CHAPTER 14

2023 Words

Ang inakala kong magiging masaya rin ako sa pagsama kay manang ay hindi rin pala. Sumakit lang ang ulo ko dahil wala naman akong makita, dahil laking harang ng mga bodyguards. "Artista ba siya?" Iyan ang narinig ko nang huminto kami dahil may tinignan lamang si manang mula sa bentahan ng dress. "Doris, gusto mo ba ito?" Tanong niya sa akin at itinuro ang salamin. Isa iyong magandang dress na formal. Kulay puti at may ribbon lamang sa likod, habang v-neck naman ang style ng harap nito. "H-hindi po. Ayos lang po ako, Manang Lorna." Ngumiti naman siya sa akin na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan sa aking sinabi. "Babalikan natin iyan mamaya." Para matapos na ay tumungo na lamang ako sa kaniya. Umikot ang tingin ko sa mga nakapaligid sa akin nang para bang isa nga akong artista

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD