**** Ikinuwento ulit ng Yaya ni Kendra kung anong nangyari. Nadulas at nahulog ang bata mula sa ika-apat na baitang na hagdan. "Kailangan niya ng x-ray para sa siko niya, at head CT. May concussion din siya sa kanyang noo, most likely kailangan siyang iadmit overnight for observation or depende sa diagnostic exams niya" ani kong panay ang tango ni Aireen. "Pa fill na lang ng ibang details ng baby mo" dagdag kong inabot ang form sa kanya. Pinanood ko siyang nagsusulat sa form. Ang bilis nga ng panahon na parang kailan lang na nakita ko sila ni Kent noon sa isang maternity and baby shop. "Salamat" aniyang puno ng pag aalala para sa anak. Dumating ang oncall na pediatrician at orthopedics. Sinamahan ko siya Radiology para sa Xray ni Kendra. "Kamusta na nga pala? pasensya na sobrang nag

