Kabanata 26
ROXIE (Pagbabalik-tanaw II)
Parang lilipad ang kotse sa pagmamaneho ko. Bukod sa nag-aalala ako ay gutom na rin ako! Kung bakit kasi naisipan pang umalis nang pagkaaga-aga ni Kaiya. Hindi pa nagsabi! Pwede naman niya akong gisingin para samahan siya. Hindi ko naman siya hihindian dahil kasama ‘yon sa sinumpaan kong tungkulin bilang tagapangalaga niya. Kidding aside, pinanumpa ako ni Jewel kanina kulang na nga lang kontrata e.
Halos matalisod ako sa tinatawid kong pilapil nang matanaw ko na ang bahay nina aling Maring at natatakam na rin ako sa agahan! Nag-aalburuto na talaga ang mga alaga ko. Nagmamala-anaconda na sila!
“Helena!”
Kunware hindi ako gutom. Ngiting-ngiti pa akong kumaway-kaway. Pa-cool siyempre! Pagkalapit ko ay agad akong naupo at Kinuha ko ang plato niya. wow! Ginisang sardinas! Angsarap nito.
“Paano mo maatim na kumain habang wala ako?”
“Hindi ko iniwan ang bibig ko sa`yo.” Tagsungit agad. May dalaw kaya diya? Nevermind.
“Ayie.” Kontra-bulate ko sa mood niya. Konteng kembot at ngingiti na rin yan. ”Kain ka marami ha? Para deretso taping na pagbalik nating ng farm.”
Sa tingin niya, papanoorin ko lang siyang kumain? No way!! Dahil abot leeg na ang gutom ko ay nagluto pa ulit si ate Dori ng ulam. Pasensya naman sila at namiss ko kasi ang paggisa niya ng sardinas. Hindi makuha ni ate ang ganitong timpla e.
“Kain ka pa…” Alok ko kay Kaiya. Baka isipin niyang maximum level ang kabastusan ko e.
”Huwag ka ngang magsalita na puno ang bibig.”
At dahil gusto kong makabawi. Nginitian ko pa siya nang punong-puno nang pagkain ang aking bibig. Halos mailuwa ko na nga ang kanin e. haha. Mas lalo siyang nainis!
Napainat ako matapos kong kumain at bilang pambawi ay nag-volunteer akong magligpit ng pinagkainan namin.
“Oh ito pa.” Ipinatong ni Aling Marin gang kawali sa kawayang lababo. ”Huwag mo nang paputiin yan at mauulingan rin kapag nagluto.”
“Hay naku Nay, sa susunod dadalhan ko na kayo ng shellane nang hindi na mangitim ang mga kaldero at kawali niyo.”
“Huwag na. Mas masarap ang kutong kahoy.” Pangtanggi naman niya. ”Siya nga pala Osing, `yan bang si Kaiya e gelpren mo?”
Muntik ko nang mahulog ang baso sa tanong niya. ”Guuraabee naman. Huwag kayong mananakot nang ganyan!”
Joke ‘yon! Bakit hindi siya natawa? Seryoso pa niya akong tinitigan na parang isang criminal na kinakastigo ng mga pulis.
“Kras mo siya `no?”
“Hindi nga. Kapatid siya ng idol ko kaya kinaibigan ko rin siya. Saka broke yan. Hindi siya love ng love niya.”
“Parang ikaw?”
“Issue ka `Nay ha? Push mo yan. Dadalhin ko na ang antenna ng tv niyo para hindi ka na makanood ng mga tsismis. Saka iilang araw ko pa lang siyang nakakasama `Nay. Dalawang araw lang yata kaya impossible yang sinasabi niyo.”
Napailing lang siya.” Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.”
Angdami-daming alam ni `Nay Maring palibhasa may edad na. Ayoko na ngang makipag-argumento pa sa kanya at baka atakehin siya ng high blood kapag pinilosopo ko pa siya.
