Hinila pa niya ako paatras, napagtanto kong iniiwas niya akong maipit sa karamihan ng tao sa loob ng lift.
Tumunog kung saang floor kami hihinto. Nauna siyang nagpatianod na lamang ako sa kanyang marahang hila.
"Anong gusto mo? ako na ang oorder, maghanap ka na lang ng uupuan natin" aniya.
"Frappe lang, java chip" ani kong umayon sa kanya.
Pumwesto ako sa pinakagilid ng coffee shop. Inilibot ko ng tingin ang paligid na halos mga hospital staff ang naandito. Sumulyap ako sa gawi ni Adam na nakapila, nangingibabaw ang kanyang tangkad sa mga nakapila.
Inilabas ko ang telepono kong wala pang mensahe pabalik si Kent.
"Here" si Adam na naglapag ng kanyang inorder. Isang frappe nga sa akin, kaniya'y black coffee at may kasamang mga pastry.
"Salamat" ani ko. Ngumiti naman siya bilang tugon.
"Nagpunta ka raw sa bahay kahapon? pasensiya ka na late na akong nakauwi" ani ko.
"Uhm, yeah... aayain sana kitang lumabas. You know -" aniya habang sumimsim ng kanyang kape.
"If you don't mind me asking," putol ko.
"...itong sinet up sa atin, alam ba ng girlfriend mo?" di ko napigilang tanungin.
"Yes," maiklingsagot niya.
"At pumayag siya?" tanong kong muli.
Tumango siya.
"She understand the situation, ipinaliwanag ko naman. Bakit ang boyfriend mo ba hindi pumayag?" balik na tanong niya.
"Ha? ah, uhm" alinlangan kong umiwas ng tingin.
"He didn't agree right?" tanong niya.
"Ha? p-pumayag n-naman, uh..." sagot kong napatungo.
"This charade we have will not last April, tell him that. Sa papel lang, pagbibigyan lang natin ang mga pamilya natin" aniyang napaangat ako ng tingin. Kung sana lang maintindihan ni Kent iyon, pero hindi siya papayag.
"Uhm,"
"Do you want me to talk to him? to ease his mind? for assurance-" aniyang muli na mabilis akong umiling. Hindi na iyon kailangan, lalong magiging komplikado ang sitwasyon namin, ayaw kong isipin ni Kent na hindi ako sang ayon sa plano niya.
"H-hindi na," sagot ko.
"You sure?" panigurado niya.
"Oo," tango kong umiwas ng tingin.
"But, we'll proceed with the plan right? hindi ka naman siguro aatras" aniyang diretsong napaangat akong muli ng tingin, nakaramdam ako ng kaba sa klase ng titig niyang parang nanunuti. Napalunok akong napakagat ng labi.
"Ha? O-oo naman!" tungo kong binuntunan ang straw na nasa inumin ko.
"Okay," si Adam muli.
"Uhm, m-mag C-CR lang muna ako" mabilis kong paalam na tumayo. Gusto ko lang kumawala sa mukhang interogasyon ng taong nasa harapan ko.
Bumalik ako sa mesa na nakatuon si Adam sa kanyang telepono.
"Uhm, tara na?" aya kong mabilis naman siyang tumayo. May bitbit siyang nasa isang malaking paper bag.
"Nag order ako para sa mga magulang mo" aniya.
———
"Kent!" bulalas ko ng sagutin niya ang kanyang telepono. Isang buong araw kong hinintay ang kanyang tawag at mensahe.
"Babe" aniya sa kabilang linya. May sa himig na hindi ko mawari ang kanyang boses.
"Okay ka lang? Hinintay ko ang mga tawag mo" wika ko.
"Yeah, I'm good. Medyo napagod lang sa office, I have to endorse everything to Ate Kaye, yung mga kailangan sa office. Nag file ako ng leave" aniya napahinga ng malalim.
"Ah, ganoon ba?"
"Yes, kaya kinailangan kong mag overtime ngayon. We'll stick with our plan Babe. How about you? ready ka na ba?" aniyang tanong.
"Yup, nakapag impake na nga ako ng gamit ko" sagot ko. Naglabas na rin ako ng pera kanina sa bangko.
"I can't wait to be with you April" aniyang mas mababang boses.
"Ako din Kent," tugon ko. I am hoping na maging okay lahat at umayon sa amin ang sitwasyon.
———
Aligaga akong buong araw. Paulit ulit sa isip ko ang mga hakbang ko. Mag papaalam akong may group study kami.
Hindi ako mapakaling ito ang unang beses kong gagawin ang pagsuway sa aking mga magulang. I've been a good daughter to them, wala silang naging problema sa akin kahit sa pag aaral. I am always at the top of my class, kahit sa ibang extracurricular activities. I go by the rules of my parents. I follow my curfews hanggang nag college ako. I didn't entertain any suitors hanggang natapos ako ng premed ko. Kent waited that time, although we had mutual understanding kahit noon pa, he was my childhood sweetheart and last year I decided na sagutin na siya ng pormal.
Maligalig akong nagcheck muli ng dala kong bag, naandon ang mga importante kong mga gamit, pera at ilang importanteng dokumento. Wala naman kaming konkretong plano kundi makalayo muna at bumalik na kasal na kaming dalawa.
"April" Isang katok ang narinig kong mabilis kong isinalansan ang gamit kong muli sa aking bag. Ang lakas ng t***k ng puso ko sa boses ni Mama.
Kumatok muli siyang mabilis akong nag ayos ng sarili saka ko pinagbuksan ng pinto.
"M-ma" sambit ko. Napakunot noo siyang tinitigan ako.
"B-bakit po?" tanong ko.
"Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" aniyang humipo sa aking noo.
"Hindi po!" mabilis kong sagot.
"Bakit namumula ka anak? saka parang namumutla ka?" si Mama muli na humipo naman sa bandang leeg ko.
" Ha? hindi po-"
"Anyway, mag ayos ka at naandyan ang wedding planner ninyo kasama si Adam. Kukuhaan lang kayo ng measurements ng magdedesign ng susuotin ninyo" sabad ni Mama.
"Opo Ma" sagot ko.
Kinunan nga kami ng measurements para sa gown. Panay ang palitan ni Mama at ng designer ng kanilang ideya para sa gown. Nanatili akong tahimik sa isang tabi.
"You okay?" gulat ako sa pagtabi ni Adam sa akin.
"Huh? Oo naman" pilit kong ngiti.
"Baka may gusto kong design para sa gown mo, sabihin mo na afterall ikaw ang gagamit non" si Adam muli na napalingon ako sa kanya.
"Ha? Hindi na, ayos lang sa akin. Alam naman ni Mama ang preference ko" pilit kong ngiti.
"Okay," aniyang hindi naman na nang usisa pa.
———
Nagpaalam sina Adam. Napatingin ako sa orasan kong malapit na ang oras na pinagusapan namin ni Kent.
"Oh, aalis ka na ba?" Si Mama na nakita ang pag alis kong pasikreto sana.
"O-opo Ma" ani kong yumakap ng mahigpit.
"Ayos ka lang ba anak? hindi mo na ba hihintayin ang Papa mo?" si Mama na humipo muli sa aking noo. Pakiramdam ko magkakasakit ako hirap kong paglunok. Iniwan ko ang sulat ko sa kanila sa aking kwarto.
"Okay lang ako Ma," pilit kong ngiti. Napatitig lang si Mama na humawak sa aking braso.
"Are you okay April Katherine?" buong boses ni Mamaz.
"Opo Ma" mabilis na sagot ko, pilit kong itinatago ang pagiinit ng mata ko.
"Mauna na po ako, mahuhuli na po ako" ani kong yumakap muli.
"Okay, magpahatid ka na sa driver" aniyang muli na inayunan ko.
Nagpababa ako sa driver sa kunwaring bahay ng groupmates ko, dumiretso ako sa isang port na pagkikitaan namin ni Kent.
Malamig ang simoy ng hangin. Iniyakap ko ang aking dalang bag sa sarili. Napatingin ako sa itinerary na tiket namin, halos oras na para umalis ang sasakyan namin sa port. Naghintay akong muli sa labas ng waiting area.
Nakiusap akong maghintay pa sandali ng nagtawag sila para sa huling sasakay.
Hindi ako mapakali, tinawagan ko ang numero ni Kent ng paulit ulit. Hindi niya sinasagot.
"Kent, please..." sapo ko ang noo kong lumabas sa waiting area. Alam kong darating siya, naplano namin ito.
Nagtawag muli para sa huling tawag ng sakay, wala akong nagawa kundi panoorin ang pagalis ng sasakyan dapat namin.
Mabigat ang dibdib kong naghintay sa waiting area. Baka nahuli lang siya, natraffic. Nanalangin akong sana darating siya.
Halos hatinggabi na, inabot ako ng ilang oras na paghihintay. Ayaw kong hindi niya ako abutan sa pinag usapan naming lugar. Hindi na baleng mahuli siya basta dumating lang siya.
Napatulala akong napatingin sa b****a ng passenger's waiting area. Bakit parang wala na akong hinihintay?
"Kent..." mahinang bulong ko. Mabigat ang dibdib kong napakapit sa bag kong dala.
"April," boses sa harapan ko. Napaangat ako ng tingin.
"P-pa" mahinang tinig kong napatayo.
"Anak, umuwi na tayo" si Papa na naglahad ng kamay at ambang payakap. Hindi ko napigilang yumakap sa kanyang bisig.
Mainit sa pakiramdam na naibsan ng kaunti ang lamig na nararamdaman ko. Nag init ang mata kong di ko napigilang mapahagulgol.
"I' m sorry Pa"
"Shh, umuwi na tayo. Hindi siya darating" aniyang humaplos sa aking likod pagkuwa'y abot sa akin ng isang sulat.