Kabanata 22
Roxie
Sa wakas, tumigil na rin sa pagkanta si Gael. Ang naririnig ko na lang ay ang anime song. Kaya naman pala nanahimik e. Busy sa cellphone. May pasinghot-singhot pa at nagpunas ng luha.
“Hoy! Anong iniiyakan mo diyan? Drama queen ka na rin?”
“Gagu. Hindi ba ako pwedeng maiyak kung may nakakaiyak? Ready ka na? Punta na ba tayo sa airport? Susunduin pa natin `yong kasama mo. Sabi ni Jewel.”
Sino kaya `yon? Sana naman hindi mahirap kausap. Baka mamaya imbes magtrabaho kami mag-aaway pa kami.
Bago pa man kami umalis ay may tumatawag na naman sa akin. Pag-check ko ay si Suzette na naman. Tutal aalis naman ako sasagutin ko na lang.
“Hello… Bakit?”
“Babe, sorry sa pangungulit. Where are you? I miss you.”
Tinakpan ko ang auditibo saka ako bumaling kay Gael. “Kapag sinabihan ka ng babae na nami-miss ka. Anong sinasagot mo?”
Sinenyasan niya akong tanggalin ang takip sa mic ng phone. Ginawa ko naman na sana hindi ko na nga ginawa kasi ang gagu nag-moan nang matindi!
“Faster! Tatluhin mo na! Ahhh! ” Pinutol ko agad ang tawag. Anglakas ng tawa nitong si Gael. “Haha! Angputla mo!” Napapahawak pa siya sa tiyan niya. Kabagin ka sanang hayop ka.
“Angtino ng tanong ko, Napakagagu mo.”
Tumigil lang siya sa kakatawa nang hinihingal na siya. Inulit-ulit ba naman niya yung ‘tatluhin mo na’ nang may kasama bang malanding boses. Pinalo niya ako sa braso. “Hoy! Si Suzette, may tatay na homophobic, mapera at higit sa lahat maraming mauutusang ipapatay ka.”
“Grabe. OA ung ipapatay.”
“Doon tau sa adbans. Tara na alis na tayo.”
As expected, niratrat ako ni Suzette ng mga messages. Sakit sa ulo ng babaeng ito talaga. Paano pa kapag pinagbigyan ko ang nais? Baka biglang segu-segundo magtanong kung ano ang ginagawa ko? Or baka hndi din since marami naman siyang naka-flirt na rin. Baka ghoster din! Haha. Pareho kaming ghoster de magmumultuhan na lang kami. Haha! Roar!
Sumandal ako sa upuan para ma-relax nang konti. Tanaw-tanaw na lang sa mga buildings. Feeling nasa MTV. Imagine na lang ng magandang kanta.
“May balak ka bang mag-asawa?”
Pabigla-bigla naman ang mga tanungan ni Gael. Angweird talaga niya. Parang may mali.
“May malubhang sakit ka ba?”
“Gagu! Wala! Bakit?”
“E, tangina mga tanungan mo e. Kung teleserye lang bigla ka siguro maaaksidente o mako-comatose. Bueset ka e.”
“Baliw.” Saktong nag-red ang traffic light. “Natanong lang. Nakikita mo ba ang sarili mo na may asawang babae? Or anak lang? or single?”
“Wala akong makita!” natatawa kong sagot sa kanya. “Usapang shonda pala `to? Haha! Mag-aasawa ako `no. Pero wala pa `yong worth ng sacrifices. Wala pa `yong makakapagpabago ng mga plano ko sa buhay.”
“Kaya lalandi-landi ka na lang? Hindi ka na bumabata.”
Kung magpayo si Gael parang `yong taong laging seryoso e! Actually, sa kanya ko lang narinig ang ganyan na seryoso. Si ate naman walang pakialam sa akin. Tunay siguro siyang anak ni Mama pareho sila e! haha! Nalaman lang na babae ang gusto ko. Hindi man hayagan pero ramdam kong ayaw nila ng desisyon ko. And lakompake! Hahaha! My life, my happiness!
“Ikaw lang mashonda sa akin `no. Darating din `yan. Kunin kitang ninang kung sakali!”
---
Nasa tapat na kami ng bahay nung bagong katrabaho ko. Kakabusina lang ni Gael bumubusina na naman. Napakaimainipin talaga nito! Lumabas muna ako. Sakto may mga batang naglalaro. Enjoy nila ang kanilang buhay. Napakadudungis e. Tingin pa lang amoy asim na! haha! Napunta sa paa ko ang tsinelas na binato ng bata. Inapakan ko para asarin siya.
“Ate, tsinelas ko po `yan.”
Humalukipkip pa ako. “Hmm? O tapos? Delikado ang maglaro sa kalsada. Alam niyo ba `yon?”
Kinamot-kamot pa niya ang ilong niya. “Ate, ang dumadaan lang dito madalas tri-bike. Madaling iwasan `yon. Saka bumubusina naman ang mga sasakyan. De iiwas kami. Amin na po ang tsinelas ko.”
“Paano kapag nakidnap kayo dito? Maraming puting van ang kumukuha ng batang maamos saka amoy araw.”
Hahaha! Inamoy niya ang damit niya. Uto-uto naman!
“Kuts!” napalingon ang bata sa tumawag sa kanya.
“Ate Rica!”
Lumapit siya sa amin. Tinanggal ko agad ang pagkakaapak ko sa tsinelas. Haha! Baka magsumbong e.
“Ate, ayaw niya ibigay ang tsinelas ko.”
Sabi ko na nga ba! Haha! Safe! “Ha? Anong ayaw ibigay? Ikaw `tong dinadaldalan ako e. Kapatid mo?”
Umiling siya. “Kapitbahay. Inabutan niya ito ng pera. Kung gutom kayo ni Kuting magsabi lang kayo kay Aling Puring ha? Ako na ang magbabayad kauwi ko.”
“Okay! Ba-bye!” inambahan niya ako ng suntok nang kinuha niya ang tsinelas niya.
Haha! Angsarap pikunin! Bumaling ako dito kay Rica. Inilahad ko ang kanang kamay ko. “Roxie Ico. Nice to meet you.”
“Rica Siliman. Bago lang ako sa CKM.” Nag-shake hands kami. Bumusina na naman si Gael. “Mukhang naiinip na ang driver.”
Hahaha! Wait until makita mo kung sino ang driver! Bumusina siya ulit saka binuksan ang pinto. Pagbaba nito ay nagtanggal siya ng shades.
“Magtsi-tsismisan pa kayo diyan?”
“Pota! Artista ang driver natin?!”
Anglutong! Angsarap sa ears! Mukhang magkakasundo kami.
“Girlfriend siya ni Miss Jewel `di ba? Bakit? Bakit siya ang driver natin?”
“Huwag ka nang maraming tanong. Sakay na.” Nilagay ko sa truck ang bagahe niya.
Sa backseat siya naupo. Napakarami niyang tanong kay Gael. Pero anggaling kasi puro mga nakaka-flatter na questions ang binabato niya. Siyempre gustong-gusto ni Gael na bida siya. Haha!
“Grabe! Bakit angpopogi niyo? Bakit ang-unfair naman ng mundo?” Natawa ako sa komento niya. Hindi pa siya tapos ma-starstruck kasi. “Halla! Dati ginagawan ko lang ng write up si Miss Gael. Ngayon kaharap ko na siya. Kalikod pala. Pota ano ba talaga?”
“Kalma. Si Gael lang `yan.” Natatawa kong sabi sa kanya. “Kapag napasok ka na sa office mauumay ka rin sa kanya.”
“`Namo ka. Hindi naman ako madalas sa office niyo ah. Duh. Ako pa ba?!”
“Halla! Ganyan-ganyan siya sa libro ni Miss Jewel. Totoo pala `yon.”
May isang libro si Jewel na hango sa high school love story nila. Napakayabang ni Gael sa libro. Hindi lumalayo sa kung paano talaga siya sa tunay na buhay.
“Magpapa-otograp ako mamaya ha. Grabe. Sa`yo din. Baka maging artista ka din e. Iba na kapag mauuna ako sa otograp. Pwede kong ibenta.”
Walangya! Perang-pera din yata siya tulad ko! Haha!
---
Narating na namin ang airport. Naunang bumaba si Rica at pumunta sa likuran para kunin ang mga bagahe.
“Hoy, mag-iingat doon. Tingnan-tingnan mo si Kaiya. Baka matulala na naman siya kay Yohan.”
“Anastacio, wala ka talagang malubhang sakit?” Biro ko sa kanya. Weird talaga niya.
“Wala! Pwede ba?! Bumaba ka na. Minsan na nga lang maging seryoso ang tao binabasag mo pa.”
Nag-fist bump kami bago ako bumabas. Umalis na rin si Gael. May isang oras pa kaming maghihintay bago ang flight namin. Nagkakape kami ni Rica. Nawi-weirdohan din ako sa babaeng `to. Alam ko namang pogi ako pero `yong titigan ka nang matagal? Nakakaasiwa din.
“Bakit? Anong meron? Ganyan ka talaga kapag may bagong kakilala?”
Tinampal-tampal pa niya ang pisngi niya. “Pasensya niya. Naiinggit kasi ako sa pores mo. Bakit parang wala? Saan ka nagpapa-skin care? O Anong skin care routine mo?”
“Sabong panlaba.” Natatawa kong sagot. “Wala akong skincare. Maganda rin naman ang skin mo. Kulang ka lang sa confidence.”
“Hmm. Siguro. Ganun talaga kapag broken. Kulang sa confidence.”
Biglang naging malungkot ang aura niya. Ah broken. Weird talaga ng mga broken hearted. Tinuon na niya ang pansin niya sa phone niya.
Na-broken hearted na rin naman ako pero hindi ako `yong natutulala sa kausap, hindi ako `yong wala sa sarili. Or siguro hindi ko pa nararamdaman `yong totoong essense ng broken-hearted. Ah ewan. Iba-iba lang talaga siguro ang level of tolerance sa pain and rejection.
“s**t…” Napatingin ako sa kanya na parang shock na shock sa nakita sa phone. “Pogi talaga ni Yohan. Kung pwede lang sila na lang ni Kaiya talaga.”
“KaiHan shipper?”
“Ahuh. Puyaters pa nga ako noon sa kakaabang ng mga sagutan nila sa social media. Naging semi stalker din ako siyempre. Na-hurt din ako nung pinili ni Kaiya si Piero. s**t `yon. National TV!”
Naging big issue ang pangyayaring `yon. Doon nagsimula ang pag-hate kay Kaiya. Lalo mga shippers nila ni Yohan.
“Pero naka-move on na ako sa Kaihan. Siguro hindi lahat ng minamahal e nire-reveal. May mga kailangang itago. Nirerespeto ko din ang mga kanya-kanya nilang lablyf. Nirerespeto ko din kayo ni Kaiya.”
Muntik ko nang maibuga ang kape. Napainom tuloy ako ng tubig. “Ano?”
“`Di ba ikaw `to?” pinakita niya sa akin ang picture namin ni Kaiya. “Kayo na ba? Kilig din ako sa inyo. `Yong gay heart ko talaga. Kinikilig. Haha! Nakakalimutan kong broken-hearted ako.”
Parang masarap itong pasakayin sa trip e. Acting muna Roxie. Nangiti ako. “Bagay ba kami?”
“Oo. Konting lamang lang ni Yohan sa muscles.”
Teka ha? Parang gusto ko na lang siyang ibaon dito. Dito talaga sa kinauupuan niya.
“Kanino ka ba kampi? Kay Yohan o sa akin? Pinapaalala ko ha? Ako magre-recommend sa`yo kay Jewel kung maganda ang trabaho mo. Kahit mas matanda ka sa akin.”
“E kung ganun sa`yo na ako kampi. Sa praktikal tayo. Ano bang agenda? Gagawa pa ako ng write up na very very good ka sa tingin ng mga netizens? Madali lang `yon. Basta outstanding ang rating ko for recommendation.”
“Baliw. Idol mo si Jewel din `no? nag-scroll ako sa account mo. Googleable ka rin pala. Nice.”
“Active kasi ako sa social media. Para sa work na rin. Siyempre, kaya pangarap ko talaga mag-work sa kanya para mas matuto ako.”
“Oh may mga published books ka na rin. Nice. Nice. Can you do me a favor? Marami na kasi akong pagkaka-busyhan.”
“Ano `yon? Basta kaya ko naman.”
“Pwede mo bang igawan ng positive write ups si Kaiya? Hindi naman sa magsusulat ka ng kasinungalingan. Marami siyang good qualities. Gusto ko sana maalala ulit ng mga tao `yon.”
“Angsweet namang jowa nito.” Sandali siyang nag-isip. “Gagawa ba ng website? O random posting lang?”
“Ikaw na ang dumiskarte. Mukha kasing nalilimot na ng mga tao ang good side ni Kaiya. Marami siya n`on. Natatabunan lang ng mga issues. At hindi ko naman kaya mag-isa magkalat sa internet.”
“Walang problema diyan. Marami akong kilala na pwedeng mag-keyboard warriors! Haha! Sige. Kailan ako magsisimula?”
“Teka. Hindi mo tatanungin kung magkano ang ibabayad ko sa`yo?”
“Ahy may bayad ba? Haha! Ikaw na bahala magbayad. Basta hindi lang ako tumunganga maghapon, okay na ako.” Humigop ulit siya ng kape. “Pero naol talaga makinis ang mukha. Pag-iipunan ko ang pagpapa-skin care talaga. Para maganda pa rin ako kahit broken hearted.”
“Atleast naranasan mong magmahal. Sabi nga love and pain is inseparable. So, congrats pa rin.”
“Naku! Kapag na-experience mo na din `yong ganito para kang naglasing nang sobra sa gin juice. `Yong habang sumusuka ka sinusumpa mong hindi ka na ulit iinom! Pota!”
“Pero iinom ka pa rin.” Kaswal kong basag sa trip niya. “Kasi masarap ang alak. Masarap balikan kahit sa huli malalasing ka at mawawala ka na naman sa wastong katinuan.”
“Gaya ng pag-ibig…” Bumuntong-hininga siya saka inubos ang kape. “Pota.”