PROLOGUE
I looked at the stars for a long time with my eyes wide open. Kung nasa maayos na kalagayan ako ngayon siguro nagagawa kong tingnan ito bilang isang mumunting ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim kong pinapasan ngayon. Siguro ginuhit ko na ito at pinaglalapatan ng iba't ibang kulay para tumingkad at kaaya-aya para sa paningin ng iba.
Pero hindi. I cannot feel its connection. Wala akong nararamdamang kakaiba para iguhit ito. Kung dati manghang-mangha ako habang tinititigan ang mga ito pero ngayon ni kunting pahiwatig o mensahe galing dito wala akong nakikita.
"Malamig na ang gabi, you should go home na."
I heard Alayna from my back. Siguro sinundan na naman ako nito. These past few days napapansin ko na nakabuntot siya sa akin. I don't know what's her reason pero hinahayaan ko nalang siya, maybe she only wants to know if I was doing okay.
"I miss him... Namimiss ko na siya,"
I whined. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko kaya pinigilan ko ito. Humarap ako kay Alayna and she averted her gaze on the other side. Iniiwasan niyang tumingin sa gawi ko.
"Forget about him. He's gone," walang kagatol-gatol niyang sabi.
"I don't want to. Alam kong nandito pa din siya. I can still feel him, Alayna. He is alive. I know for a reason that he is still alive."
"Tumigil ka na Elsine. Nahihibang ka na! Kung buhay pa 'yung taong iyon eh nasaan siya? Kung buhay pa si Sage edi sana he is here with you! He is dead. For pete's sake, let go of the idea that your boyfriend is alive. Maawa ka sa sarili mo," Alayna said almost begging.
Alam kong nafu-frustrate na siya at alam kong nasasaktan din siya habang nakikita niya akong ganito.
"How come Sage is still alive?" Tumingin na siya sa akin and I saw a glint of sadness in her eyes. Hindi din nakatakas sa paningin ko ang luhang tumutulo sa mga mata niya. Madilim na pero nang dahil sa liwanag na dala ng buwan nakikita ko pa din ang pag-iyak niya.
"I can feel him Alayna," I uttered while fighting the urge to cry. "I can still feel his presence," I said. Nilabanan ko ang titig niya.
"Where?" she almost pleaded.
"Here," while holding my chest. My voice broke and it almost sounds like a whisper. Hindi ko alam kung naririnig niya iyon pero umiwas siya ng tingin sa akin.
"Stop living on your past Elsine. You should focus on what tomorrow will bring. You should pay your whole attention on your future. Matagal na siyang wala. Patay na si Sage."
Tumalikod si Alayna sa akin pero naririnig ko ang paghikbi niya.
"Alam kong mahirap para sa iyo lahat ng ito pero pwede ba... isipin mo din kami," nagmamakaawa niyang sabi.
My knees are trembling at nawawalan ako ng lakas kaya napaupo ako sa damo. I cried like a child. Umiiyak ako na parang isang bata na inagawan ng laruan.
"Nawala na nga si Sage pati ba naman ikaw mapapalayo na din sa amin?" I looked at Alayna. "Isipin mo din kami Elsine," nagsusumamong sabi niya.
Parang may sumuntok sa dibdib ko matapos marinig ang huling sinabi ni Alayna sa akin. I know I was suffering because of his death but I didn't notice na naaapektuhan na din pala 'yung mga taong nakapaligid sa akin. Narinig ko ang papalayong yabag ni Alayna at kasunod nito ang tunog ng papaalis na motor.
Nanatili pa din akong nakaupo sa damo habang tahimik na umiiyak. The cold breeze of the night helps me to put myself in its state. Ilang saglit pa ay may dumapo na alitaptap sa kamay ko. I stared at it habang unti-unti itong nagpo-project ng matinding liwanag. Lumipas ang ilang segundo at nakita ko ang reflection niya. Sage's reflection. Kumurap-kurap ako at 'di makapaniwala sa nakita at nang muli ko itong tingnan, bigla nalang itong naglaho.
I know it wasn't supposed to end this way but alam kong ito 'yung tamang gawin ko. I will leave everything. Lahat ng kung anong mayroon ako ay kakalimutan ko na.
But not him. Hindi ko siya pwedeng kalimutan dahil alam kong buhay pa siya. I will stop doing art and I want to start another chapter of my story. With him. Kasama si Sage. Kasama ang lalaking mahal ko.