Kabanata 39
KAIYA
Morning came. Nanonood na si Jeid ng favorite morning cartoon show niya sa sala. Naririnig ko naman ang halakhakan nina Gael at Rica sa terrace.
“Tangina! Totoong tao pala `yong sa libro ni Miss Jewel! Ha ha! Hanep! `Yong blackboard talaga ang malakas!”
I remember that. `Yong kinuha ni Gael ang blackboard mula sa storage room kasi baka kulanging daw ang sinusulatan ng teacher nila. Those days na panay kalokohan ang ginagawa niya. And those days when Ate actually fell for her big time. Weird things love can move talaga.
Hmm! Bango naman ng naamoy ko! Actually, kung ano ang food kagabi, iyon lang din. Nire-reheat lang ni Ate. And she’s preparing the dining table already.
“Wife duties?” Biro ko sa kanya. “Apron looks good on you, Ate.”
“You know I love to serve her.” Nilapag niya ang isang platter ng fried rice. Angbango! Nakakatakam ang amoy nito. Pinoy fried rice, just garlic ang salt.
“It shows naman.” Tinikman ko ang fried rice. “Hmm. Kahit wala nang ulam. Kaso nakakataba ang kanin. I’ll probably just have coffee.”
“Bakit ka ba magda-diet? Magpataba ka naman kahit konti.”
“What if there’s a call for a project. Tapos mataba na ako?”
“Sabihin mo `yan kapag natikman mo ang luto ni Roxie. You’ll probably forget your diet.”
“Weh? Natikman mo na?”
“Ahuh! At muntik ko nang malimot na kapatid kita! Ha ha! Tawagin mo na `yong dalawa. Kanina pa nagbibidahan ang mga `yon e.”
Pinagtimpla pa kami ni Ate ng kape. Her specialty. “Ubusin niyo `yang kape niyo. Para gising kayo buong umaga.”
“Akala ko naman para maging matapang. Ha ha! Char lang.” Sabad ni Miss Rica. She sips a bit of coffee and acting like one of those commercial models. “Hmmm! Mapapalaban ka sa tapang! Suntukan pa nga! Ha ha ha!”
“Baka maling tao ang ilaban mo. Olats! Ha ha!” Gael joke with laughter. Mukhang magaling na siya. Nakakaisip na siya ng mga kalokohan e.
Nag-high five pa sina Rica at Gael. God! Lahat na lang ng maingay nakakasundo ni Gael. Bird of the same feathers really flock together.
“You okay?” Ate looks at me confusedly. “Nga pala tuloy ba ang lakad mo?”
I nodded. “Nakakahiyang i-cancel e.”
“Umuwi ka nang maaga mamaya.” Paalala naman niya. “Kung kape. Kape lang. Baka may movie pang kasama `yan.”
“Si Ate parang nagbibilin sa teenager.”
“And? Ano naman? I’m still your guardian here. Kaya please sumunod ka naman.”
“Oo na. As if naman gustong-gusto kong umalis.” Kung hindi ko nga lang na-replyan si Yeal e de sana nakahiya pa ako ngayon at iniimagine na lang kung paano ang mga designs na gagawin ko sa workshop. God! Me and my phone!
“Rica, bukas pag-usapan niyo ni Roxie kung paano ang set up niyo sa CKM online. Then i-propose natin. Are you willing to work with her?”
“Opkors! Bakit ako tatanggi sa grasya ng keparahan? Ha ha!”
Mukhang magkakasundo sila. It’s like Roxie is here saying Perang-pera na ako. Pero pogi pa din.
“If ever magdecide na umalis si Roxie, I hope you’ll step up.” Ate worriedly added. “I have this gut feeling lang na hindi na siya ganoon kainteresado sa pagsusulat.”
“Gusto lang niyang mag-explore ng iba’t-ibang hobbies. Gusto niyang maging jack of all trades, master of none.” Sabad ni Gael. “Since bata pa siya pakiramdam niya marami siyang dapat patunayan sa mundo kasi iba siya. Alam mo na? Nagkakagusto siya sa babae. Gan`on ang basa ko sa kanya. Base sa mga naikwento niya tungkol sa pamilya niya.”
“She’s really unpredictable.” I uttered. The three of them gaze at me. “What? Anong tingin `yan?”
“Wala ba siyang naikukwento sa`yo?” asked my sister. “Like plans niya? Kung ano mga gusto pa niyang gawin?”
“Well, bukod sa mga kalokohan niya. Wala naman siyang name-mention. Just let her be na lang. Prepare for the worst ka na lang, Ate. Since mas kilala mo ugali niya.”
Bukambibig naman kasi niya ay mga models na nakakasalamuha niya and her pervert jokes. Hindi namin madalas pag-usapan ang work at plans niya. And I think, wala naman ako sa posisyon para pagsabihan niya. I’m not her significant other.
---
I’m heading to Jozo Café. Somehow, I’m loving my OOTD. For no reason, I didn’t put any make up. Just plain press powder ang lip tint to much my OOTD. Sinipat ko ang repleksyon ko sa rear mirror. I even wore my cap backwards. This looks cool. Probably gonna wear more of this.
I saw Yael’s car at the parking space. Itinabi ko na rin ang kotse ko dito. I took a last look at my reflection after putting press powder again. Feels better. Weirdly better.
I saw him instantly upon entering the café. Parang hindi akma ang outfit ko sa suot niya. He looks like he’s going to attend a baptism. Semi-formal outfit over a cup of coffee. Mukhang nagulat din siya pagkakita sa akin. He handed me a bouquet of flowers.
“Thank you. Bakit may flowers pa? Hindi naman autograph signing.” I joked. I’m talking how about he waited for his turn in the line just to have my autograph ang pictures.
“Uh… Nothing? Appreciation for coming today?”
Binigay na ng waiter ang menu. “What would you like to order, Kai?”
I had coffee at home but I still ordered espresso `coz rumors have it that Jozo makes the best espresso in town. And two orders or Silvana. This combination would be perfect.
“You look different today,” he said. “I mean angganda po pa rin.”
“You don’t need to flatter me everytime.” We talk about his billboard in EDSA. “I’m sure marami pang mag-oopen na opportunities sa`yo.”
“I hope so. Nag-audition din ako sa isang mini-series. I don’t know kung makukuha ako. Angdaming gwapo at magagaling din d`on.”
“You should believe in yourself. Sino pang maniniwala sa`yo kung ikaw mismo magda-down sa sarili mo?”
“Sa bagay. Hindi ko pa sinasabi kahit kanino. Baka hindi ko makuha e.”
“But you told me. Baka mausog `yan.” I joked. “Kidding. I know how it feels. When they are more excited than you. Nakakatakot mag-fail. Right?”
“Mismo. Kaya gusto ko secret muna. Magugulat na lang sila may mga commercials na ako. Or kaya mapapanood na ako sa tv.” Dumating na ang order namin. “Uhm Miss, pwede mo ba kaming kuhaan ng picture?”
Inayos ko ang cap ko. I wore it properly na. The waiter give him his phone back and politely ask if he could have a selfie with me.
“Sorry po Maam Kaiya. Idol ka kasi ng kapatid ko. Ibibida ko lang sa kanya na nakita kita.” He shyly said while he nervously clicks his phone. “Ano ba to kinakabahan ako. `Yan. Pwede na. Luma na kasi `tong phone ko. Hindi ko gustong palitan. Hehe. Nandito kasi pictures na unica hija ko.” He’s very proud. Pinakita pa niya ang picture ng baby. Cute little angel.
Yael volunteered to take some pictures of us. Nakatayo si Mr. Waiter sa gilid ko. We did some wacky pose din. I really appreciate the space he gives me. Unlike other male fans na umaakbay pa.
“Thank you po! Matutuwa si Neneng nito.” Nakakatuwa si Mr. Waiter. He even waves his phone sa katrabaho niya. “Para kay Neneng `Tol!”
“Little things you give to other people. Gusto ko ring maging ganyan. `Yong maka-inspire ng iba,” said Yael. “Angbait mo.”
“Maliit na bagay lang naman. Kung wala silang sumusuporta sa akin even in my miserable days, wala akong fame na tinatamasa ngayon.”
Napunta sa schooling niya ang topic namin. His kalokohan na nailulusot niya sa mga profs niya. “Sabi ni Miss Celeste if ever na maging hectic ang schedule ko, magshift ako sa home schooling.”
“She’s right. Hangga’t kaya mo naman pagsabayin ang pag-aaral ang career mo. Why not.”
“Baka pwede ko rin isabay ang lovelife.” He sips his coffee while looking at me.
“Maybe? Wala namang pipigil sa`yo kung ano ang desisyon mo sa buhay.”
His phone rings. Nag-excuse din muna ako para kunin ang phone ko sa kotse. Tinatawag ako ng isang bata. Cute ng batang ito. kumaway-kaway pa. I wave back at her.
“Take care Miss Kai!”
Marami akong missed calls. Si Skye lang lahat. I gave her a call back.
“Hello! Where on earth are you?! Kanina pa kita tinatawagan!”
“Nagkakape ako. Bakit? You have a prob?”
“Gagi! Wala! Aayain lang sana kitang gumala. Bored na ako. Nauurat na ako! Hindi ko yata nakuha `yong role. Gosh! Angsama ng audition ko kahapon.”
“Ha ha! Hangover got you really hard ha? I’ll give you a visit mamaya `pag wala na ako gagawin.”
Our talk was cut. And hindi ko na siya matawagan. Baka na-deadbatt na ang phone niya. Pabalik ako sa loob ng café when I heard the Mr. waiter who served us kanina talking to someone sa phone niya.
“Hindi pa ako nakakaporma ng cash advance. Mag-e-early out muna ako. Deretso ako sa hospital. Makikiusap ako. Baka pwedeng hulugan ang bill.”
Pumasok na ako sa café. I saw that kid again. She’s like waiting for me with a phone.
“Yes, sweetheart?”
She raised the phone with both her hands. “Pwede po papicture with you po?”
“Sure.” Bahagya akong umupo to reach her. I gave her the opportunity to take the picture. “Smile na tayo…”
Finger heart pa siya. Naka-timer ang phone niya kaya we had enough time to pose. She’s the cutest when she said thank you. She even took a bow.
Bumalik na ako sa table namin ni Yael. “Angbait mo talaga sa fans,” Said Yael.
“Cute niya ano?” Nakwento ko sa kanya iyong narinig kong pag-uusapan ni Mr. Waiter. “I want to help him. Anonymously though.”
“Then let’s help. Ako bahala.”
Tinawag niya ang manager. He asked the name of the waiter. Anak pala niya ang naka-confine. We also hospital kung saan ito naka-confine. Pinakiusapan niyang huwag babanggitin dito na kami we ask for his informations.
“What’s next?” asked Yael.
“Gonna check on it. Then I’ll see what I can do.”
“Samahan na kita. May time pa naman ako. 3:00 pa ang call-time e.”
Convoy kami papuntang St. Therese Hospital. Roxie is over the phone.
“Uy Charity! Ha ha! Napa-check ko na `yong case ng bata. Dengue. Bill niya ay umaabot sa 50,000. Wala siyang health insurance so yeah. Hayon lang.”
“Thanks!”
“Ayos ng date niyo ni Yael ah! Napuntang charity act! Ha ha! Anong plano mo? Babayaran mo bill?”
“I’ll contact some institution who can help. Baba ko na `to. Baka may ginagawa ka pa diyan.”
“Angbait-bait mo ngayon. Nagkape ka lang e! ha ha ha! Uy good mood! Pogi mo sa pictures kanina ah. Mas pogi ka kay Yael! Ha ha ha!”
“Mas pogi na ako kaysa sa`yo?”
Her laughter echoed. “Gagu ka buh?! Siyempre hindi! Ako pa din mas pogi! Ha ha!” Nabalot kami ng ilang sandaling katahimikan. “Kai, jowa mo na ba si Yael?”
“Ha? Hindi! Bakit?”
“Abuh! E nagpost. My one and only daw. Di joke lang. ah ah! Nagbabasa lang ako ng fanfiction na bida tayong tatlo. Grabe naman mga `to. Selos na selos na ako hindi man lang ako bigyan ng bagong ka-love team. Habang naglalandian kayo ni Yael! Ha ha!”
“Damn you, Roxie! I’ll call you later.”
“Ha ha! Bye! Ingat! Remember ako pa din ang pogi! Give ako 5000. Transfer ko sa account mo. Nakaraket ako nang maigi e! ha ha ha! Giling-giling lang. ha ha ha! Jokeness!”
“Thanks! I’ll hang up. Malapit na ako sa hospital.”
True enough. P50,000 nga ang bill ng bata. I called Mr. Han if he could help. Buti nagawan ng paraan. Half ang matatapyas sa bill ng bata.
Binigay ko sa nurse ang contact number ng organization na makakatulong na mabayaran ang bills if may mga mag-add up pa. I also give 10000 for deposit para sa mga needed medicines.
Mabilis ang naging transaction. Hindi na namin binisita ang bata para hindi na magkaroon ng idea si Mr. Waiter kung sino ang nag-pay ng bills niya.
Palabas na kami ng hospital ni Yael. “Nakakagaan ng pakiramdam ang tumulong.”
“Ahuh. Kaya if may chance, nag-eextend ako ng help. Basta kaya.”
“Which makes me admire you more.”
“hmm? Baliw. Gawain din naman ni Yohan. I mean grupo namin. May mga portions ng earnings namin ang napupunta sa charity. Performing with a purpose is really great for us.”
“I think, I should also do that. Maghanap ako ng beneficiary institution din.”
“Do it na bukal sa loob mo.” Nakarating na kami sa parking lot. “So paano? Thanks for the coffee.”
“Mas thank you sa time mo. I hope may next time pa?”
“We’ll see kung hindi naman busy. Why not?” I wave goodbye before entering my car.
While on the road, I called Roxie. I connecter her to my car’s speaker. “I guess that incidentally reply last night is a way to meet Mr. Waiter and give him some help.”
“Siguro. Naks! Nakikita niya na maga reason sa misfortunes niya! Ha ha ha! So anong rason bakit ka broken? Baka alam mo na? ha ha ha!”
“Baliw! Ewan! Hindi ko alam. Kailangan lagi mo ipasok na broke ako?”
“Ha ha ha! Opkors! Para masaya! Di. Joke lang. Basta ang alam ko Kai? Misfortune man ang ilang bagay nagkakaroon pa rin ng good reason yern. Parang ikaw. Broken ka para magkaroon ng poging-poging moving on buddy! At ako `yon! Ha ha!”
“Parang nakakapangsisi nga e. Poging pogi ka sa sarili mo. Napakayabang.”
“Hoy! Ang poging ito ang magsusuot at magpapalitaw ng kagandahan ng mga designs mo. Magiging stand out tayo sa workshop. Ha ha! Char.”
Hindi na ako nagsasalita but she’s still on the phone. Nagpatugtog siya ng old songs. Nakikisabay na lang din ako sa pagkanta.
“Ha ha! Uy naalala ko `yong isa kong nakalandian ahah! Tangina, sabi kantahan ko daw siya.”
“Oh tapos?”
“De sabi ko, ‘babe sa cr lang ako kumakanta. Tara sa cr?’ Ha ha! Tangina gagu. Hinatak ako sa cr e! Napakanta tuloy kami ng Ohhh aahhh. Ha ha ha!”
“Damn you and your pervert acts! Baliw ka talaga!”
She just laughs and continued singing. Napapa-tap ako sa manibela sa pagkanta niya. She really has a good voice and it sound better on calls.
“Kunwari ako yong jowa mo na hinaharana kasi kasi tatampo ka haha! Tangina. Nakaka-miss magkajowa hahaha! Penge nga trial version. Kahit 7 days lang! ha ha!”
“Baliw! Baba ko na nga `to. Kung ano-ano ang naiisip. Bye na!”