Chapter 31
ROXIE
Nananakit pa rin ang katawan ko. It’s a girl thing kumbaga. Nakalipat na kami sa VIP room. Tinambakan ko agad ng kumot ang bathtub. Sakto sa katawan ko.
“Weird talaga.” Komento na naman ni Rica. “Komportable ba?”
“Oo. Praktis ng paghiga sa kabaong.” Natatawa kong sagot sa kanya. “Kanya-kanyang trip naman kasi.”
“Naku, Miss Rica. If makita mo ang resthouse ni Kaiya. Mayroon siyang pasadyang bath tub sa bedroom niya. You know bath tub for sleeping lang talaga.” Pagbibida ni Skye.
Gusto ko rin ng gan`on kung malaki-laki lang ang space ng room ko. Weird na kung weird pero hassle naman kung punas-punasan ko pa ang bath tub sa banyo para lang makatulog. Magpasadya na lang ako ng bathtub bed.
“May kanya-kanyang ka-weirdohan talaga tayo.”
Pumasok na si Kaiya kasama sina Liora at Valen. May dala-dala silang mga pagkain. “Wazzup guys?” Bati ni Valen. “Oh, may sakit daw ang pogi nating friend dito?”
“Girl thing.” Nahihiya kong sagot. “Sinong may birthday? Bakit angdaming pagkain?”
“Girls’ night out sana e kaso…”
“Kumain na lang tayo.” Sabad ni Kaiya. “Free day bukas. Next day pa `yong charity event. So, enjoy the night.”
Pinag-usapan nila ang mga pinagdaanan ng grupo nila. Tagapakinig lang kami ni Rica sa mga kwentuhan nila.
“Naalala niyo `yong unang performace natin na sobrang na-appreciate ng fans? Kasi sobrang in-synch tayo.” Napapalakpak pa si Liora sa pagkukwento. “Angsaya kaya n`on. Hindi lang tayo kilala dahil sikat na sina Kaiya at Skye. Kilala na tayo as a group.”
“At sa kapogian ni Yohan.” Sabad ni Skye. Napatingin siya kay Kaiya. “b***h, ito e kwentuhan lang. Aminin na nating pogi si Yohan pero gender bender naman tayong apat! Ha ha ha!”
Totoo namang gender bender sila. Maraming clips ba namang nagbibigay ng kulay sa mga sweet-sweetan nila. Siyempre ang imahinasyon ng mga nakakakita ay nagiging active.
Bumaling sa amin si Skye. “Ito ha? Kung hindi niyo kami kilala. Like normies lang kayo. Masasabi niyo bang hindi kami straight?”
“Kung ibabase sa mga nakikita niyong clips sa social media ha? Like `yong treatment namin sa isa’t-isa. Cancel si Yohan kasi obvious naman.” Natatawang sabi ni Valen bago sumubo ng pizza. Tinaas pa niya ang kanang kamay niya. “Promise, hindi kami mao-offend.”
“Actually, bukod kay sa KaiHan clips pinanood ko din ang ibang videos niyo.” Nahihiyang kong sagot “Bakit anglakas ng mga kabaklaan sa mga clips. Ha ha! Sorry ha? Siyempre, ako mismo e baliko. Hindi ko maiwasang kiligin sa mga gestures niyo. Pero alam ko namang hindi kayo aware sa mga pinaggagawa niyo.”
“Which is dangerous.” Sabad ni Rica. “Belief ko lang naman na kapag unaware ka sa pakikitungo mo sa ibang tao parang may investment of feelings and trust na. Pananaw ko lang naman `yon.”
“Same thoughts!” Nagtaas pa ng kamay si Skye. “Tapos hindi mo alam na nagbabago ka na pero ibang tao ang nakakapansin. Angsaya kaya ma-witness `yong ganun.”
“Teka, straight pa naman ako.” Kaswal na sabi ni Liora. “Ikaw ba?” baling niya kay Valen.
“The last time I check straight pa ako. Gusto ko na nga magka-boyfriend! Ha ha ha! Baka sa comeback natin may jowa na ako. Pray for me.”
“Ah may tanong pa ako.” Anghyper ni Skye na naman. “Roxie, may posibilidad bang magkagusto ka kay Kaiya?”
“Thank you, Skye sa pagtatanong ng gusto naming itanong. Ha ha ha!” Parang hinihintay ni Valen kung ano ang sagot ko. Attentive e. Ganun din si Liora.
“Lahat may possibility `di ba?” Angsafe ng sagot ko! Ha ha! Totoo naman kasi. Lahat ng bagay may posibilidad.
“Parang mali `yong tanong.” Sabad ni Rica. “Angdali kasing sagutin e.”
Gusto kong busalan ang bibig niya. Dahil manunulat siya malamang kung anu-ano na namang tanong ang lalabas sa bibig niya.
“Dapat ganito. Ito e ano lang ha? Kunwari-kunwari lang. Willing ka bang tumawid sa boundary ng romantic love para kay Kaiya?”
“Bawal KJ dito.” Tumawa si Skye saka uminom ng softdrinks. “Promise, hindi lalabas sa kwartong ito ang lahat ng pag-uusap natin.”
“Sige. Ito sa atin lang. Huwag kang kikiligin Kaiya. Ha ha ha!” Wala man lang reaksyon e. “Oo naman. Ako kasi kapag mahal ko na. All out na ako. Pero kung may masasaktan ako o may masisira akong relasyon? Sa akin na lang `yong love. Mahirap kasi kapag ipilit mo ang sarili mo sa taong may mahal na iba o may karelasyon na.”
“Good answer. Good answer.” Pinalakpakan pa ako ni Liora. “Kai, tanggap na namin si Roxie. Ha ha ha!”
“Baliw! Kung anu-ano na naman ang naiisip niyo.” Nag-ring ang phone niya. “Sagutin ko lang. Si Ate e.”
Lumabas siya sa balcony. Tuloy lang sa pagkain ang tatlo. Ako naman naiinggit sa softdrinks. Hindi ako pwedeng uminom ngayon e. Mas sumasakit kasi ang puson ko. Tubig-tubig na lang muna at lunok-lunok. Ha ha!
“Rox, pansamantalang hindi namin makakasama si Kaiya. Malamang ikaw ang madalas niyang tawagan. Huwag mong pababayaan ha? Alam naman namin na hindi pa siya totally moved on kay Yohan.” Nag-aalalang pakiusap ni Valen. “b***h lang `yan pero kayang-kaya mo naman siyang amuhin. Ipaubaya mo lang ang bathtub masaya na siya.”
Nag-aalalang pumasok si Kaiya. “Guys, I need to book an early flight. Naaksidente si Gael. Nag-drive ba naman nang antok na antok galing taping.”
“Kumusta siya? Anong nangyari sa kanya? Tangina ng babaeng `yon kasi. Feeling kaya lahat.” Sunod-sunod kong sambit. “Okay lang ba siya?”
“Oo. Buti hindi gan`on kabilis ang takbo. Ate is worried sick. Hindi na ako magtataka kung next month papakasalan niya na si Gael.”
Ha ha ah! Tangina! Doon ako natawa e. “Baliw! Angdaming pwedeng isipin `yan pa talaga?”
Hinilot niya ang sentido niya. “I’ll talk to Manager Han first thing tomorrow. Mas nag-aalala ako kay ate kaysa kaya Gael.”
---
Ang ending pareho na kaming bumyahe pabalik nang Manila. Tapos na rin naman ang trabaho ko doon. Si Rica na lang ang bahala sa charitable event. Nag-taxi kami pauwi sa kanila para kunin ang kotse niya. Inabot na kami ng tanghali.
“Sure ka bang kaya mo?”
Tumango ako. “Nakapagpahinga na ako kahapon.”
Ako na ang nagmaneho papuntang hospital. Kukutusan ko `yong si Gael pagkagising niya talaga. Pinag-alala niya ang lahat. Angsarep pektusan ng back and forth!
Nakarating na kami sa hospital. Mugto ang mata ni Jewel at mukhang wala pa siyang tulog. Nakabenda ang ulo niya Gael at may neckbrace. Pati ang binti niya ay nakabenda din. Marami siyang sugat sa mukha gawa siguro ng bubog.
“Anong sabi ng doctor? Will she be okay?” tanong agad ni Kaiya.
Nilapitan ko si Gael para makita maigi ang mga sugat niya. “Tatanga-tanga ka na naman talaga e `no?” Ewan ko kung naririnig niya ako. “Sinabihan na kitang mag-iingat e kasi hindi ko gusto ang pananalita mo bago kami umalis. Namo ka talaga.”
Iniangat niya ang kanang kamay niya na nakataas ang middle finger.
“Okay na siya, Idol. Nagmumura na e.” Tatawa-tawa kong baling kay Jewel. “Pahinga lang kailangan niyan.”
Walanghiyang si Kaiya. Tumawag ba naman ng doctor para i-check up ako. Niresetahan tuloy ako ng para sa dugo. Ferrous sulfate, pain reliever at `yong kapag nahihilo.
“Anong akala mo naman sa sakit ko? Malala? Bakit tumawag ka pa ng doctor.” Inis kong sabi dito. “Angchaka kaya nitong ferrous! Mangingitim ang popo saka ambaho! Ikamamatay ko ang pagtae!”
“E nakakatakot kang reglahin!” Tinaasan na rin niya ang boses niya. “You should have your stock of supplements. Ang-weak mo. Puro ka lang yabang.”
“Can you guys stop arguing? Makinig ka na lang Roxie. Wala ka pa namang kasama sa bahay mo.”
“Nakakatakot kayong magkapatid. Sa totoo lang.”
---
Si Kaiya na ang nag-drive pauwi. Nakakandong sa akin si Jeid habang tulog.
“Ihahatid na muna kita sa bahay mo.”
“Gagu ka ba? Sa inyo ako matutulog. Wala kayong kasama ni Jeid.” Katatapos lang din naming mag-chat ni Tita at nagsabi na ako sa kanya na hindi ako makakauwi. Napagsabihan niya akong konti dahil hindi ako nagti-take ng supplements ko lalo at palagi akong nagpupuyat.
May kotse na naka-park sa harap ng bahay nila pagkadating namin. Umibis mula dito si Yael. Ay wow. Sumasapaw. Di. Joke lang.
“Nabalitaan ko sa news `yong nangyari kay Gael.” Bungad nito.
Speed. Sabi ko na lang sa isip ko. “Kai, `yong susi.”
Inabot sa akin ni Kaiya ang susi ng gate. Bahala na silang mag-usap. Ipapasok ko na muna itong bata at baka malamigan. Sumasakit na naman ang puson ko ah. Grabe talaga kapag may menstruation. Sana ako na lang `yong dinadatnan na maraming gustong kainin kaysa `yong ganito. Ha ha! Wala nga akong cravings nananakit naman ang kung anek-anek ko.
Naabutan ako ni Kaiya na nagpiprito ng tocino. Ito ang pinakamadaling iluto na nakita ko sa refregirator e.
“Bakit daw siya nandito?”
“Worried din daw. Nangamusta.”
Parang tanga naman `yon. Nandito ba sa bahay ang naaksidente? For sure ang gusto niyang kumustahin ay si Kaiya. Baka naisip pa niyang samahan pa siya dito e. Malisyosa yata akong mag-isip? Ha ha! E parang ganun `yong idea bakit ako nandito `di ba? Ha ha!
“Nababaliw ka na ba? Bakit ka natatawa?”
“Ha? Wala. Paano pala kapag wala ako dito tapos sabihin ni Yael na samahan niya kayo ni Jeid? Papayag ka?”
Umiling agad siya. “Bakit?”
“Good answer.”
“Teka, hindi ko gusto `yan iniisip mo ha?”
“Huh? Wala naman akong iniisip na iba. Bukod sa tocino. Ambango! Ha ha! Kain na tayo. Nagugutom na ako talaga.”
Naalala ko ang bilin ni Gael din kasi na pwedeng magmahal ng kahit sino si Kaiya basta hindi Briones. At dahil malakas ang pakiramdam kong may gusto si Yael dito kay Kaiya naisip ko na baka pumunta siya dito to comfort her kahit hindi naman siya `yong directly affected sa aksidente. Kahit sino pwedeng mag-advantage sa situation kumbaga. Hindi nga ako nagkamali! Ha ha! Naku Yael! Kabisado ko ang galawan mo! Gawain ng malanding tulad ko `yan noon! Magcomfort sa taong hindi naman nangangailangan ng comfort maka-score lang.
“Creepy mo.”
Napatingin ako kay Kaiya. “May gusto sa`yo si Yael. Huwag kang basta-basta padadala sa emotion mo. Hindi ka pa nakaka-move on nang tuluyan sa pinsan niya. Pinapaalala ko lang.”
“And your point is?”
“Wala. Sinasabi ko lang na kilalanin mo maigi si Yael at kilalanin mo rin ang sarili bago ka mahulog. Oh siya dinner na tayo. Gutom na gutom na ako talaga.”