Chapter 33- No babaero

2165 Words
Kabanata 33 ROXIE Binibida ni Jeid kay Jewel ang mga biniling laruan ni Tita. Natuwa kasi siya sa pagmo-model niya kanina. Very professional daw e. May pout pa ng labi. At heto na naman ako parang wala sa sarili. Nalulungkot nang walang dahilan. Nakaupo lang ako sa pinakadulo ng mahabang upuan. Nagba-browse lang ng phone. Ingay ng followers ni Suzette. Nagpost kasi siya ng daring photos. May mga nagta-tag sa akin pero hindi ko pinapansin. “Hoy, anong meron? Gutom ka? Pagod?” Naupo sa tabi ko si Kaiya. “Gusto mo?” Inalok niya ako ng french fries. “Ibang French ang gusto ko. Di. Joke lang. Wala. Toyo lang.” matamlay kong sagot. “Bawal toyoin? Ikaw lang pwedeng toyoin?” May sasabihin pa sana ako pero sinubo niya sa akin ang tatlong fries. “Angdaldal mo.” Nag-de-kwatro siya ng upo. “Komportable pala kapag ganito maupo `no?” Pinapakain ni Jewel ng lugaw si Gael. Team lugaw na rin siya dahil sa soft food diet. Buti hindi ito na-amnesia e. Baka malimot niyang mayabang siya. Kawawa naman ako mag-isa ko na lang magdadala ng mapreskong hangin. “Hoy! Pagaling ka na. Aba! Kung mag-isa ko lang ang mayabang hindi ko kakayanin.” “`Namo ka. Kinamusta ka ni San Pedro.” “Ha ha! Naku! Dapat sinabi mo hindi pa ready. Saka na kamo.” Nagpadala na si Rica ng article. Open ko muna sa laptop. Work sa hospital is real. Buti na lang at malakas-lakas ang signal dito. Tatlo ang sinend niya para sa CKM online. Pinaglalaruan ni Kaiya ang buhok ko habang binibasa ko ang mga articles. Sinasaway ko siya pero sige pa rin. “Kai, kulit e.” Hinawi ko ang kamay niya saka hinawakan nang mahipit habang ang kanang kamay ko ay abala sa pag-click sa scroll bar. “You’re workaholic. Wala ka namang binubuhay na iba.” “Sinabi naman na ni Tita `di ba? Dapat yayamanin para hindi maliitin.” Bumuntonghininga lang siya. Tuloy lang siya sa pagkain habang maya’t-maya ay nilalaro niya ang buhok ko. Anong trip naman niya. “Pan, gupitan kita. Bayaran kita bente.” Binitawan ko na ang kamay niya saka ko siya sinamaan ng tingin. “Angganda ng buhok ko tapos bente lang bayad? Taasan mo naman. Nakabakasyon ka lang may career ka pa. Hindi ka naghihirap.” Pinatong niya ang siko niya sa balikat ko para masuportahan naman ng kamay niya ang ulo niya. Anglapit ng mukha niya sa akin. Parang tanga talaga `to. Gusto ng titigan? De nakipagtitigan ako sa kanya. “Oh, mauna kumurap isang libo?” Ngumiti siya saka kinuyumos ang mukha ko. Leche naman! Napakamarahas! “No work!” sinara niya ang laptop ko. “Relax muna.” “Grabe! Kai! Gusto ko na makatapos ng trabaho. Angkulet mo!” Wala talaga siyang pakialam na kinuha pa ang laptop at nilagay sa aking bag. “You need to rest. `Di ba Ate? Hindi pa naman deadline?” Pinagkaisahan na naman ako ng magkapatid! Bueset `tong si Gael. Maga na nga ang mukha at lahat napapangisi pa. Huwag ka pa sanang gumaling! Mag-relax daw e! “De i-chat ko si Suzette. Ha ha!” Nag-busy ako sa phone ko. Buksan ko messenger. Cancel. Nag-send ako sa group chat na naghahanap ng makakalandian. Ha ha! Siyempre Dummy account ang gamit ko `no. “Anong nakukuha mo sa pagcha-chat sa kanya?” “Ay wow! Sapaw. Nakikibasa ng convo.” Tinakpan ko ang screen ng phone ko kahit wala pa naman akong ka-chat. Mabaog Sana ang mga nasa GC na hindi magrereply. Naglalaro lang ako ng Tong Its Online. Coins coins lang labanan. Ha ha! Pambueset lang. “Kahit sino sabi sa`yo huwag lang si Suzette. You’re putting yourself in trouble.” “Oh!” pinakita ko ang screen ng phone ko. “Hindi ko chinat. Naglalaro ako. `Yan pota. Tapos na turn ko.” Daya naman ng larong `to. Dapat unlimited ang time Ha ha! Tinuruan ko na lang rin siya kung paano ito laruin. Hindi marunong! Naubos na ang coins niya. Napapa-purchase na. Pinausog ko siya sa kabila para kako hindi kami makaistorbo sa isa’t-isa. Pero hindi na ako naglalaro. Ka-chat ko si Suzette. Ha ha! Gusto makipag-meet ngayon. Naku! “Hindi pwede. Busy ako.” “Saan ka naman nagbu-busy? Kakabalik mo lang ng Manila. Busy agad? Sa chat lang tayo ganito. Don’t you want to try it personally?” Ha ha! `Yang mga galawang ganyan. De ipakamot mo sa iba! Diyos ko naman! Madaling solusyon `yong para sa kanya. Madami pa man din siyang ka-fling bukod sa akin. Anong akala niya sa akin? Inosente? Ha ha! “E baka kasi kapag nangyari `yon. Hindi mo na ako papansinin” Tangina ka self! Saan mo na naman napulot ang linyan `yan! Nasusuka ako sa sarili ko.  