Kabanata 14
KAIYA
We’re using Miss Ingrid’s car. Si Miss Zynthia ang nagda-drive. Nasa back seat ako. The tension between them is unimaginable. Roxie ain’t replying to my messages. I’m asking her what to do if these two argue. I can’t deal with my sister then now I’m with two ill-tempered people.
We arrived at a Japanese restaurant. Nandito si Roxie. Nakaabang siya sa parking lot. Bigla ako nabueset ah. She was also surprised when I got off the car. Sabi niya kanina nasa work siya at tinawag pa siya ng staffs dahil sa tweet ko? Sinungaling!
“Angtagal niyo naman, Tita. Nag-excuse lang ako sa work.”
“Huh? Nasa bahay ka lang n`ong tinawagan kita.” Said Miss Rid.
Tinaasan ko ng kilay si Roxie. Such a liar!
Napakamot siya sa ulo niya. “Tara na nga sa loob. Para makarami tayo ng kain.”
Miss Ingrid ordered different variety of sushi and chicken teriyaki for us. “Anong drinks niyo?”
“Tita Z, anong drinks mo?” asked Roxie. “Pwede tayo sake dito. Let’s try?”
“Sige. Sake. Two bottles for me.” Napatingin si Miss Rid sa kanya. And like Miss Rid doesn’t exist tinuon ni Miss Zynthia ang pansin niya sa phone niya. “Nagpapa-set ng dinner meeting si Mr. Almario sa`yo. Anong ire-reply ko? Same with Mrs. Diamante. Nagfa-follow up sa invitation na pinadala niya.” She’s scrolling her phone while informing Miss Rid about her schedules.
“Anong invitation?”
“Her 65th birthday. Mamayang gabi ang celebration. Hindi mo pa tinitingnan ang mga nilagay ko sa table mo last week?”
Umiling si Miss Rid. “Kung tiningnan ko hindi ako magtatanong. So, what about it? `yong kay Mr. Almario ano ang agendum ng paghingi ng meeting?”
“Gusto mag-invest sa Persona ni Mr. Almario but mayroon kayong past issues nung sinulot mo ang isang designer niya.”
“I didn’t. Hindi maganda ang trato niya sa mga empleyado niya kaya nagsialisan siya. I don’t want to talk to him. Approve mo `yong kay Mrs. Diamante. Ikaw na lang makipag-meet kay Mr. Almario.”
“Erlinda Diamante?” I asked Miss Ingrid. “Owner ng Celestial Cosmetics?”
Miss Ingrid nods. “You know her?”
Tumango ako. “Sort of. Anak niya kasi `yong isa sa avid supporter ng S5. Most of the time present sa concerts. And most of the time iba-iba din ang kasamang babae.” God! Napailing ako nang maalala ko kung paano niya i-seduce si Yohan that time. I was furious as fvck.
“Si Miss Celeste?” pagsali naman ni Roxie sa usapan. “Tita, naalala mo `yong finorward kong article sa`yo about this gay heiress? Siya `yon! I was about to publish that s**t pero nag-message si Mrs. Diamante. Ayaw niyang masira ang pangalan ng anak niya daw. Dodoblehin daw niya bayad ng CKM sa akin kung hindi ko ipa-publish. Nakabili ako ng gadget n`on! Hahaha! Instant mon-mon!”
“Ah. Okay. That cocky woman. She’s hot.”
Tumikhim si Miss Zynthia. “So? Anong sasabihin ko?” What’s with that look? Nakataas pa ang kilay niya.
“Let’s meet them. Kasama kayong tatlo. Cancel mo ang meeting kay Mr. Almario.”
Huh? Bakit kailangang kasama pa kami?
Natawa si Roxie. “Tita Z. Ampula mo hahaha! Selos yern?”
Naningkit ang mga mata niya. Tiklop na naman `tong si Roxie. Ah I get it. Probably may something siya kay Miss Rid. Nice. They look good together.
Dumating na ang orders namin. I really appreciate their sushi presentation. Nakakatakam! They’re discussing about Persona. Ako naman nakikinig lang. Hindi ko pinapansin ang pangungulit ni Roxie. She lied so I don’t want to talk to her muna. She’ll get the cold treatment she deserves.
“Ipahatid ko na lang ang kotse mo.” Said Miss Rid. “Anong oras nasa bahay ang ate mo?”
“6:00 po siguro nakauwi na siya.”
“Okay, then. Tawagan mo ang company driver. Ipahatid mo ang kotse ni Kaiya.” Utos niya kay Miss Zynthia na nagda-dial na ng number sa kanyang phone. “Roxie, cancel mo ang lakad mo tonight. We’ll attend Mrs. Diamante`s birthday.”
Roxie let out a laughter. “Langya Tita, tatlo-tatlo ang bantay mo? Shokot ka mapikot? Hot `yon sa personal. Promise!”
After naming kumain ay dumeretso kami sa condo ni Miss Rid. Hinihintay namin ang mga isusuot namin from Persona. Dito na iniinom nina Roxie at Miss Zynthia ang sake na inorder nila sa Resto kanina. Abala naman si Miss Ingrid sa video conference with her boss.
“Angsarap talaga ng sake!” Tinaas pa ni Roxie ang kanyang baso pagkatapos ubusin ang sinalin niyang sake dito. “Buti dinagdagan mo ang order Tita Z. Lab na kita talaga.”
“May away ba kayo?”
Roxie was caught off guard with Miss Zynthia’s question. Nagsalin na lang ulit siya ng sake sa baso niya. “Hindi. Wala kaming pag-aawayan, Tita. Aba baka namamalikmata ka lang.”
Bumuntonghininga si Miss Zynthia. “Siguro nga. Wala ka bang boyfriend Kaiya? Baka meron nang nagagalit dito kay Roxie.”
“Wala naman po, Miss.”
Anglakas ng tawa ni Roxie. What’s funny? Wala namang akong binitawang joke.
“What’s your problem? Have you gone crazy?”
“Angbait-bait mo kasi. Angbias mo. Kapag ako kasama mo napakasungit mo. Abot langit. Hahaha! Kaiya ambait-bait!” she tried to pinch my cheek but I brushed off her hand. “Uy sungit na. Normal na siya haha!”
Inirapan ko siya at nagpaka-busy na lang ako sa phone ko. She’s annoying.
“Pagpasensyahan mo na si Roxie. Kulang sa bakuna `yan.” Natatawang sabi ni Miss Zynthia. “Nga pala later just call me Tita. And pretend that I’m Ingrid’s girlfriend.”
I look at her confusedly. Why the need to pretend ba?
“She’s trying to win Tita Rid back.” Said Roxie. “Boss Zynthia Mapagmahal. Hahaha! Kaso mukhang mahihirapan. Bayaran mo ako Tita Z. Itatakbo kita kay Tita. Lasingin natin. Tas boom! Alam mo na. hahaha! Diligan na!”
Anong diligan? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. “Anong diligan?”
Miss Z just smiled and took another drink of sake. “Huwag mo na lang alamin.” She checks on her watch. “In thirty minutes nandito na ang mga mag-aayos sa atin. Magrelax muna kayo.” Tumayo na siya at pinuntahan si Miss Ingrid sa balcony.
Napabuntonghininga si Roxie. Naiiling-iling pa niyang pinagmasdan sina Miss sa balcony. “Imagine dalawang masusungit tapos dumagdag ka pa? Anglala ng gabi ko. Puro mga de-kalibreng matataray ang kasama ko.”
“Atleast hindi sinungaling. Nasa work pala ha? Tinawag pa ng staffs.” Iiling-iling kong sabi sa kanya. “Lumalandi ka siguro `no?”
And as if on cue her phone rings. It’s flashing Suzette’s caller ID. She’s really up to something with that woman. Hay! Pinapahamak ang sarili talaga. She didn’t answer the call.
“Oh sagutin mo. Nabitin yata landian niyo.”
“Naku. Delikado ang buhay ko `pag dikit ako nang dikit sa kanya. Sa una lang masarap. Hahaha!” Uminom ulit siya ng sake. “Pero sayang. Makinis, maputi pero homophobic ang parents. Ekis.” She even crossed her arm in the air. “Hindi ko kayang tanggapin. Hahaha! Alam mo `yong kantang `yon?”
Umiling ako. I’m not even familiar with the tone.
“Rich kid. Hahaha! Grabe. Sikat na sikat na kanta ni April Boy `yon.”
Tinuon niya ang pansin niya ulit sa phone. Ako din naman ay nagbasa ng mga tweets na nakatag sa akin pati mga related articles. Dati apektado ako sa mga negative write ups pero as time goes by nasanay na rin akong i-ignore ang mga ito. Most of them are fake news kasi.
Bigla siyang humarap sa akin. “Paano kapag na-issue ako kay Suzette? Susugurin kaya ako ng mga fans mo?”
“Ewan. Baki?”
“Wala. Napaisip lang. Marami din kasing nagmamahal sa`yo na fans na willing makipagbardagulan para ipagtanggol ka. Nai-imagine ko na. Diyos ko! Safe ako kung sa`yo ako mukhang lumalandi. Hahaha! Char.” Bumalik ulit siya sa pagkibit-kibit ng phone niya. “Anghirap maging pogi talaga.”
Angkapal ng mukha nito kahit kailan!
“Nga pala Roxie, bakit meron kang same set ng coffee and favorite bread ni ate sa kusina mo?” She looks at me with her confused eyes. “Sabi ni Miss Ingrid. I brought kapeng barako ang Spanish bread and cinnamon.”
Seems na-gets niya na ang ibig kong sabihin. Napangiti siya like reminiscing the past. “Nung active sa social media ang ate mo lagi niyang pini-flex ang favorite coffee and bread niya. Hulaan mo bakit ako nahilig din sa kape.”
Sandali akong nag-isip at isang korni na idea ang sumagi sa isip ko. “Para kunwari you’re both drinking the same coffee while she’s live streaming or something?”
Natawa naman siya. Siguro ganun nga. “Ahuh! Mismo! And parang kaharap ko siya kapag nagkakape ako. Kino-comment ko din noon sa mga post niyang ‘At the moment while drinking coffee’.”
“You’re really head over heels sa ate ko.”
“Noon.” Pagdidiin niya. “Tanggap ko naman nang kay Gael siya. Pero hindi ko na rin matanggal ang kapeng barako at Spanish bread sa sistema ko. Masarap e.”
“Paano ka makaka-move on kung may nagpapaalala sa`yo? Kinaadikan mo pa.”
“Hoy! Sabihin mo `yan sa sarili mo uy. Sino ba yung bumili ng shorts na panregalo pero waistline ng ex ang nasa isip?” She annoyingly said with a smirk. “Roxie ang binilhan mo ng shorts pero waistline ni Yohan ang nasa isip mo? Remember?”
Inirapan ko nga siya. “It was just ang honest mistake. Hindi na mauulit.”
Pumasok na si Miss Ingrid at dumeretso sa pintuan. Hair and make up artists team has arrived. They’re familiar faces to me. They were also surprise to see me.
“I think you already know Kaiya.” Baling sa akin ni Miss Ingrid. “We’ll attend an event tonight. Please make them both stand out. They will represent our company tonight.”
“Po? Can you explain what’s happening?” Confused kong tanong sa kanila. “Birthday lang ang pupuntahan natin mamaya `di ba? Hindi naman business related?”
“Dahil hindi chineck ni Maam ang invitation.” Miss Zynthia put emphasis on that word. “Hindi siya nakapili ng model na magrerepresent sa company since ang birthday celebration ni Mrs. Diamante ay dadaluhan ng iba’t-ibang clothing lines company din. Mrs. Diamante is looking forward to investing kaya isasagawa ang bonggang celebration.”
“Come on, Tita Rid. Say the magic words!” pang-aasar pang sabi ni Roxie. “Don’t be shy. Say it. Say it.” Nilagay pa niya ang kanang kamay niya sa kanyang tainga habang china-chant ito. “Say it. Huwag nang mahiya, Tita. Lahat tayo nagkakamali. Game na. We’re waiting.”
Miss Ingrid took a deep sigh. “Okay. Please save me. It’s my bad and I need you two to represent Persona.”
“May kulang pa, Tita.” Sumisipol-sipol pang dugtong ni Roxie. “Kashing kashing? Ang lagay pa Tita.”
“God! Roxie! P15000. Okay na?”
“Pwede na `yan, Tita. Hahaha! Nice naman ng talent fee. Oh siya ayusan niyo na ako. D`on tayo sa kwarto. Wala naman na kayong gaanong aayusin sa akin kasi inborn ang kapogian ko. See you later guys. Roxie version 2.0 will be back in a while.”
Nakahalukipkip sina Miss Ingrid at Miss Zynthia habang pinagmamasdan si Roxie na papasok sa kabilang kwarto. “Minsan iniisip ko kung kadugo ko talaga siya.” Mahinang sabi ni Miss Rid.
“Mayabang e. Kadugo mo talaga.” Walang emosyon namang sagot ni Miss Zynthia. “Kaiya sa doon tayo sa isang room naman. Tara na.”