bc

LET ME BE THE ONE

book_age16+
6.7K
FOLLOW
51.0K
READ
others
drama
sweet
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

A marriage for convenience.

Napilitang matali si April kay Adam. Ang pamilya nila sa kanilang bayan ay tinaguriang Montague and Capulets ni Shakespeare, mortal na magkaaway magmula ng kalololohan nila. Ang kaibhan nga lang ay hindi sila si Romeo and Juliet na pinaghihiwalay bagkus ipinagkasundo sila para matigil ang hidwaan ng pamilya nila.

The problem is, they are not inlove with each other.

April is very much in love with her boyfriend, Kent, her childhood sweetheart.

...at si Adam sa kanyang longtime girlfriend na si Cindy.

Will the inconvenient marriage solve or worsens their family feud?

Papaano na ang kanilang minamahal?

How are they gonna deal with each other?

A story of Love, friendship, family, and hope... hoping not to fall in love with each other.

chap-preview
Free preview
Let me be the one 1
A marriage for convenience. Napilitang matali si April kay Adam. Ang pamilya nila sa kanilang bayan ay tinaguriang Montague and Capulets ni Shakespeare, mortal na magkaaway magmula sa kalololohan nila. Ang kaibhan nga lang ay hindi sila si Romeo and Juliet na pinaghihiwalay bagkus ipinagkasundo sila para matigil ang hidwaan ng pamilya nila. The problem is, they are not inlove with each other. April is very much in love with her boyfriend, Kent, her childhood sweetheart. ...at si Adam sa kanyang longtime girlfriend na si Cindy. Will the inconvenient marriage solve or worsens their family feud? Papaano na ang kanilang minamahal? How are they gonna deal with each other? A story of Love, friendship, family, and hope... hoping not to fall in love with each other. ***************** "Ma! Bakit ako?" "Anak, ito lang ang paraan at ito ang gusto ng Lola mo" pakiusap ni Mama na yumakap sa gilid ko. "April, anak..." "Ma... bakit hindi si Ate?" halos nangingiyak kong tugon. "Hindi mahanap ang Ate mo, at base sa huli naming pag uusap ay hindi talaga siya pwede" bulong ni Mama na humaplos sa ulunan ko. This is unfair! Napasinghot akong napasulyap sa kanya. "Your Ate is pregnant April" ani ni Mama na nangingintab din ang mata. "What? H-how? Kelan niya sinabi?" ani kong natigilan. Isang malalim na buntong hininga ang iginawad ni Mama na mukhang problemado talaga. Nakaramdam ako ng awa. "Nakausap ko siya the other day, they eloped, kasama si Harris" ani ni Mama na ang tinutukoy ay ang boyfriend ni Ate. "...hindi alam ni Papa?" Umiling si Mama. "Hindi ko pa nasasabi sa Papa mo, masyado na siyang maraming problema, ang alam lang niya ay nagtatampo ang Ate mo"  ani ni Mama muli. "Pero Ma, don't you think it's unfair? hindi ko ito gusto? ni hindi ko kilala ang taong gusto ninyong pakasalan ko" protesta kong napahikbi. "I know anak, kaya lang wala tayong choice. Nasa ospital pa ang Kuya mo at ang nakatatandang Mondragon ay nasa ICU pa rin hanggang ngayon. This family war is becoming worse, marami nang taong naapektuhan, this has got to stop" malungkot na sambit ni Mama. "And I should sacrifice? papaano naman ako Ma?" "April..." "Ma, please do something, ayoko talaga...papaano na kami ni Kent?" hikbi ko. "Bunso..." "...April anak, nakapagdesisyon na ang Lola mo, nakausap na niya ang matandang Mondragon. They agreed, this is the only way anak, ayaw ko mang pumayag but this is getting out of hand. Ang Papa mo problemado kapag nagkamalay na ang Mondragon at magsasampa ng kaso"  malungkot na sambit ni Mama. Napaiyak  akong napatakakip ng mukha. "April..." ani ni Mama ng marinig namin ang mabilis na katok ng pinto. Halos sabay kami ni Mama na napatayo. "Ma'am, si- si Sir po" aligagang sabad ng katulong na namumutla. Mabilis naming tinungo ang opisina  ni Papa sa ikalawang palapag ng bahay. "Leandro!" "I'm okay, I- i'm okay" si Papa na nakasandal sa swivel chair niya habang humihimas sa kaliwang parte ng dibdib niya. Nakaramdam ako ng awa at takot na mabilis akong kumuha ng sthetoscope sa bag ko at sinuri na rin ang pulso ni Papa. "I'm okay anak, medyo nagkachest pain lang" mahinang sambit ni Papa. Alam kong problemado siya sa kinasasangkutan ni Kuya. Pareho silang nasa ospital ng nakatatandang Mondragon, mas maayos nga lang ang lagay ni Kuya kumpara sa isa. Ang matagal ng away ng pamilya Mondragon at pamilya Saavedra. Magmula  sa kalololohan namin hanggang sa aming henerasyon. Magmula sa away ng lupa, babae,  politika, sa pinakamayaman o pinakamalaking estado, negosyo at kahit sa paligsahan sa eskwelahan. At ngayon ang kinasasangkutan ni Kuya na nakaaway ang isang Mondragon sa negosyo. "April..." "P-papayag na ako Ma" nakatungo kong sambit. I didn't had any choice, nanalangin akong maiintindihan ako ni Kent, there has to be a way, after all it is just a marriage contract. "No! kakausapin ko ang Lola mo" protesta  ni Papa na humihimas pa rin sa dibdib niya. Inabutan  siya ni Mama ng tubig. Ang tinutukoy ay ang solusyon ng Lola namin na ipagkasundo ako sa isang Mondragon upang matigil ang hidwaan. Dating magkaibigang matalik ang Lola namin at si Dona Isabel Mondragon, sa hindi inaasahang pagkakataon ay ang napangsawa nila ay ang magkaaway na pamilya. At ngayon... ako ang kailangang magsakripisyo para sa amin. "Leandro..." pakalma ni Mama kay Papa na napapikit na lalong humimas sa dibdib niya. Masyadong stress si Papa sa mga nangyayari ngayon sa pamilya. He is the eldest at pinapangatawanan niya ang pagiging ama ng pamilya lalo ng nawala na ang Lolo ko. Ang bunsong kapatid ni Papa ay nasa ibang bansa dahil na rin sa kasong isinampa ng kabilang pamilya. "Pa, please calm down" ani kong lumapit pa sa kanya. Napalingon kami sa pagbukas ng pinto. "Ma'am tawag po, si Dona Mariana po" ani ng katulong na mabilis na tinanggap ni Papa. Lumabas ako ng kwarto, ayaw kong marinig ang pag uusapan nila. Napatingin ako sa telepono kong dinial ang numero ni Kent. --- "Are you out of you mind?!" Halos nanghihina aking napatungo. "No! April!, hindi ako papayag!" aning muli ni Kent na kuyom ang palad "K-Kent..." "Baby, hindi mo na ba ako mahal?" aniyang nagbago ang ekspresyon na marahil nakita ang panlulumo ko. "Kent, you know that I love you, ikaw lang" sagot kong napatungo. "...but-" "No buts baby, hindi pwede" aniyang yumakap sa gilid kong humalik sa aking sentido. "Kent, there's no other way...napagdesisyunan na nila Lola" halos bulong kong paliwanag. "Paano tayo?" "Kent, listen to me please..." ani kong humawak sa palad niya, umiwas siya ng tingin. "Itatanan kita sa malayo" aniyang napailing ako. Hindi iyon kasama sa choices ko, sa lagay ng pamilya namin at ni Papa hindi ko magagawa iyon. "Kent, this is just temporary... pagbibigyan ko lang ang gusto nila Lola, then I will file for annulment, I'll just prove to them-" "Do you think ganun kadali iyon? kasal iyon April, at ano ako doon? kabit mo?" aniyang napasuklay sa buhok, tumayo silang lumayo. Yumakap ako mula sa kanyang likuran. "Kent, you know that I love you but my family needs me too, humihingi lang ako sayo ng pang unawa at panahon, please baby..." pakiusap ko. "I don't know April- " aniyang pilit kinakalas ang kamay ko. Panay ang iling niyang bigo ang mukha. "Kent please, hindi ako bibitaw, please I need you most right now" pakiusap kong muli. Hindi siya umimik na napatingin sa kalangitan. "Hindi ko alam April," aniyang iling na kumalas ng marinig ko ang tawag sa aking telepono. Si Mama. "Ma?" "Can you come here at St. John? nasa ER kami, a- ang Papa mo" "Po?" nalilito kong tugon. "Nagka chest pain eh, and may nga diagnostic test siya tulad ng dati, mataas daw ang presyon niya" paliwanag ni Mama. "April.." napalingon ako sa tawag ni Kent. "S-sige Ma, on the way na po ako" ani kong hindi namalayan ang pagtulo ng likido mula sa gilid ng aking mata. "Kent, I'm sorry kailangan kong pumunta ng agaran sa ospital" Tumango siyang hindi ko na nalingon. Kahit ako ay gulong gulo. I am torn between the love of my life and my family. --- Nadischarge si Papa kinabukasan. Hindi pa rin sinasagot ni Kent ang tawag ko. He has all the rights to get mad at me, if only there's an easy way out. "Are you ready?" Si Mama. Tumango akong pilit na ngumiti. Kahit si Mama ay ramdam ko ang pagod at bagabag niya. "April anak" "I'm good Ma, I'll give it a try" sagot ko. Seeing my father so helpless sa ER kahapon ay nakaramdam ako ng awa, ang nakikita ko si Mommy na problemado ganundin din si Lola ay nakapagdesisyon akong subukan ay pumayag sa gusto nila. Kailangan ko lang kausapin ang mapapangasawa ko. I'm sure  kahit siya ay hindi payag sa gustong mangyari ng pamilya namin. "Salamat anak" ani ni Mama na yumakap. "Hintayin niyo na lang po ako sa ibaba" ani ko. Kikitain namin ang mga Mondragon sa isang restoran na pagaari ng pamilya namin. I just hope I am making the right decision.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook