Chapter 25-Pagbabalik-Tanaw 1

1662 Words
Kabanata 25 ROXIE (Pagbabalik-Tanaw) Ginaganap ang shooting ng pelikula na pinagbibidahan nina Kaiya at Yohan. I-interbyuhin naman naming ni Jewel ang director ng pelikula, Si Direk Apan, dahil ito ang comeback movie niya. Pagdating pa lang naming hindi na kami agad nagkapalagayan ng loob ni Kiaya. Kung magkakasundo man hindi rin tumatagal. Pero kapatid siya ni Jewel kaya susubukan kong maging mas mabait sa kanya. Sa tuwing wala silang shoot inaaya ko siyang mamasyal muna. Labag sa loob niya pero mas maigi tong nagkakaroon siya ng oras na malayo sa taong nagbibigay ng stress sa kanya. Si Yohan na cold ang pagtrato sa kanya. Hindi nga ako nagkamali! Nag-enjoy naman siya e, plus napasaya pa niya si Helena. Bibisyuhin ko pa sana siya nang pauwi na kami pero napagod na rin ako. Tao lang ako e napapagod rin! Hays! Halos maghahating gabi na e hyper pa ang mga kasambahay nina Apan. Mayroon bang extra bayad ang mga ito o overtime pay? “Manang,  bakit gising pa kayo? Kalagitnaan na ng gabi ah.”Usisa ko sa kanila. “Kakatawag lang po kasi ni Maam Apan. Nandito na po si Maam Yue.” ”Ganun po ba. Sige po.” Hays! Malihim na akong tao pero mas malihim pa pala itong si Apan! Kanina lang naman niya nakwentong magkaibigan sila ni Yue pero itong pag-uwi niya dito ay isang malaking pasabog! Nakainis! Paano na ba to? Baka mag-clash pa ang espiritu ng tatlong tinamaan ng pana ni Kupido. Paniguradong talo itong si Kaiya.  “I don’t know the full details. Kanina ko lang nalaman na magkaibigan sila. Chill lang okay?” Paglilinis ko agad sa pangalan ko. Mahirap na `no! Baka isipin ng mga to nakiki-join force ako sa pagdadown ng confidence ni Kaiya. That is too impossible. Kapatid siya ng taong mahal ko kaya dapat lang na protektahan ko siya. “Don’t worry. Ok lang naman ako.” Alam kong hindi siya okay kaya sinundan ko si Kaiya paakyat ng hagdan. Hindi pwedeng magdrama na naman siya magdamag! Hindi pwede! Iniharang ko ang kamay ko nang aktong isasara na niya ang pinto. “Kwarto ko rin `to. Hindi mo pwedeng i-lock.” Namumuo na naman ang mga luha niya. Sapat na ang mga narinig kong paghikbi niya. Nakaurat na! Nakakasawa.  “Kung tadhana na ang gumagawa ng paraan para hindi kayo magkatuluyan sa tingin ko kailangan mo na talagang bumitaw Kaiya.” Malumanay kong payo sa kanya. Umiling siya na parang isang batang sinasaway ng magulang. “Anghirap. kanina lang okay na ang pakiramdam ko. Parang kaya ko nang kalimutan siya pero ngayong nalaman kong nandito si Yue parang angsakit-sakit na naman dito.” Napahawak siya sa tapat ng puso niya. Kitang-kita sa mga mata niya ang sakit pero nakikitaan ko pa rin siya ng paghahangad na sana ay hindi na lang totoo ang mga nangyayari at pwedeng mangyari bukas. Niyakap ko siya nang mahigpit. Naalala ko ang isa sa mga blogs ni Jewel noon. ”Sinubukan kong maging marahas sa mga payo ko sa`yo dahil akala ko ‘yun ang makakatulong pero ito siguro ang kailangan mo. Nabasa ko to sa blog ng ate mo. A comforting hug to lighten your feeling.” “Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Na-kay Yue na ang taong pinakamamahal ko.” Kahit sinong nasa posisyon niya ay hindi talaga magiging okay. Sino ba naman ang gugustuhing makita ang taong nagmamay-ari na sa puso ng mahal niya diba? Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pinunasan ang mga luha niya. “Kapatid ng mahal ko huwag kang mag-alala hindi naman kita pababayaan sa mga araw na nandito tayo e. Okay? Ako ang magiging bodyguard mo. 99% protektado ka!” ”Seryoso ka?” ”Oo naman!” With matching raise my right hand pa. “Pangako ko yan kapatid ng mahal ko. Para hindi ka na umiyak. Mag-aalala si Jewel kapag malungkot ka e.” “Talaga? So pwedeng sa Bathtub ulit ako matulog ngayon?” “No. Sumosobra ka na.” Grabe ah! Pinaubaya ko na nga sa kanya ang bathtub ko kagabi tapos ngayon gusto pa niyang solohin? Madali kong kinuha ang mga gamit pangtulog ko. There is no way that i will allow this princess...Aish! princess niya mukha niya. Ako ang matutulog sa bath tub ngayon! “Pero sabi mo kapatid ako ng mahal mo kaya ayaw mong malungkot ako! Malulungkot ako kapag hindi ako makakatulog sa bathtub!” Yakap-yakap ko ang mga unan ko nang hinarap ko siya. Wala akong pakialam kahit halos mabitawan ko na ang kumot ko. “Ayoko nga. Namimihasa ka na e! Kung gusto mo tabi tayo! Alalahanin mo kailangan kong mag-ipon ng lakas para maprotektahan kita bukas!” And off I go to my heaven on earth! Angsarap! Pumikit ako. Come on antok! Lapitan mo na ako please! Pero nakailang dosena na ako ng kambing ay hindi pa rin ako makatulog! “Hays!” Ginulo-gulo ko ang buhok at napaupo. Anghirap naman oh! Bakit ginugulo ako ng konsensya ko? Umahon ako ng tub at lumabas dahan-dahang pinihit ang doorknob para silipin kung nakatulog na si Kaiya. Nakaupo lang ito sa kama habang yakap-yakap ang unan. Kinuha ko ang mga unan at kumot ko saka tuluyang lumabas ng banyo. “Uy kapatid ni Idol. Ikaw na lang ang matulog dun.” Walang emosyon niya akong tiningnan. “Bakit?” “Muntanga ka kasi diyan. Anong feeling mo? Gumagawa ka ng MTV? Anong kanta? Tell me where it hurts?” Kumunot naman ang noo niya. “Wala kang kwenta. Ikaw na lang matulog doon, Hindi ako inaantok.” Hinagis ko ang mga unan ko sa kama at humiga. “Bahala ka. Baka magbago ang isip mo bukas ang pinto ng banyo para sa’yo.” Hindi ko maramdaman na umahon siya ng kama. Iminulat ko ulit ang aking mga mata at tumambad sa akin si Kaiya na nakayakap sa mga tuhod niya. “Ano ba? Iiyak ka na naman ba diyan?” Naupo ako para i-check pero mas nagulat ako nang malamang tulog na pala siya. Talent ito! Isa `to sa mga gusto kong matutunan ang makatulog nang nakaupo. Tinapik ko ang pisngi niya para magising. Nagmulat naman siya nang kaunti. “Humiga ka na. Nakatulog ka na diyan e.” “Hmmm. Sa bathtub.” Kanina ko pa siya pinapapunta sa bathtub tapos ngayon mag-iinarte? Hindi naman nabanggit ni Jewel na may pagkaretarded `tong kapatid niya. Pabago-bago ng isip at pa-baby pa! “Anong gusto mo buhatin pa kita? Mas mabigat ka sa akin. Huwag ka ngang pa-baby. Hindi bagay.” Hinila-hila niya ang laylayan ng t-shirt ko.”Panget, tinatamad akong maglakad! Buhatin mo ako!” Hays! Baka isumbong pa ako nito kay jewel. Mas mabagsik ang topak ng babaeng yon e! baka paulanan na naman ng red ink ang mga articles ko. Bumaba ako ng kama at tumayo patalikod sa kanya. Maiksi lang naman ang lalakarin ko patungong banyo siguro naman hindi ako mapipilat nito. “Oh bilis. Sampa na.” Sumampa nga siya sa likuran ko. Angbigat! Parang mababalian nga yata ako ng buto. Kumapit siya nang maigi sa akin habang patungo kami sa bathroom. “Dahil lang sa mahal mo ang ate ko nagpapa-alila ka sa akin?” “Yeah.”tipid kong sagot. Hindi na kasi ako halos makapagsalita! “Swerte naman niya.” “Mas maswerte si Gael.” “Dahil mahal siya ni ate?” “Yap.” Ibinaba ko siya mismo sa bathtub. Nakapameywang siya nang humarap ako sa kanya. “Turuan mo akong hindi masaktan kapag kaharap ko sila.” “Pwede kitang protektahan pero hindi ko pwedeng turuan ang puso mong maging manhid. Kasi baka dumating na ‘yong araw na pati pagmamahal hindi mo na maramdaman.” “Mas maigi yata ‘yon. Mahirap kasi ang ganito. Walang nagmamahal sa akin.” Tinampal ko ang noo niya. “Huwag ka ngang mang-insulto. Matulog ka na! maaga ang taping niyo bukas. Babantayan kita as promise. Magiging witness pa ako sa pagmomove on mo.” -- Sunod-sunod na katok ang gumising sa akin kasabay ng nakakarinding boses ni Jewel. Kahit naman mahal ko yan kung inistorbo ang tulog ko nakakarindi pa rin! Para akong zombieng naglakad para pagbuksan siya ng pinto. “Bakit?” Tanong ko na nakapikit pa ang mga mata. “Si Kaiya?” Tinuro ko lang ang banyo at muling sumalampak sa kama ko. Yakap-yakap ang unan ay hinihiling ko makatulog ako ulit pero taliwas na naman ang sumunod na nangyari. “Hoy! Roxie...Saan ba si kaiya?” Makailang beses pa niya akong niyugyog. Antok na antok pa ako e! “Andiyan nga.” Inaantok kong tugon sa kanya. “Wala siya dito! Yung kumot ang unan lang niya ang nasa bathtub!” Napabalikwas ako ng bangon at agad na chineck ang banyo. Hays! Alangan naglayas naman siya. Napaka-imature naman kung maglalayas? Mag-a-alas siyete na ng umaga. At 9:00 daw ang start ng taping nila. Agad kong isinuot ang aking tsinelas at lumabas ng kwarto. Sa pagmamadali ko pababa ng hagdan ay muntik-muntikan pa akong nahulog! Saan naman kaya siya pwedeng magpunta? Naiwan pa pati cellphone niya. Naiwan o iniwan! Hays! Alagaing babae talaga oh. Kung ganyan lahat ng broken hearted na babae, dapat may listahan ang mga karelasyon nila ng mga kaibigang pwede nilang puntahan kapag ganitong may senti moment. Chineck ko ang kubo kung saan siya pwedeng namalagi. Hays! Ang-aga-agang badtrip naman nito. Umakyat muna ako ng kwarto para magbihis. Kailangan ko siyang mahanap bago pa mag-umpisa ang taping nang makabawas naman sa isyu. Palusot ko kasi sa kanila na nag-jogging lang siya kaya maaga siyang umalis. Pagkuha ko ng cellphone ko sa drawer ay may limang missed calls na ito. Number ni ate Dori ang nagfa-flash sa screen. Sana tama ang nasa isip ko. Nag-return call ako at nakahinga ako nang maluwag nang marinig kong kumakanta si Helena kasabay ng isang pamilyar ng boses.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD