Chapter 30-Skye's: The shipper

2481 Words
Kabanata 30 KAIYA It’s a great morning! Skye is singing Walang Kapalit for like nonstop! And she’s so amazed with the lyrics. Like ilang kanta na ba ang para sa unrequited love ang narinig niya but she’s praising this song for a couple of times na. “Mas naging special `yong kanta nang malaman ko ang background, girl. Angsakit magmahal ano? Lalo kapag hindi pwede dahil sa sitwasyon. Alam mo `yon? Angsakit.” Umarte pa siya na parang tinatarak ang puso niya. “Pero hindi naman kailangang kantahin mo nang paulit-ulit.” “E bakit ba? Angganda din kasi ng pagkakakanta ni Roxie. Parang feel na feel niya din `yong kanta. Aminin! Napabilib ka din kagabi.”           Gan`on kasi niya minahal si Ate. Hindi humingi na mahalin pabalik. And she even tried to be a better friend. Marami siyang pagkakataon pero mas pinili na lang niyang ipaubaya si Ate kay Gael. “Uy, may tanong ako sa`yo pala. Nung nasa Cebu tayo. Umalis kayo ni Yohan `di ba? What happened?” “You’re really asking me what happened? Siyempre wala. Hindi naman niya ako binalikan. So wala. Si Yue ang pinili niya.” “Tapos naging close na kayo ni Roxie. Tama?” “I guess so. Why?” Umiling naman siya. “Malay mo kasi si Roxie ang greatest plot twist ng buhay mo. Not the romantic thing ha? Pero alam naman nating angbitch mong nilalang. Pero nung nandiyan na si Roxie nabawas-bawasan ang pagka-b***h mo.” “Really?” She nodded. Nagtaas-baba pa ang kilay niya. “Naging bisyo niyo na nga lang manapaw sa social media. Like, I think kung iva-vlog ko ang buhay niyong dalawa? Kikita ako ng malaki.” “Blame that to her.” “Gagi! Looking at a wider point of view, kapag nagtrending sina Yohan or anything na maapektuhan ka bigla-bigla magpo-post si Roxie about you. Recently ko lang naman napansin.” “She loves attention. `Yon lang `yon.” “Hoy!” pinalo niya ako sa braso. “Huwag mong kokontrahin ang conclusion ko. Pinag-isipan kong maigi ito ha? Anong magi-gain niya bukod sa mga bashers mo at mga stalkers mo na malamang e ginugulo din siya.” “Fame? Maraming maibibigay ang fame sa kanya.” “She has all the time in the world to use Miss Ingrid for that fame.” Pagpapaalala niya. “Mas sikat pa siya kaysa sa atin. Maybe mabait lang talaga sa`yo si Roxie.” “Could be…” “Basta malakas ang pakiramdam ko. Plot twist ng buhay mo si Roxie. Team KaiRo for the win!” She even raised her right hand for conviction. “Pero infairness kagabi, `yong tweet mo ang pasabog! Ha ha! Kung wala lang ako sa resto kagabi iisipin kong walang kapalit si Roxie para sa`yo. Yiie! Kilig!” Roxie thinks hindi siya magaling kumanta pero kaya niya ngang sabayan si Gael e. Hindi lang niya talaga sineseryoso but she really sang it well last night. I posted that picture as appreciation of her talent. Hindi ko na nabasa ang ibang interactions sa hashtag ng fans kagabi. Angdami na kasi. I browse my gallery for random morning posting lang sana. Sunod-sunod ang notifs na dumating. Pagcheck ko naka-tag ako sa tweet ni Skye. Whattaheck? “My #KaiRo entry! *evil laugh. Guys, RT if you want more behind the scenes! Haha! JK! Love you both!” It was our picture yesterday when Roxie is giving me some pep talk. “Skye! What do you think you’re doing?” “Nagtu-tweet! Haha! Tweet! Tweet! Angcute kaya. Saka buti hindi ko pinost `to.” She showed me another picture. God! The angle looks like we’re kissing. “See? Mabait pa ako. This precious picture will be kept private. Promise! Haha!” Napakunot ang noo ko nang tumatawag si Ate. “Hello Ate…” “Kai, hindi ko kasi matawagan si Roxie. Na naman.” She frustratedly sighs.” Free ka ba to see her? I can’t contact Rica, too. Those two talaga! Pinapasakit nila ang ulo ko. Napakaaga.” “Okey. Tingnan ko kung nasa room niya sila.” Pinutol ko muna ang pag-uusap namin. “Puntahan ko lang si Roxie. Hindi daw ma-contact ni Ate e.” Nasa tapat na ako ng room nila. Nakatatlong buzzer lang ako nang pinagbuksan ako ni Rica. “Hi. Si Roxie? Tinatawagan daw siya ni Ate e. Hindi ka rin daw ma-contact.” “Tulog e. Mataas nga ang lagnat saka nananakit ang puson.” Pinatuloy niya ako. Balot na balot ng kumot si Roxie. “Minumura na nga ako kanina pa. Sarap iuntog sa pader. Kasalanan ko pa ba kung may ovary siya at nireregla siya?” Dinama ko ang noo niya. Taas naman ng lagyan niya. Weak! “Naggamot siya?” Miss Rica nods. “Binilhan ko kanina. Kaninang madaling araw pa `yan dumadaing na masakit ang puson e.” Tinawagan ko si Ate para hindi na siya mag-alala. Chinarge ko na rin ang phone ni Roxie. “Hindi pa siya kumakain?” “Hindi pa. Sinusuka din naman niya e.” I check on my phone. Magtatanghali na rin. Nagtext na rin si Kuya Santino na kailangan na naming mag-ready for this afternoon’s show. “Pota. Angsakit naman!” Bumaling sa kabila si Roxie. Nagtakip siya ng unan sa kanyang ulo. “Pan…” “Hmmm. Huwag mong tanungin kung okay lang ako.” “Anong gusto mong kainin? Hindi ka pa daw kumakain sabi ni Miss Rica.” Hindi siya umimik. Inayos ko ang kumot niya para mabalot ang paa din niya. Anglamig ng paa e. “Galingan mo mamaya. Hindi ako makakanood.” Ito na nga. Nagtext na naman si Kuya Santino. Kailangan na naming umalis dahil napaaga ang schedule para mabigyan ng time ang autograph signing din. Walang kasama si Roxie nito dahil kailangan din si Rica sa mall show. Paano na `to? “Roxie, aalis na kami.” Said Rica. “Uuwi na lang ako mamaya agad after ng show. May bilin ka ba?” “Wala. Ingat.” Iniayos ko muna ang mga foods sa side table. “Pan, kumain ka kapag kaya mo na. May ointment din dito. Aalis na kami.” “Rica, nasa parking lot na `yong driver. Umuwi na kasi sina Apan kanina. Siya na bahala sa`yo.” “Okay. Pahiram na rin ako ng camera. Tawag ka lang kung may kailangan ka.” Sumenyas siya na umalis na kami. --- The wholetime ng performances namin, naiisip ko na baka tumaas pa ang lagnat ni Roxie. Anghirap pa naman magkasakit na walang nag-aalaga. I don’t have time to call her. Good thing, we’re down to signing of autographs. “Girl, pumila ulit si Yael,” said Skye. “Iba na talaga.” I saw him nga about twenty persons pa ang nasa unahan niya. Matagal-tagal pang paghihintay. May pipirmahan ulit akong KaiRo shirt. I noticed that those people who had their shirt signed were gathered at the right side near the speaker. Kinakausap sila ni Rica. Iniharap niya ang phone sa kanila. I bet Roxie is on the otherline. “Ang-soft din ni Roxie sa mga shippers niyo.” Skye is looking at them too. “May sakit na `yan ha. Pero look, she tries pa din to interact.” “Pasaway. Hindi na lang magpahinga.” Skye let out a soft laughter. “Para kang nanay niya naman.” Balik ang atensyon ko sa autograph signing. It’s Yael`s turn. He handed me the flowers. “Congratulations. You did great as usual.” “Pumila ka na naman. Thank you dito.” “Siyempre para hindi talaga kuyugin.” Biro pa niya. “Uhm, pwede bang magpa-picture? Nakalimutan ko kahapon.” “Grabe? Fan na fan ha?” Skye teases. “Oh, ako na ang mag-picture.” She excitedly got Yael’s phone and took a picture of us. Just like how the other fans take some pics. Nakatayo lang si Yael sa may harapan while I do my usual pose during this kind of event. He really does follow instructions for autograph signings. “Oh pass na.” Sabi ni Skye pagkabigay ng phone ni Yael. “Maraming susunod. Ha ha!” “Thank you! Bawi ako next time.” Bumaik na sa upuan si Skye at pinagpatuloy ang pagsa-o-autograpah. “Sanaol may masugid na admirer.” --- It was a successful event. Nakakapagod pero worth it na makita ang tuwa ng aming mga tagahanga. Kuya Santino is so proud that the events’ hall was full. Nasa shuttle na kami pabalik ng hotel. “Anglakas ng hatak niyo talaga. Sana sa comeback mas marami pang ganito. Mami-miss kong mag-control ng crowd. Mami-miss ko ang mabingi sa pag-cheer nila.” “Hopefully may comeback pa,” said Valen. “Mami-miss ko ang pag-cheer nila ng Sonnet5. Nalulungkot tuloy ako bigla. Walanghiya ka Yohan. Bumalik ka kaagad.” Natawa si Yohan. “Why me? Lahat naman tayo dapat babalik. Like, we’re not going to disband. Magpapahinga lang.” “Sure ka diyan? Ipapakulam kita pag magku-quit ka.” Skye jokingly warned. Bumaling naman siya sa akin. “Ikaw babae? Ano? Baka naman toyoin ka tapos mag-quit ka na rin? Ipapakulam din kita.” “Uncertain.” Sagot ko agad. “We don’t know what the future holds. Let us just enjoy our individual freedom to choose projects. `Di ba time to explore pa our talents? Don’t you miss acting?” “Gosh. Araw-araw na lang ako uma-acting na masaya ako. Char lang.” Well, I’m excited for the workshop. I’m looking forward to that talaga. “I wish you guys good luck sa mga tatahakin niyong career. And hopefully your heart will go back to Sonnet.” “Sus! Nangonsensya pa!” biro ni Skye. “Siyempre magka-comeback kami! Kaya pa naming sumayaw kahit times 2 o time 3 pa `yan.” Dumeretso kami ni Skye sa room nina Roxie. Nagluluto si Rica sa rice cooker. Bumili daw siya para sa lugaw na pang maysakit. Nakaupo si Roxie pero nakabalot pa rin ng kumot. “Nireregla ka pala.” Biro ni Skye kanina. “Sayang hindi mo nakita ang galing ni Kaiya sa performance kanina. At mga fans niyo iba din. Ang-supportive.” “Sayang naman. Hindi ba siya natuliro kay Yohan?” “Stupid. Anong tuliro? Bakit ako matutuliro? You’re sick yet you’re thinking of stupid things?” She’s smiling annoyingly. “Naisip ko lang. Wala ako doon. Baka destructed ka kay Yohan. Angrupok mo pa naman.” “Ohryt! Luto na ang lugaw na para sa may sakit. Uy, Roxie bayaran mo `tong pinambili ko ng rice cooker. Arte-arte naman kasi ng panlasa mo.” “Kasalanan ko ba kung wala akong gana? Bakit ka bumili? Pwede namang hindi ako kumain. Tsk.” “E de pinatay ako ng girlfriend ni EIC! Tangina! Halos sumabog ang phone ko sa kakatawag ni Miss Gael kanina. Wala pa nga akong thirteenth month pay mawawala na ako sa mundo, hindi ko pa nagagawa `yong wildest s*x encounter sa imagination ko madededs na ako? Potek `yan.” “Namo ka. Konsensya ko pa ganun? Hindi mo pa nga nasubukang tawagan ni Tita. Wait until si Tita Ingrid ang magpanic.” She joked but she’s still not in good shape. “Oo naman! Konsensya mo `yon. Tangina. Ikakamatay ko nga yata na katrabaho kita. Pagbalik nga ng Manila maglalandi ako nang matindi. Atleast nagsarap muna ako bago mamatay.” “Ha ha ha! Iba din ang goal mo!” Skye bursts in laughter. “Grabe. Talaga? Maraming prospects?” “Patingin ng daliri.” Said Roxie. Itinaas naman ni Rica ang kanang kamay niya. “Oh? Bakit? Nag-nail cut ako hoy. Hindi ako nagpapahaba ng kuko. Ha ha ha!” We’re not new to this of course kaya hindi mapigil ni Skye ang tawa niya sa pag-uusap ng dalawa. “Grabe ang mga bibig niyo talaga. Walang preno.” “Wala kang karapatang lumandi, Uy! Malinis lang ang kuko mo pero maiiksi! Ha ha! Tangina. `Yong sipon ko natulo.” Pinunasan pa niya ang ilong niya. “Alam mo? Dapat lumandi ka nang naayon sa haba ng daliri! Ha haha!” Pinalo ko nga ang braso niya. “Bibig mo! Napaka! Buhusan ko kaya ng sanitizer `yan!” “Ha ha! Joke lang. Na-miss ko kayo. Para akong mababaliw kanina dito. Wala akong kausap.”Anggaslaw nitong yumakap sa akin patagilid. Parang bata. “Tangina. Angtahimik kanina. Naririnig ko pati mga ungol ng kabilang kwarto. Grabe! Naol sige pa.” Ito na ang may sakit na panay pa rin ang kalokohan sa isip. “Sus! Kaya naman pala nanakit ang puson!” Binigay sa akin ni Miss Rica ang styro na mangkok na may lamang lugaw. “Subuan mo. Isubo mo lahat minsanan. Ha ha!” “Kaya ko namang kumain. Hindi ako baldado.” Kinuha niya ang mangkok saka kumain. Ewan din ba namin bakit nakikain na rin kami. So, we’re eating the same lugaw. We just added some salt to taste better. “Masakit pa ang puson mo? Gusto mo sa baththub?” “Walang bathtub dito. Kung meron lang dun na ako humiga.” “That’s not even a problem. I can request to move to the VIP room. If it will make you comfortable naman.” “May vacant pa,” said Skye. She’s busy on her phone. “May four pang vacant VIP. Pwede tayo doon.” “Weird talaga kapag napapalibutan ka ng mga mayayaman.” Miss Rica suddenly said. “Angbilis niyo magdecide ano? Hindi na nag-iisip ng budget-budget.” “Isang VIP room nga lang ang kukunin para makatipid e.” sagot naman ni Skye. “So, book ko na `to. Lipat na tayo maya-maya. Pack your things na. Kunin na rin namin ang mga gamit namin.” Papunta na kami sa room namin. “Weird thing you do for someone special.” She said in a low voice. “You’re so considerate to Roxie. I never thought aalukin mo siyang lumipat sa VIP just for the bathtub. It’s so not you, Girl.” “I just want to be nice to her. She helped me a lot yesterday. I was able to pull of a good performance with Yohan. I owe her a lot.” “Iba ang nakikita ko pero akin na lang `yon.” Nasa tapat na kami ng room namin. “A better and nicer Kaiya is not bad after all. Medyo b***h na lang! Ha ha!”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD