Kabanata 34
ROXIE
Byahe na kami ni Jewel. Idadaan ko siya sa CKM Office. Kung ganito ka-swabe ang kotse kahit maghapon akong mag-drive.
“Idol, anong vitamins ni Jeid? Medyo matabil ang bibig e. Pakibawasan ang dosage ha?”
“Ni-real talk ka ba?” Pabirong tanong niya. “Pagpasensyahan mo na. Thank you pala sa pagsama sa kanila ni Kaiya. Angdami ko nang utang sa`yo.”
“Ayiiee. May interest ha? Ha ha ha! Walang problema doon. Angcute ni Jeid naman. `Yong kapatid mo lang hindi! Ha ha!” Napatakip ako sa bibig ko. “Leche baka may recorder dito. Ha ha!”
Nag-busy siya sa phone niya. Hindi ko pangarap maging EIC kung ganito lang ang routine ko. Ha ha!
“Joni, Joni please don’t cry.. la la la” nag-hum na lang ako kasi hindi ko na alam ang susunod na lyrics. Labo na sa alaala ko. Ha ha!
“Classic.” Komento ni Jewel. “Alam mo `yong kwento ng kantang `yan?”
“Hep! Maselan ako sa mga meaning ng kanta. Huwag mo nang ikwento.”
Pero hindi pa din siya nagpapapigil. “Grabe ano? Iniwan niya si Joni kasi bata pa siya. Age gap lang naman. Tuloy nagpakasal sa iba. Sa bespren pa niya.”
“Gan`on naman `di ba? Kapag nawawala saka nabibigyan ng halaga. Buti na lang n`ong bumalik ka wala pang jowa si Gael `no? Ha ha! Imagine?”
“Magkaiba kami ng sitwasyon ni Joni.”
“Similar naman kasi umalis ka. Mapagparaya kahit teenager pa! ahah. Yiiee! Martir `yan?”
“It was a choice na sa tingin ko makabubuti para sa amin noon. I guess tama naman. Kasi nag-grow ako as a person. Marami akong na-achieve.”
“Ituro mo kaya sa kapatid mo `yan. Napakarupok e.”
“Let her be. She’ll learn from it. Mahirap nga lang. Hoy, ikaw? Baka kung kani-kanino mo na siya nirereto. Binabalaan kita.”
“Wow ha? Ako pa talaga? Angbait-bait ko kaya. Sinasalo ko na nga kahihiyan sa twitter. Buti na lang pogi ako. Hindi gaanong pumapangit kapag may isyu.”
“Minsan, naiisip ko baka magkapatid kayo ni Gael. Pareho kayong mahangin e.”
“Grabe namang blessing ni Lord sa mga magulang namin kung gan`on! Anglalakas ng appeal! Ha ha ha!”
At siyempre napikon na naman siya. Madalas nga kami mapagkamalang magkamag-anak ni Gael dahil pareho kaming may dalang hangin daw kasi. Ang-judger ng mga tao talaga. Mas tanggap ko pa kung sabihing magkamag-anak kasi parehong pogi e. Mas katanggap-tanggap `yon!
“Kumusta si Yael n`ong nasa Davao kayo? Nilapitan ba niya si Kaiya?”
“Ahuh! Sa autograph signing. Pumila pa nga e. Diskarte din ng lalaking `yon. Very good.” Siyempre, magbigay tayo ng puri sa karapat-dapat. Chinika lang ni Rica sa akin na n`ong second day pumila ulit siya e. Dagdag points para kay Yael sa part na `yon.
“Nag-propose na ba siya kay Kaiya?”
“Aba’y ewan ko! Wala namang kinukwento si Kaiya. Ginawa mo naman akong bodyguard. Pinapaalala ko lang naman sa`yo na columnist ako ng CKM magazine. Hindi ako 24/7 bodyguard ng ni Kaiya.”
“Malay ko ba kung nagkukwento siya. Close naman kayo. So baka lang naman.”
“Wala. Hindi siya nagkukwento.”
“Kung magkwento sabihin mo sa akin ha?”
“Luh. Bakit ko sasabihin sa`yo? Malamang pagkakatiwalaan ako n`on na hindi makakarating kahit kanino ang ikukwento niya. Naku! Gumawa ka ng sarili mong imbestigasyon. Wala kang mahihita sa akin.”
“1000 bawat confession?”
“Tangina, Idol. Mukha akong pera pero ibang usapan na kapag tiwala ang iba-barter. Sa`yo na `yang 1000 mo.”
---
Safe and sound kami ng kotse ni Kaiya na nakarating sa Persona. May thirty minutes pa bago magsimula ang shoot. Feeling magaling na naman ako nito. Hihi. Wala akong dala kahit anong gamit pang-pictorial. Gandang physical ko lang ang bitbit ko.
“Tita, dati pa namang may modeling agency na ang Persona dito `di ba? Bakit kailangan pa ng ganito? Nalulula ako.” Natatawa kong komento kay Tita. Jusko! Swimwear na kasi at nalulula talaga ako sa mga nakikita kong tambok! Haha.
“Gusto ko lang. New era. Bakit ba? Tusukin ko `yang mga mata mo.” Inambahan niya ako ng bolpen e. Grabe. Sadista `to. “Kailan ka uuwi? Pagala-gala ka ha. May sarili kang bahay. May condo ka din. Ano ba? Bakit NPA?”
“Ganun talaga Tita. Sinasamahan ko sina Kaiya at Jeid. What are friends are for `di ba?”
“Ewan ko sa`yo. Nagsasawa din ako sa kakatrending niyo. Baka you’ll get used to it. You know what I mean.”
“Walang ganun Mars. Ha ha!” Naiharang ko ang braso ko nang ambahan niya na naman ako ng bolpen. Ha ha! “Hindi na mabiro. Doon muna ako.”
Siyempre papanoorin ko ang pose-pose ng mga models at pitik-pitik ng photographers. Tinanguan ko lang sila nang binati nila ako. Nag-eenjoy na ako e kaso dumating si Suzette kasama ang PA niya. Ha ha! Anak ng pota! Ekis agad! Kasama pala siya sa list e.
“Hindi mo sinabi Tita na kasama din siya.”
“Surprise?” Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi ni Tita. “Manager niya ang nakiusap e. I don’t care about your opinion. Hindi ko siya kukunin.”
“Good choice.” Natatawa kong sagot.
Pabibo si Suzette sa mga phographers. Perang-pera na din siguro `to. Ha ha! Ako naman pakape-kape lang. Minsan kumukuha ng pictures. Selfie-selfie sa ibang models. Pakiramdam ko may mga matang nakamasid sa akin. Hindi kaya nagliligalig ang kaluluwa ko at tinakasan ako? Ha ha!
“Tita Z, angdaming pretty girls ano? Buti talaga nandito ako e. Busog ang mga mata.” Hinaplos-haplos ko pa ang baba ko habang pinagmamasdan ang shoot para sa isang luxury dress. “Si Suzette lang ang malusog. Ha ha!”
“`Yang bibig mo. Angsama talaga ng tabas.”
Naglip-bite ako nang napatingin sa gawi namin si Suzette. Owshhi! Piningot ni Tita Z ang tainga ko! Tangina! Matatanggalan pa yata ako ng parte ng Tainga sa sakit!
“Anglandi mong bata ka!”
“Aray naman Tita! Awat na!” Napapasunod ako sa kanya siyempre! Baka matanggap ang tainga ko e! Napapatingin tuloy sa amin ang ilang models na nadadaanan naming. Kinikindatan ko na lang para swabe. Haha! Nasa likuran na kami. Binitawan na niya ang tainga ko. Angsakit naman! “Tita, baka tainga ng baboy ang ipalit dito kapag natanggal.”
Inirapan ako e. Nilapag niya sa mesa ang bente piraso ng mga larawan. “Oh check mo ang mga `yan kung sino ang top5 mo.”
Oh la la! Balingkinitan ang katawan! Hindi ako magko-comment sa kinis ng balat dahil baka edited e! Basta sexy sila.
“Ito! Sarap matulog sa unan niya! Ha ha ha!” tinuro ko ang picture ng may kalakihan ang dibdib. Pero tinakpan ko agad ang tainga ko! Haha. Tangina. Sa tagiliran naman ako kinurot! “Tita. Sorry na. Ha ha! Hindi na mabiro e!”
“Ayusin mo.”
Pinuntahan na niya si Tita Rid. Hmm. Naku! Nambabakod naman kahit mga shonda na ang kausap ni Tita. Zynthia niyo security guard! Bakit kaya ako ang pinapapili. Isip Roxie. Pamangkin ka lang ng Directress ng Persona. Bakit ikaw ang pipili ng modelo! Si Tita Z, selosa. `Yon lang naman ang alam kong dahilan ni Tita Rid. Ha ha! Alam ko na! Dapat `yong ganda na hindi magugustuhan ni Tita Rid para walang pagseselosan si Tita Z. Very intelligent talaga Roxie!
Hindi ko na tinaasan ang criteria for judging ko. Pumili na lang ako ng lima na hindi ako na-attract. Swerte ng naiwang mga pictures. Ibig sabihin pretty much sila sa paningin ko. Binigay ko na ang mga ito kay Tita Z.
“So pwede na akong mag-observe?” nagtaas-baba pa ako ng kilay. “So?”
Pinaningkitan ako ni Tita. “Don’t you dare flirt with anyone. Sobra ka nang malandi. Pinapaalala ko lang ha?”
Tinaas ko ang kanang kamay ko. “Swear. Observe lang. Titigan ko lang hindi ko titikman. Roar. Ha ha!”
Nakitingin na ako sa mga previews ng photos. Nakahalukipkip ako sa likuran ng photographer. Wala naman akong negative say. Gusto ko lang makita ang mga shots. Nice shots din! Tinawag ako ng isa sa mga models, si Ayin. Nag-high five kami.
“Langya ka. Sideline ka din pala dito?” Bungad ko agad sa kanya. “Sexy natin `tol.
“Actually, trip lang. Ganda ni Tita mo ha?”
Pinalo ko nga sa braso. “Hoy! Mga tingin mo. Kilala kitang babae ka. Hilig mo sa shonda.”
Tatawa-tawa niyang hinaplos ang braso niya. “Grabe! Judgemental! Single siya?”
“Nakikita mo `yong ma-pretty na may hawak na folder? `Yong may trenta na bangs? At red na lips? Hindi niya jowa `yon pero binabakuran siya. Kaya you calm your fingers bruh.”
“Tsk.” Gago talaga. Winisik-wisik pa niya ang kamay niya at pinatunog-tunog pa. “Sayang.”
“Gawin mo na sa iba kapatid, huwag lang sa kamag-anak o kaibigan ko.” Seryoso kong sabi dito.
“I know. I know. Ang-gorgeous lang ng Tita mo talaga.”
“Babe!” Owwshit! Umabresiete si Suzette sa akin. “Surprise.” Hinalikan niya ako sa pisngi.
`Yong reaksyon ni Ayin nakakatawa. Nanlaki ang mga mata niya pero sa boobs ni Suzette napatingin. Pinakilala ko sila sa isa’t-isa.
“Nice to meet you.” Inilahad ni Ayin ang kanang kamay niya. “Pina-follow pala kita sa IG mo.”
Natampal ko ang noo ko sa imahinasyon ko. Heto na naman si Ayin! Galawan talaga niya. Pero okay na rin nang hindi kay Tita ang atensyon niya. Mas Malala `to sa akin. Haha!
“Thank you. Anong IG mo? I’ll follow back.”
“Secret. Hindi ako nagpopost. Yaan mo na.”
Ha ha! Ayin niyo nagtatago! Kinawayan ako ng isang modelo din. Angsikat ko naman ngayon. Nakatrabaho ko na halos lahat sa kanila e.
“Famous as ever.” Naiiling na sabi ni Ayin. “Parang gusto ko nang maniwala sa mga tsismis `tol.”
“Baliw.” Kumaway lang ako pabalik sa mga modelo. “Friendly naman ako. Alam mo `yan.”
“Hindi naman sila maganda.” Inis na sabi nitong katabi ko.
“Wait. You like my friend here?” hindi makapaniwalang tanong ni Ayin. “God! Roxie! Believe na ako talaga sa’yo. How to be you po senpai? Ha ha!” May kasama pang palo sa braso niya. “I never thought talaga magiging girl magnet ka.”
“Gagu ka ba? Dapat alam mo! Ha ha!”
Si Suzette lang naman ang panay ang kawit sa braso ko. Uncomfortable! Knowing na baka may magpicture pa dito at lumabas sa social media. I’m so fuckin` dead sa magkapatid! Grrr!
Tinawag na sila ni Tita Rid for some announcements. Right there and then in-announce na agad kung sino ang babalik sa second screening. Hindi na ko nagulat na hindi kasama si Suzette pero I still act like concern s**t. Si Ayin pasok sa banga. Naka-chansing pa ang gago nang niyakap siya ng katabi niyang modelo. Kinilig pa yata napa-lip bite e. Ha ha!
“Libre kita `tol. Pasok ako e.” sabi nitong si Ayin pagkalapit sa akin. “Ayain ko na din si Suzette?”
“Bakit mo pa tinatanong?”
“Mukha mo. Kilala na kita. Hindi siya `yong pangmatagalan para sa`yo. Kaya tinatanong muna kita kung gusto mo siyang kasama ngayon.”
Sinenyasan ko siyang tumahimik dahil nakita ko si Suzette na papalapit sa amin.
“Cheer up.” Bungad ko agad dito. “Hindi pa end of the world.”
“Yeah. I’m just disappointed, I didn’t make it.”
“Whattahell is she doing here? Angganda talaga niya.” Napalingon din ako sa direksyon na tinitignan ni Ayin.
Si Kaiya! Anong ginagawa ng babaitang ito dito? Nang makita ako ni Jeid ay tumakbo na ito papalapit sa akin. Nagpakarga pa nga!
“Anong ginagawa niyo dito? Sinong bantay ni Gael?”
Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. “Check Tita kung babaero.”
Anak ng! Anglakas ng pagkasabi kasi niya natawa rin si Ayin. Kitang-kita ang dismaya sa mukha ni Suzette.
Nang makita ni Kaiya na karga ko si Jeid ay dumeretso siya kay Tita Rid. Nag-usap sila sandal saka siya lumapit sa amin.
“Sinong kasama ni Gael?”
“Yohan. Whole day siya doon. Siningil siya ni Gael e. Drinamahan niya. So, umalis kami.”
“Check babaero!” malakas na sigaw ni Jeid. Hindi talaga nakakatuwa ang batang `to minsan.
Bumaling si Kaiya kay Suzette. “You might wanna stay away from Roxie. Huwag kang pahamak.” Pigil na galit ang makikita sa mukha ni Kaiya.
Hindi rin papatalo sa kasungitan `tong si Suzette. Tinaasan din niya ng kilay si Kaiya. “Manipulative b***h. Anong pakialam mo kung may gusto ako kay Roxie.”
Owwsshiii! Tension! May ilang models na napalingon sa amin! Humalukipkip si Kaiya sa umismid. Pota! Pumagitna na ako na nakaharap kay Kaiya.
“Huwag dito. Please lang.” Pakiusap ko sa kanya. “Nakakahiya kay Tita.”
Pinaningkitan niya ako. “Sa office tayo ni Tita.” Walk out ang babaita!
Whattahell! Anglakas ng pagkasabi. Parang kailan lang Miss Ingrid ang tawag niya kay Tita. Tapos ngayon parang close na sila. Mababaliw na ako! Siyempre susunod ako! Pinagtitinginan na kami e!
“Next time na lang tayo mag-catch up.” Hindi ko na nahintay ang sagot ni Suzette. Kailangang sundan ang dragon. Ha ha!
Paalis na sana ako pero naalala ko `yong itsura ni Ayin kanina kaya binalikan ko siya. “`Tol, iba na lang. Putulin ko `yang mga lawit mo.”
Tinaas niya ang dalawang kamay niya. “Chill. Kalma naman ang tentacles ko. Ha ha!”