****** "Ako na Tay! Ako na ang bubuo neto!" Si Kyle na tiningnan ang instruction na kalakip ng binili kong bagong laruan. Napangiti akong hinaplos ang kanyang ulunan. Hindi ko mapigilang maging emosyonal sa sobrang saya. Ang sakit at lungkot ng apat na taong lumipas ay napalitan naman ng walang katumbas na ligaya ngayon. "Payakap nga sa Tatay," paglalambing kong mabilis namang tumayo ang anak ko mula sa mat na inuupuan namin. "Hmm, ang bango ng baby ko!" Yakap konng mahigpit ma humalik pa sa kanyang pisngi at kili-kili. Humagikgik naman si Kyle na halos mabitawan ang ilang lego at papel na instruction para sa bubuuin niya. "Tama na po!" Aniyang panay ang tawa at piglas mula sa akin. Binitawan ko siyang hinaplos muli ang kanyang ulunan. Tinitigan ko siyang hindi pa rin ako makapaniwal

