siyang HIV, kaya hindi na kami umaasang magkakaroon kami ng apo. At alam rin namin na hindi siya makakapangsawa kapag nalamang meron siyang HIV. " sagot ng mommy niya.
Sa mga oras na iyon ay naawa ako kay Alliah, masaya pa rin siyang nabubuhay Kahit alam niyang may taning na ang kanyang buhay.
" Sige po. Subukan ko pong pasiyahin siya araw-araw hanggang sa abot ng aking makakaya." tugon ko sa kanilang dalawa.
"Huwag mo na lang sabihin sa kanya na kinausap ka namin tungkol sa kanyang sakit iho." pabulong na sabi ng kanyang ina.
"Makakaasa po kayo."
"Tingnan niyo marami akong nahanap na laruan para kay Sky." halos sumisigaw pa sa tuwa si Alliah. "Ang kaso puro pambabae." bigla siyang nalungkot at napayuko.
"Honey, Pwede naman kayo bumili ng bagong laruan huwag ka ng malungkot." saad ng kanyang ina na lumapit na sakanya.
"Ganda naman po ng mga laruan niyo ate." sambit ni Sky, bagong paligo na ito, halos hindi ko na siya makilala.
"Ang bibo naman ng batang 'to." sabi ng kanyang ama at ipinatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng bata.
"Sorry Sky, wala akong nahanap na laruan na bagay sayo." lumuhod si Alliah para makapantay sa tangkad ni Sky.
"Okay lang po' Kahit wala na nga pong laruan e. Masaya na po akong merong kumupkop sakin." sagot nong bata. Siguro dahil sa hirap na kanyang dinanas ay naging parang matanda na siya kung mag-isip.
"Mom, dad, pwede po bang dito na tumira si Sky, hanggang sa makita namin ang mga kapamilya niya?" Tanong ni Alliah sa kanyang mga magulang habang kinarga ko naman si Sky.
"Sure honey, mukha namang mabait ang cute na batang 'to." sagot ng kanyang ina sabay haplos sa mukha ni Sky.
Ang cute nga ni Sky, gusto ko nga ring dalhin ang kaso baka sabihan na naman ako ni Tita na nagdala na naman ako ng palamunin.
"May pupuntahan lang kami ng dad mo, uuwi rin kami agad para makipagkulitan kay Sky." at umalis na nga rin ang mga magulang ni Alliah.
Naglaro kami nina Sky kasama si Alliah ng habulan, nagkulitan, tawanan at kumain ng magkakasama. 6pm nako umuwi ng bahay at alam kong pagsa sabihan na naman ako ng aking tita.
*****