NARINIG ko ang kaniyang boses nang tawagin niya akong muli. Ngunit hindi ko naman na iyon inalintana nang pumasok na ako sa kwarto. Sa takot ko ngayon ay para ba akong sinasampal ng katotohanan sa aking dibdib. Ang tibay mo talaga, Ris! Hindi ko mapigilan sabunutan ang sarili ko nang I-lock ko na ang pinto. “Paano kung pumunta talaga rito si Teron?” Pikit na pikit na ang mga mata ko nang isipin ko iyon. Hindi na ako mapakali sa mga iniisip ko ngayon, lalo’t may nasabi ako sa lalaki. Baka mamaya ay kagatin niya nga iyon! “Babayaran pala, Doris, ha?!” Isinandal ko ang sariling ulo sa pinto nang mawindang sa naramdaman kong presesnsiya sa likod. Bawat hakbang ay naririnig ko at hindi ko naman alam kung sino iyon! Baka mamaya ay si Teron na iyon! “Pastilan!” Bitaw ng aking bibig at t