---
Pabalik na kami sa kotse. Tahimik lang ako dahil nakakapagod magkwento habang naglalakad. Joke to myself, iniisip ko kasi ang sinabi ni Nay Maring. Crush ko ba `tong malditang babaeng to na pilit pinaksisiksikan ang sarili kay Yohan? Na may ibang mahal?
Anghaba ng description ko. Ulitin ko na lang, crush ko ba tong hangal na to? Okay lang naman siguro. Kasi `yong crush paghanga lang. Maganda siya kaso shunga din. Haha!
Bukod pa diyan ay gusto ko rin siyang pingutin sa tainga gaya ng ginagawa ng ate ko noon sa tuwing tinatakasan ko siya. aba! Nag-alala si Jewel sa kanya kanina a! sige, pati ako nag-alala na rin nang kaunti.
“Uy sorry.”
Galit-galitan pa rin ako! Nakakatuwa kasi siyang magsorry parang pusa. Acting pa akong walang pakialam habang nagmaneho na ako. gusto kong pisilin ang ilong niya dahil namumula na ito. Naiiyak ba siya? Isang sorry na lang tatanggapin ko na.
“Uy! Adik sorry na.”
Itinigil ko naman ang kotse. Tatanggapin ko ang sorry pero hindi gan`on kabait ng pangtanggap siyempre. Kailangan niya ng kaunting sermon.
“Sorry NA? Napilitan? Huwag gan`on. At please huwag mo nang uulitin `to. Nag-aalala ang ate mo.”
Yan! Kalma ka rin Kaiya kahit ilang Segundo lang.
“Sorry.”
Siguradong hindi magandang atmosphere kapag nagpang-abot sila ni Yue. Kahit artista siya ay hindi naman siya manhid para itago ang sakit at umakting na Okay lang ang lahat. kung nagkataon pagagawan ko siya ng monument sa tabi ni GAT JOSE RIZAL sa Luneta.
Nakabalik na kami sa mansion. Pinagbuksan ko siya pero bago niya ako iwan ay napigilan ko pa siya. hindi ko siya pwedeng hayaang sumuong sa isang sitwasyong masasaktang siya nang paulit-ulit.
“After ng taping aalis na tayo. Nagpa-book ako ng flight para bukas. Mag-i-stay tayo sa hotel mamayang gabi.”
Buti nag-agree naman siya. Kung hindi man ay pipilitin ko pa rin siya! kahit umabot pa sa puntong papainumin ko siya ng pamapatulog at itakas papuntang hotel. Hindi naman siguro ako kakasuhan ni Jewel kung ipapaalam ko sa kanya diba?
Hindi rin ako umalis sa tabi niya. Inabala ko na laman gang sarili ko sa pagkuha ng mga larawan habang siya ay nagkakabisado ng mga dialogs niya.
Nakakabilib kung paano niya nagagawang paghiwalayin ang professional at personal lives niya.
“Angseryoso mo naman.”pang-aasar ko sa kanya matapos ko siyang kuhanan ng larawan. Napakanatural ang kanyang ganda.
”Mind your own business.”
Para todo na ang pang-aasar ko sa kanya hinablot ko ang script. Kanina pa siya e impossibleng hindi pa niya to memoryado.
”FYI Kapatid ni Idol. since kagabi You are My business. So, anything connected to my Business matters to me. Tandaan mo kasi English yan.” Saka ko itinapat sa mukha niya ang script ulit. “Galingan mo gusto ko take one lang.”
Take one lang nang makaalis na rin ako dito. May sarili rin akong isyu na gustong iwasan.
“Focus ka nga diyan.”
Nagpasak ako ng headset. Feel ko ang mga tugtugang nobelty. Mag-otso-otso na nga muna! Haha. Gusto kong ibaling dito ang atensyon ko at iwasan mapatingin sa kinaroroonan nina Jewel. Sabi ko nga may issues din akong gusting iwasan.
Isa rin ako siguro sa mga taong nararapat bigyan ng monumento sa Luneta. Nagkaroon na ako ng mga pagkakataong iparamdam kay Jewel na mahal ko siya. Sinabayan ko ng padyak ang tugtog kahit wala na tiyempo kailangan kong mawaksi sa isip ko si Jewel.
“Huwag ka nang makulit!”
Sandali naman akong tumigil nang makita kong iritang-irita na siya. Nabasa ko na ang script niya kanina kaya alam kong ito ang pinakamabigat na parte sa character na ginagampanan niya.
“Mahirap bang isipin na pakakawalan mo na siya?” Seryoso kong tanong sa kanya. Ganoon kasi ang takbo ng script. Papakawalan na niya ang karakter ni Yohan.
“Baliw. Pelikula lang to.”
“Sana nga totoong buhay na e.”
--
Pinanood ko ang ilang minutong eksena nina Yohan at Kaiya pero hindi ko maiwasan mapatingin kay Jewel at Gael. Mukhang nagkasundo na sila. Nakakainggit ka Gael dahil hindi nawala ang pagmamahal niya sa’yo. Napabuntong hininga ako nang magyakap silang dalawa.
Strike out na ako sa eksena. Kung sa mga nakaraan araw ay nakakaepal pa ako kay Jewel, paniguradong babakuran na siya ngayon ni Gael.
“Kinilig ka na naman `no?” Pagbabaling ko ng atensyon kay Kaiya nang bumalik siya sa upuan niya. “Madapuan lang ng kamay kikiligin agad. Dapat hintayin mong ganito ang hawak sa’yo.”
Pinag-intertwine ko ang mga daliri namin sa isa’t-isa. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng security sa tulad kong nagmamahal ng one sided. Pareho kaming wasak. Ha ha! Sawi!
“Nasasaktan rin pala ako.” Isang weak na ngiti ang binigay ko sa kanya.
Sa totoong buhay? Hindi ang pag-hold on sa sitwasyon ang makakapagsabing matapang ka. Mas madalas ay ang pagbitawan at pagpapalaya sa sarili.
Napakadaling sabihin! Ilan na ba ang sinabihan ko na magmove on sila dahil walang patutunguhan ang one sided love? Samantalang ako, heto, 6 feet under the ground pa rin ang feeling sa tuwing nakikita kong Masaya si Jewel kay Gael.
Anghirap. Anghirap ng pakiramdam na ako mismo ang gumagawa ng paraan para magkasundo silang dalawa. Pero sa kabilang banda, naiibsan ang sakit kapag nakikita kong maaliwalas ang mukha ni Idol.
One sided love ang pinakadakila at pinakanakakatangang uri ng pag-ibig. Kahit sabihin pang iyan ay maituturing na true love hindi nito mapagtatakpan ang katotohang talo ang taong nagmamahal lang at hindi sinusuklian ng parehong antas ng pagmamahal.
-
All our bags are pack we are ready to go. Kanta yan! NIREVISE KO LANG. Back ground music ko habang tinatapos ang pag-i-impake ng mga gamit naming ni Kaiya. Nauna na kasi siya sa baba. Nag-offer na lang akong isaayos maging ang mga gamit niya dahil pagod rin siya sa taping.
Gaya ng inaasahan ko ay nasa tapat ng pinto si Yohan. Sabihin na nating, malakas ang vibes ko dahil kanina pa siya nakatingin sa amin ni Kaiya. But not a sign of jealousy on her eyes. Walang bahid kahit tuldok ng bolpen!
“Oh, anong maipaglilingkod ko sa’yo?” Wala siyang ginawang masama sa akin kaya wala akong right and left para sungitan siya at isa pa, nagasgasan ko ang kotse niya noon pero hindi siya nagalit! Angbait nitong batang ito sana hindi pa siya kunin ni Lord.
“Gusto ko lang magpasalamat sa`yo sa pag-aalaga mo kay Kaiya.”
“No worries. Basta mangako kang hindi mo na siya babalikan dahil sisiguraduhin kong mata mo lang ang walang latay.” Birong pagbabanta ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya. Epic ng mukha niya parang kambing lang. Siya malaman ang tinutukoy lagi nina Jewel at Kaiya noon sa mga tweets nila na Llama. Kambing lang e. Bigyan ko kaya ng dahon to. Sa susunod!
“Biro lang! Sige. Mauna na ako may aalis na kami ng maldita e.”
Nilingon ko siya nang tinawag niya ulit ako.
“Bakit?”
“What do you think of her and why are you doing this?”
Nagkibit-balikat ako. Kung magtanong naman kasi siya parang si Nay Maring e. `Yung may inaasahan nang positive na sagot. Yung may tamang hinala!
”Hindi ako sigurado kong gusto ko siyang protektahan dahil kapatid siya ng idol ko o gusto ko lang dahil gusto ko.”
Dahil yung ang totoo. Hindi ako sigurado sa purpose ko ngayon. May mga pagkakataong dahil naiisip kong nag-aalala si Jewel sa kanya kaya gusto ko siyang protektahan pero may mga pagkakataon ring nagkukusa akong hindi umalis sa tabi niya. ewan! Anggulo ko! singgulo ng kulay ng buhok ko!
Isiniksik ko na nang isikniksik ang mga gamit namin sa kotse. Ipapakuha na lang ito ni Apan sa hotel bukas. Sanggang dikit yan si Apan kaya’t tiwala akong lagi siyang nakasuporta sa mga desisyon ko sa buhay.
…
Hapong-hapo ang katawan ko pagdating naming sa hotel! Buti na lamang at punong-puno nang pagkain ang mesa. Mabutas man ang bulsa ko ay wala akong pakialam basta mabubusog ako!
“Grabe? Ilang anaconda ba ang alaga mo diyan?”
“Huwag mo akong pansinin. Kain ka na lang.”
“Wala akong gana.”tumayo siya at nagtungo sa banyo. Tsk. Anong akala niya sa akin? hindi niya ako pwedeng maisahan ngayon.
“Roxie! Bakit walang bath tub!”sigaw niya.
Epic win! Pinili ko talaga ang room na to dahil walang bathtub. Aagawan kasi na naman niya ako ng trono no.
Nakapameywang siya sa harap ko ngayon habang ako naman ay ineenjoy ang pagkain ng chicken drumstick.
“Bakit ganito? Diba sabi ko sayo yung may bathtub ang kunin mong kwarto?”
Nilagok ko ang natitirang tubig bago ko siya binalingan ng pansin. “Para fair. No bathtub, no arguments. Pareho tayong matutulog sa kama, kung gusto mo sa sahig ako para hindi mo naman sabihing sinasamantala kita.”
Hindi ko madescribe ang tamis ng tagumpay nang mapikon siya. isang ligo lang yan kakalma na ulit siya. At ako naman? Magrereport ako kay Jewel. Pero sa text lang, ayokong marinig ang boses niya.
--
Feeling fresh! Inabot yata ako ng isang oras sa paliligo. I took all the stresses away! Tinanggal ko ang libag ng nakakaurat na raw na ito! Nagpapatuyo pa ako ng buhok pagkalabas ko ng banyo.
“Kadilim naman! Buksan mo ang ilaw!”
Napa-wow ako nang para kaming nasa kalawakan sa mga bituin sa kisame.
“Angganda no?”
Itinutok niya sa akin ang screen ng kanyang cellphone. Nakahiga si Kaya sa sahig na nilatagan niya ng Kumot.
“Tamad na akong umakyat sa rooftop para mag-stargazing kaya ito na lang.”
Sapat lang ang hologram na kisame nang bedroom. Pangmayaman na gadget talaga ang mga hilig ni Kiaya. Kakabilib! Hologram kaya ng sexy na babae meron siya? Hoho. Next time ko na itatanong.
“Libre tumingin. Mahiga ka rin para hindi mangawit ang batok mo.”
Regalo daw ito sa kanya ng isang kaibigan. Anggaling nga e, ganitong-ganito ang mga nakikita ko sa ma science exhibits! Lupet! May pinindot siya at may mga parang shooting stars rin. Baka may alien pa siya.
May pinindot ulit siya at yung mga bituin kanina ay nagkaroon ng mga guhit na nagkokonekta sa isa’t-isa.
Inisa-isa niya ang mga ito. Guuraabee! Mas naintindihan ko pa ang explanation niya kaysa sa teacher ko nung high school.
Napapatunganga nga ako e! so isa lamang siya sa mga artistang hindi Boobita Rose. You know, yung walang alam gawin kung hindi umarte nang umarte pero medyo hangin ang utak.
Napapahikab na ako pero pinilit ko pa ring magising dahil ayaw kong mawalan siya ng gana sa pagkukwento. Ramdam ko rin naman kasing paraan lang niya ito para hindi isipin ang kinasasanlakan niyang sitwasyon.
“Roxie, naniniwala ka ba sa wishes? Like wishing upon a shooting star?”
Umiling ako.” Ginawa ko yan noon, nagwish ako na umulan pero hindi nangyari. Napag-alaman ko na lang na yung anak pala ng kapitbahay namin nagwish na sana umaraw para matuyo ang mga ani nila. Hayon! Nasira ang plano kong maligo sa ulan.”
“Baliw.”
Haha. Oh de ngumiti siya! iba talaga ang talino at sense of humor ko!
“Seryoso kasi. What if may shooting star? Tapos matutupad ang wish mo. Anong hihilingin mo?”
Sandali akong napaisip.”Gusto kong mahulog mula sa langit ang taong magmamahal sa akin ng tunay.”
“Ganun? Love agad? Hindi pera?”
Tumango ako.”May sapat naman na akong kita. Kaya gusto ko naman na ng love life. Ikaw ba?”
“Secret. Baka hindi matupad e.”
Nag-alarm naman ang cellphone niya.
“Ahy 11:05 na. Wait natin ang 11:11 then magwish tayo ha? Huwag mong sasabihin ang wish mo para may chance na magkatotoo.”
“Naniniwala ka d`on? Kaartehan lang ‘yun.”
“Che. Manahimik ka. Basta dapat magwish ka rin para hindi mo kontrahin ang wish ko.”
At taimtim nga kaming naghintay sa 11:11! Diyos ko, Gawain ito ng mga followers ko e. yung ipopost pa nila ang mga wishes nila. Maka-date ang favorite artist niya, first kiss daw, may nabasa nga ako medyo SPG na 11:11 wish!
Will you make a wish
Make a wish
Bi shang yan jing
Yuan wang shi kou jing
Make a wish
Make a wish
ni hui ting jian zhen cheng de hui yin...
Alarm tone niya yan!
“Yan na! Wish na tayo!”
Para hindi niya ako sisihin kapag hindi natupad ang wish niya ay pumikit na rin ako at tulad ng sinabi ko kanina ay sana mahulog mula sa langit ang taong magmamahal sa akin ng tunay.
Hinintay lang yata niya ang 11:11 dahil agad rin siyang bumangon para maghumiga sa kama. Gaya ng sabi ko sa sahig ako matutulog pero itabi ko sa kanang bahagi ng kama niya ang foam. Malas daw kapag sa paanan ako matutulog. Sabi-sabi ng mga matatanda pero ayokong suwayin baka totoong may masamang mangyari no! hindi pa nga dumarating ang anghel ko e madideds na ako? Hindi pwede yun!
“Uy, hindi ka ba nagpapaalam kay Prince charming mo? Dapat may one last word ka rin. Haha! Gaya sa pelikula.”
Umiling naman siya. Agad-agad nga e walang second thoughts! “Can we start moving on the moment we leave this place? Ikaw magmove on sa unrequited love mo sa ate ko at ako naman sa pagpapakatanga ko kay Yohan.”
“At darating ang araw na tatawanan na lang natin ang mga katangahang pinaggagagawa natin dahil sa pag-ibig.”