Chapter IV
*Ivan's POV*
-Still flashback-
"Hala ate ang dami namang mga laruan ang nandito." namangha si Sky sa kanyang mga nakita. Nasa loob kami ngayon ng mall, gusto kasing ibili ni Alliah si Sky ng mga damit at pati na rin mga laruan. Kasama rin namin si Adrian.
"Heto, ang gandang kotse-kotse tapos may mga eroplano pa." nagpalipat- lipat si Sky sa mga laruang natitipuhan niya.
"Sky, ano ba gusto mo?" tinanong siya ni Adrian, halos magkasing tangkad lang naman silang dalawa.
"Kahit ano basta mura lang." tugon sakanya ni Sky habang ito'y nakahawak pa sa kahon at sumisilip.
"Pili ka lang Sky kahit ano, tsaka ikaw din Adrian pila ka." kinausap na ni Alliah yung dalawang bata.
"Sakin po ate yung kotse na di-remote." tugon sakanya ng kapatid ko.
"Sakin po 'yong kotse rin pero yung mura lang po." saad naman ni Sky at yakap niya na' yong laruan.
Nahiya ako bigla sa kapatid ko ang kapal ng mukha, gusto mamahalin talaga.
"Sige, kayo na mag dala niyan ah, kaya niyo ba?" nakangisi si Alliah habang pinagmamasdan ang mga bata.
"Opo ate." sabay na sagot ng dalawa.
"Ikaw Ivan, may gusto ka bang bilhin?" nakatingin na rin siya saken, nakangiti.
"Ahh wala Alliah." mabilis na sagot ko sakanya.
Bumili na kami ng damit ni Sky. At sa bawat pinipili ni Sky ay tinatanong niya kung magkano at pinipili niya yung mas mura. Habang yung Kapatid ko naman ay mga mamahalin ang pinapabili. Kaya lumapit ako sakanya at inakbayan ko siya.
"Adrian, mahiya ka naman kahit unti lang." bulong ko sa kapatid ko.
"Mayaman naman sina ate, kaya okay lang yan." maangas na tugon ng kapatid ko.
"Tingnan mo si Sky, mura lang pinapabili niya."
"Eh, bata naman kasi siya. Di siya marunong pumili." yabang din talaga nitong kapatid ko.
Sa ngayon ay ang dami ko na ring bitbit. Ang magkabilang kamay ko ay nangangalay na din. Pero sa tuwing tumitingin sakin si Alliah ay ngumingiti ako upang hindi niya mahalata na napapagod na ako.
" Ang saya naman nilang tingnan. Sana lahat complete family."
"Ang kyut pa ng mga anak nila."
"Iniwan kasi ako ng magaling kong asawa."
Usap-usapan ng mga taong nakikita kaming magkakasama. Sekretong napangiti rin ako kasi kung titingnan ay para kaming isang totoong buong pamilya.
Oo nga pala, naalala ko dapat lagi kong papasayahin si Alliah, okay lang maging parang clown ako basta gusto ko lagi ko siyang makikitang nakatawa at nakangiti.
"Tara na uwi na tayo doon na lang tayo kumain sa bahay kasi mamaya aalis na naman sina dad, at alam ko rin namang pagod na si kuya Ivan nyo. " sabi ni Alliah at lumapit ito sakin upang kunin ang isang paper bag na bitbit ko.
****
"booghhhsss!!!" naglalaro na ang dalawang bata ng kanilang mga bagong laruan.
"Pahiram din ako mamaya ng laruan mo Sky."
Sabado ngayon kaya wala kaming pasok, at natapos na rin naman naming gawin 'yong mga projects, at nag paalam muna ako kay coach na hindi ako makakapag training.
Nakatingin lang si Alliah sa mga bata habang nakangiti, hindi ko maipinta ang mukha niya kung gaano siya kasaya.
"Lea, meron din kaming binili para kay Sky. Nilagay na naman sa kwarto niya." wika ng ama ni Alliah.
Napaka swerte ni Sky at nakita siya ng isang Anghel na lagi kong kasama, magiging mabuti na ang kalagayan niya ngayon. Hindi na siya maghihirap.
Nanuod ulit kami ng Fairy tale, kasama ang mga bata. Hindi naman ako nagsasawa Kahit milyong beses ko na 'yong napanuod ang mahalaga kasama ko si Alliah.
Umuwi kami ng kapatid ko ng 5pm pag 6 kasi ay siguradong magiging Eminem na naman si tita.
*****
"Kung si Prince Florian ay may Snow White, si Prince Eric ay may Ariel at si Prince Philip ay may Aurora ako naman merong Alliah." banat ko sakanya. Nasilayan ko na naman kasi siyang nanunuod ng Fairy tale, nasa paborito niyang pwesto dito sa hardin ng paaralan.
" Tanong ko Alliah bat ang bait mo? Siguro ang pinapanuod mo tungkol dapat sa mga anghel. " Tanong ko at naupo na rin ako sa tabi niya upang manuod.
"Alam mo kung anong natutunan ko sa kakapanuod ng mga fairy tales.. I have learned that Kindness is POWER." sagot niya na nagpatigil saking mag-salita.
Tama siya, totoo na isa 'yong kapangyarihan at dahil don minahal ko siya. Ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko.
" Pwede ba kitang makapartner sa Valentines Event ng school sa Tuesday? " nakatingin na ako sakanya nag-aantay ng kanyang sagot.
"Hmmm, di nga sana ako aattend, pero sige since ininvite moko." sa mga oras na 'yon lumundag ang puso ko sa saya.
Pumapalakpak ang aking mga tenga dahil sa sagot niya.
4th year College na rin kami kaya last na' to, kaya gusto ko ng maenjoy lahat...
****
VALENTINES DAY EVENT
Ito 'yong event kung saan naghahanda lahat ng mga estudyante ng kanilang pinakamagagandang damit na pwedeng isuot. Buti na lang at nakarenta ako ng damit.
Pinag-ipunan ko pa mula sa mga napapanalunan naming pusta sa basketball at pagtitinda ko ng isda ang ipinangbayad ko sa pag renta ng isang asul na tuxedo.

Maganda ang paligid at disenyo ng hotel kung saan ginaganap ang Valentine Event ng paaralan namin. Lahat ay nagkakasiyahan na, at sumasayaw kasama ang kaibigan o kaya o girlfriend nila. Nasaan na kaya si Alliah?
"Si Alliah ba yan?"
"Para siyang Prinsesa."
"Sino kaya ang magiging Prinsipe niya?" bulong-bulungan ng mga estudyante at pag tingin ko sa entrance ay si Alliah, napaka ganda niya, mas lalo pa siyang pumuti dahil sa suot niyang ball gown na kulay ginto.

Ang kanyang porselanang kutis ay mas naging matingkad.
Nahiya akong lumapit sakanya, hindi kami bagay na dalawa...
Nakita niya ako at malumanay siyang kumaway sakin.
Lumapit ako upang alalayan siya. Nong makarating ako sa kinalalagyan niya ay humawak siya sa aking braso.
"Sayaw na tayo Ivan, alis na rin kasi ako mamaya. Pumunta lang naman ako dito para sayo." wika niya sakin habang naglalakad na papunta sa gitna.
Naririnig ko na rin ang isang musika..
*Tenerife Sea - Ed Sheeran*
You look so wonderful in your dress
I love your hair like that
The way it falls on the side of your neck
Down your shoulders and back
We are surrounded by all of these lies
And people that talk too much
You got that kind of look in your eyes
As if no one knows anything but us
Nag-umpisa na kaming sumayaw ni Alliah, nakahawak na siya sa aking balikat habang ang kamay ko naman ay nakalapat sa kanyang tagiliran. Sa kakapanuod niya lagi ng fairy tale naging mukha na siyang isang prinsesa.
Should this be the last thing I see
I want you to know it's enough for me
'Cause all that you are is all that I'll ever need
I'm so in love
So in love
So in love
So in love
You look so beautiful in this light
Your silhouette over me
The way it brings out the blue in your eyes
Is the Tenerife sea
At sa pagsama ko sakanya parati pakiramdam ko ako na ang kanyang Prinsipe. Sa pag sayaw naming dalawa ay nag-uusap pa rin kami.
"Hindi ka na pinagsasabihan na babaero ng mga schoolmates natin." sambit ni Alliah at napakahinhin niya pa rin talaga kapag tumawa. "Do not let others define you Ivan. That's what I have learned in fairy tale." at ngumiti siya sakin.
And all of the voices surrounding us here
They just fade out when you take a breath
Just say the word and I will disappear
Into the wilderness
Should this be the last thing I see
I want you to know it's enough for me
'Cause all that you are is all that I'll ever need
I'm so in love
So in love
Hindi niya alam siya ang naging rason kung bakit hindi nako naging babaero, at kung bakit naging matino na ako sa pag-aaral.
Naisip ko na ito na' yong pinakamagandang pagkakataon para umamin sakanya. Bagamat kinakabahan naiusal ko pa rin na...
"Alliah, I just want to confess. I... I.. I am inlove with you." parang gumaan yung bigat na nadarama ko nang masabi ko kung ano talaga ang nararamdaman ko sakanya..
Lumiere, darling
Lumiere over me
Lumiere, darling
Lumiere over me
Lumiere, darling
Lumiere over me
Should this be the last thing I see
I want you to know it's enough for me
'Cause all that you are is all that I'll ever need
So in love
So in love
So in love, love, love, love
So in love
Hindi nakapag salita si Alliah natigilan siya, bumitaw siya mula sa pagkakahawak sakin, tumakbo siya papalayo...
Para siyang si Cindirella na nagmamadaling umalis dahil maghahating gabi na.
Naabutan ko siyang umiiyak..
"Alliah, pasensya na, minahal na talaga kita. At sa bawat araw na magkasama tayo mas lalo akong napapaibig sa'yo." at naupo ako sa tabi niya.
"Mahal din kita Ivan, pero alam mo kung ano ang masakit? Yung iiwan din pala kita..." lumuluha pa rin siya. "I secretly love you Ivan, ayokong umamin dahil di rin naman tayo magtatagal, mamamatay rin naman agad ako. Huwag mo akong mahalin Ivan please hayaan mong ako na lang ang magmahal sayo." nanginginig na siya dahil sa pag-iyak kaya niyakap ko na siya.
"Ayokong mahalin moko, ayokong makita kang umiiyak habang binabawian ako ng buhay." malayang umaagos sa kanyang mga mata ang mga luha. Hindi ko rin alam na minahal niya na rin ako ang akala ko'y kaibigan lang ang turing niya sakin.
"Sasamahan kita hanggang sa huli..." tugon ko sakanya habang ako'y umiiyak na rin.
"You have to find a girl that will make you happy for a long time. Don't love me..di ko alam kung bukas ba ay magigising pa ako at makikita kita. Araw-araw sa tuwing naimumulat ko ang aking mga mata itinuturing ko iyon na biyaya sapagkat sa muli ay makikita ko pa rin ang iyong mukha. " at yumakap na rin siya sakin.
" Mas gugustuhin ko pang makasama ka ng ilang buwan kaysa ibang babae ang makasama ko ng napakaraming taon. " hinalikan ko siya sa kanyang noo.
"Handa na akong mamatay Ivan, pero nong nakilala kita halos araw-araw nangangamba ako at baka maiwan na kita..I am not afraid to die. I already accepted my destiny. You know what I am afraid of? I am afraid that I will leave the people I love behind.."
"I promised that everyday we will live like the clock is about to strike midnight. And I promised, we will live like a fairy tale until we reach the time that we will both say I do."
"Ivan, hindi ka ba takot na maiiwan din kita? Na baka pagkatapos ng kasal natin bawian na ako ng hininga?" Tanong saken ni Alliah at medyo tumigil na sa pagpatak ang kanyang mga luha.
"Ang mas nakakatakot ay ang hindi kita kasama sa huling pagkakataon na ikaw ay humihinga." malumanay na sambit ko sa kanya at may diin sa bawat salita.
"Mas natatakot akong hindi ako ang huli mong makikita sa pagsara ng iyong mga mata..." dagdag ko pa at yumakap pa siya sakin ng mas mahigpit.
"If we live together, Are you ready for all the consequences Ivan?" marahang tanong niya saken.
"Anything that will happen when I am with you is not a consequence but a blessing..."
Naging kaming dalawa ni Alliah ng gabing iyon. We promised to each other that everyday we will fight together.
*****