Grrr! “Grabe. Bakit naman hindi na papansin? Kung nasarapan naman ako? Ha ha! Kidding honey.” Kidding mo mukha naman naman. May isa ka ngang hindi na pinansin kasi sabi mo juts. Ha ha! Si Kaiya iritable na. “Roxie! Ace or King ang ihuhulog ko?” “King.” Sagot ko. “Busy akong naglalaro e. Diskarte mo na `yan.” Balik ang atensyon ko sa pagcha-chat. Lumang tugtugin na rin naman `tong mga lambing-lambing na pagcha-chat kay Suzette. Ganito lang din naman ako sa mga dating naka-fling ko. Boring na rin kung tutuusin pero wala pa naman akong jowa hahaha. E de gora! “So, kailan nga tayo magkikita?” “Next week. Sabihan kita.” “Sure ka diyan? Baka aatras ka na naman.” “Ha ha ha! Huwag mo kasing isipin ng adbans. Nauudlot e! lol!” Sabing huwag i-advance e! Nag-send ng picture niyan nakakumot lang tas topless. E de siyempre mag-send tayo ng naka-dilang gif! Ha ha! Nakapahirap mag-chat kapag naka-landscape ang phone! Siyempre kasi kunwari nagto-tong its pa ako kahit lumalandi nan ang very light. Ha ha! “Tita, why she sleeping?” Anak ng! Agad kong in-exit ang messenger. Nakahalukipkip si Jeid sa gilid ko. Hindi ko napansin ang batang `to! “Why sleep no clothes?” Paktay kang bata ka! “Ha? Anong `yong sinasabi mo?” “Bakit daw nakahubad `yong ka-chat mo.” Pota! Parehong nakahalukipkip ang mag-ina! Si Jewel nasa likuran ko. May sa lahing kabute ba ang mga `to? Hindi naman sila tunay na mag-ina pero parang nagkakahawaan na. “Anong tingin `yan?” Napaayos ako ng upo. Kumandong sa akin si Jeid. “Anong nakita mo bibi? Kalimutan mo na `yon ha?” “Po? Alin po?” “Wala.” Tatawa-tawa si Gael. Sige! Kapag ikaw gumaling na ire-wrestling kita talaga! Kinunyatan ako ni Jewel. “Landi pa. Magka-fungi sana `yang daliri mo.” --- Nag-aadik na si Kaiya sa Tong Its Online! Pagkauwing-pagkauwi namin `yon agad ang nilalaro niya. Nakataas pa ang paa niya sa may sofa. “Feel na feel ang bakasyon, Girl?” pang-aasar ko dito. “Hoy, ligo ligo din.” Katabi pa niya si Jeid na busy din sa tab niya. Nagpameywang ako para makuha ang atensyon nilang dalawa. “Mga kamahalan, tama na ang kaka-selpon. Magsiligo na kayo at maghahapunan na tayo.” Aba! Tinignan lang nila ako tapos balik sa kanya-kanyang phone ang atensyon? Angsarap pa naman ng niluto ko! Menudo with feelings! Haha. Char! Nilagang baka na may mais! Sabi ni Jewel, gusto ni Jeid ng may sabaw. Hayaan na si Kaiya makakapag-adjust naman siya sa pagkain. Haha! Bahala kayo diyan! Ako ay kakain na. Naghain ako para sa sarili ko lang. Ha ha! “Hooh! Sarap!” Pagpaparinig ko sa kanila. “Hmmm! Anglambot naman ng karne! Angsarap naman ng mais!” Maya-maya dumulog na sa mesa si Jeid. Nilapag niya ang tab niya sa gilid. “Bibi, huwag sa hapag kainan muna ang tab. Para makakain ka nang marami.” Bumaba siya ng upuan saka bumalik sa sala. Pagbalik niya ay kasama na niya si Kaiya na nakasimangot. Talo na naman siguro. Haha! Plato lang ni Jeid ang nilagyan ko ng pagkain. Itong si Kaiya walang imik pero atleast kumakain naman. “Uy, naubos na ba coins mo?” Bumuntonghininga siya. “Uninstall ko na nga. Nasasayang pera ko doon.” “Sana kanina mo pa na-realize `yan. Ha ha! Kumain ka na lang. Busog ka pa.” “Tita Rox, same kami kwentas.” Tinuro ni Jeid ang kwintas ni Kaiya at hinawakan naman niya ang kwentas niya. “Both you give.” “Bagay niyo. Kumain ka na muna. Mamaya magdo-drawing tayo marami sa pader. Ha ha!” Angsarap talaga ng luto ko! Pwede na akong mag-asawa! Pinuri ang sarili! Si Kaiya na ang naghuhugas ng mga pinagkainan namin. Ako naman ay nagkakape pa. “Marunong ka rin pala sa gawaing bahay `no? Naks! Wife material.” “What do you think of me? Walang alam sa household chores?” Hindi niya ako nilingon pero nai-imagine ko ang masungit niyang mukha. “Feeling mo naman ikaw lang ang marunong.” “Well, oo. Hahaha! Judger na ako. Okay? Sorry na.” humigop ako ng kape. Sarap talaga ng kape kahit katatapos ko kumain! “Nga pala, bukas pupunta akong Persona. May mga models e. Ha ha! Kailangan ni Tita ang presence ko! Haha!” “Matutuwa na naman ang mga mata mo.” “Gagu ka ba? Siyempre! Haha. Saka hanggang tingin lang. No touch. Sagrado ang kamay ko! Ha ha!” “Pero gusto mo subukan kay Suzette? Ano na `yon? Are you really out of your mind?” “Hindi. Matino pa ako.” Kaswal kong sagot bago humigop ulit ng kape. Sarap! “Kayo lang tong paranoid e. Alam ko naman ang boundaries sa landian. Saka don’t worry. Hihintayin kong magkajowa ka bago ako magjowa.” Tumigil siya sa paghuhugas saka hinarap ako. “That’s not my point. Okay? I don’t have a problem if you’ll gonna have a girlfriend or even boyfriend.” “Kilabutan ka sa boyfriend.” Umakting ako na parang nasusuka. Ha ha! Boyfriend niya mukha niya! “What? Seryoso nga. Malay mo. Pero huwag kay Suzette nga. Or even Celeste. Ikakapahamak mo lang sila.” “What if sila ang mapapahamak dahil sa akin? Ikaw naman. Baka naglalaro lang kami `di ba? Huwag masyado seryoso Kai. Landi lang naman `yon. Walang feelings.” “Bahala ka. Pinapaalalahanan ka lang naman.” --- Ihahatid ko sila sa hospital. Isasabay ko si Jewel papuntang CKM office saka ako pupunta sa Persona. Witwiw talaga `tong kotse ni Kaiya. Aliw naman si Jeid sa kandungan niya. Tinuturo-turo niya ang mga buildings na nadadaanan namin. “Angpogi nitong kotse mo. Magkano `to?” “It’s not for sale.” Wala na namang ekspresyon ang peyslak ni SuperKaiyan. Hindi siguro pinagbibigyan ang mga pinaglihian ng mommy niya n`ong pinagbubuntis siya. “Joke `yon? Joke?” Sarkastikong sagot ko. “Nagtatanong nang maayos e. Malay mo manalo ako sa lotto. Tas makabili ako `di ba? Ampogi ko lalo pag dina-drive ko `to.” “I swear Roxie, kung magsakay ka ng babae mo dito kakalbuhin kita.” “Tita, bakit mo aaway si Tita Roxie?” “Hindi ko siya inaaway, Bibi. Pinagsasabihan ko lang siya na huwag maging babaero. Kasi bad `yon.” Inuuto na naman niya ang bata, Lord! “Babaero is maraming babae na hindi girlfriend, Tita. Tama po?” Bumaling siya sa akin. “It’s bad, Tita Rox. Don’t.” Tinaasan pa ako ng kilay ni Kaiya. Sarap tirisin ng dalawang ito. Masyadong cute! Nasa parking lot na kami ng hospital. Hindi na ako bababa. Hihintayin ko na lang si Jewel dito. “You have spare key sa house naman `di ba?” Tanong niya habang nagsusuklay. Akala mo naman nahanginan ang buhok! Napakaarte naman talaga ng babaeng ito. “Ahuh! Bakit?” “Mauna ka na lang umuwi mamaya. Mag-grab na lang kami ni Jeid later.” “Gagu ka ba? Anong grab-grab. Susunduin ko kayo mamaya.” “That is if, hindi mo mai-enjoy ang pakikipagharutan sa mga models. You’re free to use my car, Pan. Huwag mo lang gagawin dito ang mga kababalaghan mo. Please lang.” Binuksan na niya ang pinto. “Jeid, magba-bye ka muna kay Tita Roxie. Pupunta siya sa work e.” Dumukwang si Jeid para i-kiss ako sa pisngi. “Ingat, Tita. No babaero ha?” Tumango na nga lang ako. Angcute ng batang ito kahit nakakainis ang mga binibitawan niyang salita minsan. “Mag-iingat ka.” Paalala na naman ni Kaiya bago bumaba. “Oo na. Iingatan ko itong kotse. Wala akong pambayad.” “Crazy. Sabi ko mag-iingat ka. Hindi ingatan mo `tong kotse. Walang kababalaghan sa kotse ko. Okay?” Tinaas ko ang kanang kamay ko. “Yes, ma`am. Sa Inn na lang! ha ha ha!” ---  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD