Chapter 27-Balik sa kasalukuyan

2191 Words
Kabanata 27 (Balik sa Kasalukuyan) ROXIE  “Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay…” Anglala ng tono ni Rica. Umagang-umaga nagvo-vocalized sa balcony. Nambubulabog pala ang tamang tawag d`on. “Baka gusto mong hinaan ang boses mo? Nakakahiya sa kabilang kwarto.” “’Alam mo bang fan na fan kita?’” Tatawa-tawa niyang panggagaya sa pagsigaw ko kagabi. “Tapos sasabihan mo akong nakakahiya ngayon. Wow huh? Kahiya naman.” “Gising ka pala no`n.” Maang-maangan ako ano? Gusto ko lang din kasing magising siya para damay-damay sa puyatan. Hahaha! Kaso nanahimik. Hindi man lang bumangon. Tosbas. De sana sinama ko sa room nina Kaiya. “Oo naman. Tipsy lang pero hindi ako TKO `no. Pero alam mo `yong sarap ng mojito? Naalala ko pa.” Sabay kunwaring hagod niya sa leeg niya. “Swabe bakla. Sharap!” Dumating na ang breakfast namin. Sa balcony na rin kami kakain. Sakto at hindi dito ang direksyon ng sikat ng araw. Feel na feel ni Rica ang ambiance. Sumubo siya ng pancake. Ginagaya niya iyong sa mga  “Hmm! Sharap! Magkano `to?” “Hindi sila tumatanggap ng reseller.” Biro ko sa kanya. “Sumasakit ang tiyan ko. Ha ha! Iba yata epekto ng mojito sa akin.” Hiplos-haplos ko ang tiyan ko. “Mag-iinom nga ako ng loperamide.” “Naku. Tubig lang `yan.” Humigop naman siya ng kape. “Pati kape nila iba ang lasa. Anong oras ang mall show? Makikisabay ba tayo sa kanila?” Umiling ako. “Nag-rent ako ng sarili nating car. Yayamanin `no? Haha! Char. Nakakahiya namang sumabay sa S5. Tas alangan commute-commute tayo.” “Buti na lang talaga. Tama ang desisyon ko sa buhay.” Sabi pa niya matapos humigop ng kape. “Teka, hindi naman kalakihan ang sweldo natin. Paanong parang mahayahay ka sa buhay? Drug pusher ka `no?” “Scammerist ako! Hahaha! Char! Secret ko na `yon.” Ginugol namin ang libreng oras namin sa pagsusulat. Ikaw ba naman tawagan nang tawagan ni Jewel, hindi ka magsusulat? Haha! Pressure! “Grabe pala si EIC.” Natatawang komento ni Rica pagka-sent ng isang write up. “Paspasan? Walang hingahan. Ganern?” “Oo. Grabe `yon. Hindi mo pa na-experience na mapingot-pingot. Ha ha!” Nai-send ko na ang article ko tungkol kay Skye. Angbilis `no? Kagabi ko lang ginawa ang interview e. Henyo. Char. Haha! Nag-stretching muna ako saka ko dinampot ang phone ko. Kaka-full batt e. Maraming notifs. “Wow. Daming texts.” Pang-aasar ni Rica. “Naol naalala.” “Gusto mo isa? Pero dapat landi responsibly.” Siyempre jinojoke ko lang siya. Tignan kung kakagat. “Anong quality ang nais? Bilang senpai, bibigyan kita. Ha ha ha!” “Wala akong oras lumandi. Alam mo `yong oras na ipasok ko `to.” Pinakita niya ang index at middle fingers niya. “Ititipa ko na lang sa laptop. Magkakapera pa ako.” “Tama! Sa mon-mon tayo!” Nag-high five kami. Pareho kami ng goal e. Pera bago landi! Ha Ha! Anggara naman ni Jewel, humihingi ng update sa kanyang kapatid. `Yan nireply ko na wala akong balita dahil busy ako. “Oy, Speed si Yael. Kasabay niya mag-breakfast sina Skye at Kaiya.” Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. “Naghahagilap ako ng tsismis. Nakita ko `tong IG story ni Skye.” De nag-message ako kay Jewel na i-check ang IG stories ni Skye. Solve ang update sa kapatid! Mahayahay ang buhay! “May tanong ako. Bilang mas nakakatanda sa`yo nang konti at hindi bilang bagong katrabaho ha?” “Serious talk ba `to?” Tumango naman siya. “Tsismosa lang naman ako. Lagi ko kasi nakikita mga trending issues ninyo. Kahit feel ko naman na sadya na `yong iba. Nagtataka pa din ako. Hindi ka ba kinikilig kahit konti?” Napaisip din ako sa tanong niya. Hindi kya pinadala siya ni Lord para guluhin ang utak ko? Kung sa mga kwento siya `yong mag-iinitiate ng plot twist. Manunulat pa man din siya. Don’t let your guard down Roxie! Mortal sin ang makipag-soft talk sa author. Lol! Umiling ako. “Hindi ko nga ma-imagine e. Parang under yata ako kapag jinowa ko siya. Haha! Ngayon lang anglakas na mag-utos. Parehong-pareho sila ni EIC.” “Pero alam mo? Huwag kang magsalita ng tapos.” Pagbibigay-diin pa niya. “Lalo madalas kayong magkasama? Naku! Delikado `yan.” “Bakit palaging pinagbabasehan na laging magkasama kaya nagkakagustuhan? Paano naman `yong mga nagkakilala online tapos nagka-inlaban? Hindi naman sila magkasama ah?” Naiiling siya habang nangingiti. “Alam mo `yong pakiramdam na parang nandiyan lang siya kasi lagi mo kausap? Lagi kang kino-comfort kahit through calls? Tapos may video calls pa. Ganoon.” “Bakit angdami-dami mong alam? Malapit ka nang itumba. Ha ha ha!” “Actually, sana itumba na lang ako e. Ma-appreciate ko pang madeds na lang.” “Mojito pa? You like?” “Pota naman. Mojito agad? Asan? Hahaha!” Humiga na muna ako. Marami-rami pang oras na tumambay. Unlikely talaga ang friendship namin ni Kaiya to the point na pati ako nagtataka bakit friends pa rin kami kahit napakahirap niyang spellingin. Ha ha! Laging nauuwi sa kung sino ang mas uunawa sa pagkukulang ng kaibigan. Marami din akong flaws na siguradong inuunawa niya. Siyempre! Una sa lahat ay ang kapogian ko. Itinuturing ko na itong flaws minsan.  Magtambay muna ako sa twitter. Mag-stalk-stalk na lang muna. Sinong uunahin? Ah si Celeste muna. Haha! Pumunta ako sa profile niya. Binibida na naman niya ang kanyang cleavage. Nice naman ang pagka-tanned niya. Nakaka-hot `yong papawis-pawis pang effect. 8 out of 10 ang score. It’s a yes for me. Naalala ko `yong nakakalokang tagpo namin sa parking lot. Grr! Exit na nga `to. Iba na naiisip ko. Next. Sige, si Suzette naman. Aba! Ang post niya religious. Ha ha ha! Kung may haha lang dito sa twitter `yon na ire-react ko. Kung alam niyo lang! napaka-relihiyoso ng post pero lakas maka-pornstar mag-message. At heto na nga siya. Tumatawag na siya. Video call pa ang nais. Chineck ko ang time. Pwede ko pa siyang kausapin. Sinagot ko na. Tinakpan ko ang mga mata ko kasi baka kailangang patakan ng holy water ang mga eyeballs ko sa makikita ko. Haha! “What are you doing? Bakit may takip ang mata mo?” Onti-onti akong sumilip. Tangina! Sabi ko nga. Dapat may baon akong holy water e! Kumakaway na naman ang kanyang pinagpalang boobs. Nagkakamay siya habang kumakain. Sarap ng subo naman ng hotdog. Haha. “Breaktime ko muna. Katatapos magsulat ng article.” Tumagilid ako. Para akong nanonood ng sexy star na nagmumukbang. “Kailan ang balik mo dito, Babe?” “Next week siguro. Why?” Urg. Like angsexy ng paglick niya sa daliri niya. Simot sarap ba ang hakdog? Nagugutom na yata ako. Ha ha! “Drop by ka dito. Or deretso ka sa resort. Kita na lang tayo doon?” “Ma-busy ako e.” Pagsisinungaling ko naman. Baka kung ano ang naghihintay sa akin `no! Baka it’s a trap! “Wala kang schedule ngayon?” Umiling siya. “Ikaw muna i-schedule ko.” Sabay kindat pa sa akin. “What do you think?” “Ha ha! Baliw. May work ako mamaya.” “E Babe, gusto magkita tayo pagbalik mo dito ha. Alam mo na catching up.” Sabay kindat din. “Try. Basta hindi busy. Libre mo ako ha? Ha ha!” “Kahit ako na lang ang kainin mo! Hahaha!” Shit. Nag-a-attempt ng video call si Kaiya. “Teka. Tumatawag si EIC. Sagutin ko lang.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Kinansel ko agad na ang video call naming saka ko naman sinagot ang tawag ni Kaiya. “Sorry. Kausap ko kasi si Suzette.” Ha ha! Ganda ng bungad ko. Totoo naman e! Mainit ang dugo niya kay Suzette kaya angsarap niyang inisin din. “Oh? Ang-aga naman ng image you can hear ninyong dalawa.” Hayan na naman `yong signatures cold eyes niya. “Sabay na kayo sa amin mag-lunch sabi ni Kuya Santino.” “Bakit? E may pang-lunch naman kami.” Itsura ni Kaiya. Galit na naman. Parang tatagos ang laser eyes sa screen e. “Ikaw na nga ang ililibre. Ikaw pa ang aayaw? Sige! Bahala ka diyan magutom. Nandito na si  Miss Rica.” Whattaheck? Nagpalinga-linga ako. Wala nga siya! Sinubukan ko siyang tawagan sa messenger pero hindi nagri-ring ang account niya. Sus! Naka-off pa yata ang data. Tinatamad na akong lumabas. Dito na lang ako kakain. Umorder na lang ako via intercom ng lunch ko. Chop suey and chicken! Papakin ko na lang `to. Awws! Peaceful! Just like the old times na mag-isa ko lang sa aking munting tahanan! Ka-chat ko ulit si Suzette habang kumakain ako. Tamang landi lang. Tamang hanap ng mga Gif na lang naughty-naughty. Ha ha! Nagre-request siya ng pic ko naman na topless haha. Ano siya? Sinuswerte? “Sa personal na lang! ha ha ha!” May kasamang emoji na nagli-lick ang message ko. May nag-doorbell naman. Anglakas ng timing. Susubo pa lang ako e. Ilang beses pa. Nag-aapura? Aba naman! Uminom muna ako ng tubig saka pumunta sa may pintuan. Silip muna sa pin hole baka masamang nilalang e! Halla! Si Kaiya! Pinagbuksan ko siya. Angsama na naman ng tingin sa akin e. Parang laging may pagbabanta sa buhay ko ang mga tingin niya. “Uy anong tingin `yan? Ako tinatamad lang. Kagigising ko lang oh.” Umarte ako na pipikit-pikit pa ang mga mata ko. “May muta pa nga e.” Tinanggal ko pa kunwari. “Lunch tayo. May dala ako.” Tinaas niya ang isang paper bag. “Seafoods `to. Baka magustuhan mo.” Tuloy-tuloy siya sa balcony saka inihain ang mga dala niyang pagkain. “Why don’t you eat rice? Nagpapapak ka lang. Dapat sumabay ka na lang sa amin.”           Napansin ko ang garalgal ng boses niya. Hindi na ako nag-atubiling niyakap siya. “Okay lang `yan. Magiging okay din ang lahat.” Saka ko na lang narinig ang kanyang mga hikbi. “Hindi ko kayang makita silang masaya. Kahit kasalanan ko naman.” Napayakap na rin siya sa akin habang tuloy ang pag-iyak niya. “Anghina ko. Sobrang hina ko.” “Sshhh. Iiyak mo lang. Lilipas din `yan. Nandito ako oh.” Bahagya ko siyang inilayo sa akin. Pinunasan ko ang mga luha niya. “Tahan na. Mapapansin na naman ang mga mata mo. Sabayan mo na lang akong kumain. Pero konti lang kainin mo baka hindi ka makasayaw maigi mamaya.” ---           Nang dumating sina Skye at bumalik na rin si Kaiya sa room nila para makapag-prepare. Sana okay na siya. Naluluha-luha habang umiiyak e. “Angbilis umalis ni Kaiya kanina. The flash. Hindi ka pa daw kasi kumakain kaya dinalhan ka. Sweet naman. Hindi ba angsweet?” Kung alam mo lang naman kung bakit siya umalis doon. “Ka-fall-fall kaya `yon. Hindi ka man lang ba kinilig?” “Secret.” Isinuot ko na ang hoodie ko. Sinuklay-suklay ang buhok ko gamit ang daliri ko. Lagyan ng konting bangs para medyo pogi naman. “Tara na. Puntahan na natin sila. Makisabay na tayo pababa.” “Artistahin naman talaga. Napakapogi.” Ewan ko kung puro ba `yan o pang-aasar. “Baka ikaw ang tilian ng audience mamaya.” “Sanay na ako.” Buong confidence kong sagot. Ha ha. Ready na nga din sila nang pumasok kami sa room nila. Nagpi-pictorial lang sila. “Uy, tamang-tama! Nandito ang professional!” baling sa akin ni Skye. Inabot niya sa akin ang phone niya. “Picture mo naman kami. Pang-Socmed lang.” Kumuha lang ako ng ilang shots. Cute naman. Nilapitan ko si Kaiya. Halatang-halata ang hesitance niyang magperform ngayon. Hindi makakapagsinungalin ang gestures at mga tingin niya. Iniaangat ko ang mukha niya. “Tumitig ka nga sa akin.” Chineck ko maigi ang mga mata niya. “Kaya mo. Okay? Kakayanin mo. Ako ang hanapin mo sa audience. Huwag mong titingnan sina Yue. Gets?” Pinakita ko sa kanya ang blue yarn bracelet ko. Confused ang tingin niya sa akin. Kinuha ko ang kanang kamay niya at inihawak sa bracelet. “Wish na.” nagtaas-baba ako ang kilay. “Wish in anything blue. `di ba? Kaya wish ka na.” Tumango siya saka ngumiti. Pumikit siya nang ilang sandal. “Thank you.” “Perfect shot talaga!” Napatingin kami kay Skye. Nakangiti itong nakatingin sa screen ng phone niya. Pinakita niya kay Rica ang mga pictures. “Bagay `di ba? Ship ko `to.” “Better than KaiHan.” Iiling-iling na sagot ni Rica. “Perfect!” pumalakpak pa siya. Ready na ang lahat. Kinatok na rin kami ni Kuya Santino. “Guys, let’s go. Nasa ibaba na ang shuttle.” Bumaling sa akin si Kuya Santino. “You didn’t tell me you have another famous friend aside from Kaiya. She’s waiting sa parking lot din.” Napatingin sa akin si Kaiya. “Sino `yon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD