Kabanata 24
KAIYA
We have the whole night to rest. Hindi na pwedeng lumabas ng hotel. Kuya Santino is so strict and he really warned us not to go out to avoid fans who are stalking us. Skye is rehearsing her solo performance. Hay! I’m bored.
“Uy, Hindi ka ba nabo-bored?”
She shook her head. She stopped singing and turn off the music on her phone. “Hoy, don’t tell me gusto mo maggala. Bawal pa tayong lumabas-labas.”
“I don’t know. I’m just bored. And I don’t know what I want to do.”
“Typical mood ng nasa paligid lang ang ex.” She said in sarcasm. “Girl, ito magandang gawin mo. Manood ka sa youtube ng funny videos o mga nakakaiyak na short films. `Yong makaka-relate ka para antukin ka.”
“Paano ako aantukin kong maiiyak ako?” Inis ko nang sagot sa kanya. “Puro ka naman kasi kalokohan e.”
“E `di ba nung fresh fresh pa ang ang relasyon nina Yue at Yohan tinutulugan mo ang pag-iyak mo. Gawin mo ulit ngayon pero sa mga shortfilms lang.”
“God! You’re impossible!” Nagtungo ako sa balcony para lumanghan ng sariwang hangin.
May kalamigan na ang simoy ng hangin ngayon. City lights from here is stunning. Humalikipkip ako habang pinagmamasdan ito. It’s bewildering but I’d love to have my dreamhouse in a place where there is less traffic and urban noise pollution.
“Hoooyyy!!!” napalingon ako sa sumigaw. It’s Roxie! She’s 3 rooms away from us. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa gilid ng bibig niya to make her voice louder. “Alam mo bang fan na fan kita?!”
Crazy! Nakakahiya sa mga katabi naming rooms.
“Missss!!! Sumagot ka naman!” Sigaw na naman niya. Tinuro niya ang phone na hawak-hawak niya.
God, Roxie! Pumasok ako saglit para kunin ang phone ko. May dalawa siyang missed calls pala. Nang bumalik ako sa balcony, tumatawag ulit siya. Sinagot ko naman agad.
“Baliw ka ba?” Naiinis kong tanong agad. “Nakakahiya ka!”
She just laughs on the other line. “E gusto ko sumigaw. Nag-eemote ka na naman kasi. Hindi ka inaantok `no? Iniisip mo `yong kanina?”
“Paki mo naman ba?”
“Aba! Marami! Bukod sa ipinagkatiwala ka sa akin ng butihin kong editor-in-chief ay gusto ko lang ipaalala sa`yo na may jowa na si Yohan at hindi ka na niya mahal.hahaha!” nag-thumb downs pa siya.
“Can you just help me move on without mentioning that? Hindi ka na nakakatuwa.”
“Well, may dalawang paraan para makamove on. Ignore lahat ng mga bagay na concerning sa ex which is hindi mo magawa pa. Take note ha? Hindi mo pa magawa. At mayroon `yong hard way. Araw-arawing ipaalala sa`yo na wala na kayong chance at kahit maging kabit hindi ka niya o-offeran. Haha!”
“How dare you look down on me? Are you really trying to pissed me off?”
“3…2…1… 11:11 na. Magwish ka na.”
I check on my phone and it’s really 11:11. Looking at her direction, nakatutok pa din sa tainga niya ang phone niya.
“You turned off my alarm?”
“Ahuh. Pagti-tripan sana kita pero feel ko kasi kanina nawala ka na naman sa moving on mindset mo. Magwish ka na. Papasok na ako. Good night!”
“Wait. Can we still talk hanggang antukin ako?” Pakiusap ko pa.
“Wala naman tayong pag-uusapan. Baliw. Matulog ka na.”
“Pan…”
But she dropped the call and entered their room. Hay! Nakakainis naman siya. How to sleep?!
Binuksan ko ang twitter ko and Roxie’s post pops up in my timeline. Duck face Roxie and I’m here background. Kani-kanina lang na nagmumuni-muni ako dito. She captioned ‘Fan na fan ko `yan. Hindi pa aminin. Ha ha ha! Parang kahawig ni Kaiya. Hahaha!”
She’s really good at getting attention. Her post got a thousand of reacts and retweets. I was not even tagged in it but some fans assumed it was me. And impossible as it may seemed some commented my pictures na halos pareho ng tayo ko ay nakalow ang brightness. They really have this investigation skills.
“Roxie! Anong ginagawa mo dito?” That’s Skye. “Uy Kaiya, may bisita tayo.”
May dala-dala siyang pizza at drinks. “Para sa mga hindi makatulog, bored pero hindi rin makalabas.”
“Nice! Gutom na nga ako e!” Kinuha ni Skye ang pizza. “Doon tayo sa balcony para refreshing.”
Nilagay niya ang pizza at drinks sa balcony saka pumasok ulit. Kinuha niya ang kumot at ibinalot sa sarili.
“Mag-share na lang kayo sa kumot mo.” Baling niya sa akin. “Anglamig pala na sa labas.”
Hindi naman ganun kalamig. Pwede pang i-tolerate. Dalawang boxes ng pizza at walong soda ang dala niya. Angdami naman nito! Binigyan niya kami ng tigdalawa ni Skye.
“Don’t worry. Zero sugar `yan. Party tayo.”
“Dami naman ng softdrinks mo.” Pansin ni Skye sa iginilid niyang drinks. “Hindi pantay ang hatian ah. Nakakalamang ka.”
“Hindi kasi ako nakadighay kanina. Kailangan ko din `to para makapag-isip ng write ups. Pampatalino.” Tinuktok niya nang tatlong beses ang kanyang sentido. “Vitamins ng mga henyo.”
I-interview-hin pala ni Roxie si Skye. They’re talking about how She started her career. Sinusulat ni Roxie ang mga ito sa kanyang notebook.
“So, hindi ka talaga nagkaroon ng lovelife?” Parang hindi makapaniwalang tanong ni Roxie. “Iniwasan mo?”
Skye nods then bites her pizza. “Hmm! Sarap! Career oriented kasi ako. Nagkaka-crush pero hindi umaabot sa puntong love na. Paparamdam pa lang sila deds na `yong feelings.”
“Naol.” Anong ibig sabihin niya sa naol at nakatingin pa sa akin? “Sana all alam paano mag-shut down ng feelings.”
“Are your point is?” pagsusungit ko na sa kanya. “Anong gusto mong palabasin?”
“Wala.” She smiled stupidly. “Hindi ikaw ang kausap ko. Shhh.”
“Angsama mo kay Kaiya.” Skye commented. “Bini-build up pa naman kita na angbait-bait mo.”
“Gagi. Mukha ba talaga kaming kapol?” natatawang tanong ni Roxie. “Nae-enjoy ko kamo ang pagpapa-trend sa twitter. Haha! Natatawa na nga ako sa kuro-kuro ng ibang netizens e. Nagsasama na daw kami. Haha!”
When that issue went viral, ginatungan pa niya. She even posted edited pictures na nasa iisang bahay kami. Like `yong pagkak-edit ay sobrang pangit! Nilagyan pa niya ng bata na ang mukha e kami din naman.
“And you love the attention.” Irap ko sa kanya. “Pero panay din ang tag sa ibang babae. Paano sila maniniwala sa`yo?”
“Selos yern? Ha ha ha!” Pang-aasar na naman ni Skye. Kumuha pa ito ng isang slice ng pizza. “Grabe. Alam niyo? Kinikilig ako sa inyo napapakain tuloy ako nang marami. Ship ko na kayo talaga.”
“Ang ship lumulubog. Submarine na lang.” Gatong pa Roxie. Nagcheers pa sila ng soda. “Submarine ni Kaiya. Haha. Anong magandang name ng ship namin?”
Skye acts like she’s thinking. May patingin-tingin pa siya sa itaas. “Hindi ako makaisip ng magandang ship name. RoKai? Haha! Angpangit! Tunog cartoons.”
“Para kayong ewan.”
“Grabe. Makipag-participate ka na rin.” Aya sa akin ni Skye. “Katuwaan lang naman `to. Nagpapaantok lang tayo napaka-KJ mo talaga.”
“Hayaan mo `yan. Kunwari hindi na lang siya nag-eexist.” Nag-high five pa silang dalawa. “Oh, shot pa. Lasing na ko sa softdrinks!”
“Hoy, pero Roxie, Thank you sa pagtitiyaga dito kay Kaiya. Konting-konti lang ang nakakatiis sa kanya. Tayo-tayo lang.”
Well, Skye is telling the truth. Maraming dumaan sa buhay naming dalawa na akala namin ay mga kaibigan namin. But they just used us to gain popularity. That’s the time when I started to have trust issues with people.
“May pera kasi kaya nagtitiyaga ako. Char.” Hirit na naman ni Roxie. Ininom niya ang natitirang laman ng drinks niya. “Ahh! Sarap talaga ng softdrinks!” Dumighay siya nang pagkalakas. Grabe. “Thank you, Lord! Dumighay din!” May pagtaas pa siya ng kamay. Bumaling ulit siya kay Skye. Alam mo bang napakarupok ng kaibigan natin dito? Sobrang rupok kaya ayokong nakakaligtaan siya ng tingin. Papatayin kasi ako ng ate niya. Hahaha!”
“Babysitter ka bigla haha! Uy diyan nagsisimula ang lahat!” nag-high five pa ulit siya. “Gagi! Para tayong lasing. Teka nga at iihi muna ako. Baka naman pagbalik ko dito nagmo-momol na kayo ha? Scandal yern.”
“Angdumi ng isip mo!” Inis kong sigaw dito.
Tatawa-tawa siyang pumunta sa CR. Parang tanga din `tong si Roxie na kumuha pa ng isang slice ng pizza. Natatawa e namumungay pa ang mga mata niya. Kinuha ko ang drinks na iniinom niya. Inamoy ko ito. Damn! Amoy alak!
“Anong inihalo mo dito?”
“Nilagyan ko lang ng konting mojito.” She smiled confidently. “Pero `yong mga drinks ko lang. Hindi kasi ako inaantok kanina. Pero `yong sa inyo walang halo `yan.”
“Baliw ka talaga! Ilulusot mo talaga ang mga kalokohan mo.”
“Kai. Pagbalik ng Manila parang gusto kong puntahan si Suzette. Parang ano. Kasi.”
“God! Gusto mong landiin? Nadadala ka sa mga pinagse-send niya?”
“Hindi ko alam! Naparami yata ako ng lagay ng mojito. Bueset. Kung ano-ano ang naiisip ko.”
Nilabas niya ang phone niya. Hinablot ko ito. “Bukas bibili tayo ng bago. Naiisip mo lang kasi panay ang send niya sa`yo ng images you can hear. God, Roxie!”
Just on cue. Suzette’s chat head popped up. It’s another image you can hear! Pinakita ko ito kay Roxie. “Nawiwili ka dito? Think twice, Pan. Kung `yon lang din ang gusto mo hintayin mong magka-girlfriend ka kaysa pumatol ka kay Suzette.”
“Pero hindi ko magagamit `to.” Damn this woman! She just raised her middle and index finger.
“Roxie! Ang-pervert mo!” hinampas ko nga ang kamay niya.
She bursts into laughter. “Tangina! Itsura mo, Kaiya! Galit na galit? Gusto manakit. Haha! Joke lang naman. Testing lang kung magaling ako umakting. Haha! Magsend lang siya nang magsend `no pero hindi ko siya papatulan. Sayang ang precious fingers ko! Hahaha”
“Hoy! Anong fingers ang pinag-uusapan niyo diyan?” malisyoso ang tingin sa amin ni Skye. She’s always on that awkward timing! “Ano `yan ha? Lilipat na ba ako ng kwarto?”
“Ha ha ha! Huwag mas masaya pag tatlo. Ha ha! Ang nag-iinuman! Hahaha!” Inabot niya kay Skye ang natitirang inumin niya.
Sinabi na niya kay Skye na may halong alak `yong drinks niya. Nakitikim na rin tuloy siya. Naku!
Tumunog ang notifs sa twitter ko. I was tagged in a fan page’s post. It’s a screenshot of Yael’s tweet. A picture of him, Yue and Yusef with a caption.
“Can’t resist Yusef request to watch his Mama’s mall tour. Support all the way!”
“Late notifications sa twitter mo `no?” Roxie asked as if she knows what I am tagged about. “Nakita ko `yan bago ako tumawag kanina. Ako muna ang PA mo sa mall tour. Si Rica muna ang bahala sa karamihang trabaho namin. Sagot kita sa tour na `to. Pramis ko `yan sa Ate mo.”
“You’re on a mission pala,” said Skye. “Gan`on din `yong ginawa mo sa Cebu `di ba?”
Roxie nods. “At kung paano nabuo ang unlikely friendship namin.”