Chapter 23

2216 Words
Kabanata 23 KAIYA We finally arrived in Davao. Nagpapanic ang road manager namin dahil maraming nag-aabang na supporters. Sikat pa rin pala kami sa provinces. May mga local media din na nagco-cover ng arrival namin. We politely line up and greet our supporters. This is the least we can do for their undying support. Dinagdagan ang escorts namin hanggang sa shuttle van. Some fans are singing one of our songs. Nakakatuwa naman. “Naisakay na ba lahat ng gamit?” asked our road manager. Kanya-kanya kami nang check sa mga gamit namin. Nang mag-okay si Skye saka lamang kami umalis. “Nakaka-miss ang ganitong crowd.” Valen is watching the videos she recorded a while ago. “I can’t believe it. Soon maghihiwa-hiwalay na tayo.” “Baliw. It’s just a break.” Sabi ni Skye. “Ganun na rin `yon. Indefinite break nga e. Angdami kong natutunan sa grupo. Naalala niyo `yong namimigay lang tayo ng flyers para may manood sa atin?” “Tapos napagkamalan akong masahista.” Natatawang sabi ni Liora. “Iba din si Manager Han. First-hand experience ng pagpo-promote ang pinagawa sa atin.” “Buti talaga mayroon tayong Skye at Kaiya na mga dating child stars e. Kahit papaano may mga hatak na sila since day 1.” Pahabol pa ni Liora. “Team effort naman kung bakit marami ang sumusuporta sa atin.” Komento ko. “Hope we’ll have more fruitful careers ahead of us.” “Magbibida ako sa teleserye. I claim it!” Tinaas pa ni Skye ang kanang kamay niya. “Hindi ako marupok! Hindi ako papatol sa ka-love team! Hahaha!” Nakarating na kami sa Summer Lux. Isa sa mga five stars hotel dito sa Davao. Roommate ko si Skye. She’s taking videos again. “Mag-vlog na lang kaya ako.” Sabi nito pagkaupo sa kama habang chine-check ang mga narecord niya. “Hawak ko time ko `pag ganoon. `Di ba?” “Pwede naman. Pwede mo nang simulant ngayon.” “Nalulungkot talaga ako. Nakaka-worry `yong indefinite break. Paano kapag nag-decide si Papa Yohan na mag-stay na lang sa Canada? De wala na talagang comeback.” I know she’s also upset with the possibilities but we can’t do anything about it. “Gan`on talaga. You’ll get over it.” “Nakaka-miss lang talaga.” Tinawag na kami sa room ng aming road manager, si Kuya Santino. It’s gonna be a briefing sa mga what and hows ng mall tour plus isang taping para sa cooking show na gaganapin sa isa sa mga populat na seafood resto dito. “Please rest tonight. Bukas naman rehearsals then the next day na ang start ng mall tour. Huwag kayong magpupuyat, please.” We also talk about the arrangements of songs that we will perform. Valen is in-charge of it. Ako naman kasi good follower lang. Nakikinig lang ako sa mga suggestions nila. It’s quite unfair to say, nawalan ako ng gana magperform. Though I still give my best naman. I don’t want to disappoint our fans. “Kaiya, you and Yohan will perform acoustic version of Only Be Pretending.” “For the nth time.” Natatawang sabi ni Liora. “Most requested ng ating mga fans. Hope you’ll slay it.” “Easy pissy.” Yohan confidently said. “Para sa mga nagsusuporta sa atin.” Hay! Just one of those performances na kailangan kong mairaos na parang walang tension sa aming dalawa. Be professional Kaiya. Please. Sigaw ko sa isip ko. We took an hour break before we went to the studio for the rehearsals. Every performance must be perfect na kahit nakapikit ka dapat alam mo kung saan ang blocking mo. Siniko ako ni Skye. “Uy, galingan ang pagkanta mamaya. Kinikilig na ako ini-imagine ko pa lang.”           I gave her a fake smile. “Yeah. Right. Gusto mo ikaw na lang kumanta?” “No way. Kaya mo na `yan. Professional ka naman e!” Tinapik-tapik niya ang balikat ko. “I will always have your back, Kai. Nandito lang ako para i-bully ka. Joke.” We rehearsed dances for about an hour. Hingal kaming lahat dahil nag-record kami ng two times faster sa isang song namin. It’s going to be a part of Skye’s vlog. Isa sa mga requests ng subsribers niya. Nakakahingal! “Fifteen minutes break then rehearse tayo sa mga slow songs.” Lumabas si Valen ng studio pagkasabi nito. Nag-squat kami ni Skye habang pinapanood ang two times faster na sayaw namin. “Inabot na tayo ng gabi. Gutom na ako.” Reklamo niya naman. “Sigurado puro vegetables na naman ang dinner natin.” “Parang hindi ka pa sanay ah. Sa vacation natin mag-pig out ka. Eat whatever you want.” “Of course! Mukbang! Uy, angcute niyo ni Yael sa mga stolen shots. Kilig talaga. May something ba?” There she goes again with that malicious eyes. “Hindi. Friends lang kami.” “Sus! Sa friendship nagsisimula ang lahat. Pero huh, It’s possible. Briones pa din! Hahaha!” Hindi ako umimik. Nagfocus ako sa panonood sa sarili ko sa video kung may pagkakamali ako. Hindi ko na natapos ang panonood dahil tumatawag si Ate. Lumabas na rin muna ako dahil mahina ang signal dito. I called her back. She immediately answere my call. “Why? Nagre-rehearse kami e. Hindi ko agad nasagot ang tawag mo.” “Just checking on you. Kinontak ka na ba ni Roxie? Hindi tumatawag e. It’s 8:00 na. Dapat nandiyan na sila.” “Hindi. Saan hotel ba sila tutuloy? Baka deadbatt.” “Same as you. Naku ang babaeng `yon. Mabuti pang magkajowa na nang hindi hahayaang ma-deadbatt ang phone e. Sige na. Text me if you see her.” Ginawa pa akong guardian? Tsk. “`Namo ka! Ikaw `tong broken!” That voice! Paglingon ko ay siya nga. Hindi ako nagkamali! Si Roxie. May kasama siyang babae. Kumakain sila ng sweetcorn. Kinawayan ako ni Roxie nang makita niya ako. “Uy, Kaiya! Henlow! Oh, mais. Para korni. Haha!” Nakatingin lang sa akin ang kasama niya. Anong klaseng tingin `yan? Parang nag-lag sa video call. “Hindi mo sinabing pare-pareho kayong walang pores, Roxie. Tangina. Bakit anggaganda niyo sa personal? Iba yata talaga ang skincare ng mayayamang kaysa tulad kong dukha.” Isa na namang taong malutong magmura ang kaharap ko! God! “Ah nga pala, she’s Rica.” Pagpapakilala ni Roxie. “Bagong ka-work. Madali lang matulala kapag may maganda.” Tinapik niya ito sa balikat. “Hoy, tulo mo lumalaway.” Pinalo niya si Roxie sa braso. “Ano ako? Nauulol na aso? Elibs lang ako sa mga pores niyo. Sanaol. Work na ba tayo Rosing? Sayang naman ang binabayad sa akin ng CKM kung hindi ko gagalingan.” Nagtaas-baba ng kilay si Roxie. “So, papasok na kami ha. VIP pass e.” Pinakita niya ang ID niya. Pinauna niyang pumasok si Rica. “Pahiram ako ng phone mo. Deatbatt ang popon ko e.” “Magjowa ka na daw sabi ni Ate para hindi mo hayaang ma-deatbatt ang phone mo.” “Ha ha! Gagi! Aanhin ko ang jowa kung sa toyo mo pa lang stress na ako.” Parang gusto ko siyang pingutin na naman. “Joke lang. Magpapayaman muna ako bago jojowa. Message ko lang si Jewel. Selfie tayo para maniwala siya.” She took a snap. Damn her! I was not even smiling! Siya lang ang nakangiti! She sent it to Ate. “Seriously? Magpi-picture ka na ikaw lang ang maganda?” “Oh de ulit. Smile ka din para hindi lugi. Haha!” Inirapan ko nga siya saka ko hinablot ang phone ko. Paglingon ko saktong nakatutok sa amin ang phone ni Skye. “Lakas naman ng moral support, Roxie. Mula rehearsal. Lakas makajowa ah. Magtatayo na ako ng fansclub niyo.” “Protect Kaiya at All cost.” Panggagaya niya sa isang meme na nagte-trending sa tuwing nagkakaroon ako ng issue. “Joke. Kasama sa work `to. Saka huwag na. Delulu ka din ng KaiHan. May sumpa kapag ikaw ang nagshiship.” Tinapik niya sa balikat si Skye. “Huwag mong i-ship si Kaiya para magka-love life na. hahaha! Char” Napatingin siya sa direction ni Yohan na naggigitara. “Dude!” Tawag niya dito sabay kaway. “Pogi natin ah. Tirhan mo naman ako ng kapogian.” Nangiti si Yohan saka nagthumbs down sa kanya. Nilapitan niya ito. Kinuha niya ang kanyang notebook. Start na siguro ng pagkuha niya ng informations para sa kanilang column. Ganun din kasi si Rica na ini-interview na si Liora. “Roxie is such a cutie. Swerte ng jojowain niya.” “Hindi swerte. Napakasutil. Malandi pa. Angdaming babaeng ka-chat. Halos lahat ng modelo yata na nakakatrabaho niya nilalandi niya.” Pag-enumerate ko sa mga napansin kong pag-uugali niya. “E hindi ka naman niya Jowa. Siyempre, iba ang treatment sa`yo.” Natatawa niyang komento. “Naku girl, siguradong malambing `yan si Roxie. Mukha lang siyang loko-loko pero ang-soft ng personality niya.” “Close kayo? Kilalang-kilala mo?” Tinuktok niya ang noo ko. “Baliw! Angbait niya kasi tinitiis niya ang ugali mo. Imagine `yong kasungitan mo tapos friends pa rin kayo. Iba si Roxie. Martir na kaibigan.” Bumalik na si Valen. Start na ulit ng rehearsal. Mauuna kami ni Yohan para sa Only Be Pretending. Hay! This song really fits us before. She’s playing the guitar while I am singing.  I felt every words of the song. Nagkakatinginan kami pero iniiwas ko agad ang tingin ko. “…Will we ever say the words we're feeling?” Tumalikod ako at kunwaring humarap sa fans pero pinipigilan ko ang luha ko. That didn’t escape Roxie’s eyes. Pinaningkitan niya ako kaya balik ako sa focus. I face Yohan as we make eye contact. “…Will we ever have a happy ending? Or will we forever only be pretending?..” Napapalakpak si Rica after naming kumanta. “Grabe. Goosbumps pa rin kahit paulit-ulit ko nang narinig ang version niyo.” Yohan smiled. “Thanks. She’s really a good singer. No doubt.” Turo pa niya sa akin. “Superior ship ko `yan!” Rica was about to raise her right hand but Roxie stops her. “Huwag ka ngang mag-fan gurl. Nagre-rehearse pa sila.” “Oopps. Sorry Master. Sige ituloy niyo na ang rehearsal. Huwag niyo na lang akong pansinin. Isa lamang akong lamok.” Nagpunta sa likod ni Roxie si Rica. Very apologetic ito sa pagre-react niya. --- It’s time for dinner! Nasa ibang mesa sina Roxie and Rica. They’re having this sort of meeting. Kumakain naman sila pero panay pa rin ang take notes nilang dalawa. “I really thought walang substance kausap`yan si Roxie,” said Kuya Santino. “We had this conversation and she really earned my respect. I can’t wait kung ano ang ilalabas niyang write ups tungkol sa inyo.” “Though rumors has it that she’s dating every models na nae-encounter niya.” Dagdag naman ni Valen. “Or maybe netizens are just too stupid to assume.” “Baka si Kaiya. Alam niya ang totoo.” nangingiting sabi ni Kuya Santino. “So, Kaiya. Totoo bang dine-date ni Roxie ang mga models na nakakatrabaho niya?” I shrugged my shoulders. “We’re not talking about those things. And she’s free to date anyone naman. Single siya e.” “If that happens. Magiging furious ang fans mo.” Teases Skye. “Ngayon pa lang they are shipping you with Roxie. Paano na lang kapag boom! Isang araw may iba na siyang natitipuhan. Riot `yong sigurado. Trending ka naman. Sa vlog ko na lang ikaw magbigay ng side mo ng story para maraming views ha? Joke lang.” Bawi naman niya agad. “Crazy. Pagkakakitaan mo pa ang issue.” She giggled with the idea. Mga natutuhan niya sa panonood ng vlogs at pakikitsismis na rin. “Kaiya...” It’s Roxie. Lumapit siya sa amin. “Pahiram naman ng phone. Kailangan ko makausap si Jewel e.” “Bakit kasi hindi ka bumili ng powerbank mo?” Inis kong tugon sa kanya. “Wala naman kasi akong jowa para pag-abalahan ng battery. Duh. Pahiram na. Angtagal e.” Inabot ko sa kanya ang phone ko. “Ingatan mo `yan. Baka magpost ka sa twitter ko. Utang na loob ayoko ng stress.” She immitates those contestants in a tv noontime show, a pogi sign. “Sa pogi kong ito ma-stress ka? Blessing pa nga kung naka-post ang ganito kagandang babae sa account mo e. Maki-cleanse ng TL ng mga followers mo. Ayiiee.” “Just go.” Pagtataboy ko sa kanya. Tatawa-tawa siyang bumalik sa mesa nila ni Rica. “See? She’s not really mabait. Napakayabang pa.” “Well, she’s just neutralizing your kamalditahan.” Sabay tawa ni Valen. “I like her na. Gusto ko siyang i-friend. Sure, no dull moment `yon.”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD