Chapter 35-I Owe You a lot

2697 Words
Kabanata 35 ROXIE Kasunod pala ang mini ramp modeling ng bagets! Haha! May ilang chikas na nag-stay pa para maging audience. Full support sa mga mini me’s nila. Isinama si Jeid sa mga kids na nagsho-shoot. Wala naman siya sa list e kaso ang bata kinatuwaan na naman ng board members ng company kaya pinasama na rin. For sure may say ang mga mahaderang magulang na kanina pa panay ang tingin sa amin. Pinaubaya na nga amin ang mga upuan sa kanila nakikilingon pa sila sa kinatatayuan naming. Paotograp kayo? “Angdaming Mimosa. Kasalanan mo `to. Sumunod pa kasi kayo.” “What do you want me to do? Mag-stay sa hospital while Yohan is there? Gusto mong mapanis ang laway ko?” “Oh, chill.” Tinaas ko ang dalawang palad ko para magtigil siya sa kaka-highblood niya. “We’re supposed to go to the mall. Pero mas gusto kang puntahan ni Jeid. Pinakain mo yata ng gayuma.” “Alam lang niyang pumili ng pogi. Ha ha!” Gagi! Anglakas ng palakpak ko nang lumakad na sa mini catwalk si Jeid. Proud Tita Pogi here! Ha ha! Itong katabi ko naman nakahalukipkip habang matamang pinapanood ang pagrampa ng bata. “Hoy matatakot si Jeid niyan. Palakpak ka naman.” Pumunta ako sa likuran niya hinawakan ko ang mga kamay niya saka pinalakpak. “Yiiee! Lesgo lesgo Jeid!” Lumapad ang ngiti ni Jeid nang makita niyang chine-cheer namin siya. Parang puppet lang si Kaiya kasi hawak-hawak ko siya sa kamay para pumalakpak e. Inakbayan ko siya. Akbay-tropa. Angbigat ng braso ko sigurado. “Kitams. Smile si Jeid. Ikaw talaga. Dapat support hindi simangot.” “I’m just trying to see kung ano ang mga need niyang i-improve.” “Duh. Bata pa siya. Hayaan mo kaya siyang mag-enjoy sa pagrampa. Ikaw porke hindi masaya ang child start memories mo pinapasa mo kay Jeid. Huwag gan`on, Mars. Palibhasa wala pang anak e.” “Akala mo may anak e.” Pagsusungit na naman niya. “Wala. Pero ganito si Tita Rid sa akin noon. Kahit marami na akong palpak sa performance. Palakpak pa rin siya. Siya lang nga nagtitiyagang nanonood sa mga programs sa school noon e.” Napa-throwback tuloy ako. Ha ha! Wala namang very busy na work si Mama pero simula pagkabata si Tita Rid na lang madalas ang pumupunta sa programs sa school. Mas kilala siya kaysa sa mudrakels ko. Napabuntonghininga ako. Iniakbay din ni Kaiya ang kaliwang braso niya sa balikat ko. “Comfortable din naman pala.” Sabi nito habang ang atensyon ay nasa catwalk. “Don’t worry. If ever you choose to be a performer, I’m more than willing to cheer for you. Papagawan pa kita ng light stick sa launching mo.” “Baliw. Kuntsabahin mo na lang fandom mo na suportahan ako. May ambag ka pang malaki n`on! Ha ha!” May isang modelo na lumapit sa amin. “Sorry po sa abala. Pwede ba akong magpapicture sa inyo?” “Pipicture-ran ka naming O makikipicture ka kasama namin? Char lang.” Ang-stiff kasi niya parang anytime maiiyak. “Sige. Game na.” Hindi ko tinanggal ang pagkakaakbay ko kay Kaiya. Nag-peace sign kami pareho. Ilang wacky pictures din `yon. Angdaming thank you ni model. Hay! “Tanggalin mo na kaya `yang akbay mo sa akin.” “Ayoko nga. Komportable. Bruh. Wazzup Bruh.” Pang-aasar ko pa sa kanya. “Shut up. Baka kung magbihis lalaki ako mainlab ka pa sa akin.” Owwshit! Tinanggal ko ang pagkakaakbay ko sa kanya. “Desisyon ka ah. Try me. Hindi ako ma-attract sa pogi. Duh.” Nag-smirk siya saka pinusod ang buhok niya. “Wig is enough. What do you think?” Nae-expose ang collarbones niya at batok. Sinaway ko siya saka inilugay ko ulit ang buhok niya. “Mas bagay mo ganyan. Kaysa boyish. Gagu ka ba? Ako lang ang pogi aagawan mo pa ako ng trono.” Inayos ko pa para may volume ang buhok niya. Balik na ang atensyon namin sa mga kids. Very cute naman talaga nila sa mga dress and suits. Napapaisip na tuloy ako magkaroon ng junior. Ha ha! Char mahal ang gatas at diaper. “Kai, kung makuha si Jeid ikaw magpaalam kay Jewel ha? Labas ako sa usapan. Hindi ko kayo dinala dito.” “Nag-chat na ako sa kanya na pinalista mo si Jeid.” Tangina! Napa-check ako agad sa phone ko! Naka-silent `to mula kanina para walang istorbo sana. May limang messages si Jewel. Bakit ko daw pinalista si Jeid na walang consent niya. Desisyon din daw ako e. Frustrated akong napatingin dito kay Kaiya. “Anong sabi niya?” “Pahamak ka. Sana masaya ka.” Walang kaamor-amor kong sagot. Kasora naman! Wala. Aakuin ko na naman `to. Galit na e. Nag-reply na lang ako na sayang ang opportunity since nandito naman na sila. Hindi pa niya na-seen ang message ko. Nawalan na ako ng ganang manood. Nagpamulsa na lang ako habang naiinip na hinihintay ang pagtatapos nitong mini fashion show. --- Umorder ng memeryenda si Tita Rid. Nandito rin sina Sir Charlie at Sir Gary. Chine-check na nila ang recorded modeling ng mga girls kanina. Pumipili na sila ng mas angat doon sa mga nakapasa kanina. Tinatanong din ang opinyon ko pero wala akong masabing matino bukod sa maganda sila at sexy. Pasta at iced tea na kinatuwaan ni Jeid. Wala akong ganang kumain. Na-seen na ni Jewel ang mga messages ko pero hindi naman siya nag-reply. Sarap kunyatan ni Kaiya. Chill na chill na kumakain e. “May sakit ka ba, Roxie? Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo,” tanong ni Tita Rid. Siya ang naglagay ng pasta sa plato ko. “Ubusin mo `yan.” Masama ang tingin sa akin ni Tita. “Nag-away ba kayo nitong si Kaiya?” Painosente na naman `tong si Kaiya e. Nakakainis naman. Hindi man lang nakokonsensya na pinahamak ako sa ate niya. “PMS lang siguro `to.” Inabutan ako ni Jeid ng juice. Dalawang kamay pa ang pinanghawak niya sa baso. “Tita, drink. Cold.” Kinuha ko ang drinks saka nilapag sa mesa. Pero ang batang `to nakapameywang pa na parang hinihintay kung iinom ako o hindi. “Why? Mamaya pa ako inom. Kumakain pa ako e.” “You’re not. So drink para busog.” Hinaplos pa niya ang tiyan niya. “Subo Jeid?” Pagpapraktisan pa yata niya ako. Anong akala niya sa akin? Manika niya? Loko `tong batang `to ah. “No. Kaya ko na. Kain ka na din doon.” “Maam Ingrid, handa ka na bang maging lola?” Natatawang tanong ni Sir Gary kay Tita. “Nai-imagine ko na kapag may little Roxie na. Mai-spoiled sa pamangkin mo e.” “Why are you asking her kung ready na siyang maging lola? Why not ready na ba siyang maging nanay?” Whattahell, Tita Zynthia! Tangina! Smooth! Ha ha! “Tita! Anong sinasabi mo? Ready ka na rin ba maging nanay? Haha!” “Whenever she’s ready.” Malakas loob talaga ni Tita Z! Yiiiee! Nawala na ang bad mood ko sa dalawang shondang ito. “Ready ka na rin ba magkaroon ng pinsan kay Rid, Roxie?” “Basta kayo ang mag-aalaga. Hindi ako.” Lakas ng banat ni Tita Z. Taob ang Tita kong masungit. Lumapit sa akin ulit si Jeid. Binigay niya ang ponytail sa akin. “Ipit, Tita.” Hindi naman ako ng tiyahin nito. Bakit sa akin nagpapaipit? Paanong ipit naman kaya ang gagawin ko sa kanya? `Yong dalawa na lang para mas cute. Ha ha! “Hiramin mo ang suklay kay Tita mo.” Narinig naman niya. Ayaw ko lang siyang kausap. Kaya itong bata siyempre nilapitan ang Tita niya para humiram ng suklay. Sana makaramdam ka na hindi nagtatampo ako sa`yo ano? Sinuklay ko na si Jeid at inipitan. Gusto din magpa-lipstick! Naku! Ngumuso e! “Humiram ka kay Tita mo ng lipstick.” Ginawa naman niya. Ito lang ang alam kong i-apply sa iba e. Light lang para cute pa rin siya. “`Yan. Pretty ka na lalo. Ibalik mo na sa Tita mo. Say thank you.” Humalukipkip ang loko. Tapos nag-abot ang kilay na nakatingin sa akin. Pinihit ko siya paharap kay Kaiya. De wala na siya nagawa. Ha ha! Minsan dapat maging immune din sa pagpapa-cute ng mga bata para safe ang pagtatampo. Ha ha! “Roxie, si Suzette. I really don’t like her.” Siyempre si Tita ko `yan. “You better stay away from her. I’m dead serious. Kinausap ako ng tatay niya. Isang-isa na lang ilulubog ko sa ilong pasig ang trapong `yon.” Ha ha! Tita ko highblood! “Anong sabi sa`yo `Ta?” “Hindi mo na kailangang malaman. Basta layuan mo ang anak niya nang matahimik naman ang buhay natin. I’m so done with controversies, please.” “Tita, angbias mo. Pag si Suzette, high blood ka. Pero pag si Kaiya parang wala ka man lang negative na comments `pag nagva-viral kami.” “Homophobic ba ang parents ni Kaiya? Hindi. Malandi pa si Kaiya? Hindi. Sumasama ba si Kaiya sa iba-ibang lalaki? Hindi. So, now you’re asking me bakit mas gusto kong magtrending ang mga trip niyo ni Kaiya sa twitter kaysa kay Suzette?” “Amen.” Tanging sagot ko na lang para magtigil na si Tita. Tumataas na ang boses e. “Kalma, Tita. Ako lang `to.” E de inirapan na naman ako ng very mabait kong Tita. Ha ha! “Magseryoso ka nga kung pinapayuhan ka. Dinadaan mo lahat sa kalokohan.” As in sa harap ng apat na shonda at isang bata ay pinapangaralaan ako ni Tita. “Kaiya, ihanapan mo nga ito ang magi-girlfriend nang manahimik na.” “Bakit ipapahanapan mo pa kay Kaiya?” sabad ni Sir Gary. “Bakit hindi na lang siya ang i-girlfriend ni Roxie. Perfect chemistry. I saw them kanina. At mukhang magkakasundo sila. Why not `di ba?” “Hello?! Sa mismong harapan namin kayo nag-uusap ng ganyan? Pwede namang kapag wala kami `di ba? Nakakahiya naman sa amin.” Sabad ko sa mga ito. Aba! Napaka-komportableng pinag-uusapan kami e. “Harap-harapan. Grabe kayo.” --- Pauwi na kami. Logtu na si Jeid as usual. Tahimik naman itong si Kaiya na nagba-browse ng phone niya. Nahahagip ng mata ko na sa twitter siya. “Anong chine-check mo diyan? May paparazzi pa sa Persona kanina?” “Wala. Marami lang interactions sa pinost nung model na pictures natin.” “Huwag mo na palang isipin `yong mga paandar nila kanina. Char lang `yong jowa-jowa.” “I know. Napaisip lang ako. If things get out of control, how would you react or even me. I can’t lose a genuine friend just because I fell beyond the boundary.” “Masyado mong iniisip ang future. Ne hindi ko nga naisip na mahuhulog ako sa`yo. Roar! May standards din ako.” “As if ako walang standards. Hindi ka pasok sa bare minimum.” Ganito ka-solid ang friendship namin. Pwedeng pag-usapan ang lahat ng bagay na hindi nakaka-offend. Kung kami lang dalawa ang mag-uusap baka pato itsura ng jebs namin pag-usapan pa namin. Ha ha! “About Jeid. `Yong kanina.” “Okay na `yon. Nakalusot naman na ako kay Jewel. Huwag mo na lang uulitin. Baka patayin na ako ni Jewel next time.” Tumunog ang phone niya. “Si Yael. Nag-ask kung pwedeng pumunta sa bahay. Ano naman ang pakay niya kaya.” “Sabihin mo, hindi pwede. Wala tayong kasama.” “At wala ako sa mood makipagkwentuhan. I feel so tired. Masakit ang mata ko. Parang sumisingaw ang init.” Kaliwang kamay ko muna ang nagmamaneobra sa manibela. Dinama ko ang noo niya. Mataas ang temperatura niya. “Lagnat laki lang `yan. Mamaya maglaklak ka ng tubig. Tangina. Kaya hindi tayo pwede maging magjowa din e. Pareho tayong sakitin. Ha ha ha! Hindi balance.” Bumahin pa siya nang makailang beses. “God! Angsakit sa ilong!” Angpula nga ng ilong niya. “May alam akong gamot diyan.” “Huh? Anong gamot?” Dinala ko sila sa isang very simpleng lugawan! Siyempre dito sa kilala ako at may privacy. Privacy sa gilid ng kalsada! Ha ha! “Sonya’s Lugawan”. Malapit na ito sa kanilang bahay kaya kebs na ang mga customers na nakakakita sa amin. Trinopa ko na sila n`ong minsang magawi kami ni Gael dito. Haha! Umorder ako ng special lugaw. Tinimplahan ko ng paminta at kalamansin ang para kay Kaiya. “Boss, kumusta si Bossing Gael? Nabalitaan namin sa tv `yong nangyari.” Tanong ni Aleng Maring, isa sa mga nagse-serve dito. Laging may good morning towel na nakasabit sa balikat niya. Tinatakip niya sa bibig niya sa tuwing tumatawa siya. Nahihiya sa fill in the blanks na ngipin e. hehe. “Okay na siya. Nagpapagaling na. Hayaan niyo at pag okay na okay na siya e dadalaw kami ulit dito.” “You’re friends with them?” Nagtaas-baba ang kilay niyo. “Hindi mo pa na-try dito? Malapit lang sa bahay niyo e.” Umiling siya. “Like I have time? Angbusy ko sa work kaya.” “Ay grabe! Masarap ang lugaw nila dito. Next time `yong especial mami naman.” “I like it here. Walang nag-i-envade ng privacy.” Tinuro ko ang karatola sa gilid. “Huwag istorbo sa ibang customers. Mind your own lugaw. ROAR!” Seyoso sila sa roar. Ha ha! “Ordinaryong mamamayan ka man or sikat pantay-pantay lahat  dito. Swear. Kaya maganda dito e may privacy kahit gilid ng kalsada.” “Tita, I want more.” Tinuro ni Jeid ang mangkok niya. Ubos na niya ang order niya kaya nag-take two pa siya. Matakaw din! Haha! Si Aleng Maring ang nag-serve ng pangalawang mangkok ng lugaw. “Thank you po.” Napangiti si Aleng Maring. “Angbait naman ng batang `to. Pagpalain ka ng, Diyos Hija.” “Their place seems old already. Pati mga tables nila marurumi na. Like dumi as in gasgas. Not the dumi na you know.” Angdami niyang napapansin. Kinuha pa niya ang baso na plastic saka inamoy. “This needs to be replace.” “Kaiya. Bibig mo. Nakakahiya.” Saway ko na agad sa kanya. Tumayo siya saka lumapit kay Kuya Baldo. Siya ang may-ari nitong lugawan. Inabutan siya ni Kaiya ng pera. Hindi ko alam kung magkano. May kakapalan at puro blue! `Pag pera talaga lumilinaw ang paningin ko. Hindi makapaniwala si Kuya Baldo. Naiiyak siyang ewan. Siguradong masayang-masaya siya dahil makailang beses na rin niyang kinukwento sa amin na makaipon-ipon lang daw siya ay mapapalitan niya rin ang mga kagamitan niya dito. “Just don’t mention na lang sa iba.” Rinig kong sabi ni Kaya bago bumalik sa table namin. Tinuloy niya ang pagkain niya. “Bakit parang biglang charitable person ka. Naku! Kaiya, `yong taong huling naging bait-baitan nasa hospital. Huwag ka naman sanang gumaya.” “You and your paranoid thoughts. This mini kainan needs lots of improvements. The timpla ng lugaw e unique. He just needs opportunity to improve more. Balik tayo dito kapag okay na ang renovation.” “Renovation?!” “Ahuh! Total renovation for this lugawan. `Coz why not? Deserved naman.” Natampal ko ang noo ko. “Tangina Kaiya. Kung bored ka huwag kang magpa-renovate ng restaurant ng iba. Anglala mo ring matuwa sa lugaw. Sobrang lala.” Hindi niya ako pinapakinggan obviously! Ginaya pa niya `yong mga nasa commercials kapag kumakain ng mainit na pagkain. Hinipan pa niya with feelings ang kinutsara niyang lugaw. “Hmmm! Gusto mo? Masarap e.” “Baliw.” Feeling CEO na mayaman sa mga fanfictions na nauuso sa internet. `Yong kayang bilhin ang kaluluwa ng mga love interest nila. `Yong compulsive buyers ng kung ano-ano para maimpress ang mga ka-labteam. Sarap kunyatan! “Thank you for bringing us here.” Sambit niya. “I really owe you a lot.”                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD