"BABE!" Bahagyang napaatras si Simon James nang sumalubong sa kaniya si Cherry, nang makababa siya sa hagdan. Akala niya'y makaiiwas siya rito ngunit nagulat siya nang bigla nitong sapuin ang kaniyang mukha at hinalikan siya sa labi. "D*mn it!" galit niyang singhal at itinulak ang babae. Agad siyang napalingon kay Maureen, nakita niya ang bakas ng pagkagulat sa mukha nito, napatigil rin ito sa pagbaba ng hagdan. "Why the hell did you do that?!" "Come on, Babe! Didn't you miss me?" malandi nitong sabi. Inayos nito ang buhok at ngumiti nang malapad sa kaniya. "I missed you a lot!" "Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong ni Simon James sa babae. "I'm here to become your secretary," nakangiti nitong sabi at nilapitan pa siya at hinaplos ang braso niya. Itinulak niyang muli ang babae,

