Kabanata 40
ROXIE
Super magandang Lunes! Nakarami din ako ng raket nitong mga nakaraang araw. Feel good talaga kapag kumikita ka rin sa passion mo. At busog ang mga mata ko. Haha!
“Good morning, Hija.” Good mood din si Ate Espe. Siya ang kinuhang tagalinis ni Tita. Ito nga at schedule niya ngayon dito sa aking very munting bahay. “Pumopogi tayo lagi ah.”
“Sus! Alam na alam ni Ate kung paano pagandahin ang mood ko! Ha ha!” Nag-apir kami. “Kain ka muna almusal `Te.”
“Nagkape na ako sa bahay bago ako pumunta dito. Oh, wala kang lakad ngayon? Walang raket?”
“Pahinga naman. Hirap kaya gumiling! Ha ha! Saka na ulit ako magpokpok! Ha ha!”
Nagkakabiruan kami ni Ate Espe na `pag umaalis ako e magpopokpok ako para may pera. Naging joketime na lang namin `yon.
“Ikaw talagang bata ka. Kung narinig ka ni Miss Ingrid siguradong pagsasabihan ka ulit n`on.”
“Hayaan mo `yong si Tita Shonda. Ha ha! Walang sense of humor.”
Nagsimula na siyang maglinis. Ako naman ay sa kwarto lang. Magchi-chill ako ngayong Monday morning! Hi hi. Start na pala ng workshop nina Kaiya. Para ulit siyang mag-aaral n`on. Ginoodluck ko na nga kaninang maaga e. Sure akong nininerbyos siya. Ha ha!
Check check muna ng CKM online. Good performance naman mga pinost naming articles. Maraming visits. Okay next? Twitter naman. Check ang dalawang accounts ko. Isang personal at naka-private pero boring. Ha ha! Wala man lang reactors ang twitter na ito. And isang very active, ang Roxieholic na biglang nag-boom ang followers.
Huh? Trending si Kaiya at Yael? Chineck ko ang hastag na #KaElcares. Owwwshii! Nagpost si Kuya Esteban! `Yong waiter na tinulungan ni Kaiya n`ong nakaraan. Tapos may mga post din ng stolen shots sa hospital na galing sina Kaiya at Yael doon. Hanep din ang bilis ng mga write up. Nakaisa na rin si Rica. Ha ha! Taga-retweet lang ako siyempre. May heart heart emoji para feel ang support.
Ito `yong trending sila na ayaw kong sapawan. Good vibes naman ang hatid e. Hmm, pansin ko lang sa mga tweets na mas nabibigyan ng emphasize si Yael. Alright legit check nga. Oh? Okay. Mga kaalyado ni Celeste ang mga nagsulat. Ha ha! Sige lang. It’s their work naman. Hindi na need ni Kaiya ng mga ganito kaya hindi ako aatake. Chill ang read na lang.
Kaaliw naman `tong mga nagta-tag sa `kin. Hinahanap ako e. Bakit daw wala ako. Hayan tuloy si Yael ang kasama ni Kaiya. Pinupusoan ko lang ang mga tweets. Time to shine ni Yael at Kaiya today.
Tapos nang maglinis si Ate Espe. Nagluto rin siya ng aming lunch. Pagkasarap ng sinigang!
“Naku, Ate Espe. Siguradong laging Magana kumain ng mga junakis mo. Kaysarap mo magluto e.”
“Overweight na nga sila e! ha ha!” Uminom siya ng tubig. “Ah nga pala hija, nagtext si Maam Ingrid. Dalhan mo daw nitong sinigang sa opisina.”
“Ate naman. Bakit mo kasi sinabi na nagluto ka. Atat pa naman sa lutong bahay `yon.”
“Pasensya na, Hija. E nakipag-video call para daw sana kumustahin ka kaso nakita `yong mga ingredients sa mesa.”
“Sisingilin ko nga siya ng service fee! Ha ha! Lagay ka Ate sa isang separate na Tupperware ha? Pati rice na rin.” Tumingin ako sa relo ko. “Binilisan ko na ang pagkain. Sakto sa lunch break.”
Naligo na ako and everything. Binilisan ko na ang pagligo hindi naman nakakabawas ng kapogian ko ang hindi pagsha-shampoo e. Makapag-long sleeves nga kahit pagpapawisan ang kilikili ko paglabas. Last check sa salamin ng outfit.
“Pogi mo talaga!” turo ko sa repleksyon ko. Isang picture muna. I-post sa ating IG story. Walang caption. Picture ko lang sapat na.
Ready na ang dalawang set ng lunch. Isang pang-couple at isang pang-single.
“Ate, kayo na bahala dito sa bahay ha? Huwag magpapaparty habang wala ako. Ha ha ha! Char. Alis na ako `Te.”
---
Kakarating ko sa Persona. Dumeretso na ako sa office ni Tita para sa kanyang request na lunch. Nasa third floor daw at kasalukuyang nagbibigay ng lecture sa workshop.
“Tita Z, bakit nandito ka?”
“Nandito ang work ko. Parang ewan ang tanong mo ah.”
“Hindi `yon. Nasa workshop si Tita dapat nandun ka din. Daming chikas doon! Ha ha ha! Joke langs.”
Inirapan na naman niya ako. “Tumingin man siya sa iba. Ako pa rin ang tititigan niya. Lalo pag gabi.”
Hindi ko na napigil ang tawa ko. “Tangina, Tita! Ikaw yata ang tunay kong tiyahin e! Ha ha! Zynthia lang sakalam! Ha ha! Lunchbreak na Tita. Puntahan na natin ang kataasan-taasang Ingrid Dela Merced. Baka lumalandi na `yon. Ha ha!”
Siyempre mabilis ko siyang nakumbinsi. Duh! Marinig lang niyang baka lumalandi sa iba si Tita nagpapanting ang tainga niya. Zynthia the selosang jowa! Lol. Ay hindi pa pala jowa. Wala pang announce. Zynthie the no label karelasyon.
Nasa elevator na kami. “Para kanino `yan?” tinutukoy niya sa isa pang lunch pouch na bitbit ko.
“Kay Kaiya. Dinalhan ko na rin. Baka mainggit e. Inggeterang palaka pa man din siya minsan.”
“Oh. Okay? Weird na concern ka sa ibang tao ha? It’s so not you.”
“Sus! Alam ko na ang tinutumbok mo Tita. Kalma. We’re just prens.” Saktong nag-stop na ang elevator. Malapit na kami sa conference hall kung saan ginaganap ang workshop. Kinonvert ito kamakailan para sa specific event na ito. Sa likod na pintuan kami dumaan. Para itong isang malaking classroom. Bawat table ay may mga nakalaang tela and sewing materials na pwede nilang gamitin. Nakita ko na si Kaiya na may sinusuot sa maniquin.
“Magbu-business ako Tita Z. Gawaan ng mannequins na pang-Medium to XXL. Ha ha! Unfair kaya ng mga mannequins oh. Very body shaming. Perfect ang design sa kanila pero `pag sinuot ng totoong tao hindi na nakakatuwa tingnan. Ewww. Discrimination. Ha ha!”
Sinenyasan ko si Tita Rid na lunch break na. Tinuro ko ang relo ko at nag-time out ako. Aba ang shonda, may added instructions pa. Parang toxic si Kaiya. nag-aabot na ang noo e. ha ha! Pero pogi nga siya ngayon. Lakas ng denim outfit e at oversize blue while stripe shirt.
“She’s more pogi than you.”
Inakbayan ko si Tita Z. “Tita, hindi. Ako ang mas pogi. Tingnan mo naman. Pormang tomboy lang siya okay? Pero angfemenine kumilos. Hindi `yan pogi.”
“Pretty then?”
“Ahuh. Pwede pa. Pretty na feeling pogi.”
Tita Rid calls for a break. Habang ang iba ay lumabas na to take some lunch, tuloy lang si Kaya sa pag-aayos ng damit sa mannequin. Nilapitan ko na nga at lahat parang wala pa ring balak tumigil.
“Uy lunch muna.” Nilagay ko sa mesa ang pouch. “Anong design `yan? Naguguluhan ako? Char.” Masama na kasi ang tingin niya sa akin. “Lunch muna? Sinigang `yan.”
Iginilid niya ang mga materyales. “Grabe ang Tita mo. First day na first day pinaggawa kami ng random design for a pageant.”
“That’s the hell Ingrid alright.” Sinipat ko ang mannequin. “Lagyan ko kaya ng drowing na mukha itong mannequin mo. Parang hindi happy sa suot e. haha.”
“Did you just say pangit ang design ko?”
“Huh? Hindi ah. Sabi ko hindi happy ang mannequin! Ha ha!”
“It’s just the same. Kasi pangit ang design ko.”
Parang tanga to. Malamang unang try pa lang niya. Wala pa siyang alam sa mga tips na ibibigay ni Tita.
“Kumain ka na lang.” Ako na ang nagbukas ng mga food tubs. “Tangina. Bakit korteng puso ito.”
`Yong rice kasi naka-korteng puso. May mata at ilong pa na gawa sa carrots. Ate Espe! Anong trip mo sa buhay?
“Si Ate Espe ang gumawa niya.”
“Cute. Wait. Picture ko lang.” Bilis magbago ng mood. “Paano ka? Pang isang tao lang `to.”
“Kumain na ako bago pa ako pumunta dito. Sige na. Kumain ka na.”
Kumuha ako ng isa pang monobloc sa likuran. Tinaas ko pa ito ng dalawang kamay ko para hindi makasagi sa mga mesa. Baka isumpa ako ng mga participants pag nasagi ko ang mga kagamitan nila e. ha ha!
Naupo ako sa tapat niya. Hindi na rin lumabas ang ibang nagpa-deliver na rin sila ng foods. Kita ko na rin si Celeste na busy sa mannequin. Venus cut ang peg ng design niya.
“Mukhang wala siyang balak kumain.”
“Oh gusto mo bigyan mo. Hatiin mo `tong rice.”
Balik kay Kaiya ang atensyon ko. “Elem me? Weg me meshedeng epepehelete ne negseseles ke. Ha ha! Joke langs! Uy alam ko history niyo ni Celeste. Bet niya si Yohan `no? ha ha!”
“How the hell did you know?”
“Malakas nga kasi ang radar ko sa mga tsismis! Ha ha. Balita ko may indicent proposal pa nga e. Maka-one night stand lang niya si Yohan boi.”
“Hindi ko alam `yan.”
“Ha ha! Siyempreh hindi na sinabi sa`yo. E hindi naman patola si Yohan kahit milyones ang kapalit. Ha ha!”
Malapad talaga ang tainga ko pagdating sa mga tsismis! Sa isang very trusted source ko nalaman ang bagay na `yon. Naka-one-night stand din ni Celeste. Bueset na bueset daw siya kasi para siyang hindi na makalakad kinaumagahan dahil sa kanya binuhos ni Celeste ang gigil niya nung dinecline ni Yohan ang offer niya.
At sa kabuuan? Kiss and tell si Celeste. Mahirap to ikama. Baka sabihin pang hindi magaling ang mga lawit ko haha. O kaya sabihing hindi nasarapan sa ikot-ikot ng mga tentacles ko. Ha ha ha! Tangina!
Nakwento ko kay Kaiya na trending sila ni Yael.
“Haven’t check may SNS accounts. I want to focus here.”
“Seryoso naman pala sa designing. Give kita rewards mamaya haha! Long gown ang gagawin mong design lang?”
Tumango siya. “Parang nalimot ko na ang mga basic na alam ko. Gan`on ako ka-stress nung nagsimula si Miss Rid.”
Nailing ako. “Sayang. Hindi ka niya mabigyang ng special treatment ha ha! Yakang-yaka mo `yan. Tandaan mo, pogi ng model mo madadala ko `yan lahat kahit labas pisngi ng wetpaks pa ang design. Ha ah!”
“Anong wetpaks?” Napakainosente po niya Lord!
“Puwet! Baka naman may desinyo kang labas cleavage ng puwet. Ipapaderma ko `to talaga. Nakakahiya naman e. ha ha!”
“Burara ng bibig mo talaga!”
Kinuhaan ko siya ng stolen shot. Siyempre `yong hindi siya pretty! Ha ha! “Change fashion sense ka na ba? Boyish look na ba ang bagong look ni Kaiya?”
“Hindi. Hmm. Komportable lang ako. Bakit? Hindi ba bagay?”
“Bagay. Weird lang siguro sa paningin ko kasi bago lang. Masasanay din ako. Ha ha!” Pinakita ko ang picture niyang kumakain. “Post ko sana `to kaso ayoko sapawan si Pareng Yael. Ha ha! Save ko na lang para bukas! Ha ha!”
“Oh? Biglang may concern ka sa iba ah? Renewed person ka na ba?”
Kumuha ulit ako ng pictures. Marami pang clicks nga e. Nag-pose din siya. “Hindi `no. Marunong lang akong makisama kung positive ang hashtag. So far naman positive feedbacks tungkol sa`yo. Kung mayroon mang mga potang negatron e natatabunan ng mga positive comments.”
Sinend ko ang picture namin sa isang secret GC ng mga KaiRo shippers. Mga nangako na kung ano man ang makikita sa GC ay mananatili sa GC. Haha!
“Lunch na daw kayo sabi ni SuperKaiyan. Wala siyang alam sa sinend ko.ha ha!”
“Bakit ka natatawa?”
Oo nga pala. Hindi siya kasali sa group chat!
“Ah bale. Ano kasi may gc na para sa mga KaiRo shippers ha ha! Iilan lang naman. Mga trusted people in the KaiRoVerse ha ha! `Yon sabi ng admin e.”
“Can I see?” Pinahiram ko sa kanya ang phone ko. Nag-scroll siya sa group chat. “Whatthell? Sila na nagpaplano ng mga dates?”
“Ha ha! Ideal dates lang mga `yan. Alam mo naman mga shippers, malawak ang imahinasyon.”
“Nakikisali ka talaga sa mga GC? Bakit?”
“Para sa informations. Alam mo kasi itong GC hindi lang tungkol sa ship ship. Report report pa nga sila kung sino mga nagpapakalat ng maling tsismis. Auto report kaya ang mga yan kapag may malisyosang tweet tungkol sa`yo.”
Nagselfie siya saka nag-type-type sa phone ko. Binalik niya ito sa akin. Sunod-sunod ang new messages sa group chat! Anak ng mannequin naman. Sinend niya dito ang selfie niya. “Thank you, guys. Sorry can’t post any KaiRo content. I’m busy with a workshop.”
“Backread ako later.” Sinend ko na ang message ko na `yan. “Magbu-busy din ako dito. Babantay ko `tong senyorita. Hindi pa tapos maglunch e nagseselpon na. Bye!”
Kairo content sa group chat! Ha ha! Hinintay ko ngang matapos mag-lunch si Kaiya. Potek `yan. May tira pa siyang kanina! Angliit siguro ng tiyan niya.
“Grabe. Onti na nga lang hindi pa inubos. Amin na nga.”
Kinain ko ang tira niya. Nasa limang kutsara pa `yon. Sayang din ang kanin! Ha ha.
“Walang arte-arte `no?” natatawa niyang sabi pagkatapos uminom ng tubig. “Gutom ka lang e. Hindi mo lang aminin.”
“Hindi. Sayang kasi `yong kanin. Pagkamahal pa naman ng bigas ngayon. 1200 na ah. Kung utang may interes pa. haha! Kaya dapat inuubos ang pagkain.”
Iniaayos ko na sa tub ang tinidor at kutsara. Hinigop ko naman ang natitirang sabaw. Angdami ko nang busog talaga! Haplos-haplos ko na nga ang tiyan ko e.
“Are you going to stay `til matapos ang session?”
Umiling ako. “Sa office na lang ako. Matutulog. Ha ha! Tawagan mo na lang ako mamaya. Dala mo ang pogi mong kotse?”
“Hindi. Nakisabay ako kay Ate kanina. Mag-grab naman ako pauwi.”
“De isabay na lang kita. Dadalawin ko din si Gael.” Niligpit ko na ang mga tubs. “Sa office na muna ako. Galingan mo dito.” Bothered talaga ako dito sa mannequin. Ha ha! “Lalagyan ko `to ng picture ko next time para hindi nakakabahala ang mukha niya. Ha ha!” Tinuktok ko ang noo ng mannequin. “Pogi ka na next time. Ha ha!”
Bumaling na ulit ako kay Kaiya. Nasa sketch na ang attention niya.
“May breaktime pa yata mamaya. Pizza? Or sandwich? Libre ko.”
“Sandwich. Chicken sandwich please?”
“Okay. Arte. May flavor pa. Ha ha! Bye! See you later, alligator.”