Kabanata 29
ROXIE
Nirentahan ni Apan ang restaurant para walang istorbo. Hehe. Charot! May live band pa. Saya naman ng ganito. Chill chill lang. Yiee!
“As in nirentahan ni Direk itong buong lugar?” Bilib na bilib na tanong ni Rica.
Barya lang ang rent nito sa kaperahan ng isang Direk Apan na may-ari ng malawakang mango farm. Hihi.
“Grabe. Parang gusto ko rin ng yayamanin na friend. Ano ba feeling?”
Inakbayan ko si Rica. “Kapatid. Makontento ka na sa magandang pogi na friend. Ako.”
“Kapal ng mukha mo.” Rinig kong kontra ni Kaiya. Grabe naman `to. Hindi lang ako pagbigyan. Kalahating totoo naman na pogi ako ah. Kalahating totoo din na maganda ako. Haha!
Tumakbo papalapit sa amin agad si Helena. Angcute naman ng t-shirt niya. Haha! Hiningi ko `yan sa isang fan kanina. Niyakap niya si Kaiya. Selos na ako ah. Ako ang unang friend niya since batang bata pa siya tapos ito si Kaiya na favorite niya.
Tinuro niya ang mag chibi sa t-shirt niya. “Osing, Iya. Osing pogi. Iya maganda.”
Very good talaga! Alam na alam ang dapat sabihin! Haha! Iginiya niya kami sa table namin. Angdaming foods naman! Mapapalaban ako nito. `Yong sisig ang una kong nakita. Sure masarap `yan. Pinagitnaan naming ni Kaiya si Helena. Siya ang naglagay ng mga foods namin.
“Salamat po.” Ngiti ko dito. Tinapik-tapik niya ang pisngi ko. Anglambing talaga ng batang `to. Ganun din ang ginawa niya kay Kaiya.
Absent si Yael. Nahihiya siguro `yon kasi sabi niya hindi naman sasabay sa dinner sina Yohan. Bad idea talaga `yong diskarte niya. Tsk tsk. Very bad.
Aww! Angcute nina Yohan at Yusef. Nakasandal si Yusef sa braso niya. Angclingy ng bata. Gusto ko din kapag nagkaroon na ng little Roxie e close kami. Hehe. Tuturuan ko siyang maging mabuting babaero haha! Kapag lalaki sasabihan kong go and multiply! Kapag babae naman bawal magjowa. Strikto tayo dapat. Haha!
Si Apan ang punong abala sa pag-aasikaso sa amin. Sila ni Kuya Santino ang madalas magkwentuhan. Ako naman e kain lang ang ginagawa. Pinapapak ko `tong pinakbet. Puro gulay na muna ako. Pero minamataan ko na ang barbeque na iniihaw na. Angbango naman! Nai-imagine ko na ang lasa sa bibig ko.
“Hindi man lang nabanggit ni Roxie na magkaibigan kayo. Sabi lang niya e pupunta ka dito.”
Nangiting tumingin sa akin si Apan. “Ano kasi. Nag-promise kami noon na magiging successful without using each other. Ne hindi nga siya gumawa ng write up tungkol sa akin.”
“Hindi ako kikita kung igagawan kita ng write up `no. Sayang ang oras ko.” Biro ko sa kanya. “Doon tayo sa kikita tayo. Para sa future.”
Buti nalilibang si Kaiya kay Helena. Naglalaro sila sa basic cellphone. Iyong pa iyong binigay ko kay Helena na hindi niya iniiwan kahit saan man siya pumunta. Snake-snake muna! Haha! Kapag sinisilip ko e sinasamaan ako ng tingin ng bata. Grabe naman `to.
Nang mainip si Helena ay itinuro niya ang area ng dessert. Pwedeng magtimpla ng halo-halo doon. Inaya niya sina Kaiya at Ate Dori. Pinagbigyan nama ng staff na mag-iihaw sina Valen, Liora at Skye. Nakakatakam `yong mga pusit na nakahilera. Abala naman si Rica pag-interbyu kay Yohan at Yue. Very good naman talaga ng pakner ko for this project.
“Anong plans sa S5 Santino?” Tanong ni Apan. “Last na ba talaga `to?”
“Hindi ko din alam. Road manager lang naman ako. Pero ito ha? Feel ko last na. Kasi parang magkakanya-kanya na silang career. Pero sana may comeback.”
“Darating din `yon.” Sabad ko din. “Siyempre kailangan din nila ng pahinga. Saka panabikin din muna ang fans. Ha ha! Mawawala lang sandali ang S5 pero nandiyan naman sila individually.”
“Tagapagtanggol ng S5 talaga `to.” Tinapik-tapik ni Apan ang balikat ko. “Siguro naman kapag gumawa ako ulit ng series kasama ang Sonnet igagawan mo na ako ng magandang write up?”
“Pag-iisipan ko. Ha ha ha! Depende naman `yan kung magkano! Ha ha!”
Sabihin na niyang mukha akong pera pero wala akong pakialam. Ha ha! Char!
Tinawag ni Kuya Santino ang isang waitres. “Pwede bang mag-request s abanda?”
“Yes po. Pwede po.”
“E pwedeng kami na din ang kumanta? You know. Jamming lang? Tanggal stress.”
Pwede din daw. Naku! De natuwa si Kuya Santino. Ano naman kaya ang ire-request niya?
“Ikaw na lang kumanta, Roxie. Paos ako e.” binigay niya sa akin ang phone niya. “Pakikanta naman `to.”
“Gusto mo sintonado? Ha ha! Parang ewan `to.” Tinatanggihan ko ang phone niya. Hindi ako songerist e. Bakit hindi niya ipakanta sa mga alaga niya.
“1000 pesos Roxie.” Paghahamon niya sa akin.
“Bayong! Ha ha ha!” Tangina. Hindi ako songerist e!
“2000!” naglabas pa siya ng isang libo. Ha ha! Walang hiya `to si Kuya Santino.
“Bayong pa rin!” Nahihiya akong kumanta. Kahit konti lang kami dito. Pangbanyo lang ang boses ko. Leche to.
“5000.” Walanghiya ka Apan! Naglabas siya ng 3000 saka dinagdag sa hawak ni Kuya Santino. Nakakaloko ang ngiti niya. “Kanta o Bayong?”
“`Namo ka!” pero kinuha ko ang pera! Haha! Limanglibo din `to. Tiningnan ko ang request ni Kuya Santino. “Walang hiya. Napakabago ng kantang `to! Ha ha!”
Hinanap ko ang lyrics sa google. ‘Walang Kapalit” na kinanta ni Rey Valera. Iba din ang tugtugan ni Kuya Santino haha! Iba din pati trip niya. Tinawag niya lahat para maupo at makinig sa akin. Nilapitan ko ang band leader.
“Habulin niyo ang pagkanta ko ha? Maghabulan tayo.” Natatawa kong sabi sa kanila. “Pagpasensyahan niyo na lang ako. Mabilis tumabkbo ng tono ko.”
Para sa pera `to. Ha ha! Tumikhim ako. Pinaulit ko pa ang intro kasi hindi ako nakapasok agad, ha ha! Hinawi ko pa ang bangs ko. Kunwari tatakip sa mga mata pero papogi lang ang ganyang moves. Ha ha! Ito talaga ang mga tugtugan kapag Linggo e. Walang kamatayang old songs.
'Wag magtaka kung ako ay 'di na naghihintay
Sa anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig..’
Matamang nakikining ang iilang audience ko. Lalo si Kuya Santino. Siyempre, request niya dapat niyang pakinggang maigi! Ha ha! Habang kumakanta ako ay parang nararamdaman ko `yong sakit ng bawat letra ng kanta. Halla! Bakit parang pati ako naiiyak na?
“Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan
Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin…”
Tumalikod ako para punasahan ang namumuong luha ko. Kainis na kanta `to ah. Natapos ko naman ang kanta pero angbigat ng pakiramdam ko. Ha ha! Weird naman. Hindi ako natutuwa.
“Tangina. Bakit angbigat ng kanta.” Uminom ako ng tubig. “Hoooh! Tangina talaga!”
Natatawa sila sa reaksyon ko. “Parang ewan `tong si Roxie.” Sabi ni Apan. “Kumanta lang e.”
“E sa mabigat nga sa pakiramdam `yong kanta. Anong magagawa ko? Pota. Kapalit ng 5000 pesos ang emotional health ko.” Nakakapangsisi talaga. “Tatakbo na naman sa isip ko `yong lyrics. Bueset.”
“Actually, sinulat `yon ni Rey Valera dahil request ng kaibigan niyang si Aike Lozada.” Sabad ni Rica. “Kung pwede daw siyang sumulat ng kanta para sa mga gay. So hayun. Isang love na hindi makukuha. `Yong chorus. Pansin niyo?”
“Love na hindi masusuklian.” Sang-ayon ni Kuya Santino.
Tangina. Kaya naman pala angbigat e! Nakakainis. Nakakapangsisi. Hindi pa man din ako madaling maka-move on sa mga ganoong kanta o kahit sa pelikula.
“Labas muna ako.” Hay! Bueset na ‘walang kapalit’ `yan.
Sa may entrance lang naman ako naglagi. Upo-upo muna ako. Inom-inom ng tubig. Nagbaon talaga ko ng tubig. Ha ha!
“Singer ka rin pala.” Inabutan ako ni Yohan ng barbeque. “Nice voice. It’s a yes for me.” Natatawang panggagaya niya sa isang tv show.
“Baliw. Hinabol nga ng banda ang boses ko. Salamat dito. Bakit ka pala sumunod? May sasabihin kang importanteng-importante hindi na makahintay ng bukas?”
Natawa naman siya saka naupo din. Napapakamot siya sa noo niya. “You see, Yael likes Kaiya.”
“Oh sasabihan mo ba akong layuan ko si Kaiya? Naku! Mahal ang presyo ko. Ha ha ha!” Inumpisahan ko nang kainin ang barbeque. “Bigyan kita ng discount. 25% pwede na.”
“No! Not like that. I have this fear na baka gawin din ni Kaiya kay Yael ang ginawa niya sa akin.”
Hindi naman maiaalis `yon kasi na-experience naman niya.
“Sa totoo lang wala naman akong masasabi. Kasi matanda na sila. Ano lang, hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Yael kanina. Nagsinungaling siya para sana makasama si Kaiya.”
“I’ll talk to him.”
“Naku. Huwag na. Mare-realize din naman niya ang mali niya. Hindi na siya bata.”
“Salamat pala sa pag-alalay kay Kaiya. I saw your efforts sa mall show kanina.”
Ininom ko ang natitirang tubig. “Wala `yon. Mapapagalitan ako ni Jewel kung hinayaan ko naman siyang magmukhang shunga-shunga sa performance niyo.”
---
Malalim na ang gabi. Nasa balcony kami ni Rica. Nakaupo kami sa flooring habang nag-eencode. Sinasabayan din naming ng pag-inom ng mojito. Na naman! Ha ha! Kung anu-ano na nga ang posisyon namin para maging komportable e. Hindi naman kami pini-pressure ni Jewel gusto ko lang makapagsulat ng article, siya naman ay nagsusulat ng synopsis. Na-inspire daw e.
“Hindi ka madaling maka-move on sa kanta?”
“Oo e. Hindi ako music lover pero pag may kanta na naka-touch sa akin parang ewan. Kahit `yong happy song ba? Nagiging hyper ako. Pero `yong kanina sumakit talaga ang puso ko. Weird ba?”
Tumango siya. “Okay lang `yan. Para ka lang isang reader na hindi madali maka-move on sa kwento.”
May Last Song Syndrome din siya sa ‘Walang Kapalit’. Panay chorus nga ang kinakanta niya maya’t-maya e.
“Nasubukan mo na bang magmahal nang walang kapalit?” Tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.
“Huh?” Sumandal ako sa pader at bumuntonghininga. Walang kapalit. Parang ako kay Jewel noon. Kaya ganoon siguro ang naramdaman ko din kanina kasi kahit papano ay naka-relate ako. “Oo. Siguro hindi ko na uulitin `yon. Mahirap e. Nakakapangsisi.”
“Nakakapangsisi pero kapag nasa punto ka na naman na parang inlove ka na? Back to zero na ulit. Maniwala ka sa akin.”
Napatingin ako sa kanya. Nakasandal na rin siya sa pader at nakatingin sa kawalan. “Kasi pinagdaanan mo na?”
“Makailang potang ulit na!” Saka ito tumawa. “Tanginang karupukan ko. Parang kanser. Pinapatay ka araw-araw. Hindi naman pwedeng maging kayo pero minamahal mo pa rin. Nakakabueset na pero anghirap matanggal sa Sistema.”
“Sana hindi ko maranasan `yan. Sana, Lord! Doon na lang ako sa mahal ako. Ha ha!” nag-cross fingers pa ako. “Lord, magbabait na ako. Basta huwag unrequited love ulit. Nakakasira po ng tuktok.”
“Hindi mo masasabi `yan. Walang kasiguraduhan sa mundo. Oh, trending sina Yohan at Yue. Rumored marriage na daw.”
Chineck ko din sa twitter ang sinasabi niya. Nice family naman talaga silang tingnan kung tutuusin oh. Almost perfect!
“May ipo-post akong picture mo.” Sabi niya sabay nag-pop-up sa phone ko ang chathead niya. “Gustong gusto ko lang `yong video na `yan. Parang ang-proud mo kay Kaiya.”
Nakahalukipkip ako habang nakangiti na pinapanood si Kaiya sa performance nila ni Yohan. Anggaling niya kanina. Onti-onting nawala `yong tension sa pagitan nila. Pati `yong dance performance nila. Nakikipag-interact din siya kay Yohan. Nakakatuwa na hindi scripted `yong interaction nila.
“Pogi ko dito. I-post mo. Anong magandang caption diyan? Ha ha ha!”
“Feeling boyfriend.” Pang-aasar niya. “Ah KaiRo niyo layag?” nagtipa-tipa siya sa phone niya. “Posted senpai! Ha ha ha!”
Chineck ko agad kung ano ang pinost niya. ‘Ako lang ba ang nakapansin ng support ni Senpai? Yiie! #KaiRo’
Ni-retweet ko naman ito agad na may quote na, “You did great @SuperKaiyan.”
Simplehan lang natin ang banat! Ha ha! Heto naenjoy ko nang magbasa ng mga interactions. Ha ha! Panay din ang Retweet ko sa mga gumagamit ng #KaiRo
Halla! Nagpost din si Kaiya. Picture ko kanina sa resto habang kumakanta. Buti picture lang! Angtindi rin ng caption!
“Walang kapalit…”
Ha ha! Anggaling nitong magpost! Siyempre, wala namang alam ang mga ito kung ano ang ibig niyang sabihin kasi walang naglabas ng video kanina. Sabog notifs!
“Team YueHan o Team KaiRo? Torn ako saan ako magti-TP! Ha ha ha!” tatawa-tawang sabi ni Rica. “Bakit kasi nagsasabay kayong magpost.”