KINABUKASAN ay nagising si Simon James sa sakit ng kaniyang ulo. Syempre, alam na niya kung bakit, bukod sa kulang siya sa tulog, nakainom pa siya kagabi. Kaya naman sobrang bigat sa loob niyang bumangon. Pero kailangan na kailangan niyang bumangon dahil madaling-araw na. Dumiretso siya sa banyo upang makaligo at mabawasan man lang ang sama ng kaniyang pakiramdam. Panibagong araw na naman ngayon para magtrabaho at harapin niya ang katotohanan sa kanila ng kaniyang sekretarya. Dati-rati, enjoy na enjoy siya sa set-up na katulad ng kung anong meron sila ni Maureen ngayon, pero sa pagkakataong 'to, hindi na siya natutuwa at kahit kailan, alam niyang hindi siya makokontento do'n. Masyado pang maaga pero ayaw na niyang matulog, kaya matapos niyang makaligo at makapagbihis, dinala siya ng kan